Kim Chiu Kina Gerald at Bea

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kim Chiu kina Gerald at Bea: “Kung saan sila masaya,

susuportahan ko sila!”

MATAPOS MABALITANG HIWALAY na


raw sina Kim Chiu at Gerald Anderson ay
panibagong isyu naman ang kinasasangkutan ni
Kim and this time she is being romantically
linked with young actor/swimmer Enchong
Dee.

Enchong is allegedly courting Kim and they


were seen together on a date. Mabilis na
pinabulaanan ni Kim ang balita by saying,
“Hindi totoo. Hindi naman niya ako niyayang
mag-date. Magkaibigan kami nina Enchong.
Kasama siya minsan kapag lumalabas kami
nina Melissa (Ricks). Hanggang doon lang
naman iyon.” Nagbiro pa siya na baka raw
magalit si Erich Gonzales.

Kim, Melissa and Erich belong to the same


clique called Chiurigogobaschu na kinabibilangan din nina Empress Schuck, Beauty Gonzales
and Kitkat. Ang ibig kayang sabihin nito ay mas matimbang para kay Kim ang pagkakaibigan
kaysa sa pag-ibig?

Matagal nang magkaibigan sina Kim at Enchong na nagkasama sa mga ABS-CBN television
shows na My Girl at Your Song Presents: My Only Hope. Malay natin baka sila naman ang
mapisil na maging magka-loveteam in their future projects?

Samantala ay wala raw alam si Kim tungkol sa napapabalitang gumagandang pagtitinginan nina
Gerald at Bea Alonzo. She said Bea is their friend and they were together in Heartthrobs tour.
“Kung saan sila masaya, susuportahan ko sila. Hindi ko kasi alam kung totoo iyon or ano man
pero close sila and bahala na sila.”
Pero hindi naman ito nangangahulugan na pagkatapos ng Kung Tayo’y Magkakalayo ay wala
nang komunikasyon sina Kim at Gerald. Makikita pa rin silang magkasama because they have
out of town shows, out of the country shows and endorsements.

Hindi pa sure si Kim if she will be paired with other young actors but she is open to possibilities
dahil bahagi ito ng kanyang trabaho bilang isang artista. She hopes that Kimerald fans will
continue to support them in their projects.

Lagi kong sinasabi na hinahangaan ko ang mga Kimerald fans sa kanilang hindi matatawarang
katapatan sa mga iniidolo lalo na kapag may nababalitaan silang baka itambal sa iba sina Kim at
Gerald. Umuulan ng mga text messages, phone calls at e-mails from fans. May mga nakikiusap,
humihingi ng tulong at ang iba ay nagagalit. At nauunawaan natin ito.

Ano ang naghihintay sa Kim and Gerald loveteam? Abangan.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

You might also like