Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pamantasang Normal ng Pilipinas

Taft Avenue, Manila

SLUM
As a way of Life
(Summary and Reflection)

Inihanda ni:

DEL ROSARIO, Dianne Marie L.

IV-4 BEEd

Ipinasa kay:

Dr. Nerissa Tantengco

Agosto 12, 2010


Summary

Hindi lang ito ang lugar na ginagalawan, ito ay isang klase ng pamumuhay. Ang libro ni
F. Landa Jocano na pinamagatang “SLUM as the way of life” ay isang pag-aaral (case study)
kung saan ipinapakita kung ano ang slum bilang komunidad at kung paano namumuhay ang mga
tao na napapaloob dito. Nakapaloob din sa libro ang klase ng mga taong namumuhay dito, ang
kanilang mga ginagwa, ang kanilang mundong ginagalaw, at kung paano sila gumagalaw dito.

Ang pag-aaral na ginawa ay partikular na ginawa sa Sta. Ana, Manila. Sa unang bahagi
ng kayang pag-aaral ay itinalakay niya ang pisikal na kaanyuan ng lugar kung saan binanggit
niya ang tawag na “looban”. Ang looban ay ang kolokyal na termonolohiya para sa Slum
Community. Ito ang ginamit na katawagan ng mga nakatira doon. Kapag sila ay itinatanong kung
saan sla nakatira ay isinasagot nila ang terminolohiyang ito. “sa looban.” Itinalakay din sa unang
bahagi ang mga parting lugar sa loob ng looban kung ang saan ang mga kalye at kapitbahay ay
natalakay. Itinalakay din sa bahaging ito ang dalawang klase ng tinitirahan ng mga taga-looban
na “semi-concrete” at “barung-barong”. Ang semi-concrete ay isang bahay kung saan ito ay
gawa sa bato samantalang ang popular na “barung.barong” ay isang uri ng bahay kung saan
itinatagpi-tagpi ang iba’t-ibang materyales katulad ng kahoy at mga gulong bilang kanilang mga
bubong. Sa unang bahagi din ay itinalakay ang nakagawian nilang pamumuhay sa araw-araw –
simula alas-singko ng umaga kanilang sa paggising ay maririnig nila ang sigaw ng iba’t-ibang
nagtitinda tulad ng pandesal, at sa hapon ay ang pagkukutuhan o pagtatanggal ng kuto (lice) sa
ulo ng bata at sa gabi naman ay ang mga Gawain ng kabataan na umiistambay sa looban. Ang
pag-inom, pagtugtugan, ant simpleg pagkukuwentuhan na umaabot ng hanggang las-kwtro ng
madaling araw at pagsapit muli ng alas-singko ay babalik nanaman ang lahat sa simula – ang
paggising. Isinaad din sa unang bahagi ang mga lugar kung saan ginaganap ang iba’t-ibang
aktibidades ng mga tao katulad ng paaralan at simbahan.

Sa pangalawang bahagi ng libro, itinalakay niya kung paano lumalaki ang mga tao sa
“looban”. Kung pano sila nakikibagay sa mga tao sa loob nito at kung ano ang mga dahilan kung
bakit sila nakikibahagi sa kanila. Dito sa bahaging ito, itinalakay ng manunulat kung ano ang
paningin ng mga taga looban sa mga bata o sa pagkakaroon ng anak. Sinasabi dito na ang pag-
aanak ay biyaya ng Diyos at minsan naman ito ay swerte kung kaya’t gusto nila ng madaming
ganito. Ngunit tinalakay din sa bahaging ito ang “abortion” kung saan naging talamak ito sa
looban. Nagkaroon ng impormante ang manunulat kung saan sinabi nila na madalas ay may
natatagpuan silang bata o fetus sa iba’t-ibang lugar sa looban katulad ng basurahan kung saan
nakakahon lamang ang fetus o sa drainage nila inilalagay. Ang mga impomanteng ito ay
kadalasang nagbabasura kung kaya’t nakikita nila ang mga labi ng mga maliit na batang ito.

Itinalakay din sa unang bahagi kung paano nagkakaroon ng madaming anak ang ilan sa
mga nakatira sa looban. Madami sa mga mag-asawa ang gustong magkaroon ng mga anak na
magkaiba ang sekswalidad. Halimbawa, kung mayroon na silang dalawang babaeng anak, ay
hidi pa sila titigil hanggang sa magkaroon na sila ng lalaking anak kung kaya’t dumadami ang
kanilang mga anak. Isa rin ay sinasabi na nakakapagpabawas daw ng pagkalalaki ang may
kakaunti lamang na anak sapagkat sila ay inaasar na mahina kung kaya’t ito ang nag-uudyok sa
kanila na mag-udyok sa pagkakaroon ng madaming anak. Isa pa ay ang katamaran nila na
gumamit ng mg contraceptives katulad ng condom kung saan sinabi nila na nakakabawas daw ito
ng sarap at nakakabawas din ng pagkalalaki kung minsan. Sinabi pa dito na kung maglalagay pa
sila ng condom sa kalagitnaan ng pagtatalik ay mawawala na sila o mababawasan na ang init at
maaring mamatayan sila sa loob at sa parte naman ng babae ay hindi sila pumapayag sapagkat
kadalasan daw itong ginagamit ng mga lalaki sa mga babae sa bar kung saan iniiwasan nila ng
pagkakaroon ng sakit na katulad ng HIV-AIDS o STD kung kaya’t kapag nagsusuot ang mga
asawa nila ng ganoon ay pinatatanggal at sinasabing “Ano ako? May sakit?”. At ang huli ay ang
pagiging alipin ng mga lalaki sa kanilang mga asawa. Isang impormante ang nagsabi na wala na
silang magawa kung uuwi ng lasing ang kanilang asawa at yayayain sila na makipagtalik.

