Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pablo Miguel R.

Zurita FIL 2 04 February 2010

The Little Prince

Antoine de Saint-Exupery

Ang tema ng kwentong ito ay ang pagpapakita pagiging sirado ang isip ng mga tao lalo

na sa mga matatanda. Sang-ayon ako sa may-akda na gawin itong tema dahil hindi masyado ito

napapag-usapan ngunit napaka-importante ang paksang ito. Hindi magandang sirado ang isip

mo dahil hindi mo tinatanggap ang pagbabago. Wala tayong magagawa tungkol sa pagbabago

dahil ito ay simbolo ng pag-evolve ng ating sarili, lipunan, at ng mundo. Hindi tayo uunlad

kapag naniniwala tayo na ang mga pinaniniwalaan nating tama ay ang nag-iisang sagot sa mga

tanong o kahit anong engkwentro sa buhay. Kaya nga mahirap ang dinadaanan ng mga taong

tumutulak para sa pagbabago dahil binabara sila ng mga taong sirado ang isip. Naipahayag sa

kwento ang mga halimbawa ng pagiging sirado ang isip ang hindi pagtanggap ng mga

astronomers sa presentasyon ng astronomer na taga-Turkey dahil sa suot niyang Turkish. Doon

pa lang itinanggap ang mga sinabi ng astronomer noong sumuot siya ng coat and tie. Isa pa ay

ang nakikita ng mga matatanda sa Drawing Number One. Marami sa kanila ay nagsasabing

sumbrero raw ito dahil sa kanyang hugis. Hindi nilang iniisip nang mabuti at hinahanap ang

tunay na kahulugan ng guhit na iyon. Hindi naman madaling masabi na ang guhit ay

naglalarawan ng isang boa constrictor na may elepante sa loob nito pero halatang-halata na

mabilis at hindi inisip nang mabuti ang kanilang hinuha. Pwede naman silang sumagot nang

marami dahil medyo malabo ang pagguhit ng may akda.


Maraming simbolong nakalagay sa kwento. Isa sa mga ito ay ang disyerto ng Sahara.

Ang kalawakan, kondisyon ng lugar (halimbawa: ang kakulangan ng tubig at ang ibang

kinakailangan) at ang klima nito ay maaaring nagsimula sa pagsulat ng kwento. Baka dahil sa

walang tubig at pagkain may nakikita na ang may-akda ng mga nakakaiba na hindi

makatotohanan na maaaring nakuha sa pag-hallucinate niya. Isa pang halimbawa ng simbolo sa

kwento ay ang tubig. Dahil na-stranded ang may-akda sa gitna ng kalawakan ng disyerto,

kinakailangan niya ang paghanap at pagpreserba ng mga pangunahing kinakaliangan tulad ng

tubig at pagkain. Dahil dito, tumaas ang importansya ng tubig at ang pag-inom nito ay

napakahalaga para sa kanya. Ang gustong sabihin ng may-akda ay ang mga maramihan at

tinataboy na kagamitan o tao ay nagiging napakahalaga kapag nakukulang o nawawala ang mga

ito. Halimbawa, hindi natin napapansin ang hangin na hinihinga natin dahil hindi naman ito

nauubos pero kapag wala ang hangin ay wala rin tayo. Ang mga maliliit na bagay ang silang

sandigan ng mga kalalakihang bagay. Ang Drawing Number One ay ang simbolo ng pagiging

sirado ng kaisipan ng mga matatanda. Sabi ko kanina, hindi nila hinahanap nang lubos-lubusan

ang tunay na kahulugan ng guhit. Ang mga simbolo tulad ng Drawing Number One at ng tubig

ay mga halimbawa ng mga ideya ipinapahiwatig ng may-akda. Ayon sa kanya, lubos na

pinahalagahan niya ang tubig noong lubos rin niyang kinailangan iyon. Ayon rin sa kanya,

maraming tao lalo na ang mga matatanda ay may sirado na kaisipan sa pamamagitan ng simbolo

na Drawing Number One. Maganda ang mga ideyang ipinahiwatig ng may-akda. Madaling

maihalintulad ang mga ideya niya sa aking na-engkwentro sa buhay. Ang problema lang ay

hindi niya masiyadong nakukuha ang mensaheng ibinigay sa kanya ng prinsipe.

Maswerte ako dahil nabasa ko ang akdang ito dahil muli kong naibukas ang aking

kaisipan. Mahalaga para sa aking maibukas ang aking kaisipan dahil sa aking pangarap na
maging graphic designer ako. Kinakailangan ko ng creativity upang maging magaling ako na

graphic designer. Importante ang pagiging bukas ang isip upang makaisip ako ng mga creative

na mga disenyo. Natuto akong tumingin nang malalim sa kahulugan ng isang bagay at mag-

unawa nang mas malawakan. Importante ang mga ito upang makuha ko ang tunay na kahulugan

ng buhay at ang dahilan kung bakit nandito ako sa mundong ito.

Ang sitwasyong pag-tetame ay nahahalintulad sa isang magandang relasyong

pangkaibigan. Kailangan ng isa’t-isa ang kanilang mga sarili upang maging matatag ang

relasyon nila. Ang pag-tetame ayon sa fox ay isang gawaing pangkalahatan.

You might also like