UN Committee Against Torture Concluding Observations in Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

CAT/C/PHL/CO/2 14 Mayo 2009

Komite Laban sa Tortyur


Ika-apatnapu’t dalawang sesyon
Geneva, 27 April-15 Mayo 2009

Komite Laban sa Tortyur,


Mga Rekomendasyon sa Gobyerno ng Republika ng Pilipinas

I tinatadhana ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Universal


Declaration of Human Rights o UDHR) ang kalayaan sa tortyur. Dagdag pa dito, ayon sa
Internasyunal na Kasunduan sa Karapatang Sibil at Pulitikal (International Covenant on Civil
and Political Rights o ICCPR) na walang sino mang tao ang maaaring gamitan ng labis na
pagpapahirap, at ilapat ang malupit, imbi o di-makataong parusa.

May obligasyon ang Pilipinas na supilin at puksain ang tortyur matapos itong sumang-ayon dahil
sa paglagda nito sa Kumbensyon Laban sa Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at
Pagpaparusa (Convention Against Torture and Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or
Punishment or CAT) noong Hunyo 18, 1986. Nakasaad din sa Artikulo III, Seksyon 12 (2) ng
Saligang Batas ng Pilipinas na ipinagbabawal at mananagot sa batas ang gagamit laban sa sino
mang tao “ng labis ng pagpapahirap, pwersa, dahas, pananakot, pagbabanta, o ano pa mang
paraan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya.” Gayon din ay “(i)pinagbabawal ang mga
lihim na kulungan, solitary, ingkomunikado o iba pang katulad na mga anyo ng detensyon.”

Maliban sa UDHR, ICCPR at CAT, ang Pilipinas ay nasasaklawan ng mga iba’t ibang
Pandaigdigang Kasunduan o Instrumento na kaugnay sa pagtataguyod ng mga Karapatang
Pantao tulad ng Internasyunal na Kasunduan sa Karapatang Pang-ekonomiya, Panlipunan at
Pangkalinangan (International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights o ICESCR);
Internasyunal na Kasunduan sa Pag-alis ng Lahat ng Porma ng Pangkat Panlahi Diskriminasyon
o Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination o CERD); Internasyunal
na Kasunduan sa Pag-alis ng Lahat ng Porma ng Diskriminasyon Laban sa Kababaihan
(Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW);
Internasyunal na Kasunduan sa mga Karapatan ng mga Bata (Convention on the Rights of the
Child o CRC); Internasyunal na Kasunduan sa Karapatan ng mga Taong may mga Kapansanan
(Convention on the Rights of Persons with Disabilitieso CRPD); at Internasyunal na Kasunduan
para sa Proteksyon ng Lahat ng mga Karapatan ng Lahat ng Migranteng Manggagawa at
Miyembro ng kanilang Pamilya (Convention on the Protection of the Rights of All Migrant
Workers and Members of their Families o CMW).

1|P a g e
Sa kabila ng mga batas at pagsang-ayon ng Pilipinas sa mga Pandaigdigang Kasunduan para sa
pagtataguyod ng mga Karapatang Pantao, ang pagtortyur ay malawakan at sistematiko na
ginagamit ng mga pulis, sundalo o ahente ng sangay o instrumentaliti ng pamahalaan sa sino
mang tao sinisiyasat o pinaghinalaan dahil sa paglabag mapa-ordinaryo krimen man o pulitikal.
Kadalasan ang pagtortyur ay nangyayari mula sa pagdakip o pagkaaresto, sa pagsisiyasat o
interogasyon hanggang sa pagkakulong ng biktima.

Sobrang laki ng agwat at malayo ang kaibhan ng reyalidad mula sa ipinapakita ng mga bagay-
bagay, datos at kaalaman kaysa sa mga letra na nakasulat sa mga batas at Kasunduan na dapat ay
progresibo at mahigpit na sinusunod, tumatalima at pinapatupad ng ating gobyerno.

Malawakan ang kalakaran o praktis ng mga pulis, sundalo o awtoridad ang hindi agaran na
pagdulog sa hukom o piskal sa mga taong kanilang dinarakip na pumipinsala sa kanilang
karapatan sa kalayaan at nagiging resulta ng kanilang mahabang pagkakakulong. Dagdag dito,
ang paglabag sa karapatan ng biktima na magkaroon ng abugado at pagbisita agad ng doktor pati
rin ng kanyang kaanak ay nagdudulot ng pinsala sa kanyang karapatan ng pantay na
pangangalaga ng batas. Kadalasan sa mga insidente ng tortyur, ang mga biktima ay ‘yung mga
taong dinakip o inaresto ng walang warant o kaya’y “inimbitahan” lamang at diretso ng dinala at
ikinulong sa presinto, safe house, pasilidad sa detensyon o kampo ng mga sundalo na hindi na
dumaan sa kaparaanan ng batas at legal na proseso o tinatawag na “due process”.

Lalong nagpapalala sa umiiral na “climate of impunity” o ang kawalan ng kaparusahan sa mga


lumalabag sa mga Karapatang Pantao sa ating bansa, ang counter-insurgency campaign, giyera
laban sa terorismo at palpak na pagpapatupad ng hustisya ng ating gobyerno. Ang mga pulis,
militar o awtoridad na may kinalaman, pinaghihinalaang gumamit o pinahintulutang mangyari
ang pagtortyur o labis na pagpapahirap sa sino mang tao sinisiyasat o detenido ay bihira na sila
ay mapasailalim sa imbestigasyon, mausig sa kaparaanan ng batas, papanagutin sa
pagkakasalang kriminal at kung mahatulan man ay pinapatawan lamang ng magaan na parusa o
sentensya.

Sa mahigit dalawampung taon mula ng nilagdaan ng Pilipinas ang CAT, malinaw na ito ay
lumabag sa kanyang pandaigdigang obligasyon na pigilan ang paggamit ng tortyur sa sino mang
tao. Ang pagsasabatas ng Batas Laban sa Tortyur o Anti-Torture Act of 2009 (Republic Act No.
9745), itinatadhana ng batas na isang krimen at paglabag sa Karapatang Pantao ang pagtortyur.
Nakasaad na ang tortyur ay krimen, ganap o absolute at “non-derogable” na ibig sabihin ay
walang legal na batayan at mga natatanging pangyayari kahit ano pa man, maging sa isang
Estado na nasa pananalakay o panganib ng digmaan, o kapag kakailanganin ng kaligtasang
pambayan, ay hindi mahihinging dahilan ng pagtortyur o labis na pagpapahirap sa sino mang tao.

