Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

c c

Gideon

´Pare, tagumpay ang operasyon.µ


´Oo, ang pinakamuhay ay yung nailagay natin sa may LRT.µ
´Sa tantya ko ay doon sasabog yun sa may Blumentritt.µ

Unti-unting nagbabalik sa alaala ni Gina ang mga katagang ito habang


napapanood sa ABS-CBN ang ¶flash news·.
  

               
  

Habang inuulat ang balitang ito ay pilit niyang inaalala ang mukha ng
dalawang lalaking nag-uusap kani-kanina lang ay bumili sa kanya ng prutas.

Si Gina ay nasa edad 21. Kababakasan ng paghubog ng kahirapan das


a kanyang balat na pinakinis at pinaitim ng sikat ng araw sa maghapong
pagtitinda ng mga prutas. Morena ang kanyang mukha at may tuwid na
buhok. Kung di lang sunog ang balat ay mababaks mo sa kanya ang
kagandahan dahil sa tambok ng kanyang dibdib at kislap ng mga mata.
Minsa·y niyayaya siya ng mga mayayamang kostumer na lalake na sumama na
lang sa kanila at habambuhay na siyang hindi magtitinda o maghihirap pa.
may prinsipyo sa buhay si Gina. Hindi niya alintana ang pang-aalik ng mga
ilang mga mayayamang kalalakihan dahil sa alam niyang lolokohin lamang
siya. Nakaenrol siya ngayon sa isang State University. Nais niya na ang lahat ng
kanyang makakamtan ay pinaghihirapan niya. Lalo na ang pag-angat sa
buhay. Mayroon din siyang marubdob na pagmamahal sa bayan. Mula pa
noong mag-aral siya ng kolehiyo ay nabuksan na ang kanyang isipan na kung
dapat makipaglaban at mamatay para sa kapakanan ng bayan ay handa
niyang ibuwis ang kanyang buhay. Kaiba nga lang sa iang mga kasama niya,
siya ay hindi madalas makasama sa mga a  dahil sa kanyang pagtitinda
upang makapagtapos ng pag-aaral, dahil ayaw niyang matulad sa kanyang
ina na iniwanan ng asawa nito dahil tutol ang mga magulang nito na
makapag-asawa ng mahirap at di nakatapos ng pag-aaral.
Kinabahan siya dahil sa pamilyar sa kanya ng mukha ng dalawang
lalaking nag-uusap kanina. Di nga lamang niya maalala kung saan niya ito
nakita.

´Miss, pabili ng pakwan.µ Usal ng isang lalake.

´Ilan ho?µ
Nagulat siya dahil pagharap niya ay ang kaklase niyang si Gerry ang
kanyang nabungaran.

´Ikaw ha, niloloko mo na naman ako.µ

´Napakasipag talaga ng £   ko.µ Sabi ni Gerry. ´Tapos mamayang


gabi papasok ka pa. sabi ko naman sayo eh, sagutin mo na ko para may
katulong ka sa pagtitinda mo.µ

´Eh di napagalitan ka ng tatay mo. Alam ko namang ikaw din lang ang
inaasahan ng batugan mong ama.µ Sabi ni Gina.

´Sabay tayong pumasok mamaya ha.µ Pag-aaya ni Gerry.

´Sige, pero tulungan mo kong magsalansan ng prutas mamaya para


maaga tayong makapasok. Saka may importanteng bagay akong sasabihin sa
iyo.µ

´Bakit sasagutin mo na ko?µ

´Baliw! Marami pa akong pangarap sa buhay.µ

Pagkagaling sa pamantasan ay dumaan sila sa may lugawan na


karaniwang dinudumog ng mga estudyante.

Naikwento ni Gina ang nangyari kanina patungkol sa pambobomba sa


kamaynilaan. Hindi gaanong interesado si Gerry dahil saw ala itong interes sa
mga ganitong usapin. Basta ang sa kanya·y sapat na ang mabuhay sa araw-
araw. Nag-aaral siya dahil gusto niya lang makatapos at makahanap ng
simpleng trabaho.

