Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

TULANG HUGOT

SA ILALIM NG
LUPA SERIES
SET 1

NGITING PIKIT
Sa gabing kumikislap ang pundidong pag-iisip
Tumitilaok na ang sigaw ng panaginip
Lulubog na ang naglalambot na langit
Sa mukhang nakikitang nakatawang may sakit
Sa tinding paglaglag sa mataas na hagdan
Sumibol ang tinik mula sa kawalan
Nagsugat ang mukhang tinatanaw ng langit
Nagdurugo, sumasabay sa pamatay na awit
Pagpikit ng mata’y di makita ang saya
Nawalan ng pula ang dugo sa sinta
Kumintab ang kislap ng ngiti sa paghiga
Nawalang saysay ang dugong, sa langit nagpalamya
Umagos ang luhang, ngiti ang ina
Natamo ang saya sa pagdilim ng mata
Tumahan man ang tawa’y rinig pa rin ang halakhak
Sa pagpikit naalala ang siyang nagpapagalak
Kumabog ang puso sa malambot na dingding
Matigas na unang niyayakap ang ningning
Bawat patak ng ningning sa pikit na pagngiti
Nawawalan ng segundo ang bawat sandali
Nangalay na ang mata sa lubos na paraiso
Sumosobra na sa panaginip na nawaring bisyo
Nagtanghal na ang bida sa kapal ng maskara
Natanggal na ang nawawalang takip ng lampara
Naibahid na ang pagdamdam sa gabing balot sa dilim
Nadapa na ang simangot na naghatid ng lagim
Wala ng natira sa salitang mawawaksi
Panay pa rin ang pagsulat sa damdamin ng budhi
Wala ng magawa ang mukhang nalilito
Nagbigay windang sa langit
Nagbigay ngiti sa’yo

NANG MARINIG MULI ANG BOSES


Nayanig ang isang minuto ng magparamdam ka
Pumreno sa bilis ng pagkurap ng mga mata
Di mawari ang damdamin ng Makita ang yong ngalan
Panaghoy ang aking sandaling iyong tatawagan
Ngayon muli umiilaw ang senyales na napundido
Nawalan ng bigat ang kanina lamang kilo-kilo
Nadala ako ng oras at huminto ang paligid
Sabik sa iyong boses na sa aki’y tumilapid
Kundangan akong kumilos bago bumagsak ang oras
Unti-unting lumalalalim ang butas kong naaagnas
Panahon muli para yakapin ang ika’y kausapin
Ikaw ang nagbukas ng aking tunay na damdamin
Dinala mo ang isip ko sa pampang ng iyong dagat
Hawak ko ang iyong kamay ngunit di ako nagpasalamat
Nagmahalang bitaw pareho ang ating mga kamay
Tumibok ng kahit di man lang lubusang nagpamalay
Handog ko ang aking sarili sa isip kong nangungulila
Mula ng marining ka muli’y ngiti’y bumabandila
Wumawagayway ang bawat pikit, sa muthawi ng yong bibig
Nakakapit sa nabiting oras na sayo’y nakakabig
Kailan pa kaya dudulas ang dila kong nangangahas
Sa pag-aming ang pagkatao mo’y sa akin nagpapamalas
Bakit handog mo ang tukso, na mahalin muli kita?
Samantalang ako namomroblema, ako ba muli’y sinisinta?

