Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Buwan na naman ng Agosto!

Buwan kung kailan natin ipinagdiriwang ang Kapistahan ng


Pag-aakyat ng Mahal na Birhen sa Langit. Ito rin ang buwan ng pagdating ng ulan at
malalakas na bagyo. Bukod sa mga nabanggit ko, may isa pang pagdiriwang ang laging
idinaraos kapag buwan ng Agosto. Ito ang Buwan ng Wikang Pambansa. Isang buwang
pag-alaala at pagpapahalaga sa pagkakaroon nating mga Pilipino ng isang wikang
matatawag na sariling atin, ang Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay isa sa mga bagay
na nagbubuklod at nagpapakita ng ating pagka-Pilipino. Sa taong ito, sisimulan ang
pagdiriwang nito sa ating paaralan mula Agosto 17 hanggang Setyembre 9. Ang tema o
paksa sa taong ito ay : WIKANG FILIPINO: SIMBOLO NG KULTURA AT LAHING PILIPINO.

      Ang bawat baitang mula Nursery hanggang Baitang 6 ay naghanda ng mga gawain para
mapahalagahan ang Wikang Filipino. Narito ang gawaing ito:   

ng Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto kada taon sa Pilipinas. Sinasalamin
ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang pambansang wika. Sa bawat taon, ang mga
institusyong pang-edukasyon kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng
pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba’t ibang mga gawain tulad ng mga paligsahan sa
pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang paraan nang pagpapakita ng paggamit ng
wikang Filipino.

Kahalagahan ng Wika
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa,
gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na
si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing
tulay na nagdurugtong sa mga kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan.
Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa
pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang
bansa.

You might also like