Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

August 31, 2010

The Honorable
JUAN PONCE ENRILE
Senate President, Senate of the Philippines

Sa Kagalang – galang na Pangulo ng Senado Juan Ponce Enrile:

Kami po ay lubos na nagagalak at bumabati sa inyo sa muling pagkakatalaga sa inyo bilang


Senate President ng 15th Congress.

Ang mga mamamayan ng Antipolo City ay muling nagpapasalamat sa inyong tulong na


ibinigay sa pagtanggap at pagi-ingat sa mga PCOS Machines na natagpuan at nakumpiska
sa Antipolo noong nakaraang eleksyon, Mayo 10, 2010.

Ngayong nakaupo na po ang ating pangulo, President Benigno Aquino III, at nakapag-
convene na ang 15th Congress, minarapat po namin na kayo ay muling lapitan ukol sa
nabanggit na mga PCOS machