Lamig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

0

Lamig: Isang Diskurso


Jiara Laine T. Montao

4 December 2015

I.

Introduksyon

Ang wika mo ay ang sumasalamin sa iyong pagkatao ika nga ng iba. Ito ang
sumasalamin sa natatanging katangian at sumisilbolo sa kultura at lahi na umiiral sa isang
bansa o di naman kaya ay lugar kung kayat napakahalaga sapagkat ito ay nagbibigay ng
ating pagkakakilanlan. Mula sa pitong libong isang daan at pitong isla na mula sa Luzon,
Visayas at Mindanao, mga karatig bansa sa Asya Pasipiko o maging mula sa mga malalayong
bansa kagaya ng estados unidos kahit magkaisa man lamang ang inilalarawan, iba naman ang
mga lipon ng tunod na nagiging tanda nito dulot nga ng ating pagkakaiba. Naiiba din ang
mga salita di lamang sa tunog ngunit naiiba din an gating interpretasyon nito ayon sa
paggamit nito at sa konteksto.
Una ngang nabanggit na ang Pilipinas ay binubuo ng napakaraming mga isla, dahil
dito at sa labis na pagkalayo ng mga pulong ito sa isat isa ay nagkaroon din ng ibat ibang
pang wika ang Pilipinas. Walo sa mga ito ay tinatawag na pangunahing wika at ang mga hindi
naman nabilang ay bahagi ng mga menor na wika. Ang Pilipinas dahil din ineteraksyon sa
mga karatig bayan nito at sa kanyang pagiging kolonya noon ay naturuan mag salita ng mga
wika kagaya ng Ingles, Espanyol at Nihongo. Nagkaroon din ng pag-intergrate ng mga
dayuhang salita sa ating wika.
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang maipakita ang kahalagahan ng mga salita,
parikular ang salitang lamig. Ang salitang ito ay isinalin sa mga pangunahin at menor na
wikang Filipino, Asya Pasipiko, Nihonggo, Espanyol at Ingles upang masuring mabuti ang
konsepto ng salitang ito gamit ng paghambing ng mga ibat ibang salin nito. Ang mga salin
na ito ay hindi lamang nagmula sa isang panahon ngunit sa ibat iba din para makita natin ang
ebolusyon ng paggamit ng salitang ito batay sa lugar at pag-iba ng panahon.
Bukod dito, layunin din ng pananaliksik ang magpakita ng isang modelong konseptual
gamit sa paghahambing ng salitang lamig at gamitin ito sa pagbasa ng ilang sangay ng
panitikan tulad ng tula, maikling kwento at dula.

II.

Pananaliksik
Ang pagkakahiwalay ng mga tao sa ibat ibang mga isla ay nag sanhi ng pag yabong

ng ibat ibang mga kultura. Kasama na doon ang wika. Dahil sa ibat ibang pananalita ng mga
tao ang isang salita ay nagkakaroon ibat ibang mga kahulugan sa bawat parte ng Mundo at
isa na dito ay ang salitang lamig.
Sa Vocabulario de la lengua tagala, ang lamig ay Frialdad de comida o bebida1 na ang
ibig sabihin ay malamig na pagkain o tubig. Ito rin ay el que quedo frio, o se le fue el calor2
na ang ibig sabihin ay nanatiling malamig, o ang natanggalan ng init kapang nadagdagan na
unlaping na ang hulaping an. Kapag nadagdagan naman ng unlaping mag nagiging
palamigin ang isang bagay3 ang ibig sabihin nito. At kung dagdagan naming nga unlaping
paka o paca depinisyon nito ay serener o enfriar alguna cosa poniendola al fresco4 na
kung sa tagalog ay humupa o lamamig ang anumang bagay sa pagpapahangin dito.
Sa UP Diksunaryong Filipino naman ang lamig ay isang pangngalang na ang ibig
sabihin sa ay temperaturang higit na mababa sa katamtaman o sa pamantayang init na
nadarama ng tao5. Ito rin ayon sa pangalawang entry ay kawalang sigla ng damdamin at
kalooban6.

1 Vocabulario de la Lengua Tagala, s. v., lamig.


2 Ibid.
3 Ibid.
4 Ibid.
5 UP diksyonaryong Filipino, s.v., lamig.
6 Ibid.

Sa Diksyunaryo tesauro Pilipino-Ingles ang ibig sabihin nito ay coldness, iciness7. Ito
rin ay may kasingkahulugan na ginaw8. Ang depinisyon nito dito ay hindi malayo sa
depinisyon sa Vocabulario de la lengua tagala. Ngunit, pansinin na ang ibig sabihin ng lamig
sa unang dalawang diksunaryo ay medyo hindi malinaw sapagkat ang ibig sabihin nito ay ang
kanyang salita rin ngunit sa ibang wika ngunit sa UP Diksunaryong Filipino may
siyentipikong depinisyon na ito.

A. Wikang Pilipino (Segment 1 at 2)


Sa Luzon, ang mga wikang naituring pangunahing wika ay ang Bicolano,
Kapampangan, Ilocano, Tagalog at Pangasinense. Sa wikang Bicolano ang lamig ay lipot
na may entry na frio, frialdad.9 Sa wikang Kapampangan naman ang lamig ay dimla10 na
ang ibig sabihin ay fri, frialdad.11 Sa Ilocano ang lamig ay lamiis12 at ang entry nito ay
Fri, frialdad din. Sa Pangasinense naman ang lamig ay buetel13 na kagaya nga mga nauna
ang entry nito ay frio o frialdad. Ayon sa makabagong Vocabulario de la lengua Tagala ang
frio, frialdad ay cold, coldness. Ngunit ang Beutel ay may isa pang entry: Un pescado, que
tiene muchas espinas14 na kung sa Ingles ay isang isda na may maraming mga tinik.

7 Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles, s.v., lamig.


8 Ibid.
9 Vocabulario de la lengua Bicol, s.v., lipot.
10 Vocabulario de la lengua Pampanga, s.v., dimla.
11 Ibid.
12 Vocabulario de la lengua Ilocana, s.v., lamiis.
13 Vocabulario de la lengua Pangasinan, s.v., buetel.

Sa may dakong Visayas naman, ang mga pangunahing mga wika ay Bisaya/Cebuano,
Hiligaynon at Waray. Sa Bisaya/Cebuano ang lamig ay malamig, mahagnao at
malindung15 na may kasingkahulugan na freico16 at may mga kasingkahulugan itong Sa
Hiligaynong naman ang lamig ay tugnao17 at may kasingkahulugan itong ramig at
tagnup18. Kasabay sa mga entry nito ay ang kanyang espanyol na kahulugan na frio na kung
direktang i-salin sa Hiligaynon ay matugnao19. Sa Waray ayon sa Diccionario espaol-bisaya
para las provincias de Smar y Leyte ang Lamig na mula sa nga sa Vocabulario de la lengua
ay frio, frialdad maraming entry ito sa diksyonaryong ito: (a) Hagnao-hacer frio, enfriar20 na
kung sa filipino ay malamig o lumamig. (b) Hagcot frio, tener frio, enfriar21 na kung sa
filipino ay lamig, malamig, lumamig. (c) Pinit- cosa fria, hacer frio22 na kung sa filipino ay
lamig na bagay, malamig.
Pansinin natin na ang lahat ng mga kahulagan na ito ay magkakahawig sa kanilang
salin: frio o frialdad. Ang mga salin ng mga salita na makikita natin ay kumukonsepto pa
lamang sa nararamdamang lamig.
14 Ibid.
15 Ibid.
16 Vocabulario de la lengua Bisaya, s.v., lamig.
17 Diccionario Lengua Bisaya Hiligueina Y Harya, s.v., tugnao.
18 Ibid.
19 Ibid.
20 Diccionario espaol-bisaya para las provincias de Smar y Leyte, s.v., hagnao.
21 Diccionario espaol-bisaya para las provincias de Smar y Leyte, s.v., hagcot.
22 Diccionario espaol-bisaya para las provincias de Smar y Leyte, s.v., pinit.

