Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ANG KABABAIHANG KRISTIANO: PAMUMUHAY NA MAY

KATARUNGAN
Isa sa mga suliranin ng isang bansa ay ang walang
katarungan. Sa panahon ng matandang tipan, naging
suliranin na ito na kinasusuklaman ng Dios.
Ang anomang kaharian at bansa ay di magtatamo ng
katarungan maliban na ang Dios ang kinikilalang
tagapangulo o tinatanggap na gabay higit sa lahat ng
kakayahan ng sinomang itinalaga ng tao.
Maging sa loob ng Iglesia, ang walang katarungan ay
hindi ipinahihintulot ng Dios. Sa anomang samahan o
grupo ng kapatiran na nagsasabing ang layunin at
adhikain nila ay paglilingkod sa Panginoon, hindi marapat
maghari ang kawalang katarunungan.
Paano nating makikilala na ang kawalang katarungan ay
isang samahan o organisasyon?
Karamihan sa mga tao ay uhaw sa posisyon. Gagawin nila
ang lahat para ang kapangyarihan ay mapasa kanilang
mga kamay. Gahaman sa lahat ng bagay.
Nakalulungkot isipin na ang crab mentality ay laganap
maging sa pamunuan ng Iglesia. Walang kagalakan ang
tao na makitang nagtatagumpay ang kapwa maging sa
hangaring banal at makatutulong sa pag-unlad ng mga
adhikaing inilalahad para sa lahat at ikabubuti ng mga
proyekto sa ikauunlad.

Lumilitaw ang mga taong mag-iisip, mangongopya ng


ibat ibang sistema upang masabing naiiba sila at
lumalalago subalit sa katotohanan, nagiging pasimula ng
di pagkakakaunawan at magkaroon ng ibang saloobin na
siyang nagiging daan para magkaroon ng pagkakakahatihati sa katawan ni Kristo na binili ng Kanyang sariling
dugo.
Sapat na ang salita ng Panginoon, ang Biblia na umakay
at magpalago sa mga tinubos ni Kristo. Sa pasimula
maaring makita ang paglago ng bilang, subalit ang
mahalaga ay ang kalidad ng pananampalataya na
matatamo lamang sa patnubay at presensya ng Dios.
Matatapos at magwawakas ang lahat ng pinasimulan ng
tao subalit ang salita ni Kristo ay mapanghahawakan
natin nang Kanyang ipahayag .. ang pintuan ng Hades
ay hindi makapananaig sa Banal na Iglesia na Siya ang
nagtayo (Mateo 16:18)
Ang matapat na paglilingkod sa Panginon at sa pagsunod
sa mga turo Niya lamang ang makatarunungang
pagyakap kay Kristo na tumubos ng ating mga kasalanan.
Isang awitin ang natutunan ng may akda nito sa lahat ng
pag-aaral ng Song leading sa MBS, sa pagtuturo ni Mrs.
Velma Hale, na ipinasaulo at kinumpasan bilang final
exam ang awiting sinulat ni Dr. Juan L. Baronia, isang
himno na inaawit noon ng mga kapatiran. Ang koro ay
nagsasad ng ganito:
Ang Bibliay sapat sa akin,
Na batayan at tuntunin

Walang ibang tatanggapin


Liban kay Hesus na giliw.
Isinasaad nito na ang mga bagong katuruan na di
nasasalig at lihis na turo ng Biblia ay di makatarungan.