AKO’Y ISANG TALATA


Di ko makamtan ang bituin saking mata
Ni minsang ako’y lumigaya, di maabot-abot
Hapit ko ang sandali, na malibot ang buwan
Makatapak sa tubig ng malalim ang pahiwatig
Ninais kong masaraduhan ng maraming pintuan
Ginusto kong pasanin ang mundong hindi akin
Walang adhika ang puso ko kundi ang sariling salita
Maikatha sa mga pintig na pinagbuhusan ng luha
Bakit di ko magawang mapangiti ang siyang aking mahal
Bakit di ko mahapyaw ang sandaling hindi nauutal
Bakit di ko maranasan ang tanguan ng pagsusulat
Kahit buhay ko’y umiikot sa sarili kong pag-ulat
Bakit ko pa nilabisan ang siyang iiwanan ako
Bakit pakiramdam ko, tinakwil ako ng aking mundo
Kung may pag-asa mang makikita, sana’y kumulbit na
Pagkat noon ko pa hinihintay ang magbubukas ng tadhana
Nasan na ang pagsusulat na pinapalakpakan noon?
Bakit ibang tingin ang nais? Kung ganito ako ngayon
Ayoko pang umiyak, kung may pag-asa pa ako
At ayoko pang maubusan hanggang umaasa pa ako
Sana nga’y may panahon para maitawid ako sa landas
Niliban ko na ang dagat noong una kong hampas
Nadudurog na ang puso ko, pero nakakapit pa sa patalim
Ang aking buhay ng pagsusulat, sa puso ko itatanim
Nasan na ang pagsusulat na tinitingala noon?
Pagkat hindi ako sanay na pinagtatapon ngayon
Ilang beses ng nasuklaman, ilang beses ng inilingan
Pero di pa rin tumatalikod sa aking kinamalayan
Ako’y nakadapa ngayon sa bitag ng aking pagsara
Sugat ang puso ko sa nakangiting mascara
Bakit ako nanlulumo kung alam kong meron pa!
Ako’y isang magaling na nagtataob pag sumosobra!
KAYA KO PANG TUMAYO KAHIT SINARHAN NIYO ANG PINTO KO
KAYA KO PANG HUMINGA KAHIT NAGGALUSAN PA AKO
Kahit anong mangyari, magsusulat pa rin ako
At balang araw magwawakas ang duda kong maisasali pa ako
Pagkat ako’y magiging kabahagi,
Ako’y magiging kakampi...
Ako’y magiging isang talata, na wala kayong masasabi...

BISYONG PARAISO
Isang araw na nakalugmok sa ilalim ng kumot
Ulila sa minsang nakalipas na masalimuot
Napupuksa ang damdamin ng siyang nagpatuso
Sa likas na paraiso na naudlot na sa bisyo
Ginigising ang sarili na ika’y madama
Pagkat sa bawat pagtaha’y di makasama
Walang malay sa wari ng isip mo ngayon
May isang taong ang damdami’y kinakahon
Pinupulikat ang mga paa para takbuhan ka
Di maunat ang desisyon kung minamahal pa
Bakit naging inspirasyon ang siyang nakalipas
Na di dama ang karayom na sa aki’y nagbutas
Nakakulong sa selda na walang rehas
May laya mang sabihi’y di nangangahas
Umiilaw na ang pundi ngunit kapos pa ng piso
Naisangla na ang damdamin sa isang kwento
Di malugmok, di malunok ang siyang katotohanan
Di masikmura ang realidad na nasisilayan
May sakim bang magaatubiling ika’y pagtuunan
Kuripot lang sa salitang ika’y yakap sa unan
Walang tamang salitang magsasalamin sa laan
Kahit pinutik na ang puso’y di pa matauhan
Minsan ng napiga ang bawat patak ng kabog
Nadurog hanggang sa magkataong wala ng tibok
Nalublob sa kumukulong galit at hinagpis
Naapakan ng buo at naubusan ng maitatangis
Natabunan ng lahar ng bumuga ang kanyang bulkan
Nakuyumpit ng sagasaan noong siya’y dumadaan
Naninigas nung pinilit na siya’y bitawan
Hanggang sa tuluyang madala na dapat ng limutan
Napatid ako sa hangin ng masilay ka
Bago niya ako napatay ay nauna ka
Biningwit mong muli ang pusong walang dugo
Binuhay mo ang sandaling nawala ang Segundo
Kinulong muli ang pagkakataon na ako’y masisinta
Ngunit ngayong bitaw na sa lubid ay pilit na napupuksa
Inaalipusta ako ng damdaming nailibing mo ng buhay
Hinigop na ng oras ngunit di pa rin nangalay
Tumitikwas ang bawat ngiting nalunok ko sayo noon
At para bang ang “tayo” ay di noon naglaon
Akala ko’y naagnas na ang tinapon sa pusod ng dagat
Hanggang sa lumutang ang siyang sa ati’y nagpaalat
Walang dilim na sasagiin kapag naryan na ang panaginip
Unang bukas ng pinto ay gusto kong ikaw ang masisilip
Unang beses na salita ay gusto kong magmula sa’yo
Nangangarap na sa isip tayo’y muling magsasamo
Baliw ba ang magtangkang isiping mahal mo ako
Nakakawindang bang magmahal kapag walang malay ito
Hindi lang alam kung paano niya naaagnas
Kahit hindi ka nakatitig ako pa ri’y nababanas
Sinasaktan mo ako sa tuwing naaalala kong panaginip ka lang pala
Naghihinakit na di ko alam kung tunay ba ang nadarama
Hindi ko pa nahawakan minsan ang iyong mga kamay
Kaya’t sa tuwing magkikita tayo’y bitin ako sa kaway
Hindi ko pa minsang nasabing minamahal kita
Dahil kahit ako’y natakot na magsabi at magpasya
Binibingi ako ng aking katahimikan pag naaalala ka
Nadadala sa mundong ikaw lamang ang nakikita
Sa bubong nakatambay habang tanaw ang alapaap
Nagbabakasakaling ika’y makikita sa ulap
May sadyang pantasyang ililipad mo ako balang araw
Pagkat kahit ngayong wala ka ako’y natutunaw
Hindi ko alam kung mahihintay ko pa ba ang sarili ko
O mauuna kang magparamdam na mahal mo rin ako
Ayokong mauwi sa wala ang lahat ng makatang oras ko
Ayokong malugi ang hating gabing inilalaan sayo
Nakapako pa ang paaalalang lilipas rin ang panahon
Wala akong alam kung muli ba akong maikakahon
Pinerwisyo na ng pag-ibig ang buhay kong pundido
Kaya sana’y malaman mo agad na ikaw ang aking paraiso.

