Professional Documents
Culture Documents
EDITORYAL
EDITORYAL
Ang pagpapaikli ng oras ay isa lamang dahilan kung bakit may mga batang
lumalabas na mahina sa pag-aaral. Isang mabigat na dahilan ay dahil sa mga librong
ginagamit. Hanggang ngayon pala, patuloy pang ginagamit sa mga public school ang mga
librong tad-tad ng errors. Kahit na ipinag-utos na ng DepEd na huwag nang gamitin ang mga
libro, hindi ito sinusunod.
Ibinunyag ng Pilipino Star NGAYON columnist na si Mr. Jarius Bondoc na ang librong
may pamagat na Landas sa Wika na nilimbag ng Dane Publishing House noong 1999 ay
patuloy pa ring ginagamit sa ka-saluku yan. Ayon kay Bondoc, sinabi raw ng isang DepEd
official na nerebyu na ang mga mali sa libro pero nagtaka siya (Bondoc) sapagkat andun pa
rin ang mali. Isa sa mga halimbawa na maling nakasaad sa libro ay ito: Hindi makakalimutan
ng mamamayang Pilipino ang katagang “I shall return” ni Heneral Douglas McArthur.
Isinakatuparan niya ito kasama ng kanyang mga kawal hanggang sa tuluyan na nila tayong
masakop.
Sang-ayon kami sa sinabi ni Bondoc. Talagang malilihis ang kaalaman ng mga bata
kung ganito ang mababasa sa libro. Ang mga mali sa libro na kanilang binabasa ang
mananatili sa kanilang utak hanggang sa paglaki nila. Ito ang aakalain nilang tama, gayung
sa katotohanan ay mali.
At ngayon ay balak pang iklian ang oras ng pasok sa public school. Kawawang mga
bata! Isalba sila sa mga kamalian.
EDITORYAL - ‘Angkas-motorsiklo’ dapat nang ibawal
Saturday, August 4, 2007
Ang pagtaas ng krimen sa Maynila ang naging daan para balakin ni Manila Mayor
Alfredo Lim na ipagbawal sa kanyang lungsod ang mga magka*angkas sa motorsiklo. Pinag-
aaralan na ng mga abogado ni Lim kung walang malalabag na karapa***** pantao sa
kanyang balak. Isasangguni rin umano niya sa city council ang kanyang balak na ito at
kapag naaprubahan, agad na ipatutupad. Ito ay para masugpo na ang lumalalang bilang ng
krimen na likha ng mga magkakaangkas sa motorsiklo.
Maganda ang balak ni Lim at dapat na gayahin din ng iba pang mayors sa Metro
Manila. Ipagbawal ang pagyayaot ng mga magkakaangkas sa motor*siklo para mabawasan
ang paglubha ng krimenl. Bukod sa pagbawas ng krimen, maaari ring maba*wasan ang
bilang ng mga naaaksidente. Karamihan sa mga naaksidente sa kalsada ay ang mga
magka*angkas sa motorsiklo. At hindi lamang dalawa kundi tatlo pa o apat ang makikitang
magkaka*angkas. Ginagawa nang panghatid ng asawa o anak sa trabaho o sa school man.
Kaya ang nangyayari, mas maraming nakamotorsiklo ang nadidisgrasya sa kalsada.
Dapat din namang tumulong ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa
pag-iimplement ng panukala ni Lim.
EDITORYAL - Nakalilitong pagtaas-baba
ng petroleum products
Ang nakapagtataka lang, kung gaano kabagal bumaba ang presyo ng gas,
napakabilis naman nito kung tumaas! At nakapagtatakang hindi na sila nag-
aanunsiyo ng pagtataas at karaka-raka ay itataas na agad nila. Magugulat na
lamang ang motorista na nakapagtaas na ang mga kompanya ng langis. Ni hindi pa
nararamdaman ang pagbaba kuno ng gas ay eto na ang mabilis na pagtaas. Naka-
pagtataka ring tumataas ang presyo ng gas habang nag-aanunsiyo naman na
mababa ang presyo sa world market. Sa kasalukuyan, $68 bawat bariles ng crude
oil.
Ilang ulit namang nagbanta ang ilang mambabatas na bubuksan ang libro ng
oil companies para malaman kung nalulugi nga sila o hindi pero sa kasamaang
palad hindi ito maisagawa. Pawang banta lang. Pawang pananakot lang. May
pagkakataon naman na kapag nabuksan o napag-usapan ang libro ng oil
companies, nagbababa sila ng presyo ng kanilang produkto. Para bang gusto lang
nilang palamigin ang isyu.
Malaking hamon sa PNP ang mga nangyayaring nakawan. Dalawang linggo na ang
nakararaan, isang establishments sa Pasig ang pinasok ng mga armadong kalalakihan na
naka-police uniform at natangay umano ang milyong piso na nasa vault. Dahil naka-police
uniform, pinapasok ng mga guwardiya pero nang nasa loob na, nagdeklara ng holdap at
iginapos ang mga guwardiya. Hinalughog ang vault. Sinimot ang pera at mga personal na
gamit ng guwardiya gaya ng cell phone at pera. Tumakas ang mga magnanakaw na ayon sa
PNP ay ang “Alvin Flores Gang”. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang mga magnanakaw.