Mahalaga na maging aktibo, mapanuri at magsubaybay tayo sa mga hakbang tungo sa ganap na
pagpapatupad at pagsasabuhay ng gobyerno sa layunin at adhikain ng Batas Laban sa Tortyur o
Anti-Torture Act. Maliban sa itinatadhana ng Kumbensyon Laban sa Tortyur (Convention
Against Torture), Artikulo 1, ang Estado ay may obligasyon na mag-ulat sa Komite Laban sa
Tortyur ng United Nations o Committee Against Torture (CAT) hinggil sa pagtalima ng
gobyerno sa mga pananagutan sa pandaigdig na Kasunduan hinggil sa mga Karapatang Pantao.

2|P a g e
Ang ating gobyerno ay nag-ulat sa ika-42 sesyon ng Komite Laban sa Tortyur noong 27 Abril-
15 Mayo taong 2009 sa Geneva, Switzerland. Isinumite ng delegado ng Pilipinas ang pinagsama-
samang Pangalawa, Pangatlo, Pang-apat at Panglima Pambansang Ulat (2nd to 5th Reports of the
Philippines) mula sa taong Hunyo 1989 hanggang Hunyo 2007. Sa madaling salita, labing-anim
na taon ang lumipas pagkatapos isinumite ng gobyerno ang Unang Pambansang Ulat o 1st
Philippine Report sa CAT, na isang indikasyon na lubos na nagpabaya ang gobyerno sa kanyang
pagtalima sa obligasyon na mag-ulat sa CAT kada apat na taon mula sa taon na niratipikahan ng
Pilipinas ang Kumbensyon Laban sa Tortyur.

Anu-ano ang mga internasyunal na mekanismo sa pagsubaybay sa pagpigil ng pagtoryur?

Ang pagtalima at pagpapatupad sa mga Kasunduan o Tratado sa mga Karapatang Pantao ay


sinusubaybayan ng mga Komite ng mga independiyenteng eksperto na kilala bilang mga lupong
pagsubaybay ng mga tratado (treaty monitoring bodies), na binuo sa ilalim ng UN katulad ng
Komite Laban sa Tortyur o CAT. Isa sa bawa’t anim na pangunahing Tratado ay may sariling
lupong pagsubaybay (monitoring body) na nagpupulong nang regular upang repasuhin ang mga
ulat ng mga Estadong Panig at magkaroon ng konstruktibong pakikipag-usap sa mga gobyerno
kung paano ang huli ay makakatupad sa kanilang mga obligasyon sa pagtataguyod ng mga
Karapatang Pantao. Ang Komite Laban sa Tortyur ay isang lupon na binubuo ng sampung
independiyenteng eksperto na may mandato sa pagsubaybay sa Estadong Panig hinggil sa
pagpapatupad ng huli sa Kumbensiyon Laban sa Tortyur.

Batay sa prinsipyo ng transparency, ang mga Estado ay kinakailangang magsumite ng mga ulat
ng progreso (progress report) sa mga lupon ng Tratado (treaty bodies) at magpalaganap ng ulat
na ito sa pinakamalawak na mamamayan. Kaya ang mga ulat ay maaaring magkaroon ng
mahalagang papel, makatulong sa pagsulong ng pambansang debate hinggil sa mga usapin ng
Karapatang Pantao, makahikayat sa pakikialam at paglahok ng mamamayan, at sa pangkalahatan
ay lumikha ng proseso ng pampublikong pagkilatis sa mga patakaran ng Estado.

Sa huling bahagi ng sesyon, ang lupon ng Tratado ay gagawa ng ulat na nilalaman ng mga
mungkahi, konklusyon at obserbasyon sa anyo ng “Concluding Observations” na nakasaad kung
paano mapapahusay at maisasayos ng gobyerno ang kanyang rekord sa Karapatang Pantao.
Dapat pag-ukulan ng Estado ng pinakamataas na prayoriti ang pagsasabatas ng mga hakbangin
na mangangalaga at magpapatingkad sa karapatan ng lahat ng mamamayan sa dignidad na
pantao at magbabawas sa mga di pagkakapantay-pantay na panlipunan sa pamamagitan ng
prinsipyo ng “progressive realization” o progresibong pagtupad sa mga Karapatang Pantao.

Ang anumang hakbangin tahasang magbabawas sa mga karapatan at di-pagkakapantay-pantay na


pampulitika ay nangangailangan ng pinakamaingat na konsiderasyon at kailangang may sapat na
dahilan ayon sa pagkilala sa kabuuan ng mga Karapatang Pantao na nakapaloob sa pinag-
uusapang Tratado at sa konteksto ng paggamit sa maksimum ang lahat ng nariyang yaman ng
bansa. Sa ganitong kontekstong mahalagang mapag-iba ang kawalan ng kakayahan sa pagtanggi
ng Estadong Kasapi na gampanan ang kanyang mga obligasyon.

Sa panahon ng proseso ng pag-uulat, ang panig sa Tratado at ang Komite ay nagtutukoy ng mga
panukat at pambansang pamantayan na magbibigay ng reyalistikong target na dapat na marating
sa susunod na yugto ng pag-uulat.

3|P a g e
Ang serye ng mga rekomendasyon inihain ng Komite sa Estado ay batay sa sarili nitong mga
obserbasyon, pag-aaral at pagsusuri na napakahalaga para sa reporma at ganap na pagtamasa ng
mga Karapatang Pantao ay dapat na may katiyakan, konkreto at malinaw na hakbang patungo sa
pagkamit ng mga obligasyon ng gobyerno sa Kasunduan sa mga Karapatang Pantao.

Bukod sa pag-uulat ng Estado sa Komite, itinatakda ng Kumbensyon Laban sa Tortyur ang


pagtatag ng tatlong mekanismo upang magampanan ng Komite ang kanyang mandato at
tungkulin sa pagsubaybay sa Estado hinggil sa obligasyon ng huli na igalang, itaguyod at
ipatupad ang Kumbensyon Laban sa Tortyur. Ang pagsumite ng komunikasyon at
korespondensya ng sino mang tao pinagkaitan at nilabag ang kanyang karapatan alinsunod sa
Kumbensyon ay maaaring magsampa ng reklamo laban sa Estado Panig sa kaparaanan ng
umiiral na sistema ng UN. Magsiyasat sa sumbong ng alin mang panig, ng paglabag sa
Kumbensyon Laban sa Tortyur, alinsunod sa mga alituntunin nito, ribyuhin at repasuhin sa isang
nararapat na prosiding na iniharap ang sino mang mamamayan ang kanyang reklamo o
komunikasyon na nilabag ang kanyang Karapatang Pantao sa ilalim ng Kumbensyon, ay
sasailalim sa mga katanungan at isaalang-alang ang “inter-state” ng mga reklamo.

