Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Paunang Pagsusulit Bilang 1

Basahin at unawain ang kuwento.

1. Ano ang tinutukoy ng bata sa kuwento?


a. bakya ni Lola Maria
b. sapatos ni Lola Maria
c. paa ni Lola Maria

BAKYA
Sa tuwing darating si Lola Maria, isang kakaibang tunog ang
naririnig ko mula sa kaniya.
Tok, tok! Tok, tok!
Ang tunog ay mula sa kakaibang tsinelas ni Lola. Bakya raw
ang tawag doon. Gawa ito sa kahoy, kaya naman may
kakaibang tunog ito kapag inilalakad.
Gusto ko ang makulay na strap nito! Maganda rin ang disenyo
na inukit sa gilid ng bakya.
Sabi ko kay Lola, sa akin na lang ang bakya niya pag laki ko.

Talasalitaan: Hanapin ang kahulugan ng mga salita. Isulat ang


titik ng tamang sagot.
_______1. tsinelas
_______2. inilalakad
_______3. disenyo
_______4. inukit
_______5. paglaki

2. Ano ang kakaiba sa gamit ni Lola Maria?


a. Mayroon itong kakaibang kulay
b. Mayroon itong kakaibang amoy
c. Mayroon itong kakaibang tunog
3. Alin sa disenyo ng gamit ni Lola ang gusto ng bata?
a. Disenyo ng strap at makulay na bakya
b. Makulay na strap at disenyo sa gilid ng bakya
c. Makulay na strap at ang kahoy na parte ng bakya
4. Saan gawa ang bakya ni Lola Maria?
a. Sa plastik
b. Sa kahoy
c. Sa goma
5. Ano ang hiniling ng bata sa kaniyang lola?
a. Ibigay sa kaniya ang bakya
b. Itago ang bakya

c. Bumili ng bagong bakya

a. paglagay ng uka
b. pagdagdag ng sukat o bigat
c. bagay na isinusuot sa paa
d. bagay na gamit bilang modelo
e. kilos na inihahakbang ang mga
paa

Pag-unawa sa Binasa: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik


ng tamang sagot.

Paunang Pagsusulit Bilang 2


BALAGTASAN

Maraming nagsasabi na ang Lolo Agusto ko ay mahusay


makipagdebate sa kakaibang paraan. Ito ay pakikipagtalong
noon ay itinatanghal sa plasa at napapanood ng maraming tao.
Pag-uusapan sa debateng ito ang isang paksa, kalaban ang isa
pang makata.
Oo, makata nga. Ibig sabihin, ang mga nakikipagdebate ay
kailangang naglalahad ng opinyon na binibigkas nang parang
isang tula.
Balagtasan ang tawag doon, apo, sabi ni Lolo Agusto nang
tanungin ko siya tungkol dito.
Hindi lamang iyon. Ang balagtasan daw ay ginagawa nila Lolo at
ng kaniyang mga katunggali nang walang gamit na babasahin o
iskrip. Ibig sabihin, ang lahat ng kanilang sasabihin ay
nagmumula sa kanilang isip lamang.
Naku, kapag sumali kaya ako sa balagtasan ay madali akong
kakabahan?
Talasalitaan: Hanapin ang kahulugan ng mga salita. Isulat ang
titik ng tamang sagot.
_______1. mahusay

a. paligsahan o pagtatalo ng
dalawang magkasalungat na
grupo tungkol sa isang usapin

_______2. debate
b. nagpapaliwanag
_______3. itinatanghal
c. kalaban
_______4. makata
d. ipinapalabas
_______5. naglalahad
e. magaling
_______6. katunggali
f. tao na nagsasalita patula
Pag-unawa sa Binasa: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot.
1. Ano ang isang tawag sa kakaibang debate na binanggit
sa akda?

a. Baltazaran
b. Balagtas
c. Balagtasan
2. Sino raw ang mahusay na makipagbalagtasan sa
kakaibang paraan?
a. si Lolo Ambo
b. si Lolo Antonio
c. si Lolo Agusto
3. Saan ginaganap ang balagtasan na tinutukoy sa akda?
a. sa plasa
b. sa munisipyo
c. sa entablado
4. Sino-sino ang naglalaban sa balagtasan?
a. mga manunulat
b. mga abogado
c. mga makata
5. Ano ang kakaiba sa balagtasan?
a. Ang mga sagi ng bawat kasabi ay sinasabi nang
patula.
b. Ang sumasali rito ay mga mang-aawit.
c. Ag balagtasan ay sinasalihan ng mga matatanda
lamang.

Paunang Pagsusulit Bilang 3


MALONG NI KATIB

Ang aking kaibigang si Katib na yata ang may


pinakamagandang kumot sa lahat ng kilala ko!
Maranaw ang pamilya ni Katib. Kaya naman marami silang mga
gamit na may magaganda at makukulay na disenyo.
At ang paborito ko ay ang kaniyang mga kumot na mas kilala sa
tawag na malong. Ito ay isang telang may mga disenyo ng okir
na pinasikat ng mga Filipinong mula sa katimugan.
Sabi sa akin ni Katib, hindi lamang daw ito isang magandang
kumot, marami rin daw itong gamit. Maaari itong maging isang
damit, duyan, panaklob sa araw, lalagyan ng mga maliliit na
bagay o pagkain, at marami pang iba.
Hindi lamang iyon. Sinari rin sa akin ni Katib na maging ang
mga disenyo ng malong ay malinaw na nagpapakilala ng kultura
at katayuan sa buhay ng Maranaw.
Ipinangako sa akin ni Katiib na bibigyan niya ako ng malong sa
kaarawan ko!
Talasalitaan: Hanapin ang kahulugan ng mga salita. Isulat ang
titik ng tamang sagot.
_______1. Maranaw

a. puwesto sa grupo o samahan

_______2. katimugan
_______3. panaklob

b. gamit para ipantakip sa ulo


c. tawag sa mga taong mula sa
pangkat etniko sa Lanao

_______4. katayuan

d. mula sa timog

_______5. ipinako

e. idinikit sa isang matibay na


bagay gamit ang pako
Pag-unawa sa Binasa: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot.
1. Ano ang pinakamagandang bagay na tinutukoy sa
kuwento?
a. bahay ni Katib
b. malong ni Katib
c. damit ni Katib
2. Bakit nasabi ng bata na ang gamit ni Katib ay maganda?
a. Dahil mayroon itong mga mamahaling alahas
b. Dahil gawa ito ng pamilya ni Katib
c. Dahil ito ay maganda at makulay na disenyo
3. Ano-ano ang gamit ng malong ni Katib?
a. kumot, damit, at duyan
b. bag, sombrero, at tuwalya
c. basahan, tali, at unan
4. Ano-ano ang ipinakikita ng mga disenyo ng malong ng
mga Maranaw?
a. mga larawan at tanawin kung saan
b. ibat-ibang gamit na likhang Maranaw
c. kultura at katayuan sa buhay ng mga Maranaw
5. Kailan daw bibigyan ni Katib ng malong ang bata?
a. Sa kaarawan nilang dalawa
b. Sa kaarawan ni Katib
c. Sa kaarawan ng bata

You might also like