Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Cerebral Palsy

Nobyembre 25, 2008

Ano ang cerebral palsy?

Ang Cerebral Palsy ay isang grupo ng mga sakit kung saan nagkakaroon ng iba’t-
ibang abnormalidad sa pag-galaw ang mga batang mayroon nito. Ang sakit na ito ay
resulta ng malpormasyon ng utak na maaring nangyari habang ang sanggol ay nasa
sinapupunan pa lamang ng ina, habang siya ay ipinapanganak, o kaya’y ilang buwan
matapos ipanganak ang sanggol.

Kakikitaan sila ng kakaibang postura at pag galaw tulad ng panghihina o


pagkalanta ng kanilang mga kalamnan, matigas o mahirap igalaw ang kasukasuhan.
Maari rin silang kakitaan ng biglaan mga pag galaw na hindi naman boluntaryo o kaya’y
sila ay nangingisay. Bukdo rito, maari rin sila magkaroon ng Mental Retardation o sa
ibang mga kaso sila naman ay sobrang talino.

Mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng cerebral palsy

• Malformasyon ng fetus

• Bagong panganak na sanggol na may timbang na mas mababa sa 2100g

• Naantalang unang iyak (dalawang minuto)

• Pagkakaroon ng seizure ng isang sanggol

• Respiratory distress syndrome

Prenatal

 Genetic disorder

 Maternal disorder

 Abnormalidad sa fetus

 Inpeksyon, cerebral infarct

Perinatal

 Trauma sa panganganak
 Abnormal na panganganak

Neonatal

 Inpeksyon

 Acute metabolic disorder

 Blood group incompatability

Postnatal

 Inpeksyon

 Pinsala sa ulo dahil sa aksidente

 Inpeksyon sa central nervous system

 Hemorrhage: subdural, intraventicular

Mga sintomas

Sa kabuoan, ang mga indibidual na may cerebral palsy ay maaaring magpakita ng ibat’
ibang sintomas, maaari ito maging mahina o malala. Ang mga sumusunod ay mga
sintomas para malaman na ang isang tao ay may cerebral palsy:

• Kulang sa koordinasyon ng katawan kapag gumagalaw


• Naninigas ang mga kalamnan
• Habang naglalakd, hinihila ng paa na nahuhuling itapak
• Papalit-palit ang tono ng kalamnan: masyadong matigas o masyadong malambot
• Nahihirapan sa paglunok, sa pagsasalita, o sa pagkain
• Panginginig
• Nahihirapan na gamitin ang mga kamay

Uri / klase ng Cerebral Palsy

Ang Cerebral Palsy ay maaaring ma-iuri sa dalawang pangunahing klasipikasyon.


Ang una ay tumutukoy sa epekto ng CP sa paggalaw o kabuuang pagkilos ng tao o s’yang
tinatawag nating movement disorders. Ang ikalawang uri ay tumutukoy naman sa
bahagi o parte ng katawan na tumatanggap ng pinakamalaking pinsala o mga body
segments.

Sa ilalim ng unang paglalarawan at klasipikasyon, ang CP ang higit pang


maaaring hatiin sa tatlong uri. Ang una at pinaka-karaniwang uri ay ang Spastic
Cerebral Palsy. Karamihan sa mga batang may ganitong kondisyon ay may ganitong uri
ng CP. Sa ilalim nito, ang mga kalamnan ay patuloy na naninigas na siya ‘ring dahilan
kung bakit nagkakaroon ng kahirpan at limitasyon sa kabuoang pagkilos. Maaaring ang
batang may ganitong uri ng CP ay maging diplegic, hemiplegic o quadriplegic. Ang
ikalwang uri ay kilala sa tawag na Athetotic Cerebral Palsy. Ayon sa karamihan ng pag-
aaral, isa sa limang kabataang may CP ay mayroong ganitong uri ng nasabing
kondisyon. Sa ganitong gana, madalas na naapektuhan ang buong katawan kung kaya’t
nagkakaroon ng mabagal at ‘di-organisadong pagkilos dagdag pa rito ang kahirapang
panatlihin ang tindig o pangangatawan ng bata. Ang ikatlong uri ng CP sa ilalim ng
klasipikasyong movement disorders ay ang Ataxic Cerebral Palsy. Ito ang
pinakabihirang uri ng CP na maaaring mangyari at magdulot ng limitasyon sa isang
batang may CP. Pangunahing naaapektuhan nito ang koordinasyon at pag-babalanse ng
katawan. Dagdag pang pangitain nito ay ang pagkakaroon ng mabagal at ‘di-maayos na
pagsasalita. Base sa ibang pag-aaral, meron isang uri ng CP na tinatawag na Mixed
Cerebral Palsy. Ang ganitong uri ay ang pagkakaroon ng sintomas o pangitain na
tumutukoy sa parehong Spastic at Athetotic. Sa madaling salita, pinipinsala ng uring ito
ang buong katawan dagdag na rin ang pagdulot ng abnormalidad sa utak.