Sinu-sino ang bumubuo ng Komite Laban sa Tortyur ng UN?

Ang Komite Laban sa Tortyur ay binubuo ng sampu mga independiyenteng eksperto na taglay
ang mataas na karakter na moral at kinikilala sa larangan ng Karapatang Pantao.

Ang mga kasapi ng Komite ay dapat mahalal para sa taning na apat na taon alinsunod sa Artikulo
17 ng Kumbensyon Laban sa Tortyur. Ang mga kasapi ng Komite ay manunungkulan sa
kanilang mga personal na kapasidad at maaaring mahalal muli. Ang kasalukuyang kasapi ng
Komite Laban sa Tortyur ay:

Pangalan Bansa Termino


Essadia Belmir (Bise) Morocco 2013
Alessio Bruni Italy 2013
Felice Gaer Estados Unidos 2011
Luis Gallegos Chiriboga Ecuador 2011
Abdoulaye Gaye Senegal 2011
Claudio Grossman (Pinuno) Chile 2011
Myrna Kleopas (Rapporteur) Cyprus 2011
Fernando Marino Menendez Espanya 2013
Nora Sveaass (Bise) Norway 2013
Xuexian Wang (Bise) China 2013
Source: Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR)

4|P a g e
Pagtortyur at pagmaltrato sa mga taong sinisiyasat at detenido sa loob ng bilangguan o
nasa kustodiya ng pulis

Bagamat may mga patakaran ang gobyerno na ang pagtortyur at pagmaltrato sa mga taong
sinisiyasat o detenido ay lubos na kinokondena, ngunit mismo ang Komite Laban sa Tortyur ay
isinasaalang-alang ang mga nakalap nitong ulat, papeles at rekord gayundin ang mga paratang at
impormasyon tungkol sa pagtortyur at pagmaltrato sa mga detenido ay mistulang bahagi o
“routine” na masasabi sa loob ng maraming presinto o kampo ng sundalo sa buong bansa. Ang
pagtortyur ay upang padanasin ng matinding sakit, pisikal o mental, o paghihirap, upang
makakuha mula sa kanya o sa iba pang tao ng impormasyon o kaya ay paaminin siya, o kaya ay
parusahan siya sa salang kanyang nagawa o pinaghihinalaang kanyang ginawa, o upang siya o
ang iba pang tao ay takutin o puwersahin, na gagamitin laban sa kanya sa korte. Gayunpaman,
may batas na ginagarantiya ang mga karapatan ng sino mang tao na inaresto, nakakulong o
sinisiyasat- Rights of Persons Arrested, Detained or under Custodial Investigation o RA 7438,
ngunit ito ay kadalasang nalalabag at ipinagkakait sa sino mang inaresto o detenido ang
malayang pagdulog sa hukom at sa mga kalupunang mala-panghukuman na nagdudulot ng
kanilang matagal na pagkakulong. Dagdag pa dito, ang kawalan ng sistematikong pagtatala ng
mga datos at rekord ng mga detenido at ang restriksyon na magkaroon ng abugadong may sapat
na kakayahan, independiyenteng doktor at hindi agarang pakikipanayam sa kaanak ng sino mang
taong sinisiyasat o detenido. (Artikulo 2, 10 at 11)

Dapat agaran magpatupad ang Estado ng mga hakbang at patakaran, sa pamamagitan ng


pagtatadhana ng batas administratibo o panghukuman, upang maiwasan at supilin ang
pagtortyur at ang labis na pagpapahirap, dahas o ano pa mang paraan ng pipinsala sa
malayang pagpapasya ng mga taong sinisiyasat o detenido o at magtakda na pambansang
patakaran na kumikilala sa pagbawal sa ano mang tipo ng pagtortyur o labis na
pagpapahirap ng mga pulis, sundalo o ahente ng sangay o instrumentaliti ng pamahalaan
sa mga taong sinisiyasat o detenido.

Bahagi nito, dapat magpatupad ang Estado ng pinag-isa at epektibong pamamaraan


upang maprotektahan at mapangalagaan ang mga karapatan ng sino mga taong
sinisiyasat o detenido na sa mismong yugto o panahon na kanilang pagkakahuli o
pagkakaaresto. Sa partikular, ang kanilang karapatan na magkaroon ng abugado
at independiyenteng pagsusuri o atensiyong medikal, karapatang mapatalastasan ng
kanilang karapatan pati ang dahilan ng sakdal laban sa mga taong sinisiyasat o
detenido at karapatan na ipagbigay-alam sa kanilang mga kaanak ang kanilang
lugar at kalagayan. Dapat din seguruhin ng Estado ang hindi pagkait ng kanilang
karapatan sa malayang pagdulog sa hukuman sa loob ng itinakdang panahon na
alinsunod sa batas at internasyunal na pamantayan. Hinihikayat din ang Estado na
magsagawa ng sistematikong talaan o rekord ng lahat ng mga taong sinisiyasat o
detenido na lubos na makakatulong sa madaliang paglutas ng kanilang mga usapin
o paglitis ng kanilang mga kaso.

Ang Estado ay dapat magtatag, magpanatili at magtustos ng isang kumpleto at pinag-isang


programa ng edukasyon at pagsasanay para sa mga pulis, sundalo o ahente ng sangay o
instrumentaliti ng pamahalaan kasama ang mga taga-usig o piskal, hukom at miyembro o
kawani ng hukuman tungkol sa karapatan ng sino mang tao na hindi matortyur o gamitan

5|P a g e
ng labis na pagpapahirap na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya.

Pagpatay at sapilitang pagkawala

Isa sa mga hakbang at pagtangka na isinagawa ng gobyerno upang tugunan ang serye ng
pagpatay o pagpaslang sa mga mamahayag, aktibista at pinaghihinalaang miyembro o taga-
suporta ng mga rebeldeng grupo ay ang pagbuo ng dalawang lupon: Komisyon na binubuo ng
mga pribadong sibilyan na pinamumunuan ng retiradong mahistrado ng Korte Suprema na si
Justice Jose Melo- ito ang Melo Commission at ang Task Force Usig sa ilalim ng Philippine
National police (PNP). Kapwa naatasan ang Melo Commission at Task Force Usig na seguruhin
ang epektibong imbestigasyon sa mga serye ng insidente ng pagpaslang sa mga mamahayag at
aktibista.

