Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 4

A.

Balangkas

I. Pamagat
Ang Post office
− Ang pamagat ay Ang Post office dahil pangarap ng pangunahing katauhan na
makatanggap ng liham mula sa hari, at gusto niyang maging isa sa mga kartero ng
hari.

II. Paksa
- Ang Post office ay tungkol sa isang batang nagngangalang Abel. Si Abel ay may malubhang sakit.
Siya ay inampon ni Mang Pedring na nagsilbing ama niya sa storya, Habang naiwan si Abel magisa
sa bahay, lahat ng tao mapadaan sa kanilang bakod ay kinakausap ni Abel. Katulad ng mang tataho,
and tanod, mga bata, si Poldo, si Celia, at iba pa. Kahit na malubha ang sakit ni Abel hindi pa rin ito
naging hadlang sa kanya upang mabuhay ng masaya. Ang pangarap ni Abel ay ang makatngap ng
sulat mula sa hari as maging isa sa mga kartero nito. Isang sulat ang nabasa sa kanya hababg
nakahiga siya sa kanyang higaan, sulat daw ito mula sa hari ang sulat ay binasa ng mga taong
napadaan sa kanilang bakod. Pagkatapos basahin ang sulat nasiyahan na si Abel dahil natupad na
ang kanyang kahilingan.

III. Mga tauhan


* Abel- siya ang pangunahing tauhan sa dula, siya ay may malubhang sakit ngunit hindi ito
nakapagpigilsa kanya upang mabuhay ng masaya.

*Mang Pedring- ang nagampon kay Abel noong naulila siya. lagi siya umaalis para magtrabaho,
para sa paggamot sa sakit ni abel. mabait siya at maalgain. una ayaw niya magkaroon ng anak kasi
sagabal, pero ngayong nakilala niya si Abel nagbago ang pananaw niya.

*Poldo/ Taong Banal- Siya ay kaibigan ni mang Poldo at Abel palagi siyang nagkekwento ng storya
kay Abel.

*Magtataho- siya ay isa sa mga tao na napadaan sa bakod nila Abel at naging kaibigan niya si Abel.

*Tanod- Isa rin siya sa mga naging kaibigan ni Abel sa dula at tumulong rin siya upang
maisakatupad ang sulat para kay Abel.

*Celia- Siya ang anak ng mambulaklaka at naging kaibigan din ni Abel, pinangakuan niya si Abel na
babalik siya at bibigyan niya ito ng bulaklak.

*Hepe- Isa siya sa mga naging kaibigan din ni Abel, akala ni Abel na galit sa kanya ito ngunit ganun
lang talaga siya magsalita.

*Mga bata- Binigyan sila ni Abel ng mga laruan para gusto ni abel na maglaro sa harap ng kanyang
bahay.

IV. Mga tagpuan


*Sa maliit na baryo sa probinsya

V. Mga mahahalagang pangyayari


• Ang mga pakikitungo ni Abel sa mga tao ay hindi katulad ng iba dahil kahit na
simple lang ang kanilang mga trabaho kapag nakikipagusap sa kanila si Abel
nararamdaman nila na higit pa ang dapat na tingin nila sa kanilang mga sarili.
• Nung nalaman na ng mga nakilala ni Abel na malubha na ang kanyang sakit gumawa
sila ng paraan upang matupad ang kahilingan ni Abel na makatnggap ng sulat mula sa
hari.
• Binalikan ng mga nakilala ni Abel ang kanyang bahay upang makita siya muli, ngunit
sa halip na makipag laro sila hindi nila magawa dahil malubha na ang kalagayan ni
Abel.

VI. Mensahe
A. Bisang pangkaisipan
Kapag nagkaroon ng malubhang sakit ang isang tao ang unang papasok sa kanyang isipan ay
mawawalan na siya ng silbi sa mundo dahil hindi na siya magiging katulad ng dati na
nakakapaggawa ng mga bagay- bagay. Ang gagawin niya na lang ay humilata sa kama at maghintay
kung ano ang mangyayari. Ganito ang ginagawa ng karamihang tao, ngunit sa dula na Ang post
office kahit na malubha ang sakit nI Abel hindi ito naging hadlang sa kanya para mabuhay ng
masaya.
B. Bisang pangkaasalan
Humnga talaga ako sa sigla na taglay ni Abel dahil kahit na nasa bahay lang siya
nakakapag hanap siya ng gagawin para makapgpasaya sa kanya.
C.Bisang pandamdamin
Maganda ang pagkakaayos ng storya dahil makikita talga na sa bandang huli ng
dula bumalik lahat ang mga nakilala ni Abel para damayan siya at gumawa sila ng paraan para
matupad ang kahilingan ni Abel. At dito makikita na natuwa talaga ang mga tao kay Abel dahi
binigyan nila ito ng importansya.

VII. Larawang guhit


napili kong iguhit itong larawan na ito dahil ito ang eksena na hindi ko makaklimutan, dahil natuwa
talaga ako dito dahil ahat ng tao na mapadaan sa kanilang bahay ay kinakausap niya at pinapasaya
niya.
B. Pagsusuri
I. Suriin ang nga tauhan
-Maayos naman ang pagbabahagi ng mga aktor sa dula sa dahil nahatid naman nila nang maayos ang
mensahe ng kwento. Humanga talaga ako kay Abner Delina dahil napakagaling niya sa umarte
humanga talaga ako sa pagganap niya kay Abel. Magaling rin si Bembol Roco sa paganat bilang
mang Pedring. Magaling rin Bodjie Pascua na gumanap bilang Poldo at taong banal, maayos niyang
ginampanan ang dalawang katauhan at nakakatuwa ang kanyang pagganap dahil natawa talga ako sa
kanya dahil sa pagganap niya.
II. Tagpuan
Hindi ko masyado nagustuhan ang tagpuan sa dula dahil isa lang ito, san mas pinarami nila ito, pero
okay rin lang naman ito kasi napaliwanag naman nila nag mabuti ang dula kahit isa lang ang
tagpuan
III. Teoryang ginamit
-Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento at iba pa.

Ito ang napili ko na teorya na nababagay sa dula na Ang post office dahil sa
katangian na ipinakita ni Abel na napahanga talaga ako. Nabahagi niya ang kanyang talento
na pasayahin ang kahit sino mang tao dahil bibigyan niya talaga ito ng kahalagahan. Dahil
siple rin lang naman ang kanyang kahilingan at ito ay ang maging isa sa mga kartero ng hari.
Ang
Post office
Ipinasa ni Bianca Lorraine A. Reyes
Ipinasa kay Bb. Tagumpay Esuerra

You might also like