Mayroong anim na klase ng body segments na kadalasang pinipinsala at


naaapektuhan sa ilalim ng ikalawang klasipikasyon ng CP. Ang una ay ang monoplegia
kung saan isang bisig ang pangunahing naaapektuhan. Sumunod dito ang hemiplegia
na kung saan isang bahagi , kanan o kaliwa, lamang ng katawan at mga bisig ang
naaapektuhan nito. Ang ikatlong uri ay ang paraplegia kung saan ang pambabang bisig
o mga binti ang kaagad na pinipinsala. Ang diplegia ang ikaapat na klase ng body
segment na kung saan 2 bisig ang maaaring naapektuhan. Dito ay maaaring ang mga
pantaas o ang mga pambabang bisig ay apektado. Ngunit sa ilalim ng kondisyong ito,
mas madalas na ang mga binti ay sangkot. Sunod dito ay ang triplegia kung saan tatlong
bisig ang napipinsala. Ang ikaanim at huling uri nito ay ang quadriplegia na kung saan
lahat ng bisig, parehong pantaas at pambaba, ay napapasama.

Paano ito nakakaapekto sa pang araw-araw na pamumuhay ng taong may


CP?

Kahinaan sa kakayahang intelektwal

Higit sa kalahati ng mga taong may CP ay mas mababa sa 70 puntos ang kanilang
IQ score samantalang mas mababa naman sa 50 puntos ang ibang nasa ikatlong bahagi.
Karaniwang mas mababa ang puntos na nakukuha ng mga spastic type kesa sa mga
athetoid type

Epilepsy/Pangingisay
Karaniwan itong nagaganap sa unang dalawang taon ng sanggol, ngunit maaring
hindi na muli itong umulit sa pagtanda. Karaniwan itong nakikita sa mga spastic type.

Paningin

Maaring bulag o nanlalabo ang mata ng mga ito. O kaya naman sila ay mayroong
homonymous hemianopsia o strabismus (banlag).

Pandinig

Maaring sila ay bingi o kaya’y mahina ang pandinig. Karaniwan itong nakikita sa
mga Athetoid type ng CP

Pagsasalita

Maaring mahirapan sila sa pagbibigkas o sa pag aayos ng mga salitang sasabihin


upang maging makahulugan ito.

Balanse, Kontrol, at Koordinasyon

Sila ay hirap sa pag upo, pag tayo, at paglalakad dahil sa epekto ng sakit sa utak

Pag Gamit ng mga Kamay

Maaring mahirapan ang mga bata sa pag gamit ng kanilang mga kamay dahil sa
kawalan ng koordinasyon ng kamay at sa iba pang bahagi ng katawan, mahinang mga
daliri at kamay kaya hirap silang humawak ng mga bagay.

Maling postura at maling posisyon ng mga kasukasuhan

Ang mga kasukasuhan ay nasa posisyon kung saan hindi ito magamit sa mga
gawain. Ang maling postura naman ay dahil sa kakulangan ng mga tamang signal mula
sa utak papunta sa mga kalamanan upang maisaayos ito.

Ugali

Maari nilang saktan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pag untog sa


dingding, pag kagat sa sariling kamay, pag pigil sa paghinga, aktong pag pisa or pag
dukot sa mata at pagiging agresibo sa ibang tao.