Dapat magpatupad ang Estado ng mga konkretong hakbang na imbestigahan at


panagutin kaagad sa kaparaanan ng batas at sa loob ng balangkas legal na walang
kinikilingan ang lahat ng mga alegasyon at kaso na may kinalaman ang mga pulis,
sundalo o ahente ng sangay o instrumentaliti ng pamahalaan at di-estadong mga
aktor o “non-state actors”- kasapi ng rebeldeng grupo, sa pagpaslang o pagpatay at
sapilitang pagkawala ng sino mang tao.

Kawalan ng kaparusahan sa mga lumalabag sa Karapatang Pantao o impunity

Mayroong impunity o kawalan ng kaparusahan sa mga lumalabag sa Karapatang Pantao katulad


ng pagtortyur at labis na pagpapahirap ng mga pulis, sundalo o ahente ng sangay o
instrumentaliti ng pamahalaan dahil kadalasan ang mga akusado ay bihirang masampahan ng
karampatang sakdal o kaso, maimbestigahan at mausig sa hukuman. Sa lahat ng mga pag-uusig
na may kinalaman sa pagtortyur at mga pagpaslang sa mga aktibista o pinaghihinalaang kasapi
ng rebeldeng grupo ay wala pang napapatawan ng parusa. (Artikulo 2, 4 at 12)

Dapat tiyakin ng Estado na ang lahat ng mga alegasyon, paratang at kaso ng


pagtortyur o labis na pagpapahirap ay magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan
at hayagang paglitis na sino mang mahatulan na may-sala ay mapatawan ng parusa
na naaayon sa kaparaanan ng batas at alinsunod sa Artikulo 4 ng Kumbensyon.
Tortyur

Ginigiit ng Estado na ganap na nasa batas ang paggamit ng tortyur o labis na pagpapahirap sa
sino mang tao ay krimen na nakatadhana sa Kodigo Penal kabilang ang mga kaukulang
kaparusahan sa paglabag nito. Ngunit, ang tortyur bilang isang krimen ay wala sa batas na ang
kahulugan ay dapat ayon Artikulo 1 ng Kumbensyon. (Artikulo 1 at 4)

Dapat tiyakin ng Estado ang paggamit ng tortyur o labis na pagpapahirap ay


paglabag sa batas kriminal. Ang pag-tortyur o labis na pagpapahirap ay hindi
ordinaryong buktot na krimen at ito ay may mabigat na angkop na kalikasan na
hindi sinasaklawan ng Kodigo Penal at mga batas ng bansa, sa pamamagitan ng
pagbalangkas ng Estado ng batas laban sa tortyur na nagtatadhana ang tortyur ay

6|P a g e
isang krimen; na ang pagtortyur sa sino mang tao ay paglabag sa Karapatang
Pantao at pagyurak sa kanyang dignidad.

Yaong mga tagapagtanggol ng mga Karapatang Pantao

Batid na marami ang kaso at rekord ng pandarahas at pagbabanta sa mga tao o miyembro ng
sektoral na kumikilos para sa pagtatanggol ng mga Karapatang Pantao na naghahadlang sa
kanilang karapatan na epektibong magtanggol ng Karapatang Pantao at nagbabawas sa kanilang
kalayaan sa pananalita o magkatipon upang ilahad ang kanilang mga karaingan. Karamihan sa
mga biktima ng paglabag sa mga Karapatang Pantao ay dumanas ng tortyur, labis na
pagpapahirap, pananakot, pagpaslang at sapilitang pagkawala. Ang mga target na biktima ay
‘yung mga tao o sektoral na kumikilos na nagtatanggol ng Karapatan ng mga Katutubo
halimbawa ay Lumad sa Mindanaw at Igorot sa Cordillera, mga unyonista at lider magsasaka,
mamamahayag, manggagawa sa kalusugan at mga taong simbahan. (Artikulo 2, 12 at 16)

Ang Estado ay dapat magbalangkas ng mga hakbang para seguruhin ang sino mang
tao kabilang ang mga tao o sektoral na kumikilos o nagtataguyod ng Karapatang
Pantao na hindi nilalabag ang kanilang mga karapatan at hindi dapat gamitan ng
labis na pagpapahirap o pananakot dahil sa kanilang mga gawain at papanagutin sa
pagkakasalang kriminal ang sino mang tao dahil sa paglabag ay dapat sa patawan
ng parusa sa kaparaanan ng batas. Ito din ay alinsunod sa Pangkalahatang
Komento ng Komite Laban sa Tortyur Bilang 2 o General Comment No. 2
(CAT/C/GC/2), ang Estado ay dapat seguruhin ang lubos na pagtataguyod sa mga
karapatan ng sino mang tao lalo na yaong mga nagtataguyod at nagtatanggol ng
Karapatang Pantao.

Pagkulong sa mga taong sinisiyasat

Laganap sa bansa ang pagdeteni o pagkulong sa mga taong sinisiyasat ng mga pulis at sundalo sa
mga lihim na kulungan, safe house, kampo ng sundalo o iba pang katulad na mga anyo ng
detensyon. Itinatadhana ng batas ang karapatan ng sino mang tao na magkaroon ng kapanatagan
sa kanilang sarili na dapat ang mga awtoridad ay ipagsakdal sa hukuman sa loob ng 12 hanggang
36 oras mula sa yugto ng pagkaaresto, pagdakip o ipiniit na walang warant, kung hindi ay dapat
siyang palayain, maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom
matapos masiyasat ang may habla. Ang hindi mabilis at matagal na paglutas sa mga usapin ay
nanatili pa ring suliranin dahil sa mabagal at istrukturang problema ng sistema ng hukuman sa
bansa. Ang mga taong sinisiyasat at inaresto ng walang warant ay kadalasan ay nakadaranas ng
pagtortyur at ginagamitan ng labis na pagpapahirap. (Artikulo 2 at 11)

Dapat magbalangkas ang Estado ng mga hakbang upang huwag labagin ang
karapatan ng sino mang tao na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili at
mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang pagdakip sa mga taong sinisiyasat ng
mga pulis at sundalo lalong lalo ang kanyang mahabang pagkakulong. Sa ganitong
kadahilanan, dapat ang Estado ay magtadhana ng batas na ang sino mang tao na
sinisiyasat ay magkaroon ng madaliang paglutas ng mga usapin habang nakakulong
ang huli bago masampahan ng kaukulang habla sa hukuman ang taong sinisiyasat.
Dapat seguruhin ng Estado na sino mang tao ay hindi dapat alisan ng kalayaan

7|P a g e
nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na
pangangalaga ng batas sa pamamagitan ng mga iba’t ibang alternatibo
pamamaraan katulad ng pagkakaloob ng probasyon, mediation, personal na
serbisyo sibil o sa komunidad, pagpapagaan ng parusa o pagsuspinde sa sentensiya
ng bilanggo o detenido, sa ilalim ng mga kondisyong itinakda ng batas.

