KABANATA 9 - RC

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA 9: PAGLALAKBAY NI RIZAL SA EUROPA KASAMA SI VIOLA

INTRO:
Pagkatapos mailathala ni Rizal ang Noli ay nagbalak siyang bumisita sa ilang mahahalagang lugar sa
Europa at napapayag naman niya sa Viola na sumama sa kanya. Natanggap ni rizal ang 1000 na ipinadala sa kanya
ni Paciano sa tulong ni Juan Luna. Ang 300 ay ibinayad niya kay Viola at ang natira ay kanyang gagastusin sa
pagpunta sa Europa.

I. Nagsimula ang paglalakbay


Mayo 11, 1887 ng medaling-araw ay nilisan nila ang Berlin lulan ng tren. Ang kanilang destinasyon ay ang
Dresden na isa sa pinakamagandang lungsod sa Alemanya.

II. Dresden
Pagdating nila rito ay nataon sa Rehiyonal na eksposisyon ng mga bulaklak. Si rizal ay may interes sa
botanika. Dinalaw din nila sa Adolph Meyer. Pumunta din sila sa Museo ng Sining kung saan humanga si Rizal sa
Prometheus Bound. Nakita din nila Rizal si Dr. Jagor. Nalaman ni Dr. Jagor na may planong pumunta sila Rizal kila
Blumentritt kya pinayuhan nito na telegramahan muna ito ng sa gayun ay hindi magulat sa kanilang unang
pagkikita. (sinunod naman ito ni Rizal)

III. Unang pagkikita nina Rizal at Blumentritt.


Mayo 13, 1887; 1:30PM ay narating nila Rizal ang estasyon ng tren ng Leitmeritz, Bohemia na kung saan
nag-aantay si Blumentritt. Dala ni Blum ang larawan ni Rizal para makilala niya kagad ito. (iginuhit ito ni Rizal).
Bagama’t ito ang kanilang unang pagkikita ay itinuring na ni Blum na parang tunay na anak si Rizal. Si Blum ay isang
Austriyanong Propesor.
Sila Rizal ay namalagi sa Hotel Krebs. Dinala din ni Blum sila Rizal sa kanyang bahay upang maipakilala sa
kanyang pamilya. Namalagi sila sa Leitmeritz mula Mayo 13-16, 1887.

IV. Magagandang alaala sa Leitmeritz.


1. Naging maganda ang pakikitungo ng pamilya ni Blumentritt at ikinagalak ito ni Rizal. Si Rosa(asawa),
Dolores, Conrad at Fritz (mga anak)
2. Ipinakita ni Blum ang mga makasaysayang lugar sa Leitmeritz. Isang araw ay inaya niya si Rizal sa isang
Beer Garden kung saan nandun ang pinakamasarap na alak sa bohemia. Dito ay isang burgomaster(alkalde) ang
nakilala ni Rizal, nakipag-usap siya dito sa wikang Aleman. Tinanong ng burgomaster kung gaano niya katagal
natutunan ang salitang Aleman, at sinabi ni rizal na 11 buwan. Dito ay lubos na humanga ang burgomaster dahil
iilan lang daw na aleman ang nakakapagsalita ng kanilang sariling wika.
3. Bumigkas din si Rizal ng isang talumpati ng inanyayahan siya ng Samahang Turista ng Leitmeritz at dito
ay pinuri niya ang Austria at ang mga Aleman.
` 4. Gumuhit si Rizal ng larawan para kay Blum.
5. Nakilala din ni Rizal sila Dr. Carlos Czepelak, isang siyentipiko at si Robert Klutschak na isang naturalista.
6. Bago umalis sila Rizal ay hinandugan ito ni Blum ng hapunan na isang simbolo ng pamamaalam.
7. Mayo 16; 9:45AM ay umalis na sila sa Leitmeritz. Patuloy na nagsulatan si Rizal at Blum, at isa sa mga
sulat na ipinadala ni Rizal ay nagsasabi na naiwan ni Rizal ang kanyang diyamanteng alpiler sa kanyang kwarto sa
Otel Krebs

V. Prague
Dito sila pumunta pagkatapos sa Leitmeritz. Pinuntahan nila sa Dr. Willkomm, isang propesor ng likas na
yaman sa Prague, at ipinasyal niya sila Rizal sa makasaysayang lugar sa siyudad katulad ng libingan ni Copernicus,
museo ng likas na kasaysayan, laboratoryong bakteriolohikal, kweba na pinagkulungan kay San Juan at iba pa.
Pumunta rin sila sa Brunn.