Itinalakay din sa pangalawang bahagi ang iba’t-ibang paraan ng mga tagalooban ng


pagtanggal ng bata kapag ito ay nasa sinapupunan na. Isa ay ang talamak nga na aborsyon ay isa
naman ay ang tinatawag nilang hilot kung saan tinatanggal ng manghihilot ang bahay-tao sa
pamamagitan ng pagmamasahe hanggang sa matanggal ito sa kapit at kusang lumabas. Isadin sa
mga paraan nila ng aglaglag ay ang pag-iinom ng mga “herbal medicine” kung saan ito ay
nabibili sa may quiapo. Ito ay kinabubuuan ng pinakuluang sanga, ugat at dahon ng iba’t-ibang
halamang gamot.

Sa pregnancy ay isinaad ang iba’t-ibang paraan ng paglalabas ng anak ng mga taga


looban kung saan ang pinakasikat ay ang mga komadrona, o ang mga nagpapnganak sa bahay
lamang. Ito ang kadalasang paraan ng pag-aanak don sa looban. Iitinalakay din dito ang paraan
ng papalaki ng mga bata kung saan hindi dito nasusunod ang iba’t-ibang paraan ng pagpapalaki.
Isang halimbawa na lamang ay ang hindi nito pagsunod sa pagpapakain ng bata, kung kalian
lamang ito gutom tyaka lamang sila pakakainin.

Sa ikatlong bahagi ng libro ay ang pagtungtong na ng mga kabataan sa tinatawag na


“adolescence period.” Dito kumpletong namumulat ang mga tao sa looban sa tunay na kalakayan
sa looban. Itinalakay dito ang mga street gangs kung saan ang madaming kabataan ang
nabibilang dito. Ito daw kasi ay isang pananda ng “superiority” sa looban. Na kung wala kang
gang ay isa kang mababang uri. Tinalakay din dito ang iba’t-ibang paraan ng panliligaw ng mga
lalaki at kung paanong ang relasyon nila sa isa’t-isa ay namumuo. Sinabi dito na sa taong 10-16
ay ang “petting stage” at sa 16-20 naman ay ang pagtatalik na. At sa huling parte ay itinalakay
din sa libro ang iba’t-ibang nakagawian nila na pamumuhay sa kanilang mga kapitbahay.

Dito natin masasabi na ang slum nga ay hindi lamang isang lugar ngunit isang paraan ng
pamumuhay sapagkat sa loob ng isang kumunida ay natututubnan ng isang idibidwal na
makipagay upang maka”survive” at makaahon sa buhay.
Reflection

Hindi ko alam ang ibigsabihin ng salitang “slum” bago ko mabasa ang libro ni F. Landa
Jocano at noong malaman ko naman na ang slum ay isang lugar kung saan ang mga nakatira ay
ang mga tinatawag ng marami na “squatters”. Sa librong “Slum as the way of life”, nakita ko ang
isang bahagi ng aking kinagagagalawang lipunan. Isang bahagi na hindi gaanong napapansin
ngunit nagiging malaking salik sa lipunang aking ginagalawan.

Sa panimula pa lamang ay inihayag na ng manunulat ang nilalaman ng kanyang pag-aaral


kung saan aking nabasa ng ilang sitwasyon na nangyayari sa loob ng slum community. Itinalakay
sa unang bahagi ang terminolohiyang “looban”. Sa terminolohiya pa lamang na ginagamit ay
magkakaroon na tayo ng malaking na imahinasyon kung ano ang itsura ng lugar na ito. Magaling
ang naging paglalarawan sa mga lugar sa slum community. Detalyado ito kung kaya’t nagkaroon
ako ng imahinasyon at naalala ko ang ibang lugar na alam ko na katulad ng lugar na “looban.”
Nang italakay ang dalawang klase ng tirahan ay naalala ko ang isang bagyong sumalakay sa
ating lugar kung saan maraming pamilya ang napinsala— ang bagyong Ondoy. Sa pagtalakay sa
uri ng kanilang tinitirahan ay makikita natin kung gaano kadelikado ang pagtira dito sa mga uri
ng bahay na ito sa pinagtagpi-tapi lamang ngunit sa kabila nito ay mas pinipili ng mga tao na
manatili sa kanilang tinitirahan. Dito pa lamang din sa parteng ito ay nakikita ko na ang iba’t-
ibang klase ng tao na namumuhay dito, isinaad kasi dito ang araw-araw na ginagawa ng mga
nakatira kung saan nakadetalye dito ang akitibidades nila simula sa paggising ng alas-singko ng
uamaga hanggang sa mga ginagawa ng mga kabataan pagpatak ng alas-kwatro ng madaling-
araw. Nakita ko dito ang malaking kaibahan sa klase ng pamumuhay ng mga nasa normal na
komunidad.