Batas Kontra Terorismo o Human Security Act of 2007

Ang kalagayan ng bansa ay nagpapatingkad sa hindi pagkakapantay-pantay na panlipunan,


pangkabuhayan at pampulitikang karapatan ng mga mamamayan dulot ng internal na armadong
tunggalian sa bansa at ang matinding problema sa insureksyon na kinakaharap ng Estado. Ngunit
ang pagbalangkas ng Batas Kontra Terorismo (Human Security Act of 2007 o RA 9372) ay
sagka sa pagpapatibay ng kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ang pamahayagan, o sa
karapatan ng mga mamamayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa gobyerno upang
ilahad ang kanilang mga karaingan. Ang pagbalangkas ng mga kasong “terorismo” ay
ipinagkakait ang karapatan sino mang tao na: dapat ituring na walang sala hangga’t hindi
napapatunayan ang naiiba; at dapat magtamasa ng karapatang magmatwid sa kaparaanan ng
batas. Ang pagpataw ng parusang apatnapung taon ng pagkakakulong, ang kawalan ng sapat na
kahusayan at kakayahan ng lupon na naaatasan sa pagribyu ng mga kaso ng detensyon sa ilalim
ng nasabing batas, at ang pagkait sa kalayaan sa paninirahan at paglalakbay ng sino mang tao ay
ginagarantiya nito ang paglabag sa karapatang pantao. Paano maipagtatanggol ng isang akusado
ang kanyang sarili kung siya ay pinararatangan ng krimeng walang malinaw na depenisyon.
Dapat kilalanin ng gobyerno na ang Komite ay lubos na isinasaalang-alang ang batas na
nagpapahintulot sa pulis, sundalo o awtoridad na ikulong ang taong sinisiyasat ng walang warant
o sakdal laban sa kanya nang hanggang pitumpu’t pitong oras na pagkakabilanggo na hindi
umaayon sa internasyunal na pamantayan ng batas. (Artikulo 2 at 16)

Dapat ribyuhin o repasuhin ng Estado ang Batas Anti-Terorismo at magpatibay ng


patakaran na ano mang susog o pagbabago sa batas ay naaayon ang mga ito sa
pamantayan ng Karapatang Pantao.

“Non-refoulement”

Ayon sa Komite, ang Estado ay hindi pa nagpapaalis o pinababalik (“refouler”) ng sino mang tao
sa ibang Estado kung saan mayroong malaking posibilidad para sa paniniwalang na siya ay nasa
panganib ng pagiging biktima ng tortyur o labis na pagpapahirap. Ganon pa man, ang Komite ay
isinasaalang-alang ang Seksion 57 “Ban on Extraordinary Rendition” ng Batas Anti-Terorismo,
na kung saan pinahihintulutan ang sino mang tao na nadakip o naaresto sa bansa na paalisin o
pabalikin sa bansa na may malaking posibilidad na siya ay nasa panganib na matortyur o gamitan
ng labis na pagpapahirap.

Magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan at hayagang imbestigasyon

Maraming mga sanga, bahagi at sangay ng pamahalaan na may mga mandato at tungkulin na
siyasatin ang mga reklamo at alegasyon ng pagtortyur at labis na pagpapahirap sa mga taong
sinisiyasat at nakadeteni, ngunit sa kabila nito marami mga kaso ng pagtortyur at labis na

8|P a g e
pagpapahirap ng mga pulis, sundalo at awtoridad na kaunti lamang ang mga nahahabla, umaabot
sa korte at nauusig sa kaparaanan ng batas. At ang kawalan ng isang malayang tanggapan, lupon
at sangay upang repasuhin at papanagutin ang pulis, sundalo at awtoriad sa kanilang
pagkakasalang kriminal o paglabag sa kaparaanan ng batas. (Artikulo 12 at 16)

Dapat patatagin ng Estado ang mga patakaran upang seguruhin magkaroon ng


mabilis, walang kinikilingan, epektibo at hayagang imbestigasyon sa mga insidente
at alegasyon ng pagtortyur o labis na pagpapahirap ng mga pulis, sundalo at
awtoridad sa sino mang tao. Partikular dapat ang imbestigasyon ay hindi isagawa at
nasasaklawan ng awtoridad ng pulis o sundalo, isagawa ito sa pamamagitan ng
isang malaya o independiyenteng lupon. Kaugnay nito, kung may malinaw na
dahilan at matibay na ebidensiya ang kaso ng pagtortyur o labis na pagpapahirap,
ang nasasakdal na pulis, sundalo at awtoridad ay dapat magawaran ng suspensiyon
o pagtalaga sa ibang gawain habang dinidinig ang habla at usapin laban sa kanya,
ito ay upang maiwasan ang hindi pagkaroon ng mabilis at walang kinikilingan
imbestigasyon.

Dapat ang Estado ay magpatupad ng mabilis, walang kinikilingan at hayagang


paglilitis sa lahat ng mga pag-uusig kriminal na ang nasasakdal ay mga pulis,
sundalo at awtoridad nang sa gayon ay maipataw ang karampatang parusa sa mga
kadahilanang bunsod ng kanilang paglabag sa mga Karapatang Pantao.

Malayang tanggapan ng Komisyon sa Mga Karapatang Pantao

Bagamat itinatadhana ng Konstitusyon ang kapangyarihan ng Komisyon sa Mga Karapatang


Pantao (Commission on Human Rights of the Philippines o CHRP) sa pagdalaw sa mga piitan,
mga bilangguan, o pasilidad sa detensyon, ang mga Kagawad at kawani ng Komisyon ay hindi
pinahihintulutang dumalaw, tumuloy o pumasok sa mga lugar na ito na pinangangasiwaan ng
mga sundalo. Ito ay mga panagkang hakbangin at nawawala ang kapangyarihan ng Komisyon na
subaybayan ang pagtalima ng gobyerno sa mga pananagutan nito sa pandaigdig na Kasunduan
hinggil sa mga Karapatang Pantao. (Artikulo 2, 11 at 12)

Dapat ang Estado ay magrekomenda sa Kongreso ng mabisang hakbangin upang


maitaguyod ang mga Karapatang Pantao kabilang ang pagpapalawak sa
kapangyarihan ng Komisyon sa pagdalaw sa mga piitan, mga bilangguan, o mga
pasilidad sa detensyon, pati ang mga pinangangasiwaan ng sundalo, at malaya at
independiyenteng Komisyon sa Mga Karapatang Pantao na nangangahulugan nang
pagtatadhana ng Kongreso ng Karta para sa Komisyon o CHRP Charter kasama
ang paglaan ng sapat na pondo para sa epektibong pagtupad ng kanilang tungkulin.

