Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Makapag patigas balahibo,Arkitektura nga ba?

Iyan ang pinaka malaking

tanong sa bagong yugto ng buhay ko. Batid ko ang hirap na aking pag dadaanan kung

ito ang kursong kukunin ko sa kolehiyo. Pero eto na, arkitektura na nga. Bakit nga ba

ito ang napili ko? Teka muna, hindi ako mahusay sa pag guhit gayun din sa larangan

ng Matimatika ngunit bakit ako sumabak sa propesyong ito? Ito marahil ay sa

pamilyang kinabibilangan ko. Ano nga ba ang may roon sa sa pamilya ko? Alam kong

napapaisip kayo at dahil diyan ay bibitinin ko muna kayo.

Ako nga pala si Ian Ricardo M. Alba na bumabati sa inyong lahat ng

magandang araw at naniniwala ako na kahit hindi ako kasing husay gumuhit ni

Renato De Leon o mas kilala bilang Coco Martin ng seksyon natin o kahit kasing

galing ni Glenn Ducay sa pag sagot ng mga makatirik matang mga tanong sa

Trigonometry at Algebra ay lahat tayo sa silid na ito ay magiging arkitekto kung pag

sususmikapan lamang at higit sa lahat ay kung dudulog tayo sa Diyos.

Nabibilang ako sa pamilya na binubuo ng mag- asawa na parehong

lisensyadong inhinyero’t inhinyera,nakatatandang kapatid na lalaki na kumukuha ng

abugasya at kapatid na babae na ngayon ay kumukuha ng kursong accountancy sa

unibersidad na ito. Sa aking pamilya, isa lang ang ibig sabihin nito, kailangan ko ring

kumuha ng kursong lapat sa sa aming negosyo. Oo tama para sa aming negosyo.

“arkitektura lamang at wala ng iba”, iyan ang idinikta ng aking magulang sa akin.

Napaisip tuloy ako, ako kasi ang tipo ng tao na hindi basta basta na didiktahan,

“happy-go-lucky” at walang paki-alam. Naalala ko tuloy noong high school ako,

madalas akong huli sa aming klase at isang araw, may nakasalubong ako sa hagdanan

na isang kapwa ko mag-aaral na babae na tila nag mamadaling bumaba at sa hindi

inaasahang pag kakataon ay bigla siyang natapilok at nag derederetso sa sahig. Pinag

masdan ko lamang siya at nakita kong buhay pa naman siya at kaya pang
tumayo,kasabay noon ang pag sagi sa isip ko na,“huli na nga ako sa aking pag

susulit,uunahin pa kita”. Isa lamang ito sa nag papatunay na wala akong paki-alam sa

iba ngunit hindi na basta basta ang sitwasyon ngayon, kailangan magkaroon na ako ng

paki-alam dahil kinabukasan na ang pinag-uusapan. Kinuha ko ang kursong

arkitektura dahil sa pag tanaw ng utang na loob sa bumuhay sa aming pamilya. Ang

aming munting negosyo. At dahil alam kong gastador ako, pinasok ko ang

propesyong ito dahil malaki ang kita dito.

Marami pa kong maibabahagi sa inyo upang mas makilala niyo ako. Hindi

lang halata pero tamad ako at mag papatunay dito ay ang buhay ko noong high school.

Madalas akong lumiliban sa klase kapag nag kakaroon ng mga aktibidades sa eskwela

gaya ng pag sayaw sayaw. Sabi nga naman ni Robin Padilla sa kanyang palatastas sa

telebisyon na “proteksyon bago umaksyon”. Ang ginagawa ko sa mga ganoong

panahon ay sinasabi ko na agad sa magulang ko na liliban muna ako sa klase dahil

may mga sayaw sayaw nanaman sa eskwela at pinaliliwanag ko sa kanila na kahit

anong subok ko ay hindi talaga ako marunong sumayaw at mapapahiya lang ako sa

marami. Buti na lang ay maunawain sila at pumayag sa gusto ko kaya pag tinawag

nanaman ako sa opisina ng eskwelahan namin ay hindi ako kinakabahan dahil alam

kong protektado ako ng mga magulang ko. Ang lahat ng ito ay binabago ko ngayong

kolehiyo dahil hindi pwede ang tamad sa taong may pangarap sa buhay gaya ko.

Katulad sa maraming kabataan may roon din akong buhay pag-ibig ngunit

ito’y sawi,pero hindi ibig sabihin nito ay katapusan na ng mundo at iiyak na lang pag

naaalala, bagkus ginawa ko itong lakas upang mag patuloy sa buhay at malaki ang

pasasalamat ko sa Diyos dahil tinupad niya ang hiling ko na sana pag gising ko ay

wala na siya sa isip at puso ko. Tama nga ang narinig ko sa radyo na “una mag dasal

ka para mabuhay ka at pangalawa mag sipilyo ka para mabuhay naman ang iba”
Siguro pag katapos nitong aking talumpati ay may roon sa inyo na hindi

nasiyahan sa aking pag papakilala ng aking sarili,pero isa lang ang masasaabi ko,

hindi ko kailangan ng kahit anong istatistiko dahil ito ay pangkalawakang kaalaman,

“mas malakas ang tinig ng aksyon kaisa sa salita”. Hayaan niyo na lang ako na lubos

pang ipakilala ang aking sarili sa mga darating pang araw gamit ang pakikihalubilo at

hindi ang mga salita.

Maraming salamat sa inyong pakikinig at umaasa ako na kung wala man

kayong natutunan mula sa akin ngayon ay kahit papaano ay napangiti ko naman kayo.

You might also like