PHILOSOPHER

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PHILOSOPHY PART 3: THE GREEKS

Socrates, Plato, and Aristotle


(Tagalog Version)
Ang mga pantas na Griyego kagaya ni Socrates, Plato (429-348 BC) at Aristotle (384-228 BC) ay nagturo ng
tamang daan upang lutasin ang suliranin ng tao. Sila din ang unang nagsiyasat at tumuklas sa totoong kalikasan
ng tao.
Kagaya ng mga pantas sa Silangan (Buddha, Lao-Tzu, at Confucious), naniniwala din ang mga Griyegong
pantas na ang tao ay nabuhay na bago pa man siya ipinanganak sa katawang ito. Sa kanyang original na
kalagayan ang tao ay isang kaluluwa o dalisay na kaisipan na nasa mundo ng mga kaisipan (ideas). Alam ng
tao ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng tuwirang likas na pag-iisip at ito ay inilagay lahat sa kanyang utak.
Gayunpaman dahil sa pagkakatapon niya sa daigdig na ito, nalimutan niya ang halos lahat ng kanyang
nalalaman. Ang sagot sa kanyang kasalukuyang suliranin ay sanhi ng kanyang pagiging hindi marunong or
ignorant. Ito ay kalagayan na kung saan siya ay may kakulangan (deficiency) sa karunungan, at muli lamang
matatagpuan kung muli niyang maaala-ala ang lahat ng kanyang nalalaman bago pa siya nagkatawang lupa.
Dahil dito ipinanawagan ni Socrates na alamin mo ang iyong sarili lalo na ang dati mong kalagayan,
sapagkat kung magawa mo ito ay iyong mabibigyan kasagutan ang kasalukuyang suliranin at muli mong
maibalik sayong sarili ang pagiging ganap (perfect) na nilalang. Ating isa-isahin ang pananaw ng mga pantas
na ito.
Read more in Languages
Bank of Grammar Exercises for Beginners to Advanced Level: Volume One
Lesson of German Nbr Six Via Method of Elearning by Certified Translator-teacher Holding Degree in
Elearning
Socrates: Ang Ignoranteng Tao ay Balon ng Kasamaan
Si Socrates ay isa sa pinakadakilang guro ng tao, ay ipinanganak sa Athens noong 469 BCC. Ibinunsod ng
paniniwalang ang mapaunlad ang lipunan at ang kalagayan nito ang siya ng pinaka-banal na Gawain ng
kanyang panahon ay itinuon niya sa pagtuturo (teaching ) ang kanyang sarili. Kanyang binalewala ang yaman
at dangal na maging Sophists ng kanyang panahon, isang kalagayang tinitingala sa mataas na antas ng lipunan
at tagapayo ng mararangal na tao.
Sa halip na ilaan niya ang sarili sa pagtuturo sa loob ng silid aralan, dinala niya ang kanyang mga aral sa
lansangan ng Athens at nakasalamuha ang mga ordinaryong tao at mag-aaral sa isang mas aktwal at
kontekstong kalagayan, nagpamalas siya ng sinsiridad na tila ba handang magturo at matuto din. Ang
pamamaraan na ginamit niya ay kilala sa tawag na Pamamaraang Socrates (Socratic Method). Ito ay
naglalaman ng dalawang (2) proseso: una ay ang tinatawag na ironic o kabaligtaran at ang pangalawa ay ang
tinatawag na maieutic o ang patuluyang pagtatanong. Ano nga ba ang dalawang ito?
Read more: http://socyberty.com/languages/the-greek-philosophers/

THE Greek Philosophers


Ano nga ba ang natuklasan ng mga Pantas na sina Socrates, Aristotle, at Plato upang sabihin na ang Tao ay Dakila
at Walang Hanggan? Sa Artikulong ito ay ninikap ng may akda na ipaliwanag ang mga kaisipan nila sa layuning
makatulong gabayan ang ating buhay sa kasalukuyan.
SOCYBERTY.COM

You might also like