Diagnostic Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Rehiyon X
Dibisyon ng Lungsod ng Cagayan de Oro

Cagayan de Oro National High School


8th 2nd Sts., Nazareth, Lungsod ng Cagayan de Oro

PANGALAN: ___________________________________

PETSA: _______________________

LEBEL AT SEKSIYON: ___________________________

ISKOR:

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang saagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang alamat ni Prinsesa Manorah ay patungkol sa pinagmulan ng __________.
A. araw
B. bansa
C. ibon
D. sayaw
2. Ang aksidenteng dinanas ni Tiyo Simon na nagpabago ng kanyang buhay.
A. sunog sa bahay
C. stroke ng kaliwang binti
B. bangga-an ng sasakyan
D. pagkasagasa ng isang bata
3. Kaninong kultura ang inilarawan sa sanaysay na ESTEELA ZEEHANDELAR ?
A. Indonesian
B. Malaysian
C. Pilipino
D. Thailand
4. Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa kanilang nais. Ang ipinapahiwatig ng tauhan sa pahayag ay
__________,
A. kasiyahan
C. kawalan ng kapangyarihan
B. pagkatalo
D. pagiging sunud-sunuran
5. Ang kulturang ipinamana ng nakaraan ay nagbunga mula sa _____________________________.
A. nag-umapaw na diwa
C. walang humpay na pananakop
B. pagkakapit-bisig ng lahat
D. lahat ng nabanggit
6. Ang tulang, Kultura,Pamana ng Nakaraan,Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan , ay nagpapahiwatig na
ang kultura ay _________________.
A. naaalis
B. nagbabahagi
C. di-itinuturo
D. di-nagpapalit
7. Sa pangungusap na,Si Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso,ang salitang ginintuan __________.
A. nag-uugnay
B. naglalarawan
C. nagsasalaysay
D. nangangatwiran
8. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw, Ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw..
Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng ___________________.
A. kaligayahan
B. kalutasan
C. kalungkutan
D. pagdurusa
9. Ano ang pahiwatig ng mensaheng ito? Huwag mong iukit ang iyong alaala sa kahoy o pader,iukit mo sa puso ng bata .
A. Mahirap umukit ng tanda o marka sa pader o puno.
B. Hindi basta-basta nabubura sa puso ang isang alaala.
C. Kukupas ang isang tanda o marking inukit sa puno o pader.
D. Mag-iwan ka ng isang alaalang mananatili hanggang sa wakas.
10. Ilang taong gulang lamang si Mui-mui,sa maikling kuwentong, ANG AMA ?
A. Anim
B. Walo
C. Sampu
D. Labing dalawa
11. MIA NOI ang tawag sa pangalawang asawa na mas bata kay sa una ayon sa bansang?
A. Cambodia
B. Laos
C. Myanmar
D. Sri Lanka
12. Sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento,gumagamit tayo ng mga ___________.
A. Pandiwa
B. Pantukoy
C. Pang-abay
D. Pangatnig
13. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari,itoy mauuri bilang maikling kuwentong:
A. kababalaghan
B. Katutubong kulay C. makabanghay
D. pangtauhan
14. Anong kaisipan ang sinasagisag ng salitang "PALAKA" sa tula ng mga Hapon?
A. Tag-araw.
B. Taglagas.
C. Tagsibol.
D. Tag-ulan
15. Ano ang tawag sa ponemikong karakter ng alpabeto ng mga Hapon na ang kahulugan ay "hiram na pangalan"? A.
Kana.
B. Kawazu
C. Manyoshu
D. Shigure.
16. Piliin sa talaan ang mga katangian ng ponemang suprsegmental.
A. Diin, Tono/Intonasyon at Antala/Hinto
C. Impit, Buga/Tigil at Daloy/Sigaw
B. Bilis/Bagal, Ragsa/Lumanay at Lakas/Hina
D. Hinto, Tigil/ Bilis/Bagal/ Impit at Buga
17. Ang haiku ang pinakamaiksing uri ng tula ng mga Hapon dahil mayroon lamang itong _______ na pantig.
A. 17
B. 24
C. 31
D. 34
18. Ano ang ibig sabihin ng "TANKA"?
A. Kagilagilas na kuwento
C. Mahabang nobela.
B. Maikling awitin.
D. Tulang maramdamin.