PANGARAP SA MADALING ARAW


Nakakubli sa iyong pahina ang bawat lihim na di kinibo
Nagtatahan ang bawat hikbi sa pagitan ng mga ubo
Sa hating gabing naninimdim ang siyang hinahanap
Ang sandaling magbubukas ng mahiwagang alapaap
Nakatusok sa tuktok ng langit, ang aking hinahagad
Wala akong pakpak para sa sarili’y magpatawad
Humihilik na ang pag-asa at di mabuhay ang panaginip
Nananahan sa isip ang nais na masilip
May agbang akong sinabitan ngunit di ako nasugatan
Natangay ako ng alon ngunit di ako naalatan
Nalunod ako sa bisyo ng sariling katapatan
At naglugmok ng sarili sa pait ng kapalaran
Kinakaladkad ako ng oras kahit pilit akong humihinto
Di maidigta ang nais kahit gusto kong lumiko
Hinahanap ang kislap sa pikit na pagsulyap
Nakasandal sa gumuguhong pader ng pangarap
Handusay kong hinahanap ang aking mga salita
Na pinako ko sa noo ko para makapagpaalala
Hindi ko maputol ang tula sa isang simpleng tanong
Ni hindi ko magawang tuldukan ang isang kondisyon
Kung meron mang nararapat para sadapat na panahon
Bakit may oras na masasaya na mas mabilis maglaon?
Bakit may panahong mahapdi ang siyang tumatagos sa buto?
At kahit pa anong painit di pa rin kumukulo
Pagal ako sa hingal, hapit sa bawat yuko
Gusto kong magpahinga ang puso kahit isang minuto
Nawawari na sa isip ko ang siyang gusto ng aking hangal
Ang butas ng isang karayom ay ang aking isusugal
Pagtumagos ang aking kaluluwa, at matutusok sa tulis
Alam kong ang aking hantong ay marahang bungisngis
Maya-maya’y dala ang utak sa kalahating mundo
Na nagbigay buhay sa pag-asang, may kulay ang kuko ko
Tinatako ko ang bawat sipat sa aking bola
Magwawagi ako sa simpleng kumpas ng gitara
Matatantsa ko ang sandali pag hawak ko na ang lapis
Pagkat hawak ko ang kapalarang ako ang magwawangis

SAGINGAN SA PULITIKA
Sa bisa ng katapatan, nanghusga ang walang alam
nanatiling walang imik ang di mapaparam
Sa mistulang bulang pangyayari sa maling akala
Hahantong ba sa panibagong serye ang siyang mangangasiwa
Nabangasan na ang nagtaob ng siya't manungkulan
Sa tuwing masasakdal, ay isang ngiting di nananahan
Walang pilit na ipinagtanggol ang sarili sa pagdurusa
Dahil sa dulo di rin mauuwi ang debate sa misa

