Pabula 4 10

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

SI ALITAPTAP AT SI PARUPARO

HARING TAMARAW AT SI DAGA


SI KALABAW AT SI TAGAK
SI LANGGAM AT SI TIPAKLONG
ANG MADALDAL NA PAGONG
ANG ALAKDAN AT ANG PALAKA
Isang araw, may isang alakdan na lumilibot sa bundok upang makahanap ng lilipat. Nilakbay
niya ang mga gubat, burol... Umakyat sa mga batuhan at halamanan hanggang sa umabot siya
sa isang ilog.

Malawak at mahaba ang ilog kaya huminto siya at nagplano. Walang paraan para siya ay
makatawid kaya't siya ay naglibot paakyat-pababa sa paligid ng ilog hanggang sa siya'y
napaisip na bumalik na lamang.

Mula sa isang tabi, may nakita siyang isang palaka na tumatawid sa ilog. Naisip niyang humingi
ng tulong dito.

"Magandang Umaga Ginoong Palaka!" tawag ng alakdan. "Maaari mo ba kong isakay sa iyong
likod para makatawid sa ilog?"

"Ayoko nga, pano ako makakasiguro na hindi mo ko papatayin?" tanong nang nangangambang
palaka.

"Dahil," sagot ng alakdan. "Kung patayin kita, mamamatay din ako dahil hindi ako marunong
lumangoy!"

Mula doon ay napaisip ang palaka. May punto nga naman ang alakdan... Nguni't para
makasiguro ay tinanong niya ito ulit. "Pano kung malapit na tayo sa baybayin? Maaari mo parin
akong patayin tapos ay ikaw na lang ang uusad sa gilid ng ilog."

"Totoo, " sumang-ayon ang alakdan, "Pero walang paraan para ako ay umabot sa kabilang dulo
ng ilog."

"O sige... pano kung aantayin mo lamang tayong makatuntong sa kabilang dulo bago mo ko
patayin." sabi ni palaka.

"Ahhh... dahil kapag nadala mo na ko sa kabilang dulo, magkakaroon ako ng utang na loob sa
iyo kaya't hindi ko magagawang patayin ka, diba?" sagot ng alakdan.

Sumang-ayon ang palaka na itawid ang alakdan kaya siya ay nagpunta sa kinaroroonan nito at
isinakay siya. Matapos noon, ay tumawid na ang palaka sa ilog na kasama ang alakdan...
Bagaman malakas ang daloy ng ilog, siniguro niya na di malulunod ang kanyang pasahero.

Nguni't sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay, naramdaman ng palaka na may tumusok sa


kanyang likuran. Nang napasilip siya ay nakita niyang tinatanggal ng kanyang pasahero ang
nakatusok na buntot na may lason sa kanyang likuran. Namanhin ang kanyang laman-loob
hanggang sa kumalat ito sa kanyang buong katawan.

"Loko-loko!" sambi't ng palaka, "Ngayon mamamatay tayong dalawa! Bakit mo ginawa yon?"

Nagkipit-balikat ang alakdan at sinabing... "Wala akong magawa, natural na sa akin ang
ganoon."

At sabay silang nalunod sa malalim na ilog.