Maliban sa mga wikang ito ay meron ding mga wika na hindi gaano kalaki ang sakop
na mga tao nagsasalita nito kumpara sa mga pangunahing wika. Tinatawag ang mga ito na
mga menor na mga wika. Lima sa mga ito ay ang Aklanon, Chavacano, Kinaray-a,
Maranaoan at Tausug.
Sa dakong Luzon nagmula ang menor na wika na Maranaoan. Ito ang wika ng mga
maranao sa mga probinsya ng Lanao del Norte at Lanao del Sur. Sa A Maranao Dictionary
makikita natin na ang lamig gamit ang Ingles na kahulugan nito ay matenggao23 at ang
direktang salik nito sa diksyonaryo ay cold, chilly, at cool24.
Sa dakong Visayas, sa pulo ng Panay nagmula ang mga wikang Aklanon at Kinaray-a.
Ang Aklanon ay ang wika ng mga taong naninirahan sa Aklan habang ang Kinaray-a naman
ay ang wika ng mga taong nasa Antique ngunit ito rin ang wika ng ilang mga parte ng Iloilo
kagaya ng Maasin, Miag-ao at Sta. Barbara. Sa An English-Kinaray-a Dictionary ang lamig
ay ramig25 at ang entry nito sa diksyunaryo ay cold26. Ang ramig ay ang pangngalan at
pang-uring27 anyo ng lamig sa wikang ito. Ang lamig naman sa Aklanon ayon sa An EnglishAklanon Dictionary ay lamig pa rin at salin nito sa Ingles nito ay cold. Ngunit di kagaya ng
Kinaray-a ang pangngalan at pang-uri nito ay magkakaiba. Ang pang-uri na anyo ay
malamig at ang pangngalang anyo naman ay lamig28.

23 A Maranao Dictionary, s.v., matenggao.


24 Ibid.
25 A Kinaray-a Dictionary, s.v., ramig.
26 Ibid.
27 Ibid.
28 Ibid.

Sa may Mindanao naman nanggaling ang mga menor na wika na Chavacano at


Tausug. Ang Chavacano ay tinatawag din na Creole Spanish sapagkat malapit ito sa wikang
Espanyol. Ang Chavacano ay ginagamit sa mga lugar kagaya ng Zamboanga at sa ibang dako
ng Mindanao. Sa A Composite Dictionary of Philippine Creole Spanish ang lamig ay
priyo29 at may entry itong cold, cool at iced30. Pansinin na ang priyo ay magkahawig sa
Espanyol na depinisyon ng lamig na frio31 at ang dahilan nga nito ay dahil nga ang
Chavacano ay magkahawig sa Espanyol. Ang Tausug ay ginagamit sa rehiyon ng Mindanao
kagaya ng Zamboanga at Basilan. Sa Tausug-English Dictionary: Kabtangan Iban Maana ang
mga entry ng lamig ay haggut32 na coldness sa Ingles at to become cold33 kapag dagdagan
dagdagan ng unlaping ma-. Ngunit ang haggut ay hindi lamang lamig sa diksyonaryo, ito
rin ay not excited, calm at composed, effective at lucky kapag ginagamit na pang-uri sa isang
doctor o manggagamot, at a type of wood sold as medicine in the market, medicinal herb.34
Hindi kagaya ng mga pangunahing wika, makikita natin sa mga saling sa menor na
wika ang bagong konsepto ng lamignakakalma ang pakiramdam ng isang tao mula sa mga
problemang umaabala rito. Partikular nating ito nakikita ang konsepto nito sa depinisyon ng
haggut kung saan tinatawag na haggut/lamig ang isang gamot. Tandaan na ang isang gamot
ay nakakatulong magpagaling ng isang sakit kung kayat masasabi na ang lamig ay ang nagpa-pacify ng sakit na umaabala sa katawan.
29 A Composite Dictionary of Philippine Creole Spanish, s.v., priyo.
30 Ibid.
31 Vocabulario de la Lengua Tagala, s.v., lamig.
32 Tausug-English Dictionary: Kabtangan Iban Maana, s.v., haggut.
33 Ibid.
34 Ibid.

B. Wikang Asya Pasipiko


Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa na nasa timog silangan ng Asia na malapit sa
karagatang pasipiko. Ang Indonesia at Malaysia ay mga bansang na nasa timog silangan at ito
ay tinuturing na mga karatig bansa ng Pilipinas. Ang Hawaii naman ay isang estado ng
Estado Unidos na nasa Karagatang Pasipiko. Habang ang Sanskrit naman ay ang ginamit
noon at ginagamit pa rin sa mga lugar kagaya ng India na malakas ang impluwensya ng
Hinduism.
Magsisimula ako sa Indonesia. Behasa Indonesia o Indonesian ang kanilang
pangunahing wika. Sa diksyonaryo nito ang lamig sa unang salin ay dingin at ito ay
binibigkas gaya nito /din/ o /dien/35. Isang halimbawa nang isang pangungusap na
gumagamit ng salitang ito ay berdiri dlm hawa dingin36 o kung sa Ingles ay to stand in the
cold37. Sa pangalawang entry, ang lamig ay pilek, selesma at masuk angina38 at
magagamit ito sa pangungusap na masuk angin, demam batuk, pilek39 o kung sa Ingles
ay Youll catch your death of cold40. Sa wikang ito ay may maraming pariralang gumagamit
ng lamig at ibat iba ang mga salita na sumasakatawan nito. Halimbawa, ang to have a cold
feet ay berasu takut at ang cold-blooded naman ay kejam.41 At sa Vocabulario de la

35 An English-Indonesian Dictionary, s. v., cold.


36 Ibid.
37 Ibid.
38 Ibid.
39 Ibid.
40 Ibid.
41 Ibid.

lengua tagala ang dingin ay catmon42 na isang kahoy na endemic sa Pilipinas. Ito ay
nabubuhay sa mga mababa at katamtamang taas na lugar. Hindi ito nabubuhay sa mga
malalamig na klima.43
Makikita natin na ang Dingin ng Indonesian at ang Dingin ng Pilipinas ay may
ironiya. Habang dingin sa Indonesia ay lamig ang dingin natin dito ay di maaring mabubuhay
sa lamig. Pag gagamitin natin ang depinisyon na binigay ng UP Diksyunaryong Filipino na
ang lamig ay kawalan ng gana44 ay pwede natin ipalagay na ang katmon ay parang
pakiramdam na namamatay sa lamig.
Sa Malaysia naman, Behasa Melayu o Malaysian, ang kanilang pangunahing wika.
Ang lamig sa kanilang wika ay sejok45 na ang ibig sabihin ay di lamang literal na lamig o
cold, ito rin ay shivery, stale(of news, rice kept overnight); good(of rule); joyless(of games
and feasts); cooling(of anger, to the stomach); To cool, pacify naman sa sejokhan. Dito
makikita natin na di lamang lamig sa pamamagitan ng temperature ang ibig sabihin ng
salitang ito sa Malay ngunit inilalarawan din niya ang mapanglaw na kalagayan ng isang
fiesta o kasiyahan; pinapakita niya na ang lamig ay tulad din nang paglamig nang uloang
pagkawala ng galit.
Sa pulo naman ng Hawaii, ang salitang lamig sa kanila sa anyo ng isang pangngalan
ay he anu, haukeke, huihui46 at kung sa anyo naman ng isang pandiwa ito naman ay
42 Vocabulario de la Lengua Tagala, s. v., dingin.
43 World Conservation Monitoring Centre, "Dillenia philippinensis", IUCN Red List of

Threatened Species Version 2012.2,International Union for Conservation of Nature, 2013.


44 UP diksyonaryong Filipino, s.v., lamig.
45 A practical Modern Malay-English Dictionary, s.v., sejok.
46 An English-Hawaiian Dictionary, s.v., cold.

naau puanuanu.47 Ito rin ay anuanu o huihui at ito ay literal na kahulugan ng lamig na
pagbaba ng temperatura. Isang halibawa ng isang pangungusap na gumagamit nito ay He la
anuanu na ibig sabihin ay A cold day. Ito rin ay may pangalawang depinisyon na Nanau na
ang ibig sabihin ay distant.48 Kung i-uugnay natin ito sa depinisyon ng UP Diksyunaryong
Filipino na ang pagkawala ng gana49 masasabi natin na ang isang tao na cold o lamig ay
parang cold-hearted. Hindi siya nagpapakita ng mga nararamdaman niya at walang siyang
ganang makisama sa mga tao kaya siya ay distant.
Ang Sanskrit ay sinasabing ina ng karamihan sa mga wika na ginagamit ngayon. At
dahil dito tiyak naman na ito ay may salita para sa lamig. Ayon sa diksyonaryo, ito ay sitala
o sitali50 at ang ibig sabihin nito sa Ingles ay to cool, make cold, to become cold51. Ngunit,
marami pang mga salita ang masasabi natin ang may kasingkahulugan sa lamig kagaya ng
sitiman na ang ibig sabihin ay coldness52 o sitika na gayun din ang kahulugan; sitya, to
be cooled or chilled53; at sita o siti, act of cooling o means of cooling.54 Ang mga
kasingkahulugan nito ay nag-iiba din kapag nadadagdagan nga mga hulapi: karana, act of

47 Ibid.
48 Ibid.
49 UP Diksyunaryon Filipno, s. v., lamig.
50 The Students English-Sanskrit Dictionary, s.v., sitali
51 Ibid
52 The Students English-Sanskrit Dictionary, s.v., sitiman
53 The Students English-Sanskrit Dictionary, s.v., sitya
54 The Students English-Sanskrit Dictionary, s.v., siti

10

cooling, means of cooling; karoti, to make cold, cool; bhava, the becoming of cool;
bhuta, become cold, tranquillized at emancipated.55
Pansinin na halos lahat ng depinisyon mula sa mga wikang Asya Pasipiko na naibigay
ay nagsasabi na ang lamig ay hindi laman temperatura ngunit isa ring estado ng pakiramdam
din kagaya ng mga depinisyon mula sa naunang mga salin. Nagkakaroon na ng konsepto ang
lamig kung saan nagiging tanda ito ng pagiging malayo sa tao. Sa pangalawang konseptong
aking nabanggit nakita na parang mabuti ang pagiging kalma sapagkat nakakapag pacify
ito ng mga abala ngunit dito naman nakikita ang labis na kalma o lamig ay hindi naman
mabuti. Sapagkat ang konsepto na makikita dito ay pagkakalma ng damdamin hanggang sa
wala ka nang mga emosyon nararamdaman o naipapakita.
C. Wikang Kolonyal
Ang Pilipinas ay nasakop ng tatlong ibat ibang mga bansa: Espanya, Estado Unidos
at Japan mula sa panahon ng 1521 hanggang sa taong 1946. Sa pagkahabang panahon nito ay
may impluwensya din ang mga bansang ito sa ating mga wika. Ngunit, bago nagkaroon ng
malaking impluwensya ang mga bansang ito ay kailangan muna nilang maintindihan ang
wika ng kanilang sinakop kung kayat ang mga bansang ito ang nakagawa ng mg
diksyunaryo upang maintindihan nila tayo at matuto tayong magsalita ng kanilang wika. At
hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin ang mga wika ng mga bansang ito.
Pinaka-unang bansa na sumakop sa Pilipinas ay ang Espanya noong 1521. Subalit
dahil maraming panahon na ang lumipas ay medyo nag iba na ang mga salita. Sa
Kontemporaryong Diksyunaryo ng Espanyol, ang lamig ay frio.56 Ngunit, ang frio ay
may sari-saring klase batay sa kanyang paggamit. Halimbawa, kapag ang gamit mo ng lamig
ay ang paglarawan ng isang tao ito ay nagiging tener frio, pag sa isang bagay ester frio at
55 Ibid.
56 Collins Spanish-English English-Spanish, s. v., cold.

11

kung sa panahon naman ito ay hacer frio. Sa pangalawang entry naman ang lamig ay frio
pa rin ngunit ang depinisyon nito ay to catch o tomar frio, to leave someone out o dejar a
uno al margen.57
Ang pangalawang bansa naman na sumakop sa Pilipinas ay ang America. Ang lamig
naman sa kanilang lengguahe ay Cold or coldness (as of weather); Cool, coolness; Lack of
enthusiasm, indifference; Leftover cooked rice58. Dito makikita na kagaya ng Espanyol ay
maraming gamit ang lamig. Ngunit di kagaya ng sa Espanyol kung saan may iba ibang anyo
ang frio sa Igles ang cold ay cold pa rin kahit na iba-iba ang kanyang pag-gamit.
Ang huling bansang nakasakop sa Pilipinas ang Japan at ang lamig naman sa kanilang
wikang it ay tsumetai na ang ibig sabihin ay cold o cool.59 Ngunit, ang salitang tsumetai
ay nagagamit lamang sa konteksto ng mga bagay, kaya pag nararamdaman mo na malamig
ang isang bagay ito ay tsumetai. Sa konteksto naman ng panahon ang lamig naman ay samui60
kagaya ng malamig na hangin. At kung ikaw naman ay nalalamigan ang lamig ay suzushii.
Pansinin na ang mga depinisyon ng lamig ng tatlong diksyunaryong na ito ay marami.
Ang Espanyol at Nihongo ay may ibat ibang anyo at ibat ibang depinisyon habang ang
Ingles naman ay may ibat ibang depinisyon ngunit isang pangunahing anyo: cold. Makikita
natin dito ang tatlong konseptong nabanggit pero ang umiiral na konsepto ay ang pangatlo.
Nakakakita din tayo ng bagong konsepto ng salita sa mga bagong salin. Kung sa mga
naunang konsepto ginagamit ito upang maglarawan ng isang tao o sa nararamdaman dito
naman nailalarawan ang pagiging lamig sa isang tao. Naglalagay ng distansya ay isang grupo

57 Ibid.
58 Pilipino-English Dictionary, s.v., cold.
59 Basic Japanese English Dictionary, s.v., tsumetai.
60 Basic Japanese English Dictionary, s.v., samui.

12

nang tao sa isa ring grupo ng tao o tao lamang. Natatanaw ito sa mga depinisyon na leftover
rice at to leave someone out.

III.

Modelong Konseptual

1: Pagbaba ng
Temperatura
Kawalan ng Init o
Pakiramdam
"Lamig"

2: Pagkakalma
3: Pagiging
"unfeeling"
4: Pagiging lamig
sa ibang tao

Kamatayan

Pag-aapi

13

Batay sa mga depinisyon na naisaliksik, may apat na pangunahing konsepto ang lamig na
isinasakonsepto ang pagkawala, partikular sa init. Ang init ayon sa tatlong pangunahing mga
diksiyonaryo ay temperature, nakadadarang o tumatalab na tama ng apoy 61, entusyasmo,
sigla, galit at warmth.62 Sa gayon ay masasabi natin na ang mga pangunahing konseptong
ating natamo ay nagkaroon nga pagkawala ng hindi lamang ang literal na init kundi pati na
rin ang mga pakiramdam tulad ng sigla, at galit.
Pansinin natin na may mga numerong nakalagay sa gilid ng bawat konsepto sa dayagram
sa taas. Batay sa pagsusuri ng mga kahulugan at gamit ng salitang lamig kakikitaan ng
koneksyon sa panahon ang relasyon ng mga kahulugan ng salita. Makakakita tayo ng isang
ebolusyon ng sini-signify ng salitang lamig batay sa panahon. Sa mga pinakamatandan
diksyunaryong aking nagamit ang depinisyon ng lamig ay halos, kung hindi lahat, pagbaba
ng temperature o ang nararamdamang sensation sa katawan kapag may pagbaba sa
temperatura. Ngunit, habang bumabata ang diksyunaryong ginagamit ay may maraming mga
konseptong na ipakilala. Napakilala ang lamig bilang konsepto ng pagkakalma, malayo sa
tao, kawalan ng sigla, etc. Kung babalikan natin ang saliksik makikita na sa bawat seksyon
nito ay napapatibay niya ang depinisyon ng mga naunang diksyunaryo at nadadagdagan nito
ng mga bagong depinisyon na nagpapakilala ng mga bagong konsepto. Pinapakita nito ang
ebolusyon hindi lamang ng konsepto kundi ang paggamit din ng mga tao sa salitang ito
sapagkat kasabay nang paglabas ng mga bagong depinisyon ay ang mga bagong idyoma
kagaya ng cold-hearted, malamig na ulo at tabang lamig.
Bukod sa panahon, ang kultura ng bansa at lugar ay meron ding impluwensya sa
pagkakaroon ng kakaibang o karaniwang depenisyon ng salita. Pinatunayan ng pananaliksik
na ang lokasyon ng lugar ng mga taong gumagamit ng salita ay may kaugnayan sa
61 UP Diksyunaryon Filipno, s. v., lamig.
62 Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles, s. v., lamig.

14

pagkakaiba at pagkakapareho ng mga kahulugan. Gayun din naman ang mga dayuhang
sumakop sa Pilipinas, sila din ay may papel na ginampanan sa paghubog ng mga kahulugan
at gamit ng salita.
Ang mga salin sa mga diksyunaryo mula sa mga menor at pangunahing ay may
kaparehas na mga kahulugan: lamig o cold maliban na lamang sa salin sa Pangasinense na
may isa pang kahulugan: isang isda na may maraming tinik63 at sa Tausug na may marami
pa: not excited, calm and composed, effective, lucky (doctor) at a type of wood used as a
medicine. Ang pagkakapareho ng mga depinisyon ng mga salitang ito ay bunga ng panahon
at ng pagkakalapit ng ilang mga lokasyon. Halimbawa, ang Hiligaynon, Kinaray-a, Aklanon,
Waray at Bisaya ay mga wika na ginagamit sa Visayas at ang mga salin ng lamig sa mga
wikang ito ay malapit: matugnao, mahagnao, malamig, lamig, at ramig. Ang
pagkakaiba naman ng ibang depinisyon ay dulot ng katangi-tanging kultura ng mga lugar na
ito. Pansinin din natin na ang salin ng salitang lamig sa Chavacano ay priyo na malapit sa
espanyol na lamig: frio. Malinaw na makikita natin ang impluwensya ng kolonyalization
ng Espanyol. Makakita din tayo ng pagkakaiba sa salin mula sa Vocabulario de la lengua
tagala at sa Collins Spanish-English English-Spanish Dictionary. Ang dalawang
diksyunaryong na ito ay nasa wika ng espanyol at malinaw na malinaw ang ebolusyon ng
kahulugan ng salita sapagkat sa Vocabulario de la lengua Tagala ang kahulugan ay frio,
frialdad64 ngunit sa Collins Spanish-English English-Spanish Dictionary nagkaroon na ng
ibang mga kahulugan: frio, tomar frio at dejar a uno al margen. Mula sa lamig lamang
nagkaroon na ng mga depinisyon na to catch at to leave someone out65.

63 Diccionario Pangasinan-Espaol, s. v., beutel.


64 Vocabulario de la lengua Tagala, s. v., lamig.
65 Collins Spanish-English English-Spanish Dictionary, s.v., cold.

15

May pagkakapareho din tayong makikita sa salin sa Tagalog at Behasa Melayu. Ang mga
wikang ito ay may kahulugan na malamig na pagkain partikular sa kanin. Mula dito makikita
natin kung anong tipong kultura ang meron ang isang lugar sapagkat sinasalamin ng wika ang
identidad nito. Makikita natin na ang mga tao sa bansang ito ay pinahahalagahan ang kanin o
kaya naman ay tinuturing na staple food.
Balikan uli natin ang apat ng mga konsepto at isa-isahin ito. Ang pinakaunang konsepto
ay ang pagbaba ng temperatura or ang pagkawala ng temperature. Ito ang nararamdan ng
isang tao sa pisikal na aspeto. Ito din ang nararamdaman sensasyon ng ating katawan kapag
maynahawakan tayong gamit na malamig. Ito rin ang ginagamit upang ilarawan ang isang
klima o panahon.
Ang mga depinisyon na ito pag dalhin natin sa mas mataas na lebel ng pag unawa ay
makakapagpakilala ng mga bagong konsepto ng salita. Ayon nga sa mga pangunahing
diksyunaryo ang init nga ay ang sigla kung kayat masasabi natin na ang lamig ay ang
pagkawala ng galit at poot. Kung kayat masasabi natin na ang lamig ay ang pagkakalma ng
tao or pagka-tranquillized66 ng tao mula sa mga malakas na emosyon katulad nito. Pansinin
din natin na ang init ay naglalarawan ng mga masidhing mga emosyon at kung ang
pagkawala nito ay ang pagkakalma anu naman kaya kung labis ang pagkawala nito. Ito ang
pangatlong konsepto ng salita. Ang labis na pagkawala ng mga emosyon ng mga pakiramdam
ay nakakadulot ng isang taong unfeeling o di naman kayay cold-hearted. Kung iuugnay natin
ito sa mangyayari sa katmon sa lamig ang taong naging labis na malamig at sa isa pang
depinisyon ng lamig na distant67 ay parang masasabi na magiging isang buhay na patay ang
tao sapagkat wala na itong nararamdaman at wala na rin may pinaparamdam. Sa pisikal na
aspeto buhay siya ngunit kung sa emosyonal at sosyal na aspeto naman patay na siya.
66 The Students English-Sanskrit Dictionary, s.v., siti
67 An English-Hawaiian Dictionary, s.v., cold.

16

Makakakita tayo ng isang balintunaan dito sapagkat dito ang labis na malamig na tao ay
parang buhay na patay at ang totoong patay naman ay malamig. Kung i-uugnay natin ito sa
konsepto ng lamig bilang pagkawala ng init masasabi na ang malamig ang patay na tao
sapagkat nawalan na siya ng lahat ng pakiramdam. Sa kabuuan, masasabi natin na ang ibat
ibang lebel ng kalamigan ay nagiging tanda ng ibat ibang lebel ng kamatayan sa konsteksto
ng kalagayan nang isang tao.
Ang lamig naman ay pwede rin nating gamitin sa paglarawan ng isang aksyon.
Balikan natin ang depinisyon ng init na warmth. Ang warmth ayon sa Collins English
Dictionaryay sensation of being warm, friendliness or affection. 68 Kung ilagay natin ito sa
konsepto ng lamig bilang kawalan ng pakiramdam o init, masasabi natin na ang isang
malamig na aksyon o ang malamig na pagtrato ay isang aksyon na walang kabaitan o
apeksyon patungo sa tagatanggap. Sa ganitong konteksto masasabi natin na ang lamig na
binibigay ng isang tao ay nakakaapekto din sa taong nabibigyan nito. Kung gayon
nagkakaroon din ng malamig na pananaw ang itong taong ito sa bumigay sa kanya ng
malamig na trato at sa kanyang sarili. Maaring isipan ng tagatanggap na Bakit kaya niya
akong tinatrato ng ganyan? Kung ilalagay natin ito sa konteksto ng bullying ay malinaw ito.
Nagkakaroon ng isang malamig na pagtrato ang mga mapang-api sa kanyang biktima. Ang
mga taong takot namang masama sa gulo ay lumalayo din sa biktima at pinapabayaan na
mangyari ang bullying na ito. Ang biktimang ito ay nagkakaroon din nang malamig na
pagtrato sa nag-aapi sa kanya. Nag-didistansya siya sa mga ito upang hindi siya mabiktima at
makatikim ng pag-aapi. Nawawalan na din siyang ganang mabuhay sa mga malalalang
sitwasyon at nagiging buhay na patay. Kung i-uugnay din natin ito sa mga suicide maari
nating masabi na nagpapakamatay ang mga taong nabibiktima upang mawala na ang lahat ng
sakit na kanyang mararamdaman at para siya ay ma emancipate mula sa lahat ng pananakit sa
68 Collins English Dictionary, s.v., warmth.

17

kanya. Sa kabuuan, masasabi natin na isinasakonsepto din ng lamig ang pagkalaya mula sa
mga pasakit.

IV.