Pakiramdam

Sa taong mayroong Cerebral Palsy, nagagamit pa rin naman nito ang kanyang
pakiramdam. Nagkakaroon lamang ng problema sa pagpo-proseso ng impormasyon sa
kanilang utak. Maaring ang simpleng paghawak sa kanila ay masakit o kaya naman
hindi nila maramdaman na masyado nang maiinit ang hinahawakan nila.

Dahil sa mga problemang nabanggit sa itaas, ito ay maaring humantong sa mga


problema sa pagpapakain sa sarili, pagligo, pag-aayos ng sarili, pag babanyo, pag
dadamit, at gayon din sa pag-aaral at pakikisalamuha sa ibang mga tao.

MGA PROBLEMA SA:

PAGBABANYO

Ang pag upo at pag tayo mula sa inidoro ay mahirap sapagkat kailangan ng
mainam na kontrol at balanse sa paggawa nito. Sa mga may malalang CP naman,
karaniwang hindi na nila nararamdaman ang tawag ng kalikasan. Makakatulong kung
alam ng tagapag alaga kung anong oras karaniwang ginagawa ang pag dumi.

PAGLIGO

Kaligtasan ang prayoridad na dapat isa alang alang kapag naliligo ang taong may
CP. Maari kasing madulas o mawalan ng balanse ang tao o kaya naman ay mas
mahirapan siya sa pag gamit ng mga kasangkapan sa pag ligo gamit ang kanyang mga
kamay. Makakatulong din ang mga de-bateryang sipilyo upang mas madali rin ang
kanilang pagsisipilyo

PAGKAIN

Karaniwang naapektuhan din ng sakit ang mga kalamnan sa mukha, bibig, at


dila. Dahil dito, nahihirapan sa pagkain ang mga taong mayroon nito. Ang simpleng pag
nguya, pag lunok, at pag sara ng bibig ay problema rin nila. Bukod doon, ang pag gamit
ng mga kubyertos at pag hawak sa pagkain ay mahirap din dahil ang kanilang mga
kamay ay maaring mahina at nanginginig.

PAGTULOG

Ilan sakanila ay nagigising sa pagkakatulog dahil sa pamumulikat sanhi ng hindi


sila makagalaw. Mahalaga kasi ang iiba ng posisyon habang natutulog upang maiwasan
ang mga “pressure sores” at pamumulikat. Ang mahabang pagkakatulog ay isang
problema rin dahil nababawasan ang pagkakataon nila na makisalamuha at makipag
laro sa ibang tao.
PANANAMIT

Maaring mahirapan sa pagsusuot at paghuhubad ng damit ang taong may CP


sanhi ng kawalan ng kontrol sa mga bisig, balanse, at pag gami ng mga kamay.

PAKIKIPAG USAP

Nahihirapan silang sabihin ang kanilang nais o kailangan dahil sa problema sa


pagbibigkas at pag oorganisa ng mga salitang sasabihin nila kaya’t maaring hindi ito
maintindihan ng ibang mga tao.

Paano maiiwasan ang sakit na ito

Maiiwasan ang pagkakaroon ng cerebral palsy bago at habang nagbubuntis ang isang
ina sa pamamgitan ng tamang pagaalaga sa sarili, pagkain ng mga masustansyang
pagkain, hindi paninigarilyo, pag-iwas sa mga nakakapinsalang bisyo, at regular na
pagbisita sa doctor. Iwasan na magkaroon ang isang bata na magkaroon ng pinsala sa
ulo, lead poisoning, at mga sakit kagaya ng meningitis, maging pamilyar sa mga
sintomas ng jaundice sa mga bagong panganak na sanggol, at bigyan ang anak ng tama
at regular na imunisasyon.

Kahihinatnan

Ang posibleng kahihinatnan ng isang taong may cerebral palsy ay depende sa kung
gaano ito kalala at mga kasama nitong mga balakid. Ang mga taong may mild cerebral
palsy na mayroong mas mataas na I.Q. at kayang makapag-aral magisa kay kayang
mamuhay magisa at makapagtrabaho. Mahalaga din ang papel na ginagampanan ng
suporta ng magulang, ang kalusugan at motibasyon ng isang taong may cerebral pasly sa
kanyang pamumuhay.

