Paano Ba Ako Makakaipon

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Paano ba ako makakaipon?

Karamihan sa atin ay alam ang kahalagahan ng pag-iimpok o pagkakaroon ng


savings. Di ba’t ang aral mula sa kwento tungkol sa langgam at tipaklong ay ipinakita
ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na pagkain (savings) para sa pagdating ng
tag-ulan (emergency). Marahil nasambit mo na rin sa iba na “makakaipon din ako?” o
dili kaya eh, “Magbubukas ako ng savings account pag nagkapera na?” at marahil di
naman sinasadya ngunit di mo maumpisa-umpisahan ang pag-iipon ng pera. Di ka
nag-iisa kaibigan maliit na porsyento lamang ng populasyon natin ang may savings.

Isa sa mga dahilan kung bakit tayo nahihirapan magsave ay dahil sa mali
nating pananaw sa pag-iimpok. Karamihan sa atin ang pag iimpok ay kung anong
matitira sa ating sweldo gaya ng equation sa baba.

SUWELDO – GASTOS = SAVINGS

Sa karamihan sa atin ang savings ay kung ano ang matitira sa ating suweldo.
May natitira ba naman ba? Di ba wala, sabi nga ng iba kulang pa nga an gaming
kinikita. Ano ba ang tamang pananaw para makapag-impok? Nararapat na itabi muna
natin ang ating savings bago tayo gumasta gaya ng equation na ito.

SUWELDO – SAVINGS = GASTOS

Sa ganitong pananaw ay masisigurado na meron tayong maiipon dahil dapat


lang na unahin natin punan an gating sariling pangangailangan. Ito ang ibig sabihin ng
“pay yourself first” o paglalaan para sa iyong sarili. Eh paano kung kulang ang
matitirang perang panggastos? Maraming paraan na maaring gawin at maraming
bagay ang nararapat alamin kung ano ang puno’t dulong dahilan ng pagkukulang
upang mabigyang solusyon ang ganitong sitwasyon. Ngunit isa sa mga hiwaga ng
buhay ay ang kakayahan nating na pagkasyahin kung ano ang meron tayo.

Malaki man o maliit ang suweldo natin, napagkakasya natin ito. Di ba’t
pagdating ng perang di inaasahan gaya ng bunos eh wala tayong naitatabi sa halagang
nabanggit. Napagkakasya natin ang pera na dumadapo sa ating mga kamay, malaki
man ito o maliit, kaya nararapat lamang na baguhin natin ang pananaw sa pag-iimpok
upang maiwasan natin magastos ang buo nating suweldo.

Isa sa mga maari nyong gawing ay ipakaltas ang sampung porsyento (10%) ng
inyong sweldo at direktang ipadeposit sa inyong savings account. Sa ganitong paraan
ay magagarantiya ang inyong pag-iimpok at di nyo mararamdaman ang halagang
ikinaltas sa inyong sahod. Di ba hindi nyo rin pansin ang kinaltas na buwis sa inyong
sweldo, napupuna nyo lamang ito pagkatapos ng taon pag inyo nang nakita ang
inyong 2316 o certificate of creditable withholding tax.

Pag inyong naisagawa ang pagtatabi ng 10% ng iyong sahod, sa loob lamang
ng sampung buwan ay nakapagtabi na kayo ng halagang katumbas ng inyong isang
buwang sweldo. Ang kailangan lamang kaibigan ay mag umpisa ka, umpisahan mo na
ang iyong paglalakbay upang makaahon sa isang kahig isang tukang pamumuhay.

You might also like