Matalik na Pagbasa

Ang mga kahulugan, gamit at konseptong natalakay sa mga naunang seksyon ay


maaaring makita sa ibat ibang sangay ng panitikan. Sa bahaging ito ng papel ay susubukang
iugnay ang salitang lamig sa dalawang tula, isang maikling kuwento at isang dula.
A. Tula: Kundangan ni Rolando Tinio
Isinasalaysay ng tulang ito ang isang pangyayari sa pagitan ng person at ng
kanyang kalaguyo. Tinatalakay din ng tula ang kanyang mga panghihinayang.
Sinasabi ng persona na Parang nangangarap nga mga kung sana. Ito ay dahil bago
pa man nilang tunay na makilala ang isat isa ay nagkaroon ng isang pangyayari na
nagdulot ng kanilang hiwalayan: Naipit tayo sa sikip na biglang sumukol sa atin.
May balintunaan ang linyang ito sapagkat kung naipit ka sa sikip ay dapat ay
magkakalapit kayo ngunit ang pagkakalapit na ito pa ang nagdulot ng kanilang
pagkakalayo sa isat isa.
Sa tulang ito, parang pinapakita ng persona na yung taong ito ay yung
tinatawag nating The one that got away sapagkat maraming panghihinayang ang
persona. Nasasabi pa nga niya na bahagi ng kalooban niyang naghahanap sa ex niyang
ito: May bahagi ng kalooban kung dumurukwang, Umaabot sa wala roong kamay.
Kung i-uugnay natin ito sa kahulugan ng lamig ay masasabi natin na
nagkaroon nang paglamig sa pagitan ng persona at ng kanyang katipan. Nagkaroon ng
pagkawala ng katipan ang isat isa: At kinabukasan, dahil sa hapong di-malilimutan,
Nagkalayo tayo nang tuluyan. Ang linyang ito ay nagpapahiwatig nitong kawalan
nila at ang kawalan ng warmth. Tandaan natin na ang warmth ay affection ayon sa

18

Collins English Dictionary. Ayon naman sa RandomHouse Kernerman Websters


College Dictionary ito rin ay the quality of being intimate and attached69. Pag-iuugnay natin ito sa nangyari sa magkasintahan na ito makikita natin na nagkaroon ng
pagkawala ng attachment na ito sa isat isa. Nagkaroon ng pagkawala ng
pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa. Kasabay ng pagkalamig ng kanilang
relasyon ay nagkaroon din ng paglamig sa kanilang pagtrato sa isat isa. Mula sa
kanilang pagiging attached ay nagkaroon ng pagkawala ng kanilang pagiging
initimate, nagkalayo sila sa isat isa: Hindi na maaaring maging magkaibigan. Ang
pagkalayo na ito ay hindi lamang sa literal na aspeto kundi pati na rin sa emosyonal
sapagkat nagkalayo na rin pati ang kanilang mga puso: Umaabot sa wala roong
kamay at kahit subukan pa man nilang ibalik ito ay hindi na ito mangyayari sapagkat
di na sila magkakaroon ng pagkakataon na bumalik sa dating relasyon. Ika nga nila
hindi na bumabangon ang patay maliban na lamang sa mga Zombie o mga multo.
Kung kayat sitwasyong ito masasabi natin na ang kanilang relasyon ay ang namatay
ngunit may mga nanatiling pagmamahal o pagmamahal pa rin ang persona para sa
kanyang katipan at ito. Sa kontekstong ito, itong mga naiwang mga pakiramdam ay
pwede nating ituring parang multo kung saan namamalagi ang ideya ng kung sana at
ng babae sa kanyang utak.
Dito makikita natin ang lamig bilang pagkawala ng isang pakiramdam sa
pagitan ng dalawang katipan (kamatayan ng relasyon) at lamig bilang paglarawan sa
kanilang pagtrato sa isat isa.

69 Kernerman Websters College Dictionary, s.v., cold.

19

B. Tula: Dalit ng Paslit


Ang tula ay sumasalamin sa buhay ng isang babaeng binebenta ang kanyang
katawan. Nag-simula ang tula sa pagbanggit na patay na ang ama ng persona.
Gayunpaman ay iniwan siya ng kanyang ina sa kanyang tiyohin para sa isang drayber
ng traysikel. Dito nawala na ang pagmamahal ng kanyang ina sa kanya sapagkat
binayaan siya sa kanyang tiyohin. Parang pinalitan ng kanyang ina ang kanyang
pamilya para sa drayber na ito. Kung kayat naging malamig ang tingin ng anak sa
ina. Parang wala ng impluwensya ang ina sa anak at parang wala ng importansya ang
ina sa kanya.
Tinatrato din siya na malamig na kanyang tiyohin. Wala itong pakialam kung
anu man ang gusto ng babae. Wala itong pinapakitang pagmamahal na dapat niyang
ibibigay sa kanyang pamangking o di naman ay kamag anak. Dahil sa ganitong
pagtingin at pagturing sa kanyang pamangkin ay hindi nagdalawang isip ang tiyohin
na papasukin ang persona sa prostitusyon.
Ang mga lalaking namang nakipagsama sa higaan niya ay malamig din sa
kanya. Di siya tinuturing na babaeng dapat mahalin. Parang manika siyang ginagamit
para sa kanilang kasiyahan. Sa ganitong konteksto masasabi natin na nawawala ang
sacredness ng pakikipag talik. Dito pinapakita na ang pakikipagtalik ay pwede ding
maging malamig. Balintunaan ito sapagkat kapag nakikipagtalik ka ang
mararamdaman mo ay init dahil sa intensity na nararamdaman mo. Ngunit, dito
pinapakita na numb na ang babae. Numb na sapagkat hindi siya nakakaramdam ng init
o di naman kayay warmth o apeksyon. Sa ganitong konteksto, parang naging patay
siya nabuhay sapagkat di na siya nakakaramdam ng kung ano mang kaligayahan.
Samakatuwid ang kaysa sa kaligayahan o apeksyon ang nararamdaman ng persona ay
cold feet o di naman kayay takot sa kanyang ginagawa.

20

Sa kabuuan masasabi na sinasalamin ng tula na ito ang mga konsepto ng lamig


na pagkalayo, pagiging buhay na patay (numb), at malamig na pagtrato sa kapwa.
C. Maikling Kwento: May Umaga sa Sta. Barbara
Sa unang bahagi pa lamang na kuwento makikita natin na ang pananalakad sa
bayan ng Sta. Barbara ang malamig. Sapagkat ang bayan na ito ay malayo sa ibang
mga bayan. Wala silang ganang makipagsalamuha sa ibang bayan sapagkat kontento
na sila kung anu ang meron sa kanila. Makikita din natin ang bayan ng Sta. Barbara
ang malamig kumpara sa ibang mga bayan sapagkat: Sa mga simpleng mamamayan
ng Sta. Barbara, hindi kailangan ang lumabas sa kanilang nayon, lumakad nang labing
pitong kilometro at sumakay ng bus upang makigulo lamang sa kabihasnang iyon.
Mas kumplikado ang buhay sa kabihasnan kumpara sa kanilang bayan. Mas kalma at
mapayapa ang nayon nila kayat nagiging masaya.
Nakasentro ang maikling kwento na ito kay Doroy, anak ni Aling Sima na siyang
tanging taga-Sta.Barbara na nakapag-aral sa kabilang bayan at napasok bilang
tsuper ng isang mayamang nakatira sa kabilang bayan din. Si Doroy ay nag-asawa sa
isang taga-kabihasnan na si Sinang. Ngunit, dahil sa pag-iba ng kapaligiran ni Sinang
ay naging mapag-ismid siya at ito ay ay naging paghamak, at ang paghamak ay
naging kawalan ng kasiyahan. Itong pagkawala ng kasiyahan ni Sinang ay iniuugnay niya sa kanyag asawa at nagkaroon siya ng pagsisi: Pinagsisisihan ko ang
pag-aasawa ko sa iyo! Kung kayat maya-maya sa kuwento ay binayaan ni Sinang si
Doroy para sa isang lalaki. Sinasalamin ng aksyon na ito ang pagingin lamig ng
relasyon ni Doroy at ni Sinang. Di na kaya ni Sinang ang mapalayo sa kanyang
kinagisnan: ang kabihasnan. Sobrang kalma ng bayan ng Sta. Barbara at ng mga tao
nananinirahan dito kung kayat nagkakaroon siya ng pakiramdam ng pagkasakal sa
bayan. Kailangan niya nang umalis sa bayan at lumaya dito. Ang aksyon ni Sinang na

