Magkaibigan: Hi Lola! Nag-apply po kami pa-abroad!
Lola: Pa-abroad? (Sabi-Sabi) M1: Opo, pupunta po kaming abroad, sabi po kasi ni Aling Nena mas mapapaganda daw ang buhay namin dahil sa mga oportunidad na naghihintay samin doon at malaki pa ang sahod kumpara dito sa Pilipinas. Lola: Aba, ayan ay pawang sabi-sabi lamang, kay Aling Nena ka pa naniwala. (Sawikain) M2: Lola, galing na po kami sa ahensya na nagpapaalis ng mga pinoy pa-abroad at totoo nga! Kaya balak po namin tumungo abroad para makipagsapalaran habang kami ay mga bata pa, dahil ang oras ay maituturing na ginto. (Salawikain) Lola: Ako ay hindi kontra sa inyong pasya, pero dapat ito'y pagisipan niyo ng mabuti, dahil ang tao na kung maglakad ay mabilis kung masugat din ay malalim. Magkaibigan: Opo, lola! (Kasabihan) Lola: Pagkatandaan din ang sabi ni Rizal... Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda. Kung kaya kahit saan pa man mapunta at ano mang oportunidad ang magbukas ipagmalaki na kayo ay pinoy at palaging pahalagahan ang sariling wika. Magkaibigan: Opo, lola. M2: Maiba nga po tayo lola, marunong ho ba kayo mag bugtong? Lola: Oo naman, ako pa ba? (Bugtong) M1: Sige nga po, bugtong bugtong buto't balat lumilipad? Lola: Saranggola M2: Kami po yan la! Buto't balat man sa inyong paningin pero kayang lumipad, matupad lang ang aming pangarap!