ANG PANGIT NA INAKAY


Tag-araw sa bukid.Isang pangit na inakay ang napisa mula sa isa sa mga
itlog ng inahing pato.
"Sisiw ng pabo'yan," anang isa sa mga pato sa bukid.Ngunit sa ilog,ipinakita ng pangit
na inakay ang kanyang galing sa paglanggoy.Nagpasya ang inahing pato na hindi sisiw
ang pangit na inakay.Ngunit naging malupit sa pangit na inakay ang ibang hayop sa
kamalig,kaya nagpasya ang pangit na inakay na umalis na lamang.Napadpad ang
pangit na inakay sa isang latian. Niyaya siya ng dalawang ligaw na gansa na lumipad,
ngunit nabaril
ang mga ito ng mangangaso.Nilisan ng pangit na inakay ang latian.Narating niya ang
kubo ng isang aleng may alagang inahing manok at pusa.Dahil nais ng inahin na
mangitlog siya at gusto naman ng pusa na magmiyaw siya,umalis na lamang ang pangit
na inakay.Bumalik ang pangit na inakay sa latian.Nakakita siya ng isang kawan ng
naggandahan at puting-puting ibon.Ibinuka ng mga ibon ang mga pakpak at
lumipad.Dumating ang taglamig.Nilukuban ng yelo ang pangit na inakay.Isang
dumaraang magsasaka ang sumagip sa kanya at iniuwi siya sa bahay.Nang
mahimasmasan ang pangit na inakay ay hinabol siya ng mga anak ng magsasaka.Sa
takot na baka saktan siya ay kumaripas siya ng takbo palabas ng bahay.Walang ibang
mapuntahan ang pangit na inakay kundi ang latian-at ang malupit na taglamig.Sa
wakas,sumikat din ang araw.Dumating na ang tagsibol.Ibinuka ng pangit na inakay ang
kanyang mga pakpak at nagpanto niyang nakakalipad na siya!Dumapo ang pangit na
sisiw sa lawa ng isang maringal na hardin.Doon ay nakita niya uli ang mga puting ibon
na may mahahagway na leeg.Mga sisne!Hinihintay niyang tukain at saktan siya ng mga
sisne dahil sa kanyang kapangitan...Ngunit nang tumingin siya sa tubig ay nasalamin
niya roon
ang kanyang anyo.Siya rin ay isa nang napakagandang puting sisne!Naalala ng dating
pangit na inakay ang mga panlilibak sa kanya.Kung hindi sa mga hirap na dinanas niya
ay hindi niya mapapahalagan ang kanyang kapalaran at magandang anyo.
ARAL NG KWENTO:
"ANG MGA PAGSUBOK AT PAGHIHRAP SA BUHAY AY MAY KATAPAT NA
MAGANDANG GANTIMPALA."

ANG AGILA AT ANG MAYA


Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad
at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang
paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.
"Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?"
buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para
maturuan niya ng leksyon.
"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?"
Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.
"Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak
niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.
"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong
maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng
kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak."
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga
naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa
mabigat na asukal na dadalhin naman nito.
"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya.
"Aba oo, payag na payag ako."
"Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas
na bundok na iyon," wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya
nagpahalata.
At sisimulan nga nila ang paligsahan.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas
na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan
si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan
kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at
tinalo niya ang mayabang na Agila.
MENSAHE:
Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging mayabang
at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.

ANG ASO AT ANG PUSA


Isang araw, ang aso ay nakahuli ng isang ibon.Samantalang pinagpapasasaan niya
iyon, isang munting butoAng nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalisAng
bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-
lakas . Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng Makapag-aalis ng
kanyang bikig.Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa
kaninumangMahilingan ng tulong na ibibgay niya ang anumang mayroon siya sa
makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan. Tumihaya na ang aso at
ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng pusa ang kanyang ulo hanggang
liig upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig, ang pusa ay nagsalita, “Akin na ang
aking gantimpala.” Umuungol ang aso. Inilabas ang matatalim na pangil.
“Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa
rin nang hindi napahamak,” wika ng aso na waring nanunumbat.

ANG KUNEHO AT ANG PAGONG


Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa
makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak.
"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang
mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang
Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay
hinamon nya ang Kuneho.
"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako
matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka
mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo
patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.

Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni


Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera.
Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na
matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang
nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan."Handa na ba kayo". Magkasabay na
tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw
ni matsing.

Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumoisahan. Mabilis


na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya
sa paanan ng bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat
niya kay pagong.
Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng
mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy
siya sa paglakad, walang lingun-lingon.
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa
kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong.
Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng
mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating an siya sa kalagitnaan ng bundok.
Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.

Patuloy nman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa


marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing
na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa
paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera.

Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi
pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit
ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng
bundok.
Naunahan na pala siya.

You might also like