19. Aling pahayag ang nangangahulugang si Marc Terry ang nagwagi sa patimpalak?
A. Hindi, si Marc Terry ang nagwagi sa patimpalak.
C. Hindi si Marc Terry, ang nagwagi sa patimpalak.
B. Hindi si Marc Terry ang nagwagi sa patimpalak.
D. Hindi si Marc Terry ang nagwagi, sa patimpalak.
20. Kasing kahulugan ng salitang umaapaw o sobra.
A. PU.no
B. pu.NO
C. PU.NO
D. pu.no
21. Ito'y isang matalinong pagkukuro ng manunulat tungkol sa isang paksa.
A. Lathalain
B. Salaysay
C. Sanaysay
D. Talumpati
22. Ayusin ang mga salita mula sa pinakamababaw hanggang sa pinaka malalim na kahulugan
1 - nalisya
2 - nalihis
3 - nagkamali 4 - naligaw
5 - nagkasala
A. 4-2-1-3-5
B. 3-5-4-2-1
C. 4-1-2-3-5
D. 4-2-1-5-3
23. Alin sa talaan ang mga halimbawa ng pangatnig?
A. ang, si, sina
B. mas, kaysa, higit
C. mo, iyo, ikaw
D. ni, kung, ngunit
24. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga salita upang mabuo ang pangungusap?
may iba't ibang paraan
na mga taong ng pagsasalita marami na tayong nakadaupang palad
1
2
3
4
A. 4-2-1-3
B. 4-3-2-1
C. 4-1-2-3
D. 4-3-1-2
25. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga salita upang mabuo ang pangungusap?
ginagawa ng mga taga Korea
ang aking pamilya
tulad ng pagpapahalagang
gusto kong pahalagahan
1
2
3
4
A. 1-4-3-2
B. 2-4-1-3
C. 3-1-4-2
D. 4-2-3-1
26. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na "banal noon sa Herusalem"
A. Pista ng pangilin.
B. Mahal na araw
C. Araw ng mga Santo D. Pasko
27. Ang pahayag na "Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli" ay nangangahulugan
A. mahalaga ang oras sa paggawa.
C. kung sino ang nauang dumating ay siya rin ang unang aalis
B. ang nahuhuli ay kadalasan ang unang umaalis
D. lahat ay may pantay-pantay na karapatan
28. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na " ang tao ay sa lupa nagmula at magbabalik ng kusa"?
A. Ang buhay ay hiram lang
C. Tiyak ang kamatayan
B. Maiksi ang buhay sa mundo
D. walang madadala sa ating paglisan
29. Ipinapakahulugan ng nakalaylay ang kalooban na _______.
A. masama ang loob.
C. nanghihina ang loob.
B. masakit ang loob.
D. nagpupuyos ang loob.
30. Ibig ipakahulugan ng nakakubli ang biyaya ay _________.
A. may kakayahang maaaring patunayan ang sinuman.
C. Hindi maitatago ang kapansanan.
B. Hindi maikukubli ang pananalig ng tao.
D. Nakatago ang talino ng tao.
31. Paano mo gagamitin sa metaporikal na pahayag ang salitang "poste"
A. Si ama ay nagtatrabaho sa CEPALCO bilang taga akyat ng poste nito.
B. Nawalan ng kuryente sa buong lungsod dahil sa mga nagbagsakang poste kagabi.
C. Dahil sa crisis sa Saudi Arabya ay inaasahang maraming OFW ang balik sa pagbibilang ng poste.
D. Ang pagkabit ng mga watawat sa mga poste ay isang paghahanda sa celebrasyon ng pagkakaisang mga nasyon o UN.
32. Ano ang ipinahihiwatig ng metaporikal na pahayag na " Huwag mong kalimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa"
A. Huwag kalimutan ang iyong pinagmulan.
C. Huwag ikahiya ang iyong nakaraan.
B. Huwag makipaghalubilo sa mga hindi kauri
D. Huwag maging mapagmataas sa iyong kapwa
33. Ano ang aral sa parabula ng banga?
A. lahat ay pantay-pantay
C. makinig sa magulang
B. laging may kulang at lamang sa mundo
D. pakitunguhang mabuti ang lahat
34. Sino ang persona sa loob ng elehiya?
A. Bunso
B. Ina
C. kaibigan
D. Kuya
35. Ano ang tema ng elehiya sa kamatayan ni kuya?
A. Dalamhati ng isang ina
C. Pakikipagsapalaran ni kuya
B. Pangungulila ng bunso
D. Alaala ng kaibigan
36. Anong uri ng tula ang elehiya?
A. Blangkong berso
B. Tradisyunal na tula C. Malayang taludturan
D. Nakapagdamdamin
37. Anong uri ng teksto ang elehiya sa kamatayn ni kuya?
A. Naglalahad
B. Naglalarawan
C. Nagsasalaysay
D. Nangangatwiran
38. Ang lahat ay katangian ng tulang elehiya MALIBA SA ISA.
A. Masintahin
B. Pag-alaala
C. Pagpaparangal
D. Pananangis
39. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit sinulat ni Dr. Jose Rizal ang NOLI ME TANGERE?
A. Matulungan ang mga mahihirap.
B. Maisalba ang kalagayan ng bansa.
C. Maipadama ang kanyang saloobin sa mga pangyayari..
D. Mailarawan ang mga kamalian,masamang hilig,kapintasan at kaihrapan sa buhay.