21

ito ay masasabi nating dulot ng cold feet gusto na niyang umatras sa kanyang
pinasukang kasal kung kayat kailangan niyang umalis sa Sta. Barbara.
Ngunit sa askyon na ito nagkaroon naman ng malaking epekto kay Doroy.
Mula sa mabait na lalaki na tinitingala ng nayon siya ay pinapalayuan na nila siya.
Masasabi natin na ang malamig na aksyon ni Sinang ay nagdulot ng mainit na ulo ni
Doroy. Ngunit, naging malamig din ang ugali ni Doroy sa ilang aspeto. Pumalayo na
siya sa kanyang ina at sa kanyang mga kababayan. Nawala na ang warmth sa kanyang
ugali. Malinaw ito sa kanyang pagturing kay Pilar. Ang isang buntis ay karaniwang
tinatrato ng dahan-dahan para hindi magkaroon ng problema sa panganganak. Ngunit
dito masama ang turing ni Doroy sa kanya at sinabi pa ngang Kargahin lang 'yan.
Ngunit nung nanganak si Pilar ay nagkaroon ng malaking pagbago kay Doroy.
Sa panganganak ni Pilar ay malapit na siyang mamatay. Nakilabutan itong si Doroy at
dali-daling kumuha ng Doktor para tulungan si Pilar. Sa eksenang ito parang na
naramdaman ni Doroy ang lamig na kumakapit kay Pilar at ang lamig na naramdaman
niya kay Sinang ay nagdulot nang panghinahon sa mainit na ulo ni Doroy. At ang
paglamig sa ulo ni Doroy ay nagkaroon ng mainit na epekto sa kanilang bayan at
bumalik uli sa normal ang kanilang pamumuhay.
Dito sinasalamin ng lamig ang pagkadistansya ni Sinang kay Doroy,
Pagkalamig ni Doroy sa kanyang sarili at sa ibang tao, at pagkahinahon ng ulo ni
Doroy.
D. Dula: Sandaang Panaginip
Nakasentro ang kuwento ng dula kay Prinsesa Yasmin na anak ni Haring
Alexander at tanging tagapagmana ng trono ng Kaharian ng Tralala. Sa kwento
nabaon sa utang ang kaharian sa kaharian ng Parachibum bunga ng paglustay sa
kaban ng bayan ng pangalawang asawa ng hari ni si Reyna Leona at ng dalawang
anak nito na sina Prinsesa Leontin at Prinsesa Leontingting.

22

Sa ganitong sitwasyon ay makakakita tayo ng konsepto ng lamig bilang


pagkawala ng warmth sa tao. Ang paglustay ng kaban ng bayan ay isang ng sinyales
ng pagkawalang bahala ng mga pinuno sa kanilang bayan. Ang aksyon na ito ngay
maituturing isang malamig na aksyon sapagkat idinulot din ng aksyon na ito ang
pagkawala ng tiwala at pagmamahal ng mga mamamayanan sa trono at nagkaroon ng
pag rebelde laban sa hari.
Itong mga hinanakit ng mga mamamayan ay tinatangka niyang ipaalam sa
kanyang amang hari ngunit ay dahil sa pagtrato ng Reyna at ng kanyang dalawang
anak ay nagduda ang amang hari sa kanyang tagapagmana. Makikita natin na ang
lamig na pagtrato kay Yasmin ng kanyang pamilya ay nagdulot ng lamig sa puso sa
hari. Nagkaroon ng pagkawala ng apeksyon ang hari kay Yasmin at sa isang eksena
pay nasigawan pa niya ito. Dahil sa mga pangyayaring mga ito ay lubhang nalungkot
ang Prinsesa. Hindi siya pinakikinggan ng kanyang Hari at lumalala na lumalala ang
sitwasyon sa kanilang kaharian. Lumalayo na lumalayo ang puso ng kanilang mga
mamamayan sa trono. Hindi na sila sumusunod sa mga utos ng kaharian.
Sa tulong ng Inang diwata ay naibalik ang tiwala ng hari sa Prinsesa at
pinakinggan niya ang mga sinabi nito. Nagkaroon ng reporma sa trono at bumalik na
ulit ang tiwala ng hari sa kanyang anak. Dahil sa pagiba ng kapangyarihan sa kaharian
mula kina Reyna Leona at sa kanyang dalawang anak papunta kay Prinsesa Yasmin ay
lumamig din ang mga ulo ng mga mamamayanan. Pinuntahan ng prinsesa ang
kanyang mga sakop at napakinggan nila ang isat isa. Nag-kalma ang mga tao at
nagkaroon ng pag-asa na bubuti ulit ang buhay nila.
Dito makikita natin ang lamig bilang konsepto ng pagkakalma, pagkalayo at
bilang paglarawan sa pagtrato.
V.

Konklusyon

23

Batay sa lahat ng panananalaksik at pagkonsepto tungkol sa salitang lamig ay


masasabi natin na sinasalamin nito ang pagkawala ng pakiramdam o di naman kayay ang init
ng tao at sa tropolohikal na lebel na pag-iisip masasabi din natin na ang lamig ay
sumasalamin sa ideya ng kamatayan at pang-aapi.

BIBLYOGRAPYA

24

Arte, Vaman Shiva-am pat. The Students English-Sanskrit Dictionary Delhi: Motilal
Banarsidass, 1987
Bergao, Diego, pat. Vocabulario de la lengua Pampanga. Manila: Imprenta de Ramirez y
Giraudier, 1860
Carro, Andrs, pat. Vocabulario de la lengua Ilocana. Manila: Establecimiento Tipogrfico
Del Colegio De Santo Toms, 1849
"cold." Random House Kernerman Websters College Dictionary. 2010. 2010 K Dictionaries
Ltd. Copyright 2005, 1997, 1991 by Random House, Inc. 4 Dec. 2015
http://www.thefreedictionary.com/cold
Constantino, Ernesto, pat. An English-Kinaray-a Dictionary. Manila: University of the
Philippines Diliman, 1975
Constantino, Ernesto, pat. An English-Aklanon Dictionary. Manila: University of the
Philippines Diliman, 1975
de Lisboa, Marcos, pat. Vocabulario de la lengua Bicol. Manila: Establecimiento Tipogrfico
Del Colegio De Santo Toms, 1865
de Mentrida, Alonso, pat. Diccionario de la lengua Bisaya Hiligueina y Haraya. Manila: de D.
Manuel y de D. Felis S. Dayot, 1841
de Noceda, Juan at Pedro de Sanlucar, pat. Vocabulario de la lengua tagala. Manila: Imprenta
de Ramirez y Giraudier, 1860
Echols, John at Shadily, Hassan, pat. An English-Indonesian Dictionary London: Cornell
University Press, 1975
Fernandez Cosgaya, Lorenzo, pat. Diccionario Pangasinan-Espaol. Manila: Establecimiento
Tipogrfico Del Colegio De Santo Toms, 1865
Hassan, Irene, et al., pat. Tausug-English Dictionary: Kabtangan Iban Maana. Manila:
Summer Institute of Linguistics, 1975

25

Hitchcock, H.R., pat. An English-Hawaiian Dictionary Japan: Charles E. Tuttle Co., Inc.,
1968
McKaughn, Howard, Ernesto, pat. A Maranao Dictionary. Honolulu: University of Hawaii
Press, 1967
Riego de Rios, Ma. Isabelita Irene, pat. A Composite Dictionary of Philippine Creole
Spanish. Manila: Ateneo de Manila University, 1976
Sanchez de la Rosa, Antonio, pat. Diccionario Hispano-Bisaya. Manila: Litografia de Chofr
y Comp., 1895
Sanchez, Matheo, pat. Vocabulario de la lengua Bisaya. Manila: Colegio de la Sagrada
Compaa de Jess, 1711
Santos, Vito, pat. Pilipino-English Dictionary. Caloocan City: Philippine Graphic Arts Inc.,
1978
Smith, Colin, pat. Collins Spanish-English English-Spanish Great Britain: William Collins
Sons & Co. Ltd., 1971
The Japanese Foundation, pat. Basic Japanese English Dictionary. Japan: Bonjisha Co. Ltd.,
1992
"warmth." Collins English Dictionary Complete and Unabridged. 1991, 1994, 1998, 2000,
2003. HarperCollins Publishers 4 Dec. 2015
Winstedt, Sir Richard pat. A practical Modern Malay-English Dictionary Great Britain:
Richard Clay and Company Ltd., 1964

APENDIKS
A. Tabulasyon ng Saliksik

26

Language
Major Languages
Bikolano

Translation

Dictionary

Lipot

Vocabulario de la lengua

Bisaya/Cebuano

Lamig, Malamig, Mahagnao,

Bicol (1865)
Vocabulario de la lengua

Kapampangan

Malindug
Dimla

Bisaya (1711)
Vocabulario de la lengua

Hiligaynon

Tugnao, Ramig, Tagnup,

Pampanga
Diccionario de la lengua

Matugnao

Bisaya Hiligueina y Haraya

Ilocano

Lamiis

(1841)
Vocabulario de la lengua

Pangasinense

Buetel

Ilocana (1849)
Diccionario Pangasinan-

Lamig

Espaol (1865)
Vocabulario de la lengua

Malamig

Tagala (1860)
Diccionario Hispano-Bisaya

Lamig

An English Aklanon

Priyo

Dictionary (1975)
A Composite Dictionary of

Tagalog
Waray
Minor Languages
Aklanon
Chavacano

Philippine Creole Spanish


Kinaray-a
Maranao
Sambal
Tausug

Ramig

(1975)
An English-Kinaray-a

Matenggao
Layep

Dictionary (1975)
A Maranao Dictionary (1967)
An English-Sambal

Haggut

Dictionary (1975)
Tausug-English Dictionary:
Kabtangan Iban Maana
(1975)

