Isyung Politikal Sa El Filibusterismo

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Isyung Politikal sa El

Filibusterismo
• Ang Bapor Tabo at Pamahalaan
- Inilalarawan dito ang paghahalintulad ni Rizal
sa pamahalaan sa Bapor Tabo
- Ang mga makapangyarihan at mataas ang
tungkulin ang nasa itaas habang ang mga
karaniwang tao ay nasa ilalim
- Ang mabagal nitong pag-usad ay simbolo ng
kawalang direksyon ng pagpapatakbo sa
pamahalaan
- Ang pinturang puti sa Bapor ay sumisibolo sa
mga bahong pilit na itinatago ng pamahalaan
sa taong bayan na makikita pa rin ngayon sa
mga walang habas na pagpatay sa mga
kalaban ng gobyerno at di-makatao at pabor
sa mayayamang mga batas na ipinapatupad
• Paglalangis sa Maykapangyarihan
- Sa Kabanata XI, makikita kung paano pilit na
inaaliw ng mga tao ang Kapitan Heneral at kung
paanong gagawin nila ang lahat kahit magbihis
hayop upang masiyahan lamang ang Kapitan
Heneral
- Sa ngayon, kitang-kita kung paano sinusuyo ng
mga ilang tao ang mga nasa posisyon. Handa
silang gumawa ng mga sari-saring pabor dahil
alam nilang may makukuha sila mula sa mga ito
- Halimbawa dito ang mga mamahaling pagkain
ng dating Pangulong Arroyo sa ibang bansa na
regalo sa kanya ng mayayamang mga
kongresista
• Kawalan ng Pakialam ng Nakararami
- Sa Kabanata XXI, ipinapakita ni Rizal ang
kahalagahan ng pakikilahok sa lipunan lalo na
sa mga problemang kinakaharap nito
- Si Camarroncocido ay isang tauhan na
nagpapakita ng pagwawalang bahala sa mga
bagay lalo na kung hindi siya direktang
kaugnay dito.
• Ang Impluwensya ng Simbahan
- Sa XXVII, sa pag-uusap ni Isagani at Padre
Fernandez, naipahayag ni Rizal ang knayang
palagay sa impluwensya ng Simbahan sa
pamahalaan
- Naniniwala siya sa kasabihang, “Vox populi
,vox dei” o “ Ang tinig ng mga tao ay ang
tinig ng Diyos  ”
- Bagamat katoliko si Rizal, hindi siya naging
bulag sa kanyang pagtingin sa mga maling
pamamalakad ng mga prayle lalo na sa
pagtuturo sa mga Pilipino
- Binigyang halaga din nya ang karapatang sa
malayang pagpapahayag ng sarili at kung
papaano ginagamit ng mga prayle ang
relihiyon upang supilin ang mga
mapagpalayang kaisipan ng mga Pilipino
- Sa ngayon, kitang-kita pa rin kung gaano kalaki
ang impluwensya ng Simbahan sa bansa, katulad
na lamang sa problema sa lumalaking
populasyon na maaari sanang masagot ng RH
Bill, ngunit dahil tutol ang Simbahan dito
nahihirapang maipasa ang batas na ito sa
kongreso
• Hamon sa Pagbabago
- Ito ang isa sa pinaka-mahalagang mensahe ni
Rizal sa nobelang ito. Kung ipagsasama-sama ang
lahat ito ang gusto niyang ipahatid sa mga
mambabasa ng nobela---ang kumilos tungo sa
bagong Pilipinas
- Matapos niyang ilarawan at ipakita ang mga
pangyayari sa mata ng mga iba’t ibang tauhan sa
kuwento, sa dulo ito ang pinakamalaking
pinaghahandaan ni Simoun, ang rebolusyon
- Bagamat hindi nagtagumpay ang balak ni Simoun
sa pagbabago na maaari nating maihalintulad sa
buhay ni Rizal na kung saan mas namayani ang
kanyang mapayapang paraan ng pagmumulat sa
mga Pilipino, nananatiling malinaw ang mensahe
ng muling pagbangon ng Pilipinas tungo sa
pagbabago at tunay na kalayaan
- Sa ngayon, ito pa rin ang hangad ng mga Pilipino
at masasabing ang lipunan ay katulad pa rin ng
lipunan noon..wala na ngang mga Kastila pero
- tuloy ang pagsakop sa atin ng ating kawalan
ng nasyonalismo at ng isipang malakolonyal
- Idagdag pa ang pagkakawatak-watak nating
mga Pilipino at ang kawalan ng katapangan at
kagustuhang kumilos tungo sa tunay na
pagbabago

You might also like