Sa pangunguna at pangangasiwa sa mga itinalagang


gawain nagkakaroon ng diwa ng pagiging mapagmatas.
Ang kaisipang higit na nakakalamang ang kanyang
pagkatao, maimpluensiya at nakahihigit ang katiyakan
sa buhay ay hindi makatarungan sa paningin ng
Panginoon. Ito ay paghamak sa kalagayan ng kapwa at
humahantong sa pagkakampi kampi.
Ang Iglesias sa Corinto ay nasumpungang umaayon sa
pamimili kung sinong susundan. Ang iba ay Kanya, kay
Apolos, ang ibay kay Pablo I Cor. 1:12-13. Hindi ito
makatarungan sa Plano ng Dios, Siya lamang ang
nagpapalago. Tama na may magtatanim, may nagdidilig,
subalit walang ibang magpapalago kung di ang Dios
lamang.
Hindi maaangkin ng sinomang nagpasimula, nagbigay
turo
at
nanguna
sa
anomang
sistema
na
makapagmalalaki, makapag-aakay at makapagtatayo ng
ibat ibang samahan na hindi kinikilala ang pangunguna at
presensya ng Dios.
Magiging maganda, tahimik at may ganap na pagkakaisa
kung kikilalanin lamang ay ang patnubay ng Dios. Sapat

ang katarungan at kaalaman ng Dios para sa Kanyang


mga tinubos.
Lahat tayong iniligtas ni Kristo ay pantay-pantay sa
Kanyang paningin. Ninanais Niya ang katapatan ng puso,
pag-iisip at buong katauhan na paglilingkod.
Napakabuti
at
napakasayang
tingnan
na
ang
magkakapatid
ay
gumagawang
magkakasama,
nagmamahalan at nagmamalasakitan sa isat isa. Awit
133:1
Ang hindi pakikiisa sa mga itinakdang mga gawain na
pinagkaisahan ng nakararami ay magpapamalas ng
walang pagsang-ayon sa pinagkasunduuan sa ilalim ng
patakaran ni Kristo. Walang masama sa pinagkaisahan
subalit ang pagbukod sa nakararami ay hindi
makatarungan at hindi kaluguran para sa Panginoon.
Ang Wika nga isang Tagapangral walang demokrasya sa
batas ng Dios! Kapag sinabi Niyang sumunod ka,
kailangang sumunod. Kapag sinabi Niyang magsisi ka at
magpabautismo at maliligtas ka Mark 16:15-16, gawin
natin sapagkat ang di pagtupad nito ay magbubulid sa
atin sa walang hanggang kaparusahan.
Pagtatangi ng kapwa ay di rin makatarungan sa paningin
ng Dios. Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong
sarili. Marcos 12:31. Sa Batas ng Dios, ang karalitaan ay
hindi hadlang sa kaharian ng Dios. Ipinagkaloob Niya ang
Kanyang pagmamahal sa lahat kabilang ang mga dukha.

Kung sa isang samahan ay naghahari ang pagtatangi ng


kapwa walang kaluguran ito sa Dios at hindi
makatarungan. Naparito Siya upang hanapin at iligtas
ang nawawala at kabilang ang mga dukha.
Kung hangarin nating matamo ang katarungan sa ating
bansa, sa lipunan at sa mga batas, marapat magsimula
ito sa ating mga sariling sambahayan.
Sa pagbibigay katarungan sa ating mga anak, ibigay
natin ang karapatang nauukol sa kanila ayon sa matuwid
na pamamaran at sa turo at gabay ng Panginoon na
siyang kinikilala nating taga-pamatnubay at nagtayo ng
sagradong pasimula ng isang sambahayan.
Ang pagpipilit na maituwid ang liko sa maling
pamamaraan kalakip ang dahas ay hindi maaring maging
kalugud-lugod sa Dios.
Paghatol sa kapwa na walang sapat na batayan ay
marapat iwasan. Ang Dios lamang ang may matuwid na
paghatol sapagkat Siya ang Dakilang Hukom.
Pinaiiwas tayo sa paghatol sa ating kapwa. Ang turo ni
Hesus, Huwag tayong humatol, upang hindi tayo hatulan
Mateo 7:1.
Minamahal na mga kapatid: Pagsumikapan nating
mamuhay nang karapat-dapat upang makapag-iwan tayo
ng matapat, makatarungan, dalisay na pananampalataya
na maaring tunay na Pamana ng Pananamplataya sa mga
susunod na lahi ng mga Kristiano.

To God be the Glory!

Inihanda ni:
KPTD. FINA BEDRUZ-SUSA

You might also like