Wikang Asya Pasipiko


Basaha Indonesia

Dingin

An English-Indonesian

27

Bahasa Melayu

Sejok

Dictionary (1975)
A Practical Modern Malay-

Polynesia (Hawaii)

He anu, huihui, haukeke,

English Dictionary (1964)


An English-Hawaiian

Sanskrit

naau puanuanu
Sitala

Dictionary (1968)
The Students English
Sanskrit Dictionary (1987)

Wikang Kolonyal
English
Japanese

Spanish

Cold, coolness, lack of

Pilipino-English Dictionary

enthusiasm, indifference
Tsumetai

(1978)
Basic Japanese English

Samui

Dictionary (1992)

Suzushii
Friyo, tomar frio, dejar a uno

Collins Spanish-English

al margen

English-Spanish Dictionary
(1971)

B. Kopya ng mga Pampanitikang Teksto


a. Tula: Kundangan
May bahagi ng kalooban kung dumurukwang,
Umaabot sa wala roong kamay,
Nag-aabang sa alam nang hindi mangayayari.
May bahagi ng kalooban kong natitigilan minsan,
Parang nangangarap ng mga kung sana,
Nanghihinayang sa hindi na mabuburang kundangan,
Dahil di pa man tayo nagkakasinuhan nang mahusay,
Hindi pa nagkakapanahong magkapalitan
Ng kani-kaniyang lihim na nagdaan
Na siyang nagpapakilala kung ano tayong tunay,
Nangyari ang isang Miyerkules ng hapon

28

Naipit tayo sa sikip na biglang sumukol sa atin.


Kundangan kasi, sumugod ako sa dapat inurungan,
Napasubo ka naman sa hindi nakayang tutulan,
At kinabukasan, dahil sa hapong di-malilimutan,
Nagkalayo tayo nang tuluyan, lagi nang mag-aalangan,
Ni hindi na maaaring maging magkaibigan.
b. Tula: Dalit ng Paslit
Tay, sa isip ko lang to sinulat. Sinulat,
ko na to kahapon pero isusulat ko uli ngayon,
Kase, talagang-talaga na na nahihirapan ako,
Mula nung mamatay ka nung lumubog yung
barkong sinakyan mo si nanay sumama sa
Traysikel drayber dyan sa kanto. Ako naiwan
Ke Tiyo.
Di nya ko pinapapasok sa iskul. Sa
bahay lang daw. Kaya pala, dadalhin nya
yung mga kaibigan nya dito. Sa gabi, alam
mo. Maingay sila. Lasing. Sabi nila nung
unang gabi, Ba, pwede na tong alaga
mo, Lazaro.
Tiningnan nila ko, Tay. Sabi, Laro lang,
ha? Wag kang matatakot.
Tapos, tawa sila nang tawa. Lahat kami
humiga. Tapos madilim.Tapos, umaga na.
Hoy, sabi ni Tiyo, Pupunta tayo ng
Manila, ha? Magbalot ka na ng damit mo.
Pero di ako nakabangon. Tumingala lang
ako sa kisame. Nagbilang ng pako. Me
kalawang lahat.
Sa Maynila, marami pang pinapasok si Tiyo,
Alam mo, mga lalaking malakas tumawa,
Maraming pera sa bulsa. Me mabaho, me
Mabango. Me mataba, me payat. Me
Malinis, me sumisinga sa sahig tulad ni Tiyo.
Dumalas ang pagtingala ko sa kisame, Tay.
Pero di na ko makapagbilang ng pako.
Kase yung kisame naging malaking-malakingMalaking salamin. Nakikita ko dun lahat
Ng ginagawa naming sa sahig. Lalo akong
Di makatulog.
Tay, magsusumbong na ko. TalagangTalaga na. Kase dalawang taon na. Tsaka
Lumalaki ang salamin. Mas marami kong
nakikita. Tsaka baka di na ko makabangon.

29

Mabigat na mabigat na yung puson ko.


Pabigat nang pabigat, Tay. Parang buong
Maynila nasa loob na ng puson ko.
Alam mo?
a. Maikling Kwento: May Umaga sa Sta. Barbara
HANGGANG NGAYON, pinag-uusapan pa rin ang nang-yaring iyon sa Sta.
Barbara. Kaunting sudsod lamang at sino man ang matataunan mong nasa
tindahan ni Nyora Pela (sabi'y sa Cavite raw nagsimula ang lahi nito at
napadpad lang sa Sta. Barbara. Iyan ang paliwanag sa tawag na "nyora")
ay papatag ng upo at ikukuwento sa iyo si Doroy. At ang pangyayaring iyon.
May dagdag marahil, o baka may kulang, subali't humigit-kumulang, ang
kuwento'y nagtitining sa pangyayaring umantig sa mga taga Sta. Barbara.
Ang Sta. Barbara (sasabihin ko na sa inyo sapagka't alam kong mahirap
kayong makarating doon) ay isang nayong nalimot na yata ng daigdig na nasa
kabila ng kanyang mga hanggahan. Sa kanluran, ang Sta. Barbara'y
lumulusong sa isang pinilakang dagat, at kung saan muling umaahon ang
karugtong nitong kalupaan ay ewan sapagka't ang hanggahan ng dagat na iyon
ay hindi matanaw. Si timog, nakaharang ang isang masinsing kagubatan. Sa
hilaga, nakatingala ang isang malalim na bangin na ang kabilang lunting
dinding ay ginagapangan ng tila guhit na tubig ng isan likas na talon na
nagmumula kung saan. Sa silangan, nakalatag ang mga bukiring sinlawak yata
ng langit na ditoy nakatunghay.
Dalawa ang daan palabas sa Sta. Barbara. Ang isay ang pagbagtas sa mga
bukid, at ang ikalaway ang makitid, mabato at sirang landas na ang haba ay
may labingpitong kilometro at nagwawakas sa pambansang lansangan. Dito ka
mag-aabang ng sasakyan na siyang magdadala sayo (matapos malampasan
ang kumakaway ng mga bukid) sa kabihasnan.
Sa mga simpleng mamamayan ng Sta. Barbara, hindi kailangan ang lumabas
sa kanilang nayon, lumakad nang labing pitong kilometro at sumakay ng bus

30

upang makigulo lamang sa kabihasnang iyon. Sagana ang isa sa dagat, may
palay na naaani sa bukid. Ang iba pang kailangan ay nabibili sa tindahan ni
Nyora Pela na ang asawa, si Mang Esto, minsan isang lingo ay namimili sa
kanilang bayan. Aalis ito sa umaga sakay ng karitong hatak ng isang uugaugang matandang kalabaw at babalik na ang kariton ay puno na ng paninda
bago kumiling ang araw. Ang wala sa tindahan ni Nyora Pela ay pinakikisuyo
na lamang nilang ipabili sa anak ni Aling Sima na siyang tanging tagaSta.Barbara na nakapag-aral sa kabilang bayan (Tapos siya ng elementarya) at
napasok bilang tsuper ng isang mayamang nakatira sa kabilang bayan din. Ito
si Doroy.
Si Aling Sima ay may apat na ektaryang bukid na minana pa sa mga magulang
niya at siyang pinagkukunan ng kabuhayan nilang mag-ina. Noong buhay pa
ang ama ni Doroy, ito ang sumasaka sa bukid na iyon. Nang mamatay ang
tatay ni Doroy, pinabuwisan na lamang ni Aling Sima ang bukid. Nagtanim
siya ng gulay sa malawak din nilang bakuran, nag-alaga ng manok at baboy.
Maayos niyang napalaki si Doroy. Naipagmamalaki niyang si Doroy lamang
ang tanging taga-Sta. Barbara na marunong magmaneho no kotse (natutuhan
ito sa pag-istambay sa gasolinahang nasa kabilang bayan noong ito'y nag-aaral
pa), may suweldong otsenta pesos isang buwan (sa pagtsutsuper nga), at
siyang may-ari ng nag-iisano kabayo sa Sta. Barbara (ginagamit niya ito sa
pagpaparoo't parito sa kaniyang pinapasukan).
Sa kabilang bayan natagpuan ni Doroy si Sinang, makabago sa paraang hindi
kilala ng mga taga-Sta. Barbara, at maganda. Nang iuwi niya ito sa kanyang
ina, muntik nang bumagsak ang bahay nilang pawid sa pag-uusyoso ng
kanyang mga kanayon sa babaing taga-bayan na naging asawa ng anak ni
Sima. Iba si Sinang sa mga taga-Sta. Barbara. Makinis siya, magaspang ang
mga taga-roon. At inosente. Mangmang. Tanga. Ang mga lalaki, nakayapak,

