Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa Press Freedom Day: Mga banta sa kalayaan sa

pamamahayag, tumitindi
By Jiovanne Figuerao

Ang kalayaan ng pamamahayag ay di lang para sa midya.


Para ito sa bawat mamamayan. Ito ang sinabi ni Melanie Pinlac
ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR),
nagpalipad ng mga saranggola ang mga grupo at indibidwal,
malapit sa estatwa ng Oblation sa Unibersidad ng Pilipinas sa
Diliman, Quezon City.
Sinabi ni Rupert Mangilit Its a symbolic way of showing that
were soaring high for a freer Philippine press, pangkalahatang
kalihim ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).
Mahalagang gunitain ang araw ng kalayaan sa
pamamahayag, sabi naman ni Sonny Fernandez ng NUJP sa
kabila ng mga pamamaslang, sa kabila ng mga hamon sa
pamamamahayagpatuloy tayo na nagkakaisa at nakikibaka
para protektahan ang malayang pamamahayag.
Naglabas ng talaan ang Committee to Protect Journalists
(CPJ) ng mga bansang pinaka-mapanganib para sa mga
peryodista para sa taong 2013. Ikatlo ang Pilipinas talaang ito.
Ayon sa CMFR, umabot na sa 197 ang bilang ng mga
peryodistat media workers na napatay simula noong 1986. Sinabi
ng CPJ na hindi bababa sa 55 na kaso ng pagpaslang sa mga
mamamayag ang hindi pa nareresolba sa nagdaang dekada.
Umabot sa 14 na mga mamamahayag na ang napapatay sa ilalim
ng kasalukuyang administrasyon.

Source : http://pinoyweekly.org/new/2013/05/sa-press-freedomday-mga-banta-sa-kalayaan-sa-pamamahayag-tumitindi/ - May 4,


2013

You might also like