Mommy

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Hi Mommy ko. Another letter.

Ayokong binibigyan ka talaga ng letter kasi palagi ka na


lang naiyak. Hahaha. Pero thru this, nasasabi ko naman lahat ng gusto kong sabihin.
Hehehe.
Taon taon, nagawa ako neto, pero araw araw naman yung pasasalamat ko sa lahat ng
mga ginagawa mo para sakin, para samin. Thank you na ginagawa mo yung best mo
para mapalaki kami ng maayos, kahit yung kabaligtaran yung resulta. Hahahahaha.
Sorry poooo. Thank you kasi yun nga, kahit may sakit ka, ayaw mo pa rin kaming
nahihirapan, na mas pinipili mo pang mahirapan ka kesa kami. Ma, hindi ganon e.
Nandito kami para tulungan ka, hindi pwedeng ikaw na lang lahat. Hindi pwedeng hindi
ka humingi ng tulong, na sosolohin mo lang lahat. Hindi pwedeng hindi ka magshare
samin ng mga nararamdaman mo, kasi mga anak mo kami e. Mahal ka namin. Kaya
dapat tulong-tulong tayo. Pamilya tayo e. Di ba, dapat ganon yung pamilya? Kaya Ma,
please lang. Let us help you. Humingi ka ng tulong samin para hindi ka mapagod, kasi
Ma, alam ko sobrang pagod ka na. Sa tigas ba naman ng mga ulo namin e! Hahaha. Pero
Ma, please ha? Humingi ka ng tulong samin sa mga gawaing bagay. Wag mong solohin
lahat. Hindi pwedeng hintaying mong aawa sayo para lang tulungan ka. Hindi pwedeng
ganon. Ayoko ng madagdagan pa yung pagod mo kaya please, humingi ka ng tulong
kahit sa mga gawaing bagay lang na alam mo naming kaya naming, nilang gawin. Sina
Cheska, Cheche, turuan mo sila Ma. Kasi ikaw yung Nanay e, Mami ka, na dapat habang
ganito pa lang, habang bata pa lang, tinuturuan mo na sila. Lagi mong sinasabi, hindi
nila kaya yan, hindi nila alam yan. Ma! Hindi nila alam kasi hindi mo tinuturuan. Sana Ma,
makuha mo yung point ko kung bakit lagi akong galit sa kanila, kasi ayoko ng
madagdagan pa yung hirap mo. Ayoko na ikaw, ang dami dami mong ginagawa,
ginagawa mo lahat tapos sila paupo upo lang. Wag kang maging selfish na akuin lahat
ng responsibilidad sa bahay, nandito kami e. Mga anak mo kami. Pati ako, naiiyak na oh.
Huhuhu. :( Thank you Ma, kasi lagi mo kong sinusuportahan sa lahat ng ginagawa ko.
Thank you sa pag-cheer up sakin lalo na pagnahihirapan nako, sa school, at sa iba pa.
Thank you sa laging pagsabi na Kaya mo yan anak! Go! Go! Go! Dahil sa mga words
mong ganon, mas naiinspire ako to do better, kasi nagtitiwala ka na kaya ko. Thank you
Ma. Alam mo Ma, gusto kong magsabi sayo lahat ng bagay, lahat ng nararamdaman
ko, yung minsan nahihirapan na ako kasi palagi na lang akong mali para sayo, palagi na
lang yung dalawa yung kinakampihan mo. Na nahihirapan na ako sa school, napepressure na ako kasi laging iniisip ko, pano pag bumagsak na naman ako?
Madidisappoint ka na naman sakin, sasabihing hindi ako nag-aaral, kung ano ano na lang
inaatupag, gala na lang ng gala, etc. Yung mga ganon. Pero Ma, nahihirapan na ako.
Minsan naiisip ko, worth it pa ba tong pag-a-accountancy student ko? Nung una pa lang
hindi ko na alam kung anong gusto, nag-accountancy lang ako kasi yun yung gusto mo,
yun yung gusto nyo. I know, mahirap talaga to, kaya nga nagpupursige ako para lang
sayo, sa inyo ni Daddy. Para kasi sa inyo, bawal magkamali; hindi pwedeng
magkamali. Kaya takot ako Ma na bumagsak, na magkamali kasi kung ano anong iisipin
nyo. Na para bang wala na kong ginawang tama, na isa agad akong isang malaking
failure. Yan yung nararamdaman ko Ma, kasi yan yung pinaparamdam nyo. Bakit kayo
ganyan? Bakit kayo ganito? Di ba dapat pagnagkakamali, pagbumabagsak, icheer up
mo? Sasbaihin mo na, Nak, failure is part of life, learn something from it para hindi na