Mild moderate severe


spastic spastic spastic
hemiplegia hemiplegia quadriplegia
spastic spastic
klase athetosis
diplegia diplegia
Athetosis athetosis
Ataxia ataxia
kayang mag- kailangang kailangan ng
pamumuhay
isa alalayan higit na alalalay
kayang mag-
kayang
isang itulak
lumakad ng hindi kayang
ang
magisa gamit mag-isang
paglalakad wheechair,
ang mga itulak ang
hindi matatag
tulong sa wheechair
na paglakad o
paglalakad
pag-gapang
paggamit ng hindi
hindi limitado limitado
kamay nagagamit
talino > 70 70-50 <50
walang
isang isang parirala
pagnanalita maintindihang
pangungusap o isang salita
salita
isang fasilidad
regular na
na tumututok
eskwelahan
regular na sa pag-aaral ng
pag-aaral na may
eskwelahan mga batang
kasamang
may cerebral
suporta
palsy
kayang
pumasok sa
kayang isang hindi kayang
trabaho pumasok sa sheltered o pumasok sa
isang trabaho may isang trabaho
suportang
trabaho

Mga taong makakatulong sa isang taong may cerebral palsy

Doktor – sila ang nagbibigay ng dayagnosis sa isang sakit. Tinitignan nila ito base sa
medical history ng isang bata. Tinatanong din nila ang mga kaganapan sa paglaki ng
isang bata at kung may mga problemang nakita at sila rin ang nagpapagawa ng physical
exam and iba pang mga test katulad ng CT Scan,MRI, at ultrasound para malaman ang
mga posibleng pagkakaroon ng isang bata ng cerebral palsy.

Nars

Neurologist

Opthalmologist

Orthopedic surgeons

Occupational therapists – sila ay naka fokus sa paglilinang ng fine motor skills at


kakahayan sa pag-aruga sa sarili. Tumutulong sila sa pag-iisip ng mga paraan,
gumagawa ng estratehiya at mga adaptive eqiupment upang maitaguyod ang malayang
partisipasyon ng isang taong may cerebral palsy sa gawaing pang-araw-araw sa bahay,
eskwelahan, at komunidad. Kasama rin dito ang pagtulong sa aspekto ng pagkain at
proseso ng paglunok ng isang taong may cerebral palsy.

Physical therapists – tumutolong sa mga may cerebral palsy na maatim ang kanilang
malayang pag-galaw sa tulong ng pag-ehersisyo, pagsasanay sa paglalakad, orthothics o
braces at iba pang mga gamit. Ang muscle training at pageehersisyo ay pwedeng
makatulong sa pagkakaroon ng isang tao ng lakas, flexibilidad, motor development at
mobilidad.

Dentists or orthodontists.

Hearing specialists (audiologists).

Speech therapists (speech-language pathologists) – tumutulong sila sa


pagintindi ng isang bata ng mga pahayag at wika at sa pagsasalita nito. Tumutulong din
sila sa pagrerekomenda ng mga alternatibang paraan sa komunikasyon at aspekto ng
pagkain at proseso ng paglunok ng isang taong may cerebral palsy.

Registered dietitians.

Social Workers

Special Education Teachers

Mga gabay

A. Sa isang sanggol
Mahalagang bigyan ng sapat na suporta at mga tamang pangaral ang mga
magulang, ito ay hindi lamang dapat maging trabaho ng isang occupational therapist,
kasama rito ang ibang staff ng ospital at iba pang mga kamag-anak. Ang pagkakaroon ng
isang sanggol sa pamilya ay isang panibagong kabanata sa mag-asawa at isang panahon
ng pagbabago lalo na kung ito ay ang kanilang unang anak. Mas malaking pagsubok ang
kinakaharap ng mga magulang kung ang kanilang anak ay may kapansanan at kailangan
nila dito ng higit na suporta. Matatag na relasyon ng isang ama at ina sa kanilang
sanggol ay importante, dapat hikayatin ng mga magulang na makibahagi sa lahat ng
mga programa na ginagawa ng mga doctor at mga therapist. Dapat turuan ang mga
magulang kung paano dapat tamang hawakan ang kanilang anak katulad ng kung
papaano ang dapat gawin para mabawasan ang spasticity ng isang bata. Ang isang
batang may cerebral palsy ay posibleng maging malambot o maging matigas kaya mas
mahirap itong hawakan at alagaan. Kailangan na mabagal at malumanay lamang ang
paghawak sa isang sanggol dahil ang mabilis at magulong paghawak at nakapagpapalala
ng paninigas. Ang mga laruan na makaka-engganyo sa pandama, pandinig at paningin
ng isang batang may cerebral palsy ay mahalaga din lalo na ang mga laruang gumagawa
ng iba’t ibang tunog at may iba’t ibang kulay. Ang komunikasyon ay isa rin sa mahalang
pagtuunan ng mga magulang, dapat ay kinakausap nila ang kanilang anak at
malumanay na hinahaplos. Sa paraang ito ang bata ay natututong magpahilangay.