Sa pangalawang bahagi ng libro, itinalakay kung paano lumalaki ang tipikal na bata sa
loob ng looban kung saan nakakita ako ng malaking pagkakaiba sa paraan ng paglaki ng mga
bata na nakatira sa looban at mga bata na lumaki sa ibang komunidad. Hindi ko masisisi ang mga
bata sa looban kung magkakaroon sila ng mga problema sa “behaviour” dahil ito ang
nakalakihan nila. Nakakalungkot lamang na isipin na madaming bata ang hindi lumalaki sa
tamang paraan. “kung maikli ang kumot, matutong bumaluktot.” Kinuha ng linyang ito ang
atensyon ko sapagkat dito sa linyang ito ay nakita kung gaano kahirap sa kanila ang matulog sa
gabi sapagkat napakaliit lamang ang espasyo na kanilang titulugan.

Dito sa pangalawang bahagi ay itinalakay ang isa sa mga issue na kinakaharap ng ating
bansa – ang aborsyon. Labis akong nanlumo ng Makita ko kung gaano katalamak ang anorsyon
sa looban at kung paano ito nagiging kaswal na lamang sa kanila sapagkat madami naman ang
mga gumagawa nito. Isa rin ay ang populasyon kung saan nakita ko ang madaming dahilan ng
mga mag-asawa kung bakit sila nagkakroon ng madaming anak. Isa dito sa dahilan na ito ay ang
at ang pagging alipin ng mga lalaki sa kanilang mga asawa. Isang impormante ang nagsabi na
wala na silang magawa kung uuwi ng lasing ang kanilang asawa at yayayain sila na
makipagtalik. Nakita ko dito kung paanong ang ilang mga lalaki ay itrato ang kanilang mga
asaawa.

Sa ikatlong bahagi naman kung saan itinalakay sa pag-aaral kung paano namumuhay ang
mga kabataan ay labi akong nabahala. Sa mga street gangs, sinabi na ang batayan nila kung
gaano ka kagaling ay ang kanilang mga police record. Ano ang ibigsabihin nito? Kaswal na
lamang sa kanila ang pagkakaroon nito na nagiging sanhi ng lumalagong krimen sa atin.

Alam kong madaming mali sa mga ginagagawa sa looban ngunit ng nabasa ko ang libro
na ito ay parang mas nakaramdam ako ng awa imbis nag alit sa mga taong ito sapagkat
karamihan sa kanila ay hindi naman piniling manirahan sa ganitog klase ng lugar. May mga ilang
tao ako na nakatira sa isang lugar na katulad ng looban at sa akin ay sinabi nila na balang-araw
ay gusto nilang umalis sa lugar na iyon at kanilang isasama ang kanilang pamilya upang ang
mga susunod na henerasyong bata ay magkaroon ng mas maayos na pamumuhay at malayo na
gulo. Dahil sa librong ito ay mas naintindihan ko kung bakit nga nila nagagawa ang mga
ganoong bagay sa kabila ng kaalaman na masama ang mga ito. Na ang mga bagay na kanilang
ginagawa ay paraan lamang upang maka”survive” sa lipunang kanilang ginagalawan. Na
madami pa din sa kanila ang may kagustuhan na umundlad at magkaroon ng payapang buhay.

Madaming problema ang nakapaloob dito sa maliit na yunit pa lamang ng pamahalaan.


Ang kahirapan kung saan ang mga taong nasa looban ang hinaharap kung kaya’t sa tingin ko ay
namumuhay sila ng katulad ng ganun, ang aborsyon, paglago ng populasyon, at mga krimen.
Nararapat na bigyan ng gobyerno ng karampatang atensyon ang mga ito sapagkat madaming
issue at problema ang umuusbong sanhi ng kinabubuhayan ng mga tao dito.

Tunay na marami akong natutunan sa pagbabasa ko ng librong ito. Dito ko naramdaman


kung gaano ako kapalad na ako ay nga-aaral at lumaki sa isang komudidad kung saan ibinigay sa
akin ang mga pangapngailangan na dapat kong matamo. At bilang isang magiging guros a
hinaharap, gusto kong tumulong sa nakatira sa looban sa aking sariling paraan dahil sa tingin ko,
isa ang edukasyon sa kanilang kakulangan o edukasyon nga ang kanilang kailangan. Mahaba pa
ang lalakbayin ng bawat isa, hindi tayo dapat mauhay para sa ating sarili lamang ngunit para sa
ikabubuti ng bansa. Para sa buong bansa.

You might also like