Maraming nagtangkang nakawin ang kanyang pinanalunan


Pagkat sa tindi ng nipis ng banig ay di na kayang matuluan
Nangunguhaw na ang masa sa tagtuyot na pera
Namamaluktot sa kumot ng nawawalan ng pag-asa
Halalan na naman sa panibagong gawang hagdanan
Unahan sa pambobola, at mahuli'y aapakan
Pagdating ng pagdiriwang, maglulundagan ang sambayanan
At sa huli kapag tumangis muli, maghahanap ng tatabunan

sino ang may kasalanan? kung walang kayang umako


Sa tindi ng panghihinagpis ay marami na ang sumusuko
Kung sardinas lang ang ilulunok, bakit di pa pagmamataas?
At syaka nila pagbayarin ang siyang naliligaw ng landas?
Kung ang ibang boses di na marinig sa pagkauhaw
Nag-aapoy na ang mata sa tindi na pagbulyaw
Lasug lasog na ang kalamnan, ngunit ni isang hiyaw
Hindi nakayang paaminin ang laging sumasayaw

Biktima ang lahat ngunit wala pa ring dahilan


Kundi mga pinunong nagtatalupan ng sariling sagingan
Hindi man lang inakyat ang niyog para tunay na mapatunayan
Na walang taong katulad nilang hindi makasalanan
Dumadaloy na ang kasakiman sa pagdaloy ng kanlang dugo
At ang mga may sakit ay ilang dekada ng kumukulo
Kailan pa ba matatapos ang ating magandang pelikula
Kung di rin natin makontra ang mga nagpapakabida
Mabuhayan na tayo ng loob kung madilim lagi ang langit
Tayo rin ang magpipintura ng kanilang pagkakapangit
Kung dinurog nila ang puso natin, hindi na dapat sa kanila
Pagkat walang puso ang mga nanguggulo sa ating bansa
Kung may gera man ay tayo ang kanilang kalaban
Nakikibaka sa EDSA kahit wala namang kasagpuan
Walang binatbat ang megaphone kung sila'y nagbibingi-bingihan
Sa walang kupas na maong na kanilang pinagpipilitan

Hangad ng lahat ang kapangyarihan para buuin ang masa


Kaya tuloy nauuwi sa sisihan ang dinidiretsa
Pag pormalan ang amerikana, tapunan mo ng alkohol
Pagkat ng matauhan ang suwail na sa buhay natin nagbuhol
Nag-iinit na ang Pilipinas, sa dami ng dapat ibasura
Hindi matunaw-tunaw sa mga simpleng pagmamartsa
Isang taon na lang ang hinihintay para muling maghalalalan
Ano na naman kayang turon ang kanlang pagpupulungan?
WALANG LIKUANG U
May dulot nga rin ang pag-ibig na naglaon
Napigtal na ang tsinelas sa bubog ng baton
Nawala ang purselas ng aking pagpapaalala
Kumukumpas ng damdaming nagpapakahiwaga
Dinurog ang giniling mas pino pa sa buhangin
Inapakan mo ang pag-asang naglaho sa hangin
Kinuyumpit mo ang naiga sa asim at alat
Sinagasaan mo ng buhay ang pusong nakakalat
Binangasan mo ang mukhang may tumutulong luha
Hinagis mo at winarak ang walang malay na tulala
Na giba ang buo at matagal ng sementado
At Pinukpok mo ang dugo pabalik sa ulo

