Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Naiisip ko lamang pong gamitin sa pagtalakay ang mga teorya nina Fanon at Said sa kolonyalismo at

oryentalismo: una, dahil lumalabas na pareho ng karanasan (na litaw ang pagiging katutubo nila sa mata
ng mga kolonisador ngunit akulturado ang kultura) at modo ng pakikipag-usap (papalabas at reaktibo)
sina Fanon at yaong mga ilustrado (e.g. Jose Rizal, Isabelo delos Reyes at Pedro Paterno); pangalawa,
nais naming salungguhitan ang 'sagutan' ng mga nilalaman ng mga aklat na aming susuriin (sampu ng
mga pagkakakilanlang Pilipino na iginigiit nila) at ng mga tala ng mga naunang misyonero dito sa
Pilipinas (e.g. Pedro Chirino, Gaspar de San Agustin, at Colin).

Sa pangalawa’y lilitaw (aking inaasahan) ang pagtanggap o pagtanggi nina Rizal sa mga pagkakakilanlan
itinatalaga ng mga Kastila sa mga sinaunang Pilipino. Magagamit dito marahil ang oryentalismo ni Said
na tumatalakay sa kaalamang Kanluranin hinggil sa ‘Silangan’ na hindi naman nakabatay sa katunayan o
realidad kundi sa mga archetype na nagtuturing sa mga lipunang sa ‘Silangan’ bilang magkakahawig o
magkakapareho lamang at sa gayon ay naiiba nga sa mga lipunan sa Kanluran (sa kaso nga ni Paterno,
tila iminumungkahi na ‘magkahawig’ o ‘magkatulad’ ang Bathalismo at Kristyanismo kaya sasabihin
niyang ito ang dahilan ng madaling pagkapasok ng pangalawa sa kapuluan).

Gayon din, masasabing ang ‘proyekto’ ito ng mga ilustrado na unawaing muli ang kasaysayang Pilipino at
pag-uugat ng pagkakakilanlan/identidad/kakanyahan dito ay bahagi lamang ng isang mas malaking
hangarin – ang pagtatamo nga ng independencia at pagtatatag ng Patria o Nacion. Sa puntong ito,
maaari namang talakayin na ang Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan.

You might also like