31

may tali pa sa leeg na lulusong sa bukid kung 'urnaga. Pag-ahon, nanlalagkit


sa pawis o putik. Kung hindi ganoon, nagsisipaghunta tindahan ni Nyora Pela,
kandalabas na ang rnga litid pagtatalo na asa mo naiintindihan ang mga
sinasabi (sabi ni Sinang.)
Ang mga babae naman, maluluwang ang mga darnit na hahapitin ng tapis,
laglag pa kung minsan ang leeg ng damit na ito na nagbibilad sa balikat (kung
maganda man lang sana, sabi), may supalpal pang sigarilyong itim sa isang
sulok ng bibig ang iba, hatak ang buhok sa mataas na pusod, at kung mag-usap
e dinig hanggang impiyerno ang mga bungangang nag-aagawan pa ng salita.
Pangit! (daw. At kinilabutan pa.)
Sa kalipunang ito, ang may-papulang labi ni Sinang, ang may-polbong mukha,
ang putol na buhok at maayos na mga damit na sa kabilang bayan ipinatatahi
ay namumukod. Isang reyna! palatak ng mga taga-nayon at pinatawad ang
kanyang pag-ismid. Kay Doroy, ang lahat ng ito'y higit pang dahilan upang
mahalin niya si Sinang. At ang pagmamahal niya kay Sinang ay may
pagmamalaking ibinabandila niya sa Sta. Barbara. Nang lumaon, ang pagismid ni Sinang ay naging paghamak, at ang paghamak ay naging kawalan ng
kasiyahan. Ang kamuntian ng Sta. Barbara ay nasalamin ni Sinang sa katauhan
ng kanyang asawa. Ang pagkasuklam niya sa atrasadong nayon ng iyon ay
sumaklaw sa lalaking kasama niya sa buhay. Pinagsisisihan ko ang pagaasawa ko sa iyo! minsan ay sigaw ni Sinang kay Doroy na ang mga mata'y
nagdudumilat. "Hindi ko akalaing ganito pala kayo!" Nalimot niyang
serbidora lang siya sa isang kainan sa kabilang bayan nang ligawan ni Doroy,
bahagya nang ukulang-pansin ng mga tagaroon, at naging isang reyna lamang
sa kawalang-malay ng mga taga-Sta. Barbara. Pag-amo lamang ang itutugon
ni Doroy.
Subali't isang araw, nawala't sukat si Sinang. Hinanap ni Doroy. Nabigo siya.
Anino man ni Sinang ay di niya nakita. May nakapagsabi: nakita sa kabilang

32

bayan si Sinang. Sa estasyon ng tren. Nakitang sumakay ng treng pahilaga.


May kasamang lalaki. Isang linggong nawala si Doroy. Nang magbalik sa Sta.
Barbara'y nanlilimahid, mahaba ang buhok at balbas, nananalim ang matang
nakalubog sa humpak na mukha. At lasing. Umiyak si Aling Sima. Lalo nang
malamang hindi na pumapasok ang anak sa mayamang pinagtsutsuperan.
lyon ang naging simula. Maaaring sadyang lumuwag ang isang turnilyo sa ulo
ni Doroy, gaya ng sabi ng isang matanda, pero sa aking sariling palagay, dahil
sa ginawa ni Sinang, ibig ipakilala ni Doroy na ganap ang kanyang
pagkalalaki kung kaya mula noon ay nag-iba siya at naging isang maton.
Kinatakutan sa Sta. Barbara si Doroy.
Minsan, dumalaw sa isang malayong Sima. Sang ito'y bumalik ay may
kasarnang isang babaing nagdadalang-tao na biyuda yata ng isang pamangkin.
Sa kanila na tumira ang babae mula noon. Biro ng isang lalaking nasa tindahan
ni Nyora Pela na ngingisi-ngisi pa, Ano ba, Doroy, yon ba ang ating
bagong
Tuminbuwang ang lalaki bago natapos ang sinasabi.
Pilar ang pangalan ng biyudang kupkop ni Aling Sima. Masipag si Pilar at
siyang lahat ang nagtatrabaho sa bahay. Tagaluto siya pagkaumaga. Subali't
kapag inahinan niya ng pagkain si Doroy, bubulyawan siya't paaalisin nito sa
kusina.
Ano ka ba naman, Doroy? hindi nakatiis na wika ni Aling Sima minsan,
Bakit mo ginaganyan si Pilar? Mabait na bata 'yan a.
Ow, tama na nga ho 'yang bait. Kargahin lang 'yan.
Isang gabi, nagising si Doroy sa alingasngas na nagmumula sa kanilang
kusina. Bumangon siya at lumabas ng silid. Nasa kabahayan si Pilar, tutop ang
tiyan, kagat ang labi, namimilipit sa sakit. Hinahagod ni Aling Juanang Hilot
ang balakang ni Pilar.
Lakad, ineng. Lakad nang lakad, wika ng hilot nang tumigil si Pilar at
naghihirap na humawak sa isang panig ng dinding. Para bumaba agad ang
bata.
Nasa kusina si Aling Sima, tarantang nagpapakulo ng tubig.

33

Nagbalik si Doroy sa kanyang silid. Inis na inis. Islorbo! ang usal.


Walang anu-ano'y pumasok sa kanyang silid si Aling Sima.
niyugyog ni Doroy sa pagkakahiga.
Ano ho ba 'yon? asik ni Doroy.
Manganganak si Pilar
Alam ko na ho. At pumatag pa ng higa.
Pero hindi raw kaya ni Aling Juana. Tumawag ka ng doktor sa kabilang
bayan.
Napabalikwas si Doroy. Ho? Aba e... Palalakarin ninyo ako nang ganitong
oras? Hatinggabi na, a." Pabarumbadong hinalbot niya ang poloshirt sa
pagkakasabit sa isang pako.
Maya-maya'y narinig niyang sumigaw si Pilar, O, Diyos
ko! Hindi ko na po matatagalan ito
Kinilabutan si Doroy. Parang nadama niya sa tinig ni Pilar ang walang
katagang sakit na tinitiis nito. Upang makapagsilang ng isang buhay.
Kumilos si Doroy, nagmamadaling tinungo ang kuwadra ng kanyang kabayo.
Ilang sandali pa'y narinig sa Sta. Barbara ang nagtutumuling yabag ng kabayo
patungo sa labasan.
Kaangkas na ni Doroy ang doktor nang siya'y magbalik.
Nang pumanhik ang doktor ay naiwan siya sa lupa. Umakyat lamang siya
nang marinig ang matinis na uha ng sanggol na bagong silang.
"O," sabi ni Aling Sima. Baka bumulyaw ka na naman e mabinat iyan.
Napakamot lang ng ulo si Doroy at nahihiyang napayuko. Inabot ni Pilar ang
kamay niya kaya napilitan siyang maupo sa tabi nito.
Salamat, Doroy, wika ni Pilar na hawak pa rin ang kamay niya, kung hindi
sa iyo ...
Mahigpit na pinisil ni Pilar ang kanyang kamay. Nadama niya ang pasasalamat
na sinasabi nito. At naisip niya, may halaga pa rin ako!
Ngayon ay hindi na pinauupahan ni Aling Sima ang kanyang apat na
ektaryang bukid. Sinasaka na ito ni Doroy. Sabi niya, (ni Aling Sima) mabuti
na raw 'yon sapagka't hindi raw siya nawawalan ng pag-asa na sa ibang araw
ay magkamanugang na muli. At halos mahuhulaan na kung sino ang
inaasahan niyang iyon.

You might also like