Mensahe Ni Senador Teofisto "TG" Guingona III Sa Panahon NG Ramadhan

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mensahe ni Senador Teofisto “TG” Guingona III sa panahon ng

Ramadhan

Ang Ramadan ang ikasiyam na buwan ng Hijrah or ang


kalendaryong lunar ng Islam. Mulang ika-11 ng Agosto hanggang
ika-11 ng Setyembre 2010, ang ating mga kapatid na Muslim sa
buong mundo ay nag-aayuno mula madaling araw hanggang sa
paglubog ng araw.

Ayon sa Banal na Koran sa Kapitulo 2, Bersikulo 183: "O you who


believe! Fasting is prescribed for you as it was prescribed for those
before you, that you may become God-fearing.". Ayon pa sa
Propetang Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan): Whoever
fasts during Ramadan with faith and seeking his reward from Allah
will have his past sins forgiven. Whoever prays during the nights in
Ramadan with faith and seeking his reward from Allah will have his
past sins forgiven. And he who passes Lailat al-Qadr in prayer with
faith and seeking his reward from Allah will have his past sins
forgiven (Bukhari, Muslim).”

Sa ating pakikiisa sa pagdaraos ng Pinakabanal na Buwan ng ating


mga kapatid na Muslim, sana mapagtanto natin ang hinagpis at
paghihirap ng mga nagugutom at walang makain, ng mga walang
matirhan, ng mga walang mauwiang tahanan, ng mga kapatid
nating naghihikahos, gaya ng mga bakwit o evacuees at mga
napilitang umalis sa kanilang mga tahanan dahil sa tila hindi na
matapos-tapos na karahasan at kaguluhan sa Gitnang Mindanao.

Isabuhay din nawa ng kapuwa mga Kristiyano at Muslim ang Sabr


(Arabikong salita) na nangangahulugang tiyaga o pagtitiyaga, isa sa
mga batayang diwa ng Ramadhan, habang tinatahak natin ang daan
tungo sa kapayapaan sa Mindanao. Sana panatilihin natin sa ating
mga puso at isipan ang Sabr hanggang maatim natin ang tunay at
mapayapang lunas sa mga suliranin ng Mindanao.

Lubos ang aking paggalang sa ating mga Kapatid na Muslim at


nagdudulot sila sa akin ng inspirasyon sa kanilang pagdaraos ng
Ramadan. Nawa ang ganitong pagsasagawa ng pagninilay, at
pagsasabuhay sa Sabr, pagpapatawad, at pagkakaisa sa panahon
ng Ramadan ay isagawa sa buong taon, hindi lamang ng ating mga
kapatid na Muslim, kundi ng bawat Filipino.

Dakila si Allah! Ahlan Wahsallam Ramadhan!


Office Copy (Prepared by: JR Mitmug, Queenie and Muss)
Filipino translation by Jona

You might also like