´Umiral na naman ang pagiging makabayan mo.µ Sumbat ni Gerry.

Hindi. Kanina ay bumili sa akin yung ilan sa mga nagtanim ng mga


bomba kasi pinag-uusapan nila ito bago pa lang sumabog.

Naantig ang damdamin ni Gerry sa sinabi ni Gina spagkat nakita niya sa


TV ang itsura ng ma naging biktima ng pambobomba. Naawa siya dahil
magpapasko pa naman. Mahigit sa 60 ang naging biktima at 19 ang namatay
at ang masaklap pa ay mga ordinaryong tao ang naging biktima. Ang
pinakagrabe nga ay ang sumabog sa Blumentritt LRT station. Isa sa Bus sa may
Edsa, sa isang galsoline station sa Makati at sa Airport.

´Natatandaan mo ba ang mga mukha nila?µ


´Hindi lang natatandaan. Kilala ko sila.µ

´O, bakit hindi mo sabihin sa mga pulis?µ

´Hindi pwede Gerry, malaking grupo ang nasa likod nito at hindi basta-
basta maisasakatuparan ang sinasabi mo.µ

´Bakit, sangkot ba ang mga pulis?µ

´Hindi mo ako naiiintidihan eh. Di ba sumasama ako sa isang kilusan?

´Doon ko nakita ang mga taong yun. Nung nagtreyning kami. Hindi ko
nga lamang maalala kung sila nga yun. Kailangan kong malaman, bakit sila
sumasangkot sa ganitong gulo. Hindi ako sigurado, basta ang alam ko, hindi
nila kayang gawin yun.µ

´Pambihira. Kayo pala ang may kagagawan niyan eh!µ

Naging mabigat na pasanin kay Gerry ang mga sinabi ni Gina sapagkat
alam niyang hindi ito makukuntento sag anon na lamang. Alam niyang kikilos
ito kahit na anong mangyari. Ibinilin sa kanya ni Gina na sabihin kay aling
Matring na kinukuhanan nito ng prutas na mga dalawang araw itong hindi
makapagtitinda dahil sa may importanteng bagay siyang lalakarin. Umuwi sa
boarding house si Gina at sinalansan ang mga gamit. Inilagay sa isang
traveling bag at nagpasama kay Gerry na ihatid siya sa terminal ng bus
papunta kay Mang Pedring.

Pinuntahan niya si mang Pedring na humimok sa kanya sa kilusan.


Tinanong niya rito kung bakit nagawa ng mga kasamahan nila ang ganoong
kalunus-lunos na bagay.

´Alam mo Gina, bata ka pa, hindi mo pa alam ang laro at kilos ng lahat
sa paligid mo. Kung minsan ay kinakailangang magsakripisyo ng buhay para
lamang sa kapakanan ng bayan. Maaaring hindi mo ito maintindihan
sapagkat bago ka pa lamang. Ngunit maaari mo itong maunawaan kung
maaalala mo ang ninais ni Rizal sa kanyang panulat sa El Filibusterismo
patungkol sa pagpapasimula ng rebolusyon. Hindi ko sinasabing tayo ang may
kagagawan niyan, pero tinitiyak ko sa iyo, may malaking pagbabagong
magaganap sa Pilipinas.

Naalala ni Gina ang huling bahagi ng El Filibusterismo na kung saan ay


ginusto ni Simon na pasimulan ang rebolusyon sa pamamagitan ng
pagpapasabog ng bomba na nakalagay sa lampara.
´Ibig n·yo pong sabihin ay hudyat ang pambobombang iyon ng isang
malawakang rebolusyon?µ

´Oo, dahil maraming nagnanais na gisingin ang diwa at damdamin ng


taong matagal nang natutulog na kamalayan ng mga Pilipino na manhid na sa
kabuktutan ng mga nakaupo sa gobyerno. Mag-antay ka na lang at paglipas
ng ilang araw ay makikita mo ang magandang pangyayari sa ating gobyerno.µ

Nang mga panahong ito ay kasalukuyang nakasalang ang kaso ng


Impreachment laban sa pangulo ng Pilipinas na isinasagawa sa Senado.