B. Tamang paghawak at posisyon

Ang pag-ayos ng katawan sa tamang posisyon ay ginagamit sa pagtulong sa mga


pasyenteng mayroong cerebral palsy. Sa pamamagitan nito naiiwasan ang paninigas ng
mga kasu-kasuan sa katawan at nagbibigay daan sa pag-galaw para sa mga araw-araw
na Gawain. Mayroong tatlong pangunahing posisyon na ginagamit. Ang mga ito ay ang
paghiga (nakatihaya o nakadapa), pagupo (sa sahig o sa upuan), at ang pagtayo.

PAGHIGA

Para sa tamang paghiga sa pasyente ito ang mga gabay:

Patihaya: Ang posisyon na ito ay madalang na nagagamit sa dahilan na nahihirapan ang


pasyente na gamitin ang mga kamay laban sa gravity. Subalit, maaari naman gamitin
ang posisyon na ito para magbigay daan sa pagtingin sa mga mata ng taong kausap at
makipagusap sa iba.
• Gamit ang sariling katawan: ang mga bata at sanggol na may cerebral palsy ay
maaring ipatong sa katawan ng magulang, ng mga nakatatanda, o sa taga-alaga.
• Sa pangaraw-araw: maaaring ihiga ang taong may cerebral palsy sa sahig at igitna
siya sa mga binti habang nakaluhod
Padapa: Ginagamit ang posisyon na ito para maiwasan ang paninigas ng balakang at
tuhod; nakatutulong din ito na ihikayat ang bata na panatilihin ang pagtingin sa taong
kausap niya at hindi tulad ng pagtihaya, maaaring makontrol ang paggalaw ng buong
kamay.
• Gamit ang sariling katawan: habang nakatihaya (sa kama, sa sofa, o sa sahig),
maaaring ipatong ang bata sa itaas ng dibdib habang sinusuportahan ang ulo ng
bata. Ang mas na nakikinabang sa posisyon na ito ay ang mga mayroon cerebral
palsy na “floppy”. Habang nakatayo naman, maaaring ipatong ang bata sa taas
ng isang mesa para ihikayat ang pagkontrol sa ulo at paggamit ng mga kamay.
• Sa pangaraw-araw: maaring ihiga ng padapa ang taong may cerebral palsy sa
itaas ng sofa, sa kama o sa mga unan.

Patagilid: Ang posisyon na ito ay naghihikayat na isuporta ang bigat ng katawan, pati na
ang bigat ng ulo, at dalhin ang kamay sa gitna ng katawan; naiiwasan din ang paninigas
ng balakang at tuhod.
• Gamit ang sariling katawan: ihiga ang bata na patagilid sa sahig, maaaring lagyan
ng unan sa likod para suportahan ang bata. Ang nakatatanda ay maaaring
lumuhod, gamit ang parehong kamay at tuhod, at igitna ang bata sa mga binti.
Suportahan ang ulo at matas na parte ng likod ng bata gamit ang isang braso at
ang kabilang kamay ay magagamit para makalaro ang bata. Ang isang binti ay
ilalagay sa ibabang parte ng likod ng bata at sa binti ng bata. Ang kabilang binti
naman ay gagamitin para suportahan ang isa pang binti ng bata.

PAGUPO

Ang pangunahing layunin ng posisyon na ito ay mahikayat ang paggalaw. Sa


pamamagitan ng tamang pagupo, nabibigyan ng mas malapad na suporta ang katawan
at ang paggalaw ng mga kamay at braso at mga paa at binti ay madaling magawa.

