Ang akdang ito na isinulat ni Ricky Lee ay di maikakalilang obra
maestra. Mula pa lamang sa pamagat nito at tag-line na O kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin ay mapapaisip ka na kung ano ba ng kwento sa loob nito. Maging ang pabalat sa likod na nagsasabing Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Kasama ka ba sa quota ay waring naghihikayat ng husto sa mambabasa para basahin ang nilalaman nito. Mula pa lamang sa pamagat ay malalaman na ang nobelang ito ay umiikot sa tema ng pag-ibig. Ibat ibang kwento ng pag-ibig na umiikot sa mga pangunahing tauhan na sina Irene, Sandra, Erica, Ester at Bessie ay mahusay na naikwento ni Lee. Ang kwento ni Irene nakalimutang
pag-ibig,
ang
kwento
ni
Sandra
at
tungkol sa ang
maling
pagmamahalan, Si Erica na kailangang matutunan ang umibig, si Ester sa
isang lihim na pagtitinginan at ang kwento ni Bessie sa malupit at mapaglarong pagmamahal. Kabilang din sa nagbigay kulay sa bawat istorya ay ang ibat ibang tauhan lalo na ang kay Lucas na unti-unting makikila at aangat habang papatapos na ang akda. Masasabi kong bukod sa
mga
pangunahing
tauhan,
ang
kwento
ni
Lucas
ang
may
pinakamalaking ambag sa pagkakabuo ng nobela.
Napakapayak at deretso ng pagkakalahad ng istorya. Ang teknik na ginamit ni Lee sa pagsusulat ay makabago, good bye norm at hindi naaayon sa tradition ayon kay Jose Lacaba. At katulad kay Bb. Joyce Bernal, Nakalimutan kong isang nobela ang aking binabasa. Sa pagpili ng mga salita, kasama na ang salitang balbal o kalye, ay madaling maintidihan ang nobela at hindi mahirap basahin. Para sa akin, makatotohanan ang bawat tauhan at ang development ng mga ito habang nagpapatuloy ang istorya. Detalyadong naibabahagi ang mga magiging papel ng bawat tauhan kung kaya naman hindi nagiging mahirap buhayin at laruin sa isip ang kanilang mga itsura at ginagawa. Ibat ibang tauhan man sa bawat kabanata, sa huli ay mahusay
itong napagkabit-kabit. Ang aking pinakanagustuhan sa akdang ito,
pagdating sa mga tauhan ay kung paano ito binigyan ng karakter, nang pagkatao at maiisip mo na nangyayari nga ito sa totoong buhay. Gayundin din nang pagbanggit mismo ng kwento ni Lucas na siyang sumusulat sa bawat istorya. Maging kung paano niya hinarap ang kanyang mga tauhan at ang kanyang sariling kwentong pag-ibig. Babalikan ang tema, walang labis at walang kulang na naibigay ni Lee ang nais niyang iparating. Natalakay niya ang ibat ibang paksa ng pag-ibig sa bawat kwento na may sapat na detalye na tiyak ay papatok at mag-iiwan ng marka sa bawat mambabasa. Maliwanag na nabigyan ng hustisya ang bawat pangyayari. May ilang bahagi lamang na para sa akin ay napapahaba na ang kwento at maaring di na ibilang sa istorya. May mga ilang pangyayari ng istorya at masusundan pa rin ng maayos ang bawat tagpo. Sa pagpili din ng paksa, maaring sabihin na argumentative ito sapagkat nakabase ito sa kung ano ang pananaw ng mambasa ayon sa kanyang pagkatao at karanasan. Kagaya ng katanungan kung may quota nga ba ang pa