Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Joshua Dionisio at Barbie Forteza, bad influence sa

kabataan?!

TINGNAN MO NGA naman ang edad ng mga


artista. Hindi sila tumatanda every
year. Tumatanda sila by the role or character
they portray. Tulad na lang nitong si Carlos
Agassi, ha? Kahit isama mo pa diyan si
Dimples Romana.

Si Carlos, ilang taon lang? Ipinanganak nung


1979, so that makes him 31. Si Dimples, 1984
isinilang, kaya 25 pa lang ang lola mo. Tapos, si
Jason Abalos, ilang taon? 25 na rin!

Silang tatlo ay napapanood sa Agua Bendita.


Mag-asawa sina Carlos at Dimples. At ang anak
nila doon, si Jason. Kalokah! Ano yon? Si
Carlos, anim na taong gulang nung
mapangasawa niya ang nooy one year old pa
lamang na si Dimples na sing-edad ang anak na si Jason.

Sa madaling salita, ang lakas magpatanda ng telebisyon. Kaya wag na kayong ma-shock kung
mababalitaan na lang natin na si Nash Aguas ay gumanap na binatang ama bukas.

IBA NAMAN ANG case nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza na nakilala ang loveteam sa
First Time. Sila ang ipina-pareha. Parang ang tema ng publicity nila ay talagang gusto silang
pagsyotain.

Eh, ilang taon lang ba ang dalawang ito? Si Joshua, 15. Si Barbie, magte-13 pa lang sa July. Sabi
ng isa naming friend, Ano bang gusto nilang palabasin? Na pamarisan ng mga kabataan yung
dalawa na sa murang edad, magsyota na?

Magulang ka rin naman, Mama Ogs, gusto mo bang panoorin ng mga anak mo ang mga batang
nagla-loveteam-loveteam? Sana, pag nagpo-promote sila sa TV, magkaroon na sila ng disclaimer
na, Magka-loveteam lang po kami. Sa totoong buhay po, magkaibigan lang kami. At pag-aaral
pa rin po ang priority namin.

Something like that sana ang sabihin nila. We know for a fact that they dont make love on
screen. Pero yung concept nila ng loveteam-loveteam, puppy love and infatuation, sa tunay na
buhay, meron talaga niyan.

Pero baka akalain ng mga bata, since napapanood nila sa TV eh, puwede na rin nilang gawin sa
tunay na buhay. Kaya ako, Nickelodeon at Disney Channel na muna ang pinapapanood ko sa
mga anak ko!

Opinyon ng aming kumare. Kami naman, kaya nga may nakalagay na: Parental Guidance o
Patnubay Ng Magulang Ang Kailangan sa screen para ang magulang o ang guardian na ang
bahalang magpaliwanag sa mga bata, di ba?

Eh, pano kung nasa office pa ang parehong magulang?

Hay, naku masalimuot!

PENDONG. YAN ANG isang digital movie na bida ay ang tatlong mokong na sina Felix Roco,
Alywyn Uytingco at Will Devaughn. At least, nakakuha ng mga sinehan sa SM ang pelikulang
dinirek at pinrodyus ng 26-year old na direktor na si Sean Lim.

Kuwento ni Sean, naka-P1.7M siya para sa movie kasama na ang mga artista roon. Pera ko po
yon na inipun-ipon ko po na sana, kumita para mapalago pa.

Kuwento ng tatlong magkakaibigang makukulit, nagkukulitan at kung anu-anong kapalpakan


ang sinusuong, pero sa huli, me realization at pagkatuto silang nakukuha.

Limang digital movies na ang nagagawa ni Sean Lim at target din ng direktor na maka-penetrate
sa mainstream at someday, makapasok sa telebisyon bilang direktor ng mga teleserye.

Nakatakda naming panoorin ang mga nagawa na niyang digital movies at pag nagustuhan
namin, siyempre, itsitsismis namin yan sa ABS-CBN, no! Para roon siya mabigyan ng break.

Sa trailer pa lang ay mukhang may potential na itong si Direk, ha? Sana, maganda rin ang
kabuuan ng pelikula.

Oh My G!
by Ogie Diaz

You might also like