Pagpapahirap na pisikal o sikolohikal sa sino mang detenido

Noong taong 2008, bagamat ang gobyerno sa pamamagitan ng Kawanihan ng Pamamahala ng


Bilangguan at Penolohiya o Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), 3,677 detenido o
tinatayang siyam na porsyento nang kabuuang bilang ng bilanggo sa buong bansa ay nagawaran
o nakatanggap ng mga palugit, pagpapagaan ng parusa o pagkalagda ng pangwakas na hatol,

9|P a g e
nanatili pa rin ang pagkakaroon at paggamit ng mga kaluwagang penal na di-makatao at walang
sapat na pasilidad. (Artikulo 11 at 16)

Dapat ang Estado ay:


a. Magtakda ng patuluyang programa sa kaluwagang penal na magsasaayos ng mga
piitan, mga bilangguan o pasilidad sa detensyon kabilang na ang pagpapatupad ng
mga alternatibong pamamaraan nang pagkakulong bilang kaparusahan sa sino mang
tao sa kanyang paglabag sa kaparaanan ng batas at paglaan ng malaki pondo na
pantustos sa pagpapatayo at pagsasaayos ng mga inprastraktura sa mga piitan,
bilangguan o pasilidad sa detensyon;
b. Magtadhana sa batas ang modernisasyon ng BJMP sa pamamagitan ng panukalang
batas na pagpapaunlad sa BJMP o pagsasabatas ng BJMP Modernization Act na
naglalayong magtayo at magpanatili ng mga maayos, malinis at bagong mga piitan o
pasilidad sa detensyon; at
k. Magsagawa ng mga pinag-isa at komprehensibong lapit sa pagpapaunlad ng
kalagayan sa sino mang tao na nasa loob ng mga piitan o pasilidad sa detensyon sa
buong bansa.

Karahasang sekswal sa piitan, bilangguan o pasilidad sa detensyon

Bagamat ginagampanan ng Estado ang kanyang obligasyon na seguruhin na hindi napapawi ang
mga karapatan ng kababaihang detenido sa saligang pagkakapantay-pantay ng kababaihan at
kalalakihan, kaugnay nito ang paglaan ng kabuuang tatlumpu’t isang dormitoryo sa loob ng
piitan o bilangguan para sa mga kababaihang detenido sa bansa. Ganon pa man, ang Komite ay
isinasaalang-alang ang maraming alegasyon at insidente ng mga kaso ng panggagahasa, pang-
aabuso at tortyur sa mga kababaihang detenido o bilanggo ng mga pulis, sundalo at opisyal o
kawani ng bilangguan. Sa ganitong kalagayan, marami mga ulat na natanggap ang Komite na sa
mga piitan, bilangguan o pasilidad sa detensyon lalo na sa mga lalawigan ay patuloy na hindi
naglalaan ng ligtas at nakapagpapalusog na kalagayan para sa mga kababaihang detenido dahil
hindi magkahiwalay ang dormitoryo ng kalalakihan at kababaihan na detenido. May mga piitan o
bilangguan na ang mga kawaning kalalakihan nito ang nagbabantay sa kababaihang detenido na
paglabag sa mga regulasyon ng ahensiya o pangasiwaan ng gobyerno. (Artikulo 11 at 16)

Dapat magsagawa ang Estado, sa pamamagitan ng batas at para sa kabutihan ng


kababaihan at para sa kabutihan ng lahat, ng patuluyang programa upang
maiwasan at matigil ang sekswal na karahasan sa loob ng piitan o bilangguan, na
kabilang ang pagribyu at pagrepaso sa mga kasalukuyang mga patakaran at
pamamaraan para sa pagkalinga sa mga detenido, tiyakin ang paghihiwalay ng
kabataan mula sa mga matatanda at mga kababaihang detenido, mahigpit na
ipatupad ang regulasyon para sa mga kababaihang detenido na dapat ang
tagapagbantay ay babaeng kawani ng bilangguan, at subaybayan at itala ang mga
insidente ng pang-aabuso sa loob ng piitan o bilangguan.

Dapat kilalanin ng Estado ang mga karapatan ng detenido sa pamamagitan ng


pagpapatupad ng mga pamamaraan para seguruhin ang kanilang kalayaan na
magpetisyon o sa pagdulog sa mga hukuman upang iulat ang kaso ng paglabag o

10 | P a g e
pang-aabuso laban sa kanila ay dapat papanagutin at lapatan ng kaukulang
kaparusahang penal at sibil sa mga paglabag sa mga karapatan ng detenido,
protektahan ang mga detenido na nagpahayag ng paglabag o pang-aabuso mula sa
sino mang taong gumawa ng paglabag, magkaroon ng mabilis, epektibo at walang
kinikilingan na pag-uusig sa lahat ng mga pang-aabusong sekswal sa piitan o
bilangguan, at ilaan ang kaukulang atensyong medikal at sikolohikal sa mga
biktima ng pang-aabuso pati na rin ang bayad-pinsala at rehabilitasyon sa mga
biktima ng mga pang-aabuso o katulad ng mga nakagawian, ayon sa naangkop.

Dagdag dito, dapat isaalang-alang ng Estado ang mga karapatan ng mga detenido,
sa pamamagitan ng pagpatibay ng batas laban sa pang-aabusong sekswal sa loob ng
piitan o bilangguan tulad ng Prison Rape Elimination Act.

