Anne Curtis

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Anne Curtis: Bagong Silip

BAGONG SILIP ITO! Bagong silip sa puso ni


Anne Curtis! Umamin sa amin ni Anne na si
Erwani Heusaff ang bagong lalaki sa buhay
niya ngayon, lalong naging makulay ang
lovelife ng dalaga. Naging curious ang media
na makilala ang lalaking kapalit ni Sam Milby
sa puso niya. Naging sentro ng usap- usapan
ang tungkol sa kanilang relasyon. As much as
possible, ayaw na ni Anne na mag-comment sa
tunay na namamagitan sa kanila ni Erwani kaya
todo-iwas ang actress tuwing napag-uusapan
ang tungkol sa bago niyang manliligaw.

“Yes, we’re dating. I don’t want to give


details… respeto na lang sa kanya at sa family
niya, please lang,” pakiusap ni Anne. Nang
pumutok ang pangalan ni Erwani, nawala sa
eksena si Sam Milby. Napababalita rin kasi na may special someone na rin ang actor. May
intriga pa nga na diumano’y may anak na raw ito.

Inamin din ni Anne, much better na as friends na lang sila ni Sam, ini-enjoy ‘yung friendship na
mayroon sila ngayon. “We’re still friends, hindi kami magkaaway… we came to the point were
we can actually be friends. Sa ngayon steady na lang kami, I think I’ll still stick to what I have
said before na I’m not closing my door to anything. Pero as of now, steady na lang muna.”

Bukod kay Erwani, binibigyang-kulay ang pagiging malapit nina Anne at Vhong Navarro sa
Showtime. Malabong mangyari ‘yun, may non-showbiz girlfriend ang actor-comedian. May
new-found love ang dalaga. Tinatawanan lang nila ang intrigang wala namang katotohanan.

Binigyang-linaw na nina Anne at Vhong ang issue about them. “We started… sabak na agad
live! Na-develop lang ‘yung friendship namin, having lunch together, eating out together, text
time, kulitan. Walang tensiyon, bigayan talaga para kaming isang happy family,” paliwanag ni
Anne.
Iniintriga ngayon si Anne na may tampuhan daw namamagitan sa kanila ni Kris Aquino dahil
hindi siya naging visible sa kampanya ng kapatid ni Kristeta na si Sen. Noynoy Aquino. “Wala
talaga kaming tampuhan, naging busy lang talaga ako kaya hindi ako nakapunta,” tsika niya.

NANG IWANAN NI Willie Revillame ang noontime show na Wowowee at pinalitan ni Robin
Padilla, naging mainit ang pagtanggap ng publiko sa action star. At first, medyo naninibago si
Binoe dahil hindi naman siya sanay mag-host ng isang noontime show, pero kinalaunan bumigay
na rin sa pakuwela ang guwapong aktor.

Nagsi-sing and dance si Robin, nakisayaw sa mga contestant na lalong ikinatuwa ng viewing
public. Bawat contestants, gustong mayakap at mahalikan ang kanilang idol. Maging sina Mariel
Rodriguez at Pokwang, kinikilig tuwing nagpe-perform ang Videoke King. Click ang team-
up nilang tatlo, patok sa masa. Kilig to the max din ang mga babaeng audience sa loob ng studio.

Ma-drama ang naging presentation ng Wowowee last Saturday, tribute sa mga mother. Special
guest ni Robin ang kanyang Mother Dear na hinandugan pa niya ng awiting “Anak.” Dedicated
sa kanyang loving Mama ang kanta ni Freddie Aguilar.

Ngayon pa lang, bakas na ang kalungkutan sa mukha ni Robin. Hanggang Friday na lang kasi
niya mapapasaya ang mga kababayan natin here and abroad na walang sawang sumusubaybay sa
nasabing programa. Sa totoo lang, winner sa pagiging host, winner sa ratings… thanks to Robin
Padilla!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

You might also like