Professional Documents
Culture Documents
Ang Topograpiya NG Pilipinas
Ang Topograpiya NG Pilipinas
Ang lupain ng Pilipinas ay mataba kahit na ito's mabundok. Ang mga hanay
ng bundok ay may makakapal na kagubatan na pumipigil sa baha at pagguho ng mga
lupa. Mayroon din itong malalawak na kapatagan. Ang pinakamalawak ay iyong nasa
kalagitnaang kapatagan ng Luzon at ang kapatagan sa Mindanao. Naniniwala ang mga
siyentipiko na kung makabagogng paraan ng pagtatanim ang gagamitin sa mga
kapatagang ito, makakasapat ang ani para sa pangangailangan ng bansa. Ang ating
bansa ay mayroon ding malalawak at masasaganang lambak, tulad ng Lambak ng
Cagayan. Mayroon din itong masasaganang talampas na matatagpuan sa Bukidnon.
Maraming burol ang matatagpuan sa iba't ibang panig ng kapuluan. Ang mabababang
bundok na matatagpuan sa mga gilid ng pulo ay nagsisilbing lupa para sa pagpapastol.
Ang Bundok Apo sa Mindanao ay may pinakamatas na taluktok samantalang ang
Bulkang Taal sa Batangas ang may pinakamababa.
b) Tubig
Bukod sa mga dagat, mayroon din itong mga ilog, lawa, look at golpo na
pinanggagalingan ng iba't ibang pagkaing-dagat tulad ng hipon, alimango, talaba,
halamang dagat at mahigit na dalawang libong iba't ibang uri ng isada.