Mga bata o menor de edad na nakakulong

Ang pagsasabatas ng Juvenile Justice and Welfare Act o RA 9344, ang paglaan ng mga iba’t
ibang uri ng linkurang panlipunan para sa mga menor de edad na sinisiyasat at ang 565 menor de
edad na ibinalik sa kani-kanilang pamilya noong 2008 ay mga hakbangin ng Estado para tugunan
ang lumalalang usapin sa paglaki ng bilang ng mga menor de edad na nakakulong o nakadeteni,
ngunit makabuluhang bilang sa kanila ay nanatiling nakapiit at higit sa lahat ay may mga ulat na
natanggap ang Komite na mistulang kinasanayan o praktis ang hindi pagkakahiwalay sa mga
menor de edad na sinisiyasat mula sa mga matatandang detenido, sa kabila ng mga iniaatas ng
RA 9344 na dapat magkahiwalay at magkaroon ng isa man lamang dormitoryo para sa mga
sinisiyasat na menor de edad. (Artikulo 11 at 16)

Dapat seguruhin ng Estado ang pagkilala sa mga karapatan ng mga bata na


malayang makapaglaro at makapag-aral at sino mang tao na labingwalong taong
gulang pababa na sinisiyasat ng pulis, sundalo o awtoridad ay dapat ilagak o
ikulong hiwalay sa mga matatandang detenido; na ang paggawad ng mga
alternatibong pamamaraan sa pagkulong ng mga menor de edad tulad ng
pagkakaloob ng probasyon, mediation, personal na serbisyo sa komunidad at
pagsuspinde sa sentensya ng mga kondisyong itinakda ng batas; na ang mga
propesyunal sa larangan ng panlipunan reintegrasyon ng mga menor de edad ay
may sapat na kaalaman at kasanayan; at ang pagkakait ng kalayaan o pagkulong sa
kanila ay bilang isang kahuli-hulihang pamamaraan, para sa pinakamaiksing
posibleng panahon at sa mga angkop na kondisyon na itinatakda ng batas.

Pagsasanay sa Karapatang Pantao

Binigyang pansin ng Komite ang pagtakda ng Estado na dapat tiyakin na maging bahagi ng
kurikula ang pag-aaral at pagsasanay sa mga Karapatang Pantao sa lahat ng mga institusyong
pang-sandatahan at tagapagpaganap, sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Komisyon sa Mga
Kapatang Pantao. Ngunit may kakulangan sa pag-ukol ng sapat na kalinangan na
mapagpabatiran hinggil sa mga resulta ng mga pagsasanay na ito upang mabawasan ang
insidente ng tortyur at labis na pagpapahirap. (Artikulo 10)

11 | P a g e
Dapat ang Estado ay magtatag, magpanatili at magtustos ng isang kumpleto at
pinag-isang programa pang-edukasyon para sa mga opisyal ng gobyerno kasama
ang mga tagapagpatupad ng batas at kawani ng bilangguan upang seguruhin na sila
ay may angkop na kaalaman tungkol sa Kumbensyon Laban sa Tortyur at
kakayahang ipatupad ito, na sino man ang lumabag ay pananagutin sa
kaparaanang ng batas. Lahat ng angkop na kawani sa serbisyo sibil na mga sanga,
bahagi, instrumentaliti at sangay ng pamahalaan ay dapat seguruhin na may sapat
na pagsasanay kung paano magtukoy ng mga marka ng tortyur at labis na
paghihirap sa sino mang tao, at ang pagsasanay na ito ay dapat bahagi ang gawaing
pang-edukasyon para sa pag-intindi at paggamit ng Istanbul Protocol na nakasalin
sa wikang Pilipino at iba pang diyalekto kung saan ito ay epektibong magagamit.
Dagdag dito, dapat ang Estado ay magsagawa ng regular na pagtatasa upang
matukoy kung naabot ang mga layunin ng mga isinagawang gawaing pang-
edukasyon at pagsasanay tungkol sa Kumbensyon Laban sa Tortyur.

Proteksyon ng mga testigo

Malalim ang depekto ng pagpapatupad ng batas na nagtatatag ng programang proteksyon para sa


testigo o Witness Protection Program (WPP) sa ilalim ng RA 6981. Maaring maging tunay na
mabisa ito sa napakalimitado lamang na bilang ng mga kaso at lugar particular sa mga mauunlad
na lunsod ng bansa. Ngunit sa praktika, lubhang makitid ang interpretasyon ng mga karapatan at
benepisyong inaatas ng batas para maging posible ang paglahok para sa ilang testigo. Ang isa
pang laging tinutukoy na problema, malamang sanhi ng kakulangan ng mga mapagkukunan, ay
ang hindi pagtanggap ng mga myembro ng pamilyang nalalagay sa panganib sa programa,
gayong sa teorya, “alinmang myembro ng kanyang pamilya hanggang sa pangalawang antas ng
pagkakamag-anak batay sa dugo o matrimonya” ay maaaring tanggapin kung nasa panganib, at
ang mga detenido na nakadanas ng labis na pagpapahirap ay kadalasan tinatakot, binabantaan at
pinupwersa na pumirma sa waiver at sumaulat ng salaysay na pinapawalang-sala sa mga
akusado. (Artikulo 13)

Dapat itaguyod ng Estado ang pagpapanatili ng programang proteksyon para sa


testigo o WPP, na dapat ay palakasin, patatagin at panatilihin upang matiyak ang
kaligtasan ng mga testigo sa mga kaso ng tortyur at iba pang paglabag sa mga
Kapatang Pantao. Dapat bigyan prayoridad ito sa pamamagitan ng paglaan ng
malaking pondo upang maging epektibo ang nasabing programa.

Pagkamit ng hustisya kabilang ang kompensasyon sa at rehabilitasyon ng mga biktima

Sa pamamagitan ng RA 7309, itinatag ang Board of Claims sa ilalim ng pangangasiwa ng


Department of Justice (DOJ). Ito ay upang matiyak ang mga sino mang tao na hindi
makatarungang dinakip, na nahatulan at nabilanggo ngunit sa dakong huli pinalaya sa
pamamagitan ng paggawad ng abswelto, biktima ng tortyur at iba pang paglabag sa mga
Karapatang Pantao na makatanggap ng kalunasan at ito ay maaaring gawin sa isang karapatan sa
makatarungan at sapat na kabayaran, kasama na ang ibig sabihin nito para sa buong bilang
pagbabagong-buhay hangga't maaari. Isinasaalang-alang ng Komite ang kakulangan ng datos at

12 | P a g e
impormasyon sa mga serbisyong rehabilitasyon, panggagamot at iba pang mga tulong na
tumutugon sa mga pangangailangan ng mga biktima. (Artikulo 14)

Dapat magtatag at magpanatili ang Estado ng mga hakbangin at pinag-isang


programa para sa mga biktima ng tortyur o labis na pagpapahirap kasama ang
sapat at kaukulang kompensasyon, kalunasan at kumpletong rehabilitasyon kung
maaari. Dapat din ang Estado sa susunod na yugto ng kanyang pag-uulat sa Komite
Laban sa Tortyur sa UN ay maglaan ng sapat at kaukulang datos at impormasyon
tungkol sa mga programa sa reparasyon kasama na ang panggagamot sa trauma at
iba pang uri ng serbisyong rehabilitasyon, pati ang paglaan ng sapat na pondo dito
upang seguruhin ang epektibong pagpapatupad ng nasabing programa.