Pagupo sa sahig: Mahigpit na ipinagbabawal na gamitin ang “W” na pagupo at “tailor”


na pagupo sa dahilan na maaring maging daan ito sa pagtigas ng balakang at tuhod.
Maaaring ihati pa ang pagupo sa sahig sa dalawa, ito ang long-legged sitting at side-
sitting.
• Long-legged sitting
o Gamit ang sariling katawan: ang batang may cerebral palsy at ang
nakatatanda ay parehong mauupo sa sahig sa parehong direksyon, at
magkahiwalay ang mga paa. Ang nakatatanda ay uupo sa likod ng bata
upang suportahan ang likod at balakang.
o Sa pangaraw-araw: maaaring umupo at isandal ang bata sa dingding o
sofa
• Side sitting
o Gamit ang sariling katawan: parehong uupo ang bata at nakatatanda .

Pagupo gamit ang upuan:


• Gamit ang sariling katawan: ipatong ang bata sa mga hita; nakatutulong ang
posiyon na ito habang binibihisan ang isang bata
• Sa pangaraw-araw: ang paggamit ng baby chairs, high chairs, kiddy chairs,
dinning chairs, pushchairs, at armchairs ay maaring tumulong sa isang
indibidual na may cerebral palsy. Maaring gumamit ng mga patungan sa paa at
mga unan upang suportahan ang tamang postura ng katawan.

PAGTAYO

Sa pagtayo mahihikayat ang indibidual na tomayo mg tuwid upang maiwasan ang


paninigas ng mga kasu-kasuan at panatilihin ang dinadalang bigat ng katawan sa
balakang.
• Gamit ang katawan at sa pangaraw-araw: habang nakatayo ang indibidual sa
sofa, sa mesa, o sa upuan, kailangan siya hawakan ng nakatatanda sa balakang at
tuhod upang panatilihing tuwid ang mga ito. Malaki ang benepisyo nito lalo na sa
mga indibidual na mayroong spastic diplegia.

Kailangan din tandaan na habang sinasamahan, o kinakausap ang isang indibidualna


may cerebral palsy ay magkaharap para mahikayat ang pagtingin sa mata ng kausap o
kasama. Hinahangad din na pumwesto sa likod ng indibidual upang maiwasan ang
pagkawala ng kanyang atensyon sa ginagawa; nakatutulong dang posisyon na ito para
magaya ng indibidual ang tamang paggalaw, lalo na sa pagkain at pagbibihis.

C. Gabay sa araw-araw na gawain

PAGGAMIT ng BANYO

Maaaring mahirapan ang isang indibidual na may cerebral palsy sa paggamit ng banyo
lalo na sa mga sumusunod:
• Pagupo ng matagal sa toilet
o Ang pagpili sa tamang supporta ay ayon sa abilidad ng indibidual na
kontrolin ang ulo at panatilihin ang balanse. Mas makabubuti sa
indibidual kapag malaki ang sandalan ng toilet at kung mayrrong mga
hawakan sa tabi; maaring lagyan ng isa pang harang sa harapan ng
indibidual upang maiwasan ang paghulog niya paharap. Maaari din na
lagyan ng sinturon at pamatong sa paa para mapanatili ang indibidual sa
posisyon.
• Pagupo at pagtayo sa toilet
o Malaking tulong ang paglagay ng mga hawakan sa paligid ng toilet para
panatilihin ang pagbalanse sa katawan. Maaari din lagyan ng patong sa
may paanan kapg masyadong mataas para sa indibidual ang toilet.
• Pagkontrol sa pagihi at pagdumi
o Madalas sa mga indibidual na may cerebral palsy ang hindi pagkontrol sa
pagihi at pagdumi lalo na sa mga malalala nang indibidual. Maaari silang
tulungan sa pamamagitan ng paggamit ng disposable na mga nappies.
PAGLIGO

Ang pagligo ay isang paraan ng pahinga at paglalaro para sa batang may cerebral palsy.
Dahil sa natural na buoyancy ng tubig sa loob ng bathub madali nilang mapapagalaw
ang kanilang mga bisig. Para naman sa mga may malalang kalagayan, maari silang
maligo sa pamamagitan ng shower. Hinihikayat na iupo ang mga indibidual sa isang
bathchair o upuan para bigyan suporta ang kanilang katawan, kailan hindi madulas ang
materyal na gagamitin para sa upuan. Hinihikayat din na gumamit ng di kuryente na
shaver kaysa sa isang razor upang maiwasan ang pagsugat sa sarili. Kailangan din na
lagyan ng upuan sa loob ng banyo upang madaling makagalaw na may balanse ang
indibidual.