VI. Vienna
Mayo 20 ay narating nila ito. Sila Rizal ay nakipagkita kay Norfenfals, isa sa pinakamahusay na nobelista sa
Europa. Isa rin sya sa mga naging tagahanga ni Rizal.
Sa Vienna natanggap ni Rizal ang kanyang nawawalang diyamanteng alpiler.
Tumuloy sila sa Otel Metropole. Naglibot din sila Viola sa lugar at doon din ay nakilala niya ang 2 kaibigan
ni Blum na sina Maner at Nordmann.

VII. Paglalakbay sa Danube papuntang Lintz.


Mayo 24, nilisan nila ang Vienna lulan ng Bangka para Makita nila ang tanawin ng Ilog Danube. Namangha
si Rizal sa kakaibang tanawin ditto.

VIII. Mula Lintz patungong rheinfall.


Pagkarating ditto ay pumunta sila sa Salzburg, sa Munich – pinakamasarap na beer sa Alemanya, sa
Nuremberg – isa sa pinakamatandang lungsod sa Alemanya, mamangha si Rizal sa makina ng inkisyon. sunod ay sa
Ulm – ang may pinakamalaki at pinakamataas na katedral sa Alemanya. Nagtungo din sila sa Stuttgart, Baden, at
Rheinfall – ang pinakamagandang talon sa Europa.

IX. Pagtawid sa Hangganan patungong Switzerland


Tumigil sila sa lungsod na ito mula Hunyo 2-3, 1887. Ipinagpatuloy ang paglalakbay sa Basel, Bern,
Lausanne.

X. Geneva
Sumakay sila Rizal sa Bangka pra tawirin ang maulap na lawa ng Leman sa Geneva. Ang lungsod na ito ang
isa sa pinakamagandang lungsod sa Europa na binibisita ng mga turista taon-taon. Namangka rin sila at pinakita ni
rizal ang kanyang husay sa paggaod sa Bangka.
Noong Hunyo 19, 1887 ay ang ika 26th birthday ni Rizal at niyaya niya si Viola ng magandang tanghalian.
Noong Hunyo 23 ay naghiwalay na ng landas sila Rizal. Si viola ay nagbalik sa Barcelona habang si rizal ay
tumungo sa italya

XI. Ikinagalit ni Rizal ang Eksibisyon ng mga Igorot sa Eksposisyon sa Madrid noong 1887.
Nang nasa Geneva sila Rizal ay nakarating sa kanya ang balita tungkol sa kalunos-lunos na kalagayan ng
mga Igorot sa eksibisyon. May mga namatay at ang kasuotang bahag at krudong armas ay pinagtatawanan at
nilalait ng mga Espanyol. Nagalit si Rizal at doon ay sumulay siya ng sulat kay Blum na nagsasabing nilalait ng mga
pahayagang espanyol ang mga igorot maliban sa El liberal na nagsasabing hindi makatao ang naturang eksibisyon.
Sinabi din niya na “sang-ayon siya sa eksibisyon ngunit hindi sa isang eksibisyon ng kakaibang indibidwal, na
nagpapakita sa aking mga kababayan bilang isang kuyosidad na mag-aliw sa mga tamad na taga-madrid”

XII. Si Rizal sa italya


Binisita niya riti ang Turin, Milan, Venice at Florence. Noong Hunyo 27 ay narating naman niya ang Roma,
natuwa siya rito kaya inilarawan niya kay Blum ang “karangyaan ng Roma”. Sinabi nia na “Lahat ng andito ay
marangal liban sa café at manganganta rito dahil naiinis siya pag naririnig ang mga awiting pranses o makita ang
mga modernong industriya” Marami siyang pinuntahan sa Roma. Noong hunyo 29 ay binisita niya ang Vatican, St.
peters square. “Pagod na pagod ako na parang aso ngunit matutulog ako na parang isang diyos”

You might also like