Pagkauwi ni Gina ay agad niyang pinuntahan si Aling Matring at kumuha


ng mga prutas na kanyang ilalako. Christmas break na, libre na siya ngayon sa
pagpasok sa paaralan at medyo malaki-laki ang kanyang kikitain sa
pagbebenta ng pakwan.

Nagkita na naman sila ni Gerry. Inaya siya nito na pagkatapos magtinda


ay may tao silang kakausapin. Nagtaka si Gina dahil hindi gaanong nagtagal si
Gerry sa pakikipag-usap sa kanya. Habang nagtitinda siya ay inaalala niya ang
payo ni Mang Pedring na magmasid muna sa mga magaganap sa ating
bansa.

Kinagabihan ay nakausap ni Gina ang sinasabi ni Gerry. Nagulat siya


dahil sa isang amerikano ang nasa harapan nila. Galit si Gina sa mga
amerikano dahil sa kanyang paniniwala na ito ang siyang humahawak at
kumokontrol sa ating gobyerno. Dahil simula pa nang magkamalay siya sa
bansang ito ay naririnig na niya ang sigaw na ´Marcos-tuta ng kanoµ, ´Cory-
tuta ng Kanoµ, Ramos-tuta ng kanoµ, Erap-tuta ng Kano.µ Kano! Galit nag alit
siya sa mga Kano!

´Hayop ka Gerry, pati ba naman ikaw ay nagpapaloko sa mga Kano?µ

Hindi Gina, hindi siya masamang tao. Katunayan ay ipagtatapat ko na


sa iyo na kasama nila ako.µ

´Ibig mong sabihin«µ

´Hindi. Matagal na kitang sinusubaybayan at kilala na kita. Hindi rin


totoo na anak ako ng tatay kong si Mang Teryo. Konsern lang ako sa iyo at
ngayon ay gusto kong malaman mo kung paanong ang ating bansa ay
pinatatakbo ng mga dambuhalang dragon na nagtatago sa likod ng kanilang
mga mapanlinlang na kasuotan.µ
Nagtataka si Gina sa mga pananalitang ito ni Gerry na wari mo ba·y
napakaraming alam. Samantalang dati-rati·y ni wala itong pakialam sa
anumang nangyayari sa bayan.

´O sige, ano bang gusto ninyong sabihin sa akin?µ

Ipinaliwanag ng kasama nilang amerikano na may isang organisasyong


nagyhahari sa lahat ng mga gobyerno sa ating bansa na siyang naglalaro at
kumokontrol sa lahat ng maaaring mangyari sa buong daigdig. Isiniwalat nito
ang agenda ng globalisasyon, ang pagdidikta ng IMF na ang sa pagkakaalam
ni Gina ay pag-aari ng mga Amerikano ngunit napag-alaman niya sa kanyang
kausap na ito pala·y hawak ng mga ¶Komite ng 300· na siyang tunay na
nagtayo ng lahat ng gobyerno sa daigdig, sila rin ang may kagagwan ng
kamatayan ni John F. Kennedy, ang pagluklok kay Hitler, ang paglusob sa Iraq
ng mga Amerikano sa ilalim ng Geneva Convention na ikinamatay ng 150,000
na tropa ng mga Iraqi na nagwawagayway na ng kanilang puting bandila·y
patuloy pa ring isinagawa ang karumal-dumal na pagpatay dahil sa ito ay utos
ng O    
  a  a 