Ayoko ng isipin pa ang lahat ng hapdi at kirot


Pagkat kahit anong asukal di pa rin mauudlot
Ang kaning lamig namamahaw na sa luha
At matagal ng ginigising ang tulog na mantika
Di ko mawari ang direksyon ng hangin ngayong gabi
Alintana ang lamig kahit banas ang paggawi
Sa isang iglap nakalanghap ng ngiti sa pag-uwi
Pagkat may nakabaong damdaming nagparamdam muli
Di ko alam kung ang mga tibok ay dahil sa hagdan
Panaog akong nagmamadali sa di mawaring dahilan
Habol ko ang letra kung mapatunayang bumalik
Ang pag-ibig na naglaho na at nabitin sa halik
Hindi na umaasa ang di nahulog sa isang tira
Anong silbi ba ng kaguluhan kung walang nagsira?
Nahati ang kabog sa dalawang mukha
Ngunit linlang ako ng gabi noong mahal pa kita
Sana’y di mamatay ang sindi ng kandila
Ayokong magdilim agad ang di pa nakikita
Maulap pa ang gabi ngunit hindi pa uulan
Hindi bubuhos ang damdaming naguguluhan
Aalingawngaw na ba ang kampana kung kakahol ako?
Anong mangyayari kung mauunang kumambyo?
Pagkat napaltan na ang bida sa aking paraiso
At hindi ikaw ang habol ng maubos ang liriko
Napagod kang humabol kahit di ako tumatakbo
Hiningal kang maghintay habang nakaupo
Kaya bakit ka pa nga magkakalas ng bisagra?
Kung mas madaling maghintay ng magbubukas na
Nung binuksan mo ang pinto at yapusin ka niya.
Naipit akong nagkakalas ng turnilyo sa likod niya
Akala ko ba ang galit nawawala rin sa buwan
Ngunit ngayong taon na ang lumipas masakit pa rin sa tiyan
Nawalan ako ng puwang para mahalin muli kita
Pero pumapalag ang desisyon kung mag-uuturn pa ba?
May bisa rin naman ang antike sa ukay-ukay
Orihinal ang tatak, Luma, Kupas ang kulay
Ginamit mo akong saglit at kumapit ako sayo
Ngunit napaglumaan at napagod, nawala sa uso
Nakita mo ako ngayon, nakasabit sa kanto
Mura na at gamit kaya bagsak ang presyo
Di pa rin ako mapapayag na nadungisan ang buhay ko
Pagkat sa loob-loob ko lamang nadama ang sugat ko
Sa labas nakangiti, nakabandera ang saya
At pilit na sinusukat ang gustong ginhawa
Babalik pa ba ang kastilyong nabuhusan na ng alon?
Ang buhanging damdamin ay hindi kasi nababaon
Hugutin mo na ang saksakan pagkat ayoko ng makuryente
Ayoko ng mauwi muli ang buhay ko sa torete