PAGKAIN

Maaaring mahirapan ang isang indibidual na may cerebral palsy sa pagkain lalo na sa
mga sumusunod:
• Pagnguya, paglunok, pagsra ng bibig
o Naaapektuhan ang mga kalamnan sa mukha at dila ng isang indibidual na
may cerebral palsy kaya hindi madali para sa kanya ang kumain.
Ksilangan dalhin sa spesyalista ang indibidual para mabigyan ng
pagsasanay.
• Pagdala ng pagkain mula sa plato hanggang sa bibig
o Ang mesang gagamitin ay kailangan kasing taas ng kili kili ng indibidual.
Kailangan din ito ilapit sa dibdib para mabawasan ang layo mula sa plato
hanggang sa bibig. Sa pamamagitan nito, maaaring ipatong ng indibidual
ang kanyang mga siko sa mesa para mabawasan ang panginginig ng mga
bisig. Maaaring umupo sa likod ng indibidual ang isang nakatatanda
upang ituro ang tamang galaw sa pagkain.
• Pananatili ng tamang postura
o Ang pinakapabor na posisyon ay kung saan ang nakatatanda ay nasa harap
upang matulungan na panatilihin ang indibidual sa tamang posisyon at
gabayan siya sa pagbukas at pagsara ng bibig. Ang mga batang may
cerebral palsy ay maaaring ipatong sa hita ng nakatatanda at nakasandal
ang likod sa dingding. Sa mga indibidual na mas matanda ay maaaring
iupo sa sahig at mayroong maliit na mesa sa pagitan nila ng helper.
• Pagpupulot ng pagkain gamit ang kutsara, kamay, at tinidor
o Kailangan maghanda ng mga pagkaing kayang pulutin ng bata mula sa
plato, maaaring mga pinakuluang karots, hotdog, saging, biskwit,o
mansanas. Mas maganda kapag simulan muna na bigyan ang indibidual
ng mga pagkain na malalaki ang hiwas kaysa sa maliit na hiwa. Maaari din
maghanda ng mga pagkain na malapot at madikit para madaling
makakuha ng pagkain ang indibidual. Gumamit ng mga pamatong na
hindi mabilis madulas katulad ng goma para mahigpit ang pagkapit ng
plato sa mesa.
• Paghati ng pagkain
o Madalas na hinihiwa ng isang matanda ang pagkain ng bata sa simula pero
hinihikayat ang isang indibidual na matuto na maghati ng pagkain nang
mag-isa habang tumatanda. Mayroong mga espesyal na kagamitan na
maaaring gamitin para mas madali na magawa ang paghati. Kapag hindi
laganap ang gamit sa lugar, hinihikayat na huwag pumili ng mga pagkain
na nangangailangan ng paghihiwa.
• Paginom ng in umin
o Maaaring magkaroon ng problema sa paginom ang isang indibidual kapag
may kahirapan siya sa pagkontrol ng kanyang dila at mga labi. Maaaring
painumin sila ng mga malalapot na likido muna para matutong makontrol
ang paginom. Gumamit ng straw, ng tasa na may takip, o kaunti muna ang
ilagay sa baso.

Ang kumain ay isang importanteng okasyon sa taong may cerebral palsy dahil sa
pamamagitan ito ay maaari silang makasama sa mga usapan ng pamilya o
makisalamuha sa mga tao na malapit sa kanila kahit hindi sila kumakain. Nabibigyan
din sila ng ideya sa tamang pakikipagsalamuha sa iba at sa tamang asal sa harap ng
mesa sa pagkain.

