Sa Larangan NG Edukasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Edukasyon: Patuloy na Pagtaas ng Matrikula”

Mary Concepcion Amor


BSE I-IRREG

Sa larangan ng edukasyon, mapapasin natin na ang Pilipinas na noon ay


nakikipagsabayan sa ilang karating bansa natin sa Asya ay napagiiwanan na. Kung
minsan ba ay naitanong mo sa iyong sarili kung na kaninong kamay ba nakasalalay ang
kalidad ng edukasyon sa atin? Ito ba ay nakasalalay sa mga mag-aaral?, sa mga guro
na nagtuturo at humuhubog sa karakter ng bawat mag-aaral, o sa ating gobyerno na
nagbibigay at nag-tatakda ng pondo upang magamit sa lahat ng bagay na may
kinalaman sa edukasyon. Ang mga Filipino ay likas na matatalino at hindi rin natin
maipagkakaila na kumpara sa ilang kapitbahay natin sa Asya ay di-hamak namang tayo
ay mas naka-aangat sa kung sa pag sasalita lamang ng Ingles ang pag uusapan.
Marami ring mga imbensyon ang mga kababayan natin, nakalulungkot nga lamang
isipin na hindi ito masuportahan ng sarili nyang bansa dahil lamang sa kakulangan sa
budyet. Sino nga ba ang dapat sisihin?

Kamakailan lamang inilabas na ang alokasyon ng budyet sa bawat


ahensya ng gobyerno, bilang isang estudyante ng kolehiyo, nakakadismayang
malaman na pinakamababa ang itinalagang budyet para sa mga Unibersidad at
Kolehiyo kumpara sa Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) na
pumangalawa sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Tignan sa tala 1.1 ang alokasyon
ng budyet para sa taong 2011.

Tala 1.1 Alokasyon ng Budyet para sa taong 2011

Milyong Piso Milyong Dolyar


Alokasyon ng Budyet
(PhP) (US$)
Kagawaran ng Edukasyon 207,300 4,573
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan 110,600 2,439.8
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa 104,700 2,309.7
Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal 88,200 1,945.7
Kagawaran ng Pagsasaka 37,700 831.7
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad 34,300 756.7
Kagawaran ng Kalusugan 33,300 734.6
Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon 32,300 712.5
Unibersidad at mga Kolehiyo 23,400 516.2

Sana man lamang ay sapat o balanse ang pagtatatalaga ng gobyerno ng


pondo sa bawat Kagawaran. Kung patuloy na bababaan ang ilalagay na pondo para sa
mga Unibersidad at Kolehiyo ay mapipilitan ang maraming Unibersidad na magtaas ng
matrikula at bilang resulta, tiyak na darami nanaman ang pipiliin na magtrabaho na
agad kaysa magtapos pa ng Kolehiyo dahil na rin sa kawalan ng pangtustos sa
matrikula. Oo nga’t maganda at nauna sa alokasyon ng budget ang Kagawaran ng
Edukasyon (DepED) ngunit mawawalan ng kabuluhan ang magandang pundasyong ito
kung karamihan naman sa mga estudyante ay hindi makakatuloy ng kolehiyo. Kaya
mas makabubuti sana kung isusunod ang budyet ng Unibersidad at Kolehiyo sa
Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) dahil hindi natin naipagkakaila na napakahalaga na
paggugulan ng pansin ang kolehiyo dahil dito na mag mumula ang mga panibagong
mga propesyonal na magiging kapupunan sa mga posisyon sa ating bansa pang
publiko man o pang pribado. Sila ang magiging panibagong guro, eksekyutib,
inhenyero, at abogado.

Malaki ang papel ng gobyerno sa pagpapanatiling mobilisado ang takbo


ng edukasyon sa ating bansa. Kung mapaglalaanan mang lamang sana ang mga
Unibersidad at Kolehiyo sa ating bansa ng sapat na pondo ay mababawasan sana ang
bigat ng pasanin ng mga estudyante at mga magulang dala ng malaking gastusin, at isa
pa, marami sana ang nakapagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

Sangguni:
http://en.wikipedia.org/wiki/Economy_of_the_Philippines

You might also like