MARTIR SA SARILI
May bisig na naagnas sa oras na hindi alam
Nalinlang ako ng mukhang di ako nadadamdam
Nagawa ko ng bitawan ang di dapat hawakan
Ngunit bakit ako napapaisip na di ito makatarungan
Nakaharap ako sa salamin ng sabihin ko ang lahat
Bumabalik sa akin ang pait niya at alat
Sa harap niya’y sing tamis ako ng tubo
Ngunit pagtalikod nangangasim ang pagtatampo
Inaako ko ang lahat para sa pagtataksil
Pagkat ang plastik di natutunaw sa suwail
Pag bangon ko’y bababaw rin ang lupa
Nang ikaw ay mapadali sa paghango ng dusa
Bakit di ka naghihinagpis kahit iyo ang kasalanan?
Bakit di kita masabihan na tapos na ang laban?
Kung may oras mang tumitilaok ang manok sa dilim
Matagal ko ng hinihintay ang magsabi ng taimtim
Maipasok ko sana ang kamay ko sa umiikot mong elisi
Di ko masabayan ang agos pagkat di ka nagsisisi
Mabilis mo akong nahalina ng lakas ng iyong hangin
Hanggang sa maramdaman kong ako pala’y sipunin
Nilasap ko ang iyong ligaw sing laos ng harana
Kaibigang inaakbay, niyayapos sa tuwi-tuwina
Sa kabila ng iyong lakas, walang takot akong nangahas
Na magsabi ng kabaligtaran na alam kong hindi patas
Ngayon, pinapaniwala kitang ako’y nasa gitna ng tulay
Walang malay sa opinyon, nasa gitna ako ng away
Patawarin mo sana ang naaawa na rin sa iyo
Pagkat malalim na ang tubig para maligtas mo ako
Nakalunok na ng tubig alat sa iyong malawak na dagat
Hindi mo ba napapansing palagi pa rin akong nagsasalamat
Di ko mawari ang dahilan bakit mahirap kang iwasan
Sa kabila ng lahat ng hanging sa amin tinatabunan
Sana’y may motor akong sinlakas ng kambyo mo
Umaatras ako sa tuwing pumepreno ako
Hindi kita maakbayan gayong lagi mo akong nilalapitan
Sa maskarang nagbabalot sa akin ng ako’y iyong sinugatan
Napipilipit ang utak ko kakaisip ng problema mo!
Ano bang dahilan ng lahat ng balitang nagtatalo?
Naiipit ako sa pagitan ng pintong nakakandado
At pag binuksan ko ang loob ko’y di ako didiretso
Duwag ako para sabihing sumosobra ka pag minsan
Ngunit palagi pa ring may NGUNIT ang bawat usapan
Saan mahahantong kung sa simula nangangalawang
Ang nabuo nating samahan kung agad kang mamumulutan
Di pa ako nakakatagay ng malaklak mo na ang lahat
Hanggang nalasing ka at sa pakiramdam nasasalat
Huwag ka ng magpakamartir kung di mo kayang magpako
Ng mga kwentong sumosobra at sa langis naghahalo
Sana masabi ko na rin sayong TAMA NA ang pelikula
Matagal ng nasa iyo ang tutok ng pagkabida
At kung may kasabihang ang alak mas lalong tumatamis
Sa paglipas ng panahon kapag malapit ng mapanis
Sana’y di maudlot ang lahat sa tanikala
Nakadungaw sa rehas ng buhay na walang bintana
Di na tutunog ang kwardas ng iyong musika
Kung mismong ang kanta ay wala sayong pasensya
Iikot rin ang araw at hahalik sa buwan
Sana’y magtagpo na rin ang iyong isipan
Maramdaman mo na ang buhay ay di sa iyo lamang
Maiipit ako sa pagkakaibigang mula ngayo’y dinududahan..
PAIT SA HALO-HALO
Di ko na hawak ang manibela at wala akong landas
Sa bagong buhay na mga ugat nagkakalas-kalas
Di nila natitipa ang tono kong nakabaon
Tiwala sa sarili’y para ng kinakapon
Halos mawaglit na ang tinging may angas ang ngiti
Dahil noo’y bawat pasakit at sakripisyo sa akin kinukubli
Bakit parang ang hirap manatili kahit walang pinipili
Ang buhay tronong naaalala sa likod ng aking isip
Nawala na at naglahong tila ba panaginip
Napatid na ba ang kalsada kong nag-iba ng ihip
Ang noong kantang naiipupuksa ang sama ng loob
Paos ngayong naghihingalo sa bawat kabog
Nasan na ang mikropono? Nasan na ang salita?
Nasan na ang atensyong wala idinudusta?
May mga taong kasabay, umaagos sa alon
Kaya maisipan ngang tumalon mula sa kahapon
Ayokong maging ordinaryo nakakapit lang sa dingding
Ayokong manatiling naninimdim sa ningning
Labis kong inaatupag ang pantasya at pangarap
Makikita na lang akong sa katotohana’y hinahanap
Nangungulila ako sa pamilyang nagbigay sa akin ng saya
Nawala ang aking tiwala sa sarili kong katya
Bakit may tonong di mapihit sa isang kibo ng gitara?
Matagal ko ng hinihintay na ako’y mapaginhawa
Sa mga kasamang di mahaluan ang tamis ng halo-halo
Nais ko mang maging pait ay tyak lang akong matatalo
Gusto kong maging anghang, ang halimuyak ng kakaiba
Ang magsisilbing pagtantsa kung may iiuubra pa
Ako’y nakabitin sa pader, nananatiling nakasalamin
Misteryosong gumagapang, di pa rin mapatingin
Ako’y panibago sa palasyo na hindi na aking paraiso
Nalulunod ako sa dagat ng wala ako sa wisyo
Di ko mailigtas ang sarili pagkat wala pang tuldok ang pahamak
Nandito akong nakikibaka, sa masa nakikisabak
Ang noong gintong binaon ng buhangin ng oras
Di malaman ang halaga ng mapagkamalang alahas
Di pa nila nakikita ang maisasaid sa king kape
Ako’y nagpasyang tumigil ng magpasintabe
Magdamag akong nag-iisip kung nag-iba na ba ako?
O tangi ko lang hangad ay makilala nila ako.

