Anakngtinapay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1.) Ano ang kalagayan ng mga batang kababaihan sa Sapang Kawayan?

*Mahirap ang kalagayan ng mga kababaihan sa Sapang Kawayan dahil sa murang edad
ay agad silang nabubuntis.
2.) Ano ang magiging epekto sa kanila ng maagang pagbubuntis?
*Maraming magiging epekto ng maagang pagbubuntis tulad nalang ng hindi sila
makakapagtapos ng pag-aaral dahil imbis na mag aaral sila ay nag aalaga na sila ng
kanilang anak, Mahirap ang kanilang kalagayan dahil wala pa sila sa tamang edad para
magbuo ng sariling pamilya, At wala pa silang kakayahang magtrabaho upang buhayin
ang kanilang pamilya.
3.) Sa tingen mo tama ba ang pakikipagrelasyon nila ng maaga?
*Para sa aken hindi ito tama,sapagkat wala pa sila sa tamang edad,masyado pa silang
bata sa pagpasok sa isang relasyon at sa ganyang edad ay dapat na nag-aaral ng mabuti.
4.) Maituturing bang "Pagmamahal" ang pakikipagrelasyon nila ng maaga?Bakit? *Para sa
akin hindi ito maituturing ng pagmamahal, kumbaga ay para lang itong puppy love,Kase
masyado pang bata ang ating pag iisip para sa pag-ibig. Pag nagmahal ay di dapat
sineseryoso, kase wala pa tayo sa tamang edad para sa pag mamahal. Hindi naman
masamang magmahal pero dapat alam natin ang ating limitasyon at dapat ang unang
priority ay ang pag aaral.
5,) Sa tingen mo ano ang magiging kapalaran ng mga batang kababaihang maaagang
nabubuntis?
*Sa tingen ko mahihirapan sila sa kanilang pamumuhay, dahil wala pa silang
maaasahang magtrabaho upang buhayin ang kanilang pamilya, Wala pa silang
kakayahang mag alaga at magpalaki ng kanilang anak, At wala pa sila sa tamang edad
para makabuo ng pamilya. At dahil maaga silang nagkapamilya at hindi sila
makakapagtapos ng pag-aaral,Paano na ang kinabukasan ng kanilang buhay, sa panahon
ngayon mahirap makahanap ng trabaho ang mga taong walang pinag aralan.

6.) Paano malulutas ang maagang pagbubuntis o teenange pregnancy? *Malulutas ito
kung patuloy na gagabayan ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak. Palaging
papayuhan,paaalahanan,pagsasabihan at may maayos,masaya at buong pamilya.
Payuhan ang kanilang anak na iwasan ang maagang pagpasok sa isang relasyon dahil
wala pa nga ito sa tamang edad sa halip ay mag aral na lamang. At magkaroon ng
magandang modelong pamilya, at bonding kasama ang magulang upang hindi
mapariwara ang mga kabataan.
7.) Isa bang suliranin ang teenage pregnancy?Bakit?
*Oo isa ito sa mga suliranin ng ating bansa, dahil halos ang mga kabataan ngayon ay
dumaranas ng maagang pagbubuntis. Bukod sa dumarami ang ating populasyon, lalong
naghihirap ang mga tao dahil sa madaming anak. Mahirap para sa magulang na malaman
nilang buntis ang kanilang anak dahil pinag aaral nila ito para sa magandang kinabukasan
ngunit ang iba ay nagbubuntis ng maaga at di pa nila kayang buhayin ang kanilang
pamilya.
8.) Sang-ayon ka ba sa pagsasama ng dalawang magkasintahan kahit bata pa sila?
*Para sa akin hindi ako sumasang-ayon, sapagkat pano na lamang pag nag sama sila sa
iisang bubong, ano ang maibibigay nilang magandang bukas sa kanilang anak?ano ang
maipangtutustos nila sa mga pangangailangan nito kung wala pa sila sa tamang edad
para magtrabaho at wala pa silang pinag aralan. Mahihirapan silang tumayo sa sarili
nilang paa dahil sa mga edad na ganun ay dapat karamay nila ang kanilang mga
magulang. Maari rin namang magsama ang magkasintahan para sa kanilang anak, pero
ano na lamang ang magiging epekto nito kung wala pa sila sa edad para maghanapbuhay.

You might also like