40. Ano ang nagtulak kay Dr. Jose Rizal na isulat ang nobela?
A. Pang-aabuso ng mga Kastila sa mamamayang Pilipino.
B. Panghahamak ng mga Kastila sa kanyang pamilya.
C. Pagmamalasakit ng pamahalaang Kastila sa mga mamamayang Pilipino.
D. Ang kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaang Kastila.
41. Sino ang tinutukoy ni Dr. Jose Rizal sa kanyang nobela na Noli Me tangere na mga KANSER NG LIPUNAN ?
A. ang Alperes
C. pamahalaang Kastila
B.guwardiya sibil
D.mamamayang Pilipino
42. Ano ang naging kalagayan ng ating lipunan sa panahong isinulat ni Dr. Jose Rizal ang NOLI ME TANGERE?
A. matiwasay
B. Matagumpay
C. masalimuot
D. mapayapa
43. Mamamatay akong di man nakikita ang maningning na pagbubukang-liwayway ng aking bayan.
Kayongmakakikita,batiin ninyo siya,at huwag kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa kalayaan Mahihinuha natin sa
pahayag ang kalagayan ng ating lipunan na:
A. Nagkaka-isa ang mga Pilipino.
C. Walang kalayaan at naging sunud-sunuran ang mga Pilipino.
B. Mapayapa ang bansang Pilipinas.
D. Kaawa-awa ang naging kalagayan ng mga Pilipino.
44. Bilang isang Pilipino,alin sa sumusunod ang nanatiling umiiral na gawain noon at nanatili sa kasalukuyan?
A. ang bayanihan
C. ang pagkakaisa sa mithiin at layunin ng bansa
B. ang pagiging sunud-sunoran ng mga mamamayan. D. ang pagdiriwang at paggunita sa kapistahan ng mga santo
45. Kilala sa pagiging bukas-palad ang ___________________.
A. Pilipino
B. Taiwanese
C. Intsik
D. Japanese
46. Ang paghalik sa kamay ng mga pare noong panahon ay nagpapakilala ng:
A. paggalang sa mga pari
C. mababang pagtingin sa mga pari
B. pagkatakot sa mga pari
D. larawan ng pagkaama ng mga pari
47. Ang guro upang igalang ng mga bata ay kailangang magkaroon ng _______________.
A. paniniwala
B. karangalan
C. karunungan
D. mataas na pinag=aralan
48. Ang paaralan ay itinuturing na siyang saligan ng lipunan sapagkat;
A. mahalaga ang edukasyon sa mga mamamayan
B. lahat ng bayan ay dapat magkaroon ng paaralan
C. hindi masasabing bayan kung walang paaralan
D. ang paaralan ang tahanan ng mga kabataan
49. Ang _______________ ang tanging kailangan ng nagdurusang kaluluwa sa purgatory upang sila ay mahango roon.
A. pagsimba
C. indulgensiya plenarya
B. pagdarasl
D. pagsindi ng kandila
50. Sina Basilio at Crispin ay larawan ng ulirang mga anak dahil sa:
A. sila ay laki sa hirap
C. hindi sila mapaghanap na mga anak
B. dinadakila nila nag kanilang ina
D. nagtatrabaho sila kahit gayong bata pa

You might also like