PALAYOK NA BASAG
Muling kumatok ang pukpok ng martilyong kay bigat
Nahihithit ang hininga na ngayo’y hinahagad
Nanunuot ang galit dahil pasan ko ang inis mo
Ngunit nawala ang lahat agad ng pagkunot ng noo
Alay-alay ang lihim na wagas at magulong pag-ibig
Sa akin nakabitin ang payaso na iyong kabig
Lahat ng hininging patawad di makuha sa isang banat
Napapagod sa paghintay sa iyong muling salamat
Bakit pa hinihintay kung ako mismo di kaya
Ang pagkakataong magkakatabi tayo sa silya
Huminto na ang kanta, Di Pumapalag ang talo
Sa huli ako’y bitin muling nasasakdal sa kaso
Senaryo ng bituin at buwang nakatago sa ulap
Naghihintay ng tilaok at ang puso’y hinahanap
Pikit kong binubulag ang sarili kong mata
Madala ko lang ang puso mo dito sa tunay na nagsisinta
Isang pitik ng oras, at gabok ang magpupuwing
Hihipan ko ang iyong matang naduduling
Wag ng mapagtanto pagkat iisa lang ako
Taong di makulbit ang di na manalo-nalo
Matagal ko ng binasag ang palayok mong nakabitin
Ngunit wala akong napulot habang ako’y nakapiring
Nang matanaw ko ang mga bubog na aking nilamatan
Pulbos na lang at papel pagkat ako’y naubusan
Nanginig ang aking daliri ng mawalan na ng tinta
Pagkat kahit anong pilit, wala pa ring napapala
Inspirasyong nakabaon sa isip ng naluluka
Ngunit hawak pa rin ang hikbi ng sa pag-ibig nadudukha
Nasan na ang matatamis na salitang katunaw-tunaw
Niligtas mo pa ang puso kong hawak ng bakulaw
Hindi mo malay na kaladkad mo ang aking pagkatao
Sugat sugat ng nagpapadala kahit di mo masamo
Isang asul na ilaw ang nagliliwanag sa paligid.
Isang gabing lamig at nanunuyong gilagid
Sana’y ikaw na lang ang unan kong yapos sa’king ginaw
Kahit di na ako magmulat dahil di ka matatanaw
Sa isip kong naririndi sa aking sariling nagmumuktol
Ilang beses na ring nauntog pero di pa nagbubukol
Nahihinog na ang sugat, nalalamog na ang katawan
Hangad ang sandaling matunawan ng hinahangaan
Nasaan ka na prinsepe, sundalo ng buhay ko?
Bakit di pa mahantong ang oras ko sa’yo?
Alam kong naghihintay pa rin ang oras ng kinabukasan
Habang tanaw ko ang mata ng aking mundong ikaw lamang.
DIKLAP NG KURYENTE
2 Friends Online
Wag mo muna akong babagabagin
Sa bisa na ako'y muling mapuwing
Sa buhangin nakalubog, parehong talampakan
Naghihintay sa along sa loob magpapagaan
Binibitin ako ng panahong wag magpaduda
Gising sa hating gabi, puyat sa umaga
Gahaman bang mag-isip na wala ng oras
Kaya ang bibig nagdadalwang isip mangahas
Anong saysay ng hanging di ko malanghap
Sa tuwing madadapa at di makakurap
Di masasagi ng isip mo na ako'y naririto
Nakukuryenteng nakayapak sa mga titig mo
Lapit ka pa ng konti, mawawalan ako ng boses
Nauutal sa paos sa lamig ng iyong nyebe
Ginuhit ko na sa palad kong mag-iingat ingat
Hanggang maiga ang kape na sa asukal ay salat
Windang na ang puso ko kung may ibubuga pa ba
Lumiko ako ng sandali ng ako ay masagasa
Di ako nag-ingat ngunit ayokong ng maaksidente
Maya-maya mauuwi ang lahat sa pagkatorete
Humihina ang mga kanta kahit isinisigaw ko pa
Ngiti na di mawari ay laging naipipinta
Ano ang mangyayari kung sayo ko ititira ang pana
Magugunaw ba akong muli sa aking pagkabahala?
Kumukurap kurap na di ako marunong magkalas
Ang bumbilyang napupundi sa kisameng mataas
Di pa kita abot pero sulyap lang ang kulbit
Pahingi naman ng kantang sa puso ko isinabit
Dumiklap na ang pagkakataon ngunit ayoko pa
Maya-maya't masusunog na ang di maalala
Pinako ko sa noo ko na di na mahahahanginan
Isang pangakong kahit sino di ikatutuparan

