Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabanata I

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

INTRODUKSYON

Ang makakilala ng isang prinsipe na magdadala sa isang paraisong malayo sa

kaguluhan at problema at magmamahal ng tapat ay pangarap ng maraming

kababaihan. Ngunit hindi ito nangyayari sa realidad. Sa halip, ang mga kababaihan ay

dinadala sa mumurahing hotel, ibinabalandra sa malalaswang babasahin, at

nininerbiyos na naghihintay sa kanilang “prince charming” na magbibigay sa kanila ng

higit pa sa unang halik sa marurumi at tagong iskinita. Sa realidad, karamihan sa mga

kababaihan ay inaabandona matapos mapagsawaan, nag-iisa sa pagharap sa marahas

na buhay at kadalasan ay buntis. Ang isyu ng “teenage pregnancy” ay laganap sa iba’t-

ibang bansa sa buong mundo. Kasalukuyan tayong nahaharap sa napakasalit na

katotohan na sa napakabatang edad, karamihan na sa kabataan ay may sarili ng mga

anak. Sa Pilipinas, ayon sa 1995 census, mga 1.8 milyong kalalakihan at 670,000 na

kababaihan na nay edad 15-24 ang aktibo sa sex o pakikipagtalik. Ayon rin sa pag-

aaral ni Dr. Corazon M. Raymundo, 20% ng maagang pakikipagtalik ay nangyayari sa

hayskul. Ang mga kabataang ito sa sumusuong sa pakikipagtalik ng walang ideya

maaaring epekto nito tulad ng “teenage pregnancy” at pagkakaroon ng “sexually


transmitted diseases”. Sa katunayan, sa mga kabataang aktibo sa sex, 74% ang hindi

gumagamit ng kahit anong kontraseptib.

Ayon naman sa World Health Organization, 21% ng mga Pilipinong kababaihan

ang nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Ayon rin sa POPCOM, ang mga batang ina ay

bumubuo sa 30% ng lahat ng pagbubuntis, 17% ng mga kaso hinimuk na aborsyon

(induced abortion), 12% ng normal na panganganak, 65 ng boluntaryong aborsyon.

Ayon kay Dr. Jean Marc Olive, kinatawan ng WHO sa Pilipinas, “Dito sa Pilipinas,

napakahirap talakayin ang mga usaping sekswalidad dahil ang nga Pilipino ay mga

konserbatibong tao. Dahil ditto, nakakaroon ng misinterpretasyon tungkol sa

sekswalidad. Samakatuwid, naniniwala ako na ang pagtalakay sa usaping sekswal ay

isa pa ring mabisang paraan upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang

mga gawa”.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon ukol sa mga

epekto ng “teenage pregnancy” sa mga kababaihan

You might also like