Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Robin Padilla reveals what's keeping him from entering into relationship with Mariel

Rodriguez

By: Paul Mata

"Nabibisto niya kaagad kung ano ang gusto


kong sabihin. Bibihira yun. Minsan, ang mata
kasi hindi nagsisinungaling kaya hindi ko siya
matingnan. Basta, kapag nagdapo yung mga
mata namin, naku, alam nito, talo ako sa
kanya!" says Robin Padilla about the "magic" of
Mariel Rodriguez's eyes.

Rey Pumaloy

Bagamat identified na ngayon si Robin Padilla


sa ABS-CBN, kung saan meron siyang mga
ginagawang proyekto, ay nagpaunlak pa rin ang
action star ng panayam sa showbiz talk show ng
TV5, ang Paparazzi. Ipinalabas ang naturang
interview ni Cristy Fermin kay Robin kahapon,
June 13.

SET-UP WITH LIEZL. Maraming mga tanong ang Paparazzi co-host na sinagot naman ni
Robin nang walang alinlangan, gaya na lamang ng sitwasyon nila ngayon ng kanyang dating
asawang si Liezl Sycangco na naninirahan sa Australia. May kanya-kanya na ba silang buhay ni
Liezl?

"Yung samahan namin ay mas masasabi kong mas lumalim," bungad ni Robin. "Kasi noong
araw, konting kibot, nag-aaway kami. Tapos iba yung may relasyon kayo, e. Pero ngayon pag
tungkol sa aming dalawa, comedy. Siya mismo ang nagsasabi.

"Nagkakaroon lang kami ng diskusyon ngayon pag sa mga bata. Kasi iba yung style ng
pagpapalaki niya, iba ang style ng pagpapalaki ko. At iba rin ang style no'ng bata kung paano
niya gustong lumaki."

"Divorce-Islamic" ang tawag ni Robin sa legal na hiwalayan nila ni Liezl.

Paano ang usapan nila ni Liezl pagdating sa hatian nila sa kani-kanilang mga anak? Kung ilan
ang kay Liezl at kung ilan ang sa kanya?
"Hindi po gano'n ang aming set-up. Mga bata ang nagdedesisyon," paglilinaw ni Robin. "Si
Queenie po, wala po sa akin. Eighteen na siya. Humingi na siya ng kalayaan niya."

QUEENIE'S SUITORS. Natatakot ba siya at nag-aartista na ang panganay niyang anak na si


Queenie?

"Natatakot," pag-amin ng aktor. "Siyempre, ang pangarap namin sa mga anak namin ay
makatapos ng pag-aaral. At sa pag-aartista, pagsubok 'yan, lalung-lalo na ako, na alam ko 'yan."

Ipinaalala ni Cristy ang minsang nasabi ni Robin sa isang interview na mag-ingat ang mga
lalakeng umaaligid sa kanyang mga anak dahil galing na siya ng bilibid. Ito ba ay isang
pagbabanta o pagkatakot sa anino ng nakaraan?

"Kasama na rin 'yang lahat," sagot ni Robin. "Ang akin lang doon ay sa katotohanan. May
pangarap ang mga bata. Kung manliligaw sila, sinabi ko naman na okey lang sa akin, wala
namang problema. Ang sa akin, huwag n'yo lang sirain yung kinabukasan. Huwag n'yo lang
eskandaluhin.

"Alam mo naman yung ibang kalalakihan ngayon, lumalaki na walang respeto sa mga
babae. Baka naman mabalitaan ko na lang na may video yung anak ko. Gusto ko lang ipaalam sa
kanila na hindi tubig ang ibubuhos ko sa kanya, malulungkot ka nang tuluyan. Hehehe!"
makahulugang sabi ng action star.

Nabanggit ang pangalan ng isang masugid na manliligaw ni Queenie na si PJ Valerio, na


nabalitang kinausap ni Robin tungkol sa panliligaw nito sa kanyang panganay.

"Hindi, ang akin lang, hindi pananakot yun. Lahat ng ama ibibigay ang sarili para sa anak nila,"
paliwanag ni Robin.

MARIEL'S EYES. Hindi rin nakaligtas si Robin na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Mariel
Rodriguez. Balibalita kasing tinamaan siya nang husto kay Mariel nang maging guest co-host
siya sa Wowowee.

Sa mga naunang interview ni Robin na lumabas sa ilang mga babasahin, inamin nitong humanga
siya ng ganda ni Mariel. Nasabi rin ng aktor na hindi niya matagalang tumitig sa mga mata ng
TV host kapag nagkakatinginan sila sa noontime show ng ABS-CBN.

Ano meron ang mga mata ni Mariel na hindi niya kayang matitigan nang matagal?

"Nabibisto niya kaagad kung ano ang gusto kong sabihin. Bibihira yun," sagot ni Robin.
"Minsan, ang mata kasi hindi nagsisinungaling kaya hindi ko siya matingnan. Basta, kapag
nagdapo yung mga mata namin, naku, alam nito, talo ako sa kanya!"
Sa tanong kung may communication pa rin sila ni Mariel at kung nagpapalitan ba sila ng text
messages o nagtatawagan, pahapyaw na umamin si Robin na may pag-uusap pa ring nagaganap
sa kanila ng TV host.

"Yun pong tawagan, hindi. Hindi ko po magagawa yun hangga't hindi pa malinaw sa akin. Para
sa akin, masyado nang panghihimasok yun," saad niya.

Ang tinutukoy ni Robin ay ang malinaw na kumpirmasyon kung ano ba talaga ang
sitwasyon ni Mariel at ng sinasabing ex-boyfriend niyang si Zanjoe Marudo.

"Kailangan maging maayos. Ilang taon na ako, hindi naman tayo puwede sa mga tira-pasok!"
sabi ng 42-year-old action superstar.

Hindi pinaniniwalaan ni Robin na libreng-libre na si Mariel dahil sa nalaman niyang pahayag ni


Zanjoe sa tunay na sitwasyon nila ng TV host.

"Hindi pupuwedeng sabihing nawala kasi sa interview ni Mr. Zanjoe, ang linaw, e, nang sinabi
na meron silang usapan ni Mariel na hindi muna sila mapupunta sa iba," sabi ni Robin.

Nilinaw naman ni Cristy at ipinaliwanag niyang sinabi ni Zanjoe na hindi rin daw nito gustong
makita ang isa't isa na may kasamang iba. Ipinagdiinan ng TV host na walang karelasyon si
Mariel ngayon at ibinalita rin nito kay Robin na siya pala ang paboritong action star ni Zanjoe.

Hindi ba yun tumatak minsan kay Robin na ang kailangang katakutan ngayon ni Zanjoe ay ang
kanyang idol?

"Ay, hindi ako dapat katakutan ng kahit sino lalo na kung ako yung dapat na makiraan. Kasi
katotohanan po, yun po ang pumipigil sa amin," pahayag ni Robin.

Ngayong narinig niya na wala nang pipigil?

"Medyo may kaliwanagan," nakangiti niyang sambit.

You might also like