a. Medyo nagising ang damdamin ni
Gina sapagkat hindi naibalita sa midya ang mga pinagsasabi ng kaharap niya
at ni hindi lumabas sa ating kasaysayn. Marami pang naikwento ang
amerikano na hindi kapani-paniwala sa kanya ngunit nang iharap sa kanya
ang mga dokumento ay nagkaroon siya ng pagdadalawang-isip. Nagsabi rin
ang amerikano ng kanyang prediksyon ng maaaring maganap sa Pilipins bago
matapos ang unang buwan ng susunod na taon. Nasabi nito na magkakaroon
ng malawakang pagkilos sa EDSA sanhi ng pinaplanong pagpapatalsik sa
kasalukuyang nakaupong president ng bansa. Naikwento rin sa kanya na
nagkaroon ng sabwatan sa Senado patungkol sa pagbubukas ng ikalawang
   ng ebidensya sa
 £ na magiging sanhi ng paghihimagsik
ng damdamin ng mga Pilipino na siyang magbubunga ng pagkagalit ng mga
ito sa pangulo ng bansa at ang pagdagsa ng mga tao sa EDSA.

Hindi pinaniwalaan ni Gina ang mga sinabi ng amerikano sapagkat


matagal nang naitanim sa kanyang isipan ang ideolohiyang kanyang
pinanghahawakan. Ngunit nagkaroon pa rin ng kaunting pagtatalu-talo sa
kanyang isipan.

Naging mas mabigat pa ang kanilang pag-uusap nang matukoy ng


kanyang kaharap na maging ang kanyang kinaaaniban ay isa sa mga
galamay ng tinatawag nitong ¶Komite ng 300·. Ang komiteng ito ay binubuo
ng mga indibidwal na tao na may napakalawak na impluwensiya sa daigdig,
mga bangko, at mga grupong may malalakas na impluwensya sa larangan ng
kalakalan. Ang komiteng ito ang nagtayo ng Zionism, Communism, Fabianism,
Liberalism, Socialism at iba pang mga Right Wing Parties. Itinalaga rin nito ang
United Nations, ang British Intelligence na namumuno sa CIA, Mossad, iba pang
Intelligence Agencies at sa Interpol na may hawak ng Drug Trade sa India,
Hongkong at London. Ito rin ang nagtalaga sa Kings of Saudi Arabia, Sheiks of
Dubai, Kuwait at UAE.

Ang pinakamabigat sa kanyang narinig ay ang pinagmumulan ng


terorismo sa buong daigdig na pinamamahalaan ng Royal Institute for
International Affairs.

Naging malaking palaisipan kay Gina ang pinagsasabi ni Coleman, ang


amerikanong kaharap niya.

Naidagdag pa ng Amerikano na maaaring maganap muli ang nangyari


sa EDSA ·86 na nagpatalsik sa dating pangulong Marcos. Ikinatuwa ni Gina ang
sinabing ito ng amerikano dahil sa ito ang isa sa matagal na niyang ninanais.
Ngunit nang ipagpatuloy ng amerikano ang kanyang sinasabi, nabanggit nito
na ang susunod na mauupo ay ang pangalawang pangulo sapagkat ito ang
bagong alaga at inihahain ng Cardinal sa Roma na iupong pangulo. Medyo
ayaw ni Gina ng kasunod na sinabing ito ng Amerikano sapagkat ang nais niya
ay hindi ang pagpapalit ng pangulo kundi ang pagpapalit ng gobyerno.
Nasabi rin nito ang dahilan kung bakit ganoon kataas ang presyo ng dolyar
sapagkat isa ito sa gagamiting instrument sa pagpapatalsik sa pangulo. Ngunit
ito·y ibababa sa kainitan ng rally sa Edsa upang ipangganyak sa mga Pilipino
na patalsikin nang tuluyan ang nakaupong pangulo.