maulit. Pero, iba yung nangyayari e, lalo akong nadadown, lalo nyo kong dinadown
pagbumagsak ako. Sana Ma, mabago yon. Gusto ko lang ikwento sayo to Ma, itinigil ko
na to nung napagalitan ako ni Daddy. Pero gusto ko pa ring ikwento. Si Aira Ma, parang
super best friend ko yon. Nung una, naiirita ako sa kanya, kasi nga tomboy di ba, ang
angas, ang sama ng ugali, parang si Cheska ganon. Pero yun, nung lumipas nga yng mga
araw, semesters, naging kasuper close ko na. Nakilala ko sya. Nakilala nya ako. Okay,
parang magkapatid kami kasi nga ang comfortable na ganon. Maasahan sya sa lahat ng
bagay. Narinig ko yung mga sinasabi ni Daddy, na kesho binibigyan daw ako ng pera at
kung ano ano pa. Pera Ma? Alam kong mukha akong pera pero hindi ako tumatanggap sa
mga ganito. Kaya may part pa rin na kahit alam kong ako yung may kasalanan, may part
na galit pa rin ako kay Daddy sa lahat ng mga ganon at mga nakakadiring sinabi niya.
Narinig ko eh. Puro kabastusan pa yung mga sinabi niya. Ang sakit sa part ko kasi kahit
alm kong mali ako, masakit kase masama ung sinabi niya. Okay, kasalanan ko. I am the
only one to blame. Alam ko yon. Kaya sorry Ma kung nagsinungaling ako sayo. Sorry na
kahit pinatigil mo na noon, eh hindi pa rin ako tumigil. Nahirapan akong tumigil kasi
super close na nga kami ang ayokong mawala siya kasi sobrang totoo nya sakin.
Boyfriend material kaso, sa kasamaang palad, babae sya. Alam kong bawal, pero tinuloy
ko. Alam kong mali pero pinush ko, kasi Ma, masaya ako. Masaya ako. Masaya ako, pero
mali din ako. Kasi babae siya, pero Ma, hindi naman siguro nakakadiri agad yon? May
anak kang ganon tapos sinasabihan mo ng nakakadiri? Alam kong masakit sa part mo
yon kasi nga Nanay ka e di ba. Pwede ba Ma, satin na lang dalawa, ituloy ko muna kasi
masaya ako? Hindi naman yon tatagal e, ngayon lang. Kasi masaya ako. Masaya ko.
Alam kong hindi ka papayag kasi mali. Sobrang mali. Pakiramdam ko, bawal akong
maging masaya. Lahat na lang bawal. Kaya okay po. Mahal kita Ma e. Ititigil ko, kasi
ayokong umiyak ka uli dahil lang sa walang kwentang yon. Sorry Ma kung umiyak ka.
Wag ka na ulit iiyak ha? Hindi ko kaya e. Sorry ulit Ma kung umiyak ka. Hindi na mauulit.
And thank you. Mahal na mahal kita Ma. Thank you sa pag-intindi, sa walang sawang
pag-unawa, na kahit sobrang sama na ng ugali ko, iniintindi mo pa rin ako. Kahit marami
na akong kasalanan, pinapatawad mo pa rin ako. Kahit sobra na yung pang-aaway ko kila
Cheska at Cheche, pinapatawad mo pa rin ako. Salamat sa pagpapaalala na dapat wag
kong pabayaan yung kalusugan ko, salamat sa paggising sa umaga para ipaalalang
kumain ako bago pumasok. Salamat sa baon. Hehehe. Salamat sa pag-eeffort na
makapagbayad ako ng tuition. Salamat sa pag-aaruga, pag-aalaga at walang katapusang
pag-intindi. Hahaha. Paulit ulit, unli? Hehehe. Salamat sa lahat ng effort Ma, salamat sa
pagiging mabuting Ina. Laban pa Ma ha? Kapit pa kasi pag wala ka, hindi ko na alam.
Magigng walang kwenta yung buhay ko. Mahal na mahal kita Ma. Kaya magsasabi ka
lang lagi pag nahihirapan ka na. Ma, hindi masama yung ugali ko, mahal lang talaga
kita at ayokong nahihirapan ka. Basta Ma, thank you sa lahat. At sorry sa mga nagawa
kong ikinasama, at ikakasama ng loob mo. Wag kang magsasawang intindihin ako Ma
ha? Kasi ikaw lang yung nag-iisang alam kong hindi magsasawa sakin kasi mahal na
mahal ako, mahal na mahal kami. Sorry sa tigas ng ulo ko, sorry sa lahat ng bad words
na nasasabi ko. Sorry kung minsan napapasigaw na ako, kase Ma gusto ko lang
maintindihan mo ung point ko, na meron din akong point. Hehehe. Sorry sa pagiging
pasaway ko, at sorry sa pagsisinungaling ko. Sorry sa lahat ng kasinungalingan ko. Sorry

ulit nung umiyak ka dahil sakin. Sorry po. Pero Ma, pwede naman kahit magkaibigan na
lang kami di ba? Friends. Humirit pa e. Hahaha.
Sobrang thankful ako kay Lord, na ikaw yung Mommy ko. Kahit mas masarap magluto
sayo si Daddy. Hahahahaha. Youre not perfect. No one is. But thank you for always
trying your best to be the best. For doing things that is best for us.
Kilala ka na ni Lord, sa lahat ng mabuting ginagawa mo sa pamilya mo, sa ibang tao, pati
na sa mga mangungutang natin! Hahaha. Alam niya lahat ng kabutihan mo kaya
ginagabayan ka niya Ma. Magtiwala lang tayo sa kanya Ma. Pagagalingin ka niya. I
love you Ma, sobra. Forever. For life. Mahal na mahal kita.
Sorry kung late. Hehehe! Happy Mothers day. Youre the greatest Mom on Earth. I love
you, very much, so much. Mwa mwa tsup tsup.

You might also like