PAGTULOG

Maaaring mahirapan ang isang indibidual na may cerebral palsy sa pagtulog lalo na sa
mga sumusunod:
• Masyadong napatagal ang tulog
o Kapag ang isang bata na may cerebral palsy ay natutulog sa buong
magaraw, limitado na ang panahon niya na makisalamuha sa paligid niya
at matutunan ang mga natural niyang kailangan na malaman. Mabilis din
na mawalan siya ng gana sa isang gawain. Maaaring mabawasan ito sa
paggamit ng mga regular na oras nang paggising sa indibidual at sa
pagsagawa ng isang regular na sikolo ng pagtulog at paggising.
• Kulang ang tulog
o Kailangan pagalawin ang katawan at pasiglahin ang utak ng isang
indibidual na kulang sa tulog upang makuha ang kanilang atensyon at
para hindi sila antukin sa buong araw. Maaaring paliguan sa maligamgam
na tubig ang bata, painumin ng maligamgam na gatas, o basahan ng mga
storya upang mabigyan daan ang magandang tulog.

D. Edukasyon:

Naging kagawian o kultura ng nakararami na ang mga batang may kapansan,


pisikal man o mental, ay dapat na mapabilang sa isang special school kung saan ang
programa ng kanilang edukasyon ay naiiba sa nakagisnang programa ng mga normal na
bata. Ngunit ngkaroon ng isang sistema at pagbabago na tinawag na Education Act 1981
na syang nagbibigay pokus sa integrasyon sa mga pangangailangan ng mga batang may
kapansanan o mga special children. Nasundan pa ito ng ilang programa tulad ng
Education Refrom Act 1988 at 1993 Education Act na tumulong upang higit na
mapabuti ang ganitong sistema. Sa slalom ng nga ito, nagkaroon din ng pagbabago sa
ginagampanang trabaho ng mga OT. Kahit naging mahirap para sa bata at therapist lalo
na nung simula, ay naging tulay ito upang higit na mapagbigyan tuon ang
pangangailangan ng mga may CP. Ang ganitong sistema ay nagbigay ng sapat na
pagkakataon at opurtunidad upang mas mabigyan ng tamang ebalwasyon, assessment
at pag-aaral ng lunas ang kondisyon at ang mga napipinsala nito. Nagiging pokus dito
ng OT ay ang pagbigay ng tamang pag-aangkop o pakikiayon na kailangan ng bata
upang maging pagsasarili o independence. Kasama ding binigiyang pokus ng therapist
ang tamang pagkakaupo ng bata, ang kanyang paggalawa (fine at gross), paraan ng
pagsulat – mga konsiderayon na maaaring makaapektoa sa kabuuang pa

E. Pagbibinata/Pagdadalaga

Kaakiba ng mabilis na paglaki ng mga batang may CP ay ang pagbabago sa katawan


gayun din sa kanyang mga pangangailangan. Isa sa pagbabagong ito ay ang pagbigat ng
katawan at pagtangkad. Maaring mangailangan ng panibagong mga kagamitan tulad ng
mas malaking wheelchair upang mas maging komportable dito ang bata. Sa mga babae
naman, maaring magulat ang lahat sa kapag nagkaroon na ito ng buwanang dalaw.
Nararapat lamang na ipaliwanag sa bata na ito ay normal lamang. Dapat din siyang
turuan kung paano magpalit ng napkin. Kung hindi niya naman ito kayang gawin mag
isa ay maaring ibang tao na ang tumulong sakanya para gawin ito. Papiliin din ang bata
kung napkins ba o tampons ba ang maskomportable niyang gamitin.

F. Pagtatrabaho

Habang maaga ay dapat sinasanay na sila sa mga iba’t-ibang gawain sapagkat


kakailanganin nila ito kapag dumating ang panahong naisin nila magtrabaho. Maaari
silang mamili kung nais nilang ipagpatuloy ang kanilang edukasyon o mag aral ng
kursong bokasyonal.

G. Payo sa pamilya at iba pang tao

May mga magulang kung saan hindi nila tanggap ang kanilang anak na may Cerebral
Palsy kung kaya’t ipinapaampon na lamang nila ang kanilang sanggol. Hindi dapat
ituring na pabigat lamang ang mga batang ito, bagkos ay dapat natin silag lingapin at
alagaan at hindi abandonahin dahil marami rin naman tayong matututunan sakanila.
Importante rin na hikayatin ng kapamilya at iba pa na tulungan din ang kanyang sarili
nang sa gayon ay makaya nito na mamuhay ng kaunti o halos walang tulong sa ibang
tao.

You might also like