Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

1. 1. 1. TAUHAN Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan
kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan. 2.
TAGPUAN/PANAHON Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't
ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari. 3. SAGLIT NA
KASIGLAHAN Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga
pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan
2. 2. 4. SULIRANIN O TUNGGALIAN Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan
at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban
sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan. 5.KASUKDULAN Ito ang pinakamataas na uri ng
kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan,
kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin. 6. KAKALASAN Ito ang
kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
3. 3. 7. WAKAS Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa
pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama
kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa
mabubuting tauhan.
4. 4. May siyam na uri ng maikling kuwento: 1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga
pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan
ang pag- unawa sa kanila ng isang mambabasa. 2. Sa kwento ng katutubong kulay
binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay,
at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook. 3. Sa kwento ng kababalaghan pinaguusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. 5. 4. Sa'kwentong bayan nilalahad an mga kwentong pinag- uusapan sa kasalukuyan ng
buong bayan. 5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindaksindak. 6. Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan. 7. Sa kwento ng
sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
6. 6. 8. Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
kwento. 9. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng
katatawanan.

You might also like