NAPURUNGGO SA BUBOG
Kumukubli sa bitin na kumot
Habang hapit sa manhid at poot
Sa araw dumudungaw ang sikat
At hawak ang balisong sa lamat
Sa gabing panay ang sablay ng luha
Sumisingit ang basag sa simpleng ginhawa
Kumakahol ang siyang nangangasiwa
Sa rehas na wala ni isang bintana
Nakadapa sa init ng karampot na papag
Nawiwindang, sumisigaw sa tinapay na may amag
Nalilinlang, naaapi sa matatamis na ngiti
Ginugunaw ang mga tahan sa bawat salapi
Lumilingat sa mga alipin para duraan
Ang simpleng mantas ng bawat nakaraan
Gumagapang naiinggit sa nguya ng mataas
Pagkatapos lunukin, syaka pa mangangahas
Ang bawat kaluluwa na siyang nililibing
Hawak ang mga kamatis para sa piging
Habang ang mga manhid, laging pumuputak
Nag-aalipusta ng sarili nang siya'y humalakhak
Namimili ng isda na kasing lansa ng kanyang dugo
Tumitikim ng buhay na di dapat sinusubo

LATAK NA DAMDAMIN
Malamig na ang simoy na nanigas sa pag-iisa
Sa hating gabi nagtitipid ng kisap mata
Walang maitugtog, walang maikatwiran
Bakit ang lamig sa ngayon naglalapitan
Hanap ang naliligaw sa landas ng bagabag
Kapag tanghali’y ang dilim sa akin tumatawag
Isang kibo ng kamay ng orasan ang pinipigil
Ayaw maramdaman ang tibok na nakatigil
Hindi na tumutulo ang luha, sa ngiting pikit
Gumagapang sa damdaming nagmamalagkit
Kaligkig na nililipas ang panaginip na bakante
Mukhang nagpapakapit sa lahat ng nasasabi
Presensyang naudlot sa milyang kalayuan
Sa loob ng dugo’y siya pa rin ang nagtatahan
Ngunit nakayelo ang umaagos nakasalang ang sarili
Bakit di magawang kumalas kahit pa rin nawiwili
Daig pa ang sandata kung bumikwas ng sakit
Pero ngayon pagmamahal ang naghihinakit
Pababain na ang presyon para di na masobrahan
Nasan na ang pighati ngayong lampas na ang babaan
Dahil rin sa alaala, naapakan ang nagbatid
Sa peklat ng mga sugat, may latak pa ring nasaid

TUNGHAYAN
Nasan ang pintong di sasampal sa mukha?
Mayroon bang nagwawari ng siyang alintana
Di mabaklas ang nakatago, saan ako patutungo?
Aling senyales ang susundan kapag napasubo
Nakatindig sa gitna ng parang, malalim ang hukay
Ang isip nagpipilit, kumakalas, naghihiwalay
Kapag bukas, pagkagising, sumagot na ang araw
Sana’y alam na ang desisyong di pumanaw
Alin ang di bibikwas, at magsasakmal sa pag-asa?
Hinihintay na mapangiti ng mapagbirong tadhana
Ilang beses ng napaiyak ng talikuran ang ninais
Duguan naglakad palayo at sa unan itinangis
Alin ang di magpapadapa sa makinis na semento
Nagsugat ng minsan ang di lagi makuntento
Alin ang di magpapataob ng matagal ng tumutunghay
Nakatingala sa maraming pintong nakakangalay
Matagal ng di magpasyang sumabak sa laban
Sabagay, alin ba sa buhay ang walang saksakan?
Kahit pa anong iwas, madadali pa rin ng tilos
Kaya’t hanggang ngayong hilom na di pa kumikilos
Sana’y matauhan na ang nagwawari para may mapagbigyan
Ang pag-asang sana’y sa mapangiti naman sa gantong paraan
Di na masabi ang persona, sa isang nililimbag
Pagkat misteryo ang sarili, misteryo ang tibag
Anong bagay pa ang hihila, at maghuhugot ng ugat
May tinik na di masungkit, at sa boses nagpamalat
Tuklap na ang balat sa sobrang kabagutan
Kailan pa ba tatapat sa salamin ang orasan
Mamamatay na ang ilaw, pundi na kaiintay
Nasan na ang pampalit, ang liwanag ng buhay
May maisingit man sa mundo, para mapangiti man lang
Nakabingwit na naman ng pera na walang huhulugan
Nais ng mapalakad, diretsong taas-noo
Pagkat sana’y ito na nga, ito na nga AKO.

You might also like