Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Ang Pasalitang Pagpapahayag

Masining na Pagpapahayag
Wed
1:00 – 4:00
Fonolohiya
• Ang pag-aaral at pag-uuri-uri sa iba’t-ibang tunog na ginagamit sa
pagsasalita ay tinatawag ng Fonolohiya, at ang makahulugang tunog
ng isang salita ay tinatawag na fonema.
• Ang mga tunog ng patinig ay tinatawag natin ng fonemang patinig at
ang mga tunod ng katinig ay tinatawag nating mga fonemang
katinig. May 25 fonema sa wikang Filipino.
• Malayang nagkakapalit sa ilang mga salita ang mga patinig o at u,
gayundin ang e at i.
Halimbawa: babae – babai
totoo – tutoo
lalake – lalaki
kunsumi - kunsume
Tsart ng mga Patinig
Sa fonemang patinig ang tunog ay nabubuo sa
pamamagitan ng ayos at ng galaw ng dila.
Harap Panggitna Likod (Back)
(Front) (Sentral)
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a
Fonolohiya
• Kapag naganap naman ang pagpapalit at
nagbabago ang kahulugan ng salita, ang e at i
at ang o at u ay dalawang magkahiwalay na
ponema.
Halimbawa:
uso – oso
bola – bula
mesa - misa
Fonolohiya
• Ang fonemang katinig at fonemang patinig ay maaring
pagsamahin upang makabuo ng isang tunog – b+a = ba;
k+o = ko. Ang tawag dito ay fonemang segmental.
• Kapag ang isinudlong ang alin man sa fonemang patinig sa
unahan ng malapatinig na fonema w at y – a+w = aw; o+y =
oy; i+w = iw – ang mabubuong tunog ay tinatawag na
diptonggo na karaniwang nasa huling pantig ng salita.
Halimbawa: kahoy, aliw, aray, atbp.
• Ang mga diptonggo ng Filipino ay iw, iy, ey, ay, aw, at uy.
Ngunit kapag ang y o w ay napapagitan ng dalawang
patinig, ito’y hindi na maituturing na diptonggo.
Hal. awit, ngiwi, tiyak, luya, atbp.
Ang mga Klaster o Kambal Katinig
• Ang klaster o kambal katinig ay ang
magkakabit na dalawang magkaibang katinig
sa isang pantig.
Halimbawa: tsaa, trak, braso, nars, atbp.
Pagpapantig
• Ang pantig ay isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa
pamamagitan ng isang walang antalang bugso ng tinig.
Mga Kayarian ng Pantig:
1. P – (a-so; u-pa; o-so; i-ba; e-wan)
2. KP – (ma-li; la-ta; bu-la)
3. PK – (is-da; ok-ra; ak-lat)
4. KPK – (han-da; ban-da; tak-bo)
5. KKP – (bra-so; kla-se; dra-ma)
6. PKK – (eks-per-to)
7. KKPK – (trak; plan-tsa)
8. KPKK – (kard; keyk; nars)
9. KKPKK – (trans-por-ta-syon)
10.KKPKKK – (shorts)
Pagpapantig
• Ang pagpapantig ay paraan ng paghati ng salita sa
mga pantig.
Hal. a-a-lis, ma-a-ga
pin-to, sob-re
trans-krip-syon
ma-i-i-wan
u-me-eks-tra
pa-plan-tsa-hin
Ang Diin
• Ang diin ay nagpapabagu-bago ng binibigyang
empasis sa pangungusap.
Hal. Ang saya ni Adela ng manalo siya sa
timpalak.
Ang saya ni Adela ay galing pa Antique.
• Ang paglalagay ng tuldik ( ‘ )ay nakakatulong
sa pag-unawa sa isang salitang dapat bigyan
ng diin.
Pagsasanay
• Sabihin kung ilang pantig at kilalanin ang kayarian.
1. asikasuhin
2. bulubundukin
3. transportasyon
4. pagpapakilala
5. ekstra
6. aktor
7. traktora
8. chefs
9. fax
10.hanapbuhay
Pagsasanay
• Piliin ang mga salitang may diptonggo.
tunay gulay gawain
kasoy aliwan hikaw
palay beysbol tunay
inawit kawayan sayawan
kaliwa bitiwan araw
baboy kulay
Pagsasanay
• Sabihin kung magkapareho o magkaiba ng
kahulugan ang mga sumusunod na salita.
1. ire – iri 2. peke – piki
3. gayun – gayon 4. pesa – pisa
5. boto – buto 6. bobo – bubo
7. bola - bula 8. petsa – pitsa
9. polo – pulo 10. sampo - sampu
Pagsasanay
• Lagyan ng tuldik (‘) upang umakma ang mga salita
sa pangungusap.
1. Pito ang anak ni Aling Yolly.
Lakasan mo ang pag-ihip sa pito.
2. Mga piling panauhin lang ang makakadalo sa
pagdiriwang.
