Professional Documents
Culture Documents
Dula Dulaan
Dula Dulaan
Jobelle : Kumukulo kasi yung dugo tapos umiinit talaga ang ulo ko kapag
naririnig ko yung pangalang Joshua Mendoza. Sya kasi yung mitsa ng buhay
ko. Sabi ng ate ko nagmamaneho daw ako noon. Tapos kausap ko daw siya
kinikuwento ko sa kanya lahat. Lahat ng pambobola na ginawa ng Joshua na
yan, yang butiking galing sa buwan na yan. Inis na inis talaga ako sa kanya,
sya ang mitsa ng buhay ko. Buti na lang nagka-amnesia ako at binura lahat
ng ate ko ang picture nya. Wala na ang alaala niya, kung hindi nasa
bilanguan na siguro ako ngayon. IKAW BA YON?!
Joshua: Ah, hindi hindi ako yon.
Jobelle: Ah mabuti naman ayaw ko kasing mamaho sa kulungan e? Grabe,
ano nga pala yung sadya mo kanina nung singulat mo ko. Parang importante
yung sasabihin mo, ano ba yon?
Carolina: Ah, wala yun kasi.
Jobelle: Hindi
Nerissa: Mapagbiro lang kasi itong, yun kai...yung best friend ko. Ba-bye ha
Jobelle: Nakakapagtaka, alam ko talaga mya sasabihin sya e. Tapos nung
kinukwento ko na nagmukha nang multo yung itsura nya ano kayang
nangyari doon? De bale ipapasa ko na lang itong proyekto ko, wait lang, asan
na ba yung proyekto ko? Ha, grabeeeeee, arghh kahit kailan talaga yung
pangalang Joshua na yan parang itim na pusa ang malas-malas. Arghhh
napunit ko pa yung project ko...kainis!
Scene 6 (Sa school)
Carolina: Joshua, di ba yan yung nakahuli sayong namamangka sa dalawang
ilog? Mag-ingat ka ha, balit ko kasi diyan...mainitin daw ulo nyan e.
Joshua: Salamat Nerissa, kaya ko to.
Joshua(makakasalubong si Angelou): Hi Angelou kamusta ka na? Ang laki ng
ipinagbago mo ah!
Angelou: Ano nakain mo?
Joshua: Wala naman, napagtanto ko lang na mali ang ginawa ko sayo na
paglalaro ng apoy. Humihingi ako ng tawad sayo sana mapatawad mo ako.
Angelou: Hindi ka lang naglaro sa apoy Joshua, pinagsabay mo kami ng
kahiramang suklay ko. Na itinuring ko nang halos kapatid. Dahil sayo nasira
ang relasyon namin, At isa pa, hindi biro-biro ang pagpapakasal. Hindi iyon
tulad ng mainit na kanin na maaari mong iluwa kapag napaso ka.
Joshua: Seryoso ako, maniwala ka, seryoso talaga ako.
Angelou: Alam mo tama ka, tama ka na malaki ang pinagbago ko. Hindi na
ako tatablan ng matamis mong dila. (Sabay alis)
Scene 7 (Sa Parke)
Carolina: Ang lungkot ng kanta natin.
Joshua: Baling-bali na ang tuka ko, pakiramdam ko hindi na ako makakabawi.
Isang libo na ang tumapak sa pagkatao ko sa pagtanggi nila sa akin. Tapos
isang buwan na lang ang natitirang palugit sa akin upang makahanap ako ng
aking kabiyak.
Nerissa : Ok lang yan Joshua. Wala na akong maalalang maari kong yayain.
Baka nakakalimutan mo may isa pa. Huli na to.
Joshua: Sino ba yang sinsabi mo? Wala akong maalala ?
Nerissa : Sigurado ako Joshua, hindi mo makakalimutan yon. Si Monica, dba?
Yung kasintahan mo noong hayskul?
Joshua: Ahh yon.
Nerissa: Naglalakad ako sa kanto nakita ko kaibigan nya. Sabi nya nasa
Amerika na daw e. Ano pare?
Joshua: Sige, wala na akong ibang maisip e.
Narrator: Binuksan ni Joshua ang kaniyang facebook account at hinanap ang
panglan ng taong matagl na niyang hindi nakikita. Halos sumabog sa tuwa
ang puso ni Joshua sa nabasa niya. Nag-usap sila ng matagal at nagbalitaan,
nag-iyakan at nagtawanan.Kinabukasan mabilis pa sa kidlat na umalis sa
kanyang tahanan dala ang lahat ng kailangan niya.
Joshua : Hello Monica, kamusta ka na ? Miss na miss na kita papunta na
akong Amerika ngayon. Sana man lang makapagkita tayo. Nagsisisi ako sa
mga ginawa kong kasalana sayo dati. Sana man lang sana akoy mapatawad
mo. Mahal na mahal kita Monica. Kung alam mo lang ang aking
nararamdaman. Sana makapagkita tayo sa Amerika. Maraming maraming
salamat.