Kabanata 32 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para sa madibdibang bakasyon o

pagsasaka sa kanilang lupain upang maiwas sa gulo na nangyari. Sa unibersidad naman ay


maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at kurso. Si Pecson ay napatawang bobo
na lamang at papasok nalang na kawani sa kahit sang hukuman. Ang paglalakwatsa naman ni Tadeo
ay nagwakas at pinrangalan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunog ng mga aklat. Si Juanito Pelaez
naman ay binigyan ng almasen at pinamahala na sa negosyo ng ama. Si Makaraig ay naglakbay
patungong Europa. Si Isagani ay pumasa sa asignatura ni Padre Fernandez at bumagsak naman sa
iba. Samantalang si Sandoval ay hinilo ang tribunal sa kanyang mga talumpati.
Sa kabilang bahagi si Basilio ay hindi bumagsak at hindi pumasa, dahil ito ay namalagi pa rin sa
piitan. Na kung saan kada tatlong araw ay iniinterogate, yun at yun pa rin ang mga itinatanong ibaibang tao lamang ang nagtatanong. Ang tanging bumibisita sa kanya ay si Sinong, binalita nito sa
kanya ang tungkol sa nangyari kay Juli.
Napabalita sa buong bayan ang ang malaking pagdiriwang na gagawin ni Simoun. Ito diumano ay
dahil sa kanyang paggaling at pamamaalam sa bansang nagpalago sa kanyang kayaman. Kuro-kuro
sa bayan na pinipilit ni Simoun ang Kapitan Heneral na manatili pa at humingi ng palugit sa hari,
pero hindi siya pinapakinggan ng Kapitan Heneral. Hindi na masyadong nakikita si Simoun at
malimit na itong makisalamuha at usap sa mga tao.
Sinabi nila na gugulatin na lang ang lahat sa pagdiriwang na gaganapin nito. Dahil sa walang sariling
bahay si Simoun, gaganapin sa bahay ni Don Timoteo ang pagdiriwang. Napabalita na din ang
magiging kasalan ng anak ni Don Timoteo na si Juanito kay Paulita Gomez. Marami ang nagsasabi
na napakaswerte ni Don Timoteo, una ay nakabili daw ito ng bahay na mura, pangalawa ay nabenta
niya ang kanyang mga yero sa magandang halaga, pangatlo ay nagging kasosyo si Simoun, at ang
panghuli ay ang pagpapakasal ng kanyang anak sa isang mayamang eredera.
Nang maalala ni Simoun ang tungkol sa kasalan ni Juanito at Paulita, napaisip siya na diba daw si
Isagani ang kasintahan ni Paulita, bakit biglang kay Juanito ito magpapakasal?Naisip niya na naging
praktikal lang si Paulita. Bakit ba hindi niya pipiliin si Juanito, na ito ay mautak, bihasa, masaya,
pilyo, anak ng mayamang negosyante, at isang mestisong espanyol kung ikukmpara kay Isagani na
isang probinsyano na nangangarap sa kanyang gubat na tingib ng linta, nanggaling sa napagaalinlangang pamilya, at may amain na klerigo na ayaw sa luho at sayawan na siyang gustong-gusto
ng dalaga. Natural daw na pinili ni Paulita si Juanito, at ihinambing sa teorya ni Darwin na pinili ng
babae ang lalaking higit na nababagay sa kanya at marunong makibagay kung saan namumuhay.
Lumipas na ang kuwaresma, semana santa, mga prusisyon, at mga seremonya. Ang tanging
napabalita sa mga panahong ito ay ang pag-aalsa ng mga artilyero na hindi pinaalam ang dahilan.
Giniba ang mga bahay na yari sa mahinang materyales. Buwan na ng Abril at nalimot na ang mga
pangamba, ang tanging nasa isip ng mga tao ay ang malaking pagdiriwang na mangyayari. Ninong
daw ang Kapitan Heneral at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito. Pati nag daw ang mga
maybahay ay inaaway ang kanilang mga bana, dahil pinipilit nito na makipagkaibigan kay Don
Timoteo o kay Simoun upang maimbitahan sa naturang pagdiriwang

You might also like