Sa piling mo lamang siya liligaya.
3. Buhay mo iyan, ayokong makialam.
Nakahuli ako ng buhay na ahas.
Pagsasanay
4. Ang saya na suot ni Lalaine ay yari sa mga
“imported” na materyales.
Ang saya ng bakasyon namin sa H.K.
5. Kumuha ka ng buko upang makainom ang
ating bisita.
Buko ka na, e, ayaw mo pang umamin.
Pares Minimal
• Ang pares-minimal ay mga pares na salita na
magkatulad ang bigkas maliban sa isang
ponema, at dahil ditoay nagbabago ang
kahulugan.
Hal. pala – bala
lapat – lapad
titik – titig
bukas - butas
Morfema
• Ang salita ay binubuo ng morfema. Ang morfema ay
ang pinakamaliit ng yunit na bumubuo sa salita.
Maaring ito ay kataga o salitang ugat.
• Ang pag-aaral ng mga morfema ay tinatawag na
morfolohiya, ang palabuuan ng salita.
• Ang kataga ay isang morfema na karaniwang iisahing
pantig lamang at ito’y walang kahulugan kapag nag-
iisa maliban na lamang kung sinasangkap sa
pangungusap.
Hal. ba, pa, na, nga, din, man, atbp.
Morfema
• Ang iba’t-ibang uri ng mga panlapi ay mga morfema
rin.
Hal. um, mag, nag, ma, pag, atbp.
• Ang salitang ugat ,na itinuturing na pinaka-ina ng mga
salita ay nagtataglay na ng kahulugang leksikal na
karaniwang binubuo ng dadalawahing pantig ay isa ring
morfema.
Hal. lakad, takbo, yaman, sipag, atbp.
• Ang salitang –ugat at kataga ay pwedeng pagsamahin
upong makabuo ng panibagong salita.
Hal. ma+sipag = masipag ibig+in = ibigin
Morfema
• Ang isang morfemang salitang-ugat na naiiba-
iba ang kahulugan dahil sa bigkas ay tinatawag
na homofonus.
Hal. baga (lungs) baga (ember)
sala (sin) sala (living room)
paso (flower pot) paso (out model)
araw (sun) araw (days)
Pagbuo ng mga Salita
• Inuulit (Ganap na pag-uulit)
Hal. Sama-sama ukay-ukay
araw-araw bahay-bahay
Ang salitang ugat na nagtatapos sa o, kapag inulit ay pinapalitan ng
u.
Hal. halu-halo baku-bako
luku-luko
Kapag nagtatapos sa e, pinapalitan ng I at dinadagdagan ng pang-
angkop kapag inuulit.
Hal. Lalake – lalaking-lalaki
Salbahe – salbahing - salbahe
Pagbuo ng mga Salita
• Inuulit (Di-Ganap na Pag-uulit)
Hal. ikot – iikot sisiga-sigarilyo
takbo – tatakbo
• Tambalan – kalimitang dalawang pinagsama.
Minsan ay may kani-kaniyang kahulugan at
minsan ay bumubuo ng bagong kahulugan.
Hal. panhik-panaog lulubog-lilitaw
daang-bakal bungang-araw
hanapbuhay
Pagbuo ng Salita
• Maylapi – nilalagyan ng mga panlapi
Unlapi – sa unahan (umawit, inibig)
Gitlapi – sa gitna (tinuka, sumama)
Hulapi – sa huli (isipin, tamaan, puntahan)
Kabilaan – sa una at huli
(magtulungan, ipagsigawan)
Laguhan – sa una, gitna at huli
(magginataan, ipagsumigawan)
Mga Pagbabagong Morfofonemiko
• Maykaltas – kung may nawawalang fonema
Hal. damhin (damahin) tupadin - tupdin
takpan (takipan)
• Maypungos – kung may fonemang nawawala sa unahan
ng salita
Hal. ipagawa (pagawa)
magpadala (padala)
• Maykatulad – kung may nawawala naman sa hulihan ng
salita at napapalitan ng iba.
Hal. Buksan – buksi tingnan - tingni
Mga Pagbabagong Morfofonemiko
• Maylipat – bukod sa may nakakaltas ay may nalilipat
pang titik sa ibang lugar sa loob ng salita.
Hal. taniman=tamnan siliran – sidlan
• Maypalit – kung may napapalitang titik sa salita
Hal. halikan – hagkan
iklian – igsian
• Maysudlong – bukod sa hulapi, ang salita ay
hinuhulapian pa.
Hal. antabay – antabayan (antabayanan)
panambit – panambitan (panambitanan)
Mga Pagbabagong Morfofonemiko
• Maypaningit – kapag may titik N na nasisingit sa
loob ng salita.
Hal. bahaginan – bahaginhan
• May-angkop – kapag ang dalawang salitang
magkasunod ay pinag-iisa na lamang.
Hal. wika niya –aniya
tayo na – tena
hintay ka – teka
tingnan mo - tamo

You might also like