Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Detractors ni Kris Aquino, nagbubunyi!

OLA CHIKKA!! LAHAT nga ay nagkagulo


rito sa pagtatapos nitong Pinoy Big Brother
Teen Clash of 2010. Noong Sabado ng gabi ay
ginanap ang Unite at the Big Night sa Ynares
Sports Complex sa Antipolo City, at doon
nasaksihan ang gitgitang laban nitong Big 6.
Marami ang nagulat sa naging resulta dahil
hindi inaasahan ng marami ang pagkapanalo
nitong si James Reid bilang Big Winner.

Kung tutuusin, una pa lang ay ayaw na niyang


maging Big Winner dahil ‘ika niya ay
maraming mas deserving sa kanya lalo na’t
napakalaki ng prizes na para sa kanya ay
masyado ‘yung malaki para mapasakanya. May
mga housemates siyang mas nangangailangan
niyon. Dagdag pa niya, minsan na siyang
lumabas ngunit pinalad pang makabalik, kaya ang maging Big 6 ay napakalaking bagay na, eh
ano pa kaya ang maging Big Winner?!

In fairness naman, he deserves his victory dahil una pa lamang ay siya na talaga ang gusto kong
manalo dahil sa kanyang talino at talento. Bawat sinasabi niya ay may laman at hindi puro biro
gaya ng ibang housemates. Marahil marami ang nagtatanong dahil wala naman siyang lahing
Pinoy, bakit isang teen-ternational ang nanalo bilang Big Winner?

Well, wala na tayong magagawa dahil taong bayan na ang humusga at sa ayaw o sa gusto n’yo,
may hitsurang Pinoy pa rin si James kaya… ayos pa rin!

Gaya ni James, lahat sila ay deserving sa kanilang posisyon na mapasama sa Big 6. Sinundan ni
Ryan Bang ang tagumpay sa 2nd place, si Fretzie Bercede sa 3rd place, Devon Seron sa 4th
Place, Ivan Dorschner sa 5th place at si Brett Jackson II sa 6th place.

Sayang din itong si Ivan dahil marami ang umasang siya ang magiging Big Winner dahil sa
husay at talinong ipinakita niya sa loob ng bahay ni Kuya. Ngunit sabi ko nga, tanggapin na lang
dahil tapos na at napasama pa rin siya sa finals, at iyon din ang patuloy na ipinaliliwanag ko sa
aking anak na die-hard fan nitong si Ivan.

Hayaan mo na anak, dahil hindi man siya Big Winner, tiyak na uusbong ang showbiz career
n’yan. ‘Di ba?!

MULI NA NAMANG binubulabog ni Kris Aquino hindi lamang ang mundo ng showbiz, kundi
maging ang pulitika. Napabalitang on-the-rocks na naman ang relasyon ni Tetay sa kanyang
asawang si James Yap nang kumalat ang pag-aalsa balutan nitong si Kris, bitbit ang kanyang
dalawang anak na sina Joshua at Baby James.

Dahil sa problemang ito ni Kris, nasasapawan na tuloy ang inagurasyon ng kanyang kapatid sa
June 30, 2010.

Hindi pa man nauupo si Kris, mukhang nagkakatotoo na ang paratang ng kanyang mga
detractors na siya ang sisira sa imahe ni President-elect Benigno Aquino III.

Ay, naku Tetay! Mukhang magdiriwang ang iyong mga haters kaya naman kung patuloy kang
mananahimik ay lalo lamang lalala ang situwasyon at iba’t ibang ispekulasyon, na makasisira
hindi lamang sa iyo, kundi maging sa iyong kapatid.

Personal na bagay ‘yang pinagdaraanan mo gaya ng ibang tao, ngunit bilang ‘First Sister’, buong
Pilipinas ay nakatutok sa bawat galaw mo. Kaya gaya ng ipinangako mo, na konting ingat sa
mga sasabihin at gagawin, panindigan mo.

At para sa mga naninira kay Kris, ipinaaalala ko lamang po na walang perpekto, kaya ingat-ingat
din sa pamumuna at panlalait. Tamah?!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya?! Sino itong young politician na madalas makita sa
column ng mga tabloid na puro negative ang nakasulat? Dahil daw sa maraming tao ang
naniniwala sa kanya, ganu’n kabilis na lang daw lumaki ang ulo nito. Ubod ng yabang daw at
sanhi ng problema ng kapwa niya pulitiko.

Kamakailan lamang ay napapabalitang lagi raw sarado ang kanyang opisina kahit may tao dahil
may ginagawa raw milagro at naaadik pa raw sa sugal. Hmmmm… Ano na naman kaya ito?

Ngunit hindi talaga ako naniniwala dahil sa talino ng politician na ito at bait niya na talagang
namana niya sa kanyang ama ay imposibleng gawin niya ang mga akusasyon na iyon.

At ‘eto pa! Paano mo paniniwalaan ang mga chikka kung ito ay nagmula sa nag-iisang reyna ng
nega na walang magawa kundi manira lalo na kung hindi siya nakakaharbat at ang bansag ko sa
kanya ay walang iba kundi.. “Luci-FER”? Ha-ha! Alam n’yo na?! Sino itong young politician?!
May kamukha siya lead vocalist ng isang banda. ‘Yun na!

by Tita Swarding

You might also like