Pagtatapat o pag-amin dahil sa pananakot

Ipinagbabawal ng batas ang tanggaping ebidensiya ang ano mang pagtatapat na nakuha nang
may labis na pagpapahirap, pwersa, dahas, pananakot o pagbabanta. Isinasaalang-alang ng
Komite ang mga ulat na maraming pagkakataon na ito ay nilalabag at na ang pagpatunay na ang
pagtatapat o pag-amin ay isinagawa dahil sa labis na pagpapahirap o pananakot ay nakasalalay sa
taong sinisiyasat o biktima, hindi sa taga-usig. (Artikulo 15)

Dapat tiyakin ng Estado ang anumang pagtatapat, pag-amin o pahayag na ginawa


ng biktima bilang resulta ng labis na pagpapahirap o pananakot ay hindi mahihingi
bilang ebidensiya laban sa kanya sa anumang hukuman o pamamaraan.

Mga batang biktima ng armadong labanan

Maliban pa sa mga Internasyunal na Kasunduan para sa Karapatang ng mga Bata at mga batas na
ipinatupad ng Estado tungkol dito, ang Estado ay nagsagawa ng mga pinag-isang programa
tungkol sa mga Karapatan ng mga Bata kabilang ang 2001 Comprehensive Program on Children
Involved in Armed Conflict, ang pagkatatag noong 2004 ng Inter-Agency Committee on
Children Involved in Armed Conflict, ang pangangasiwa ng National Commission on Indigenous
Peoples hinggil sa pagbisita sa bansa ng UN Secretary General’s Special Representative on
Children and Armed Conflict noong Disyembre 2008. Ganon pa man, ang Komite Laban sa
Tortyur ay lubos na nababahala sa mga ulat at alegasyon na patuloy ang pagdukot at pag-rekrut
ng mga bata upang pilitin maging sundalo o rebelde ng Moro Islamic Liberation Front (MILF),
ng New People’s Army (NPA) o kasapi ng Abu Sayyaf. (Artikulo 16)

Dapat magsagawa ang Estado ng kaukulang hakbangin, sa kaparaanang


komprehensibo at patuluyang programa, upang maiwasan ang pagdukot at pag-
rekrut sa mga bata sa mga armadong grupo. Dapat magbalangkas ang Estado ng
pinag-isang pamamaraan para sa reintegrasyon sa lipunan ng mga batang dating
miyembro ng armadong grupo.

13 | P a g e
Karahasan Laban sa Kababaihan

Isinabatas ng Estado noong 2004 ang Batas Laban sa Karahasan sa Kababaihan at mga Bata o
ang Anti-Violence Against Women and their Children Act (RA 9262) at upang makatulong sa
pagpapatupad nito ay naitatag ang mga Women and Children Desks sa mga presinto at istasyon
ng mga pulis sa buong bansa at ang Women and Children Protection Center ng Philippine
National Police (PNP). Ngunit, isinasaalang-alang ng Komite ang patuloy na paglala ng
problema ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata, kabilang na ang karahasan sa tahanan.
May kakulangan din ang Estado sa mga istadistika o datos ng karahasan sa tahanan at nang mga
rekord ng mga reklamo, kasalukuyang dinidinig sa korte at hatol kaugnay sa karahasan sa
tahanan.

Dapat paigtingin ng Estado ang mga hakbangin upang labanan, mapigil at


maparusahan ang karahasan laban sa kababaihan at mga bata pati na rin ang
karahasan sa tahanan. Dapat maglaan ng sapat na pondo ang Estado sa
pagpapatupad ng RA 9262. Hinihikayat ng Komite ang Estado na magbalangkas at
magpatupad ng mga programa para sa rehabilitasyon at tulong panlegal, at
maglunsad ng mga gawaing pang-edukasyon sa mga opisyal ng gobyerno kabilang
ang mga hukom, piskal, pulis at mga manggagawa sa gawaing panlingap. Dagdag
pa na dapat magpalakas at magpanatili ang Estado ng mga programa sa
pananaliksik at pagkalap ng mga datos tungkol sa lahat ng porma ng karahasan
laban sa kababaihan.

Dapat magrekomenda ang Estado sa Kongreso na mabilisang isabatas ang Magna


Carta of Women o House Bill 4273 na magiging bahagi ng legal na sistema at
nagtatampok sa prinsipyo ng Internasyunal na Kasunduan sa Pag-alis ng Lahat ng
Porma ng Diskriminasyon Laban sa Kababaihan (Convention on the Elimination of
All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW) na nakatadhana sa
pambansang batas.

Trafficking

Ang pagbilanggo sa mga “traffickers” at pagsasabatas noong 2003 ng Anti-Trafficking in


Persons Act o RA 9208 kasabay ang pagbuo ng Inter-Agency Council Against Trafficking
(IACAT) at upang masubaybayan ay dapat makipag-ugnayan ito sa iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan tungkol sa pagpapatupad ng batas at ng “We are not for sale: Victims of Human
Trafficking Speak Up Project” ay binigyang pansin ng Komite Laban sa Tortyur, ang Komite ay
isinasaalang-alang na ang Pilipinas ay patuloy pa rin ang pinanggagalingan, pagbiyahe at
destinasyon ng mga kababaihan at batang biktima ng “trafficking” para pang-aabusong sekswal
at sapilitang paggawa. Binigyang diin ng Komite na may maliit na bilang lamang ang mga
kasong naisasampa, umuusad o dinidinig at nahahatulan sa korte na karamihan sa mga kaso ng
karahasan laban sa mga kababaihan at mga bata ay napapawalang bisa mismo sa unang yugto pa
lang ng pagdinig sa hukuman. (Artikulo 2, 12 at 16)

Dapat magbigay ang Estado ng nararapat na hakbang kabilang ang prayoridad na


labanan at sugpuin ang problema ng trafficking sa pamamagitan ng pagsiguro sa

14 | P a g e
pagpapatupad ng mga batas laban sa trafficking at maglaan ng sapat na serbisyong
panlipunan sa mga biktima. Dapat magtatag at magpanatili ang Estado ng sapat na
kalagayan para sa pagtataguyod ng mga karapatan ng biktima na dumulog sa
hukuman, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan at epektibong imbestigasyon
sa mga alegasyon at kaso ng trafficking, at seguruhin ang kaparusahan ng mga
taong lumabag sa bata.

15 | P a g e

You might also like