Halos bumagsak ang kanyang paniniwala sa mga tinuran ng


amerikanong kanyang kaharap. Biglang nagbago ang kanyang pagtingin kay
Gerry na dating walang pakialam sa takbo ng lipunan. Ito pala·y nagmamasid
lang sa mga pwedeng mangyari at maganap sa bansa.

Hinikayat ni Gerry si Gina na kumalas na sa samahan at umanib na


lamang sa kanila na nagnanais na pigilan ang plano ng komite.

´Pag-iisipan ko.µ Sagot ni Gina.

Di pa nga natatapos ang unang buwan ng taon ay nagkaroon ng


napakalaking pagbabago sa Pilipinas. Nabago ang president, nagbunyi ang
nakararaming mamamayan. Halos lahat ng sinabi ni Coleman ay naganap.

Wala na si Gerry at ang kanyang tatay sa kanilang tinitirhan.

Pebrero, Muling magkikita sina Gina at Gerry sa isang parke sa may


Quezon City. Ika-7:00 ng gabi. Habang naghihintay si Gina ay pinagmasdan
niya ang mga taong naroroon. May naglalambingan na parang ayaw nang
maghiwalay sa isa·t isa. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang isang
dalagitang sa tantiya niya ay nasa edad 16. Maputi, maalon ang buhok, nasa
taas na limang talampakan, nakasuot lamang ng pambahay at alikabukin na
ang damit. Naka short ito nang maigsi. Ayon sa usap-usapan ng madalas
mamasyal doon ay araw-araw daw itong naroon sa parke na para bang doon
na nakatira. Maya-maya pa·y may lumapit ditong lalake na halos kasing-edad
niya at nag-abot ng pera at itinuro ang isang lalakeng naroon sa isang madilim
na bahagi ng parke. Nilapitan ito ng dalagita at sumama na sa lalake.

Napailing si Gina sa kanyang nakita. Hindi siya makapapyag na ganoon


na kababa ang dignidad ng mga kababaihan. Ito ba·y dala ng kahirapan?
Tanong niya sa kanyang isipan. Mabuti pa nga at hindi doon sa parke idinaos
ang pagpaparaos ng laman, kasi halos taon-taon ay mahigit sa limandaang
pares ng nagtatalik ang nahuhuli sa mga parkeng nakapalibot sa lugar na iyon
o tinatayang mahigit sa isang pares isang araw ang ginagawang motel at
parausan ang parke.

Mag-aalas nuwebe na ng gabi ay wala pa si Gerry. Medyo sumasama


na ang loob ni Gina dahil sa hindi marunong tumupad sa usapan si Gerry. Pero
naisip niya na ngayon lang naman naging ganito ang kaibigan. Dati-rati·y
nauuna pa ito sa kanya sa kanilang tipanan.

Alas nuwebe beinte nang simulang mainip si Gina, gusto na niyang


umalis. Nang akmang siya·y aalis na ay may lumapit sa kanyang isang bata.

´Mam, may nagpapabigay po sa inyo ng sulat na ito. Isa pong lalake na


matangkad at maputi.µ

Binuksan niya ang sulat. ´(Gina, umalis ka na diyan at nahuli na nila si


Gerry. Tatlong tao ang nakamasid sa iyo ngayon, huwag kang magpapahalata
at delikado ang buhay mo«)µ NIlamukos niya ang sulat at nagmasid sa
paligid. Mayroon ngang lalake sa may bandang palaruan, sag awing kaliwa
ng kanyang kinaroroonan at isa ay malapit sa labasan.

Kinabahan siya. Sinikap niyang lumayo sa lugar na iyon nang hindi


mahahalata ng tatlo ngunit nang akmang papalabas na siya ay sinundan siya
ng mga ito.

Lakad-takbo ang kanyang ginawa at sinikap na makarating sa may


sakayan ng Jeep ngunit nananatiling nakasunod ang mga lalake.

Kinabukasan«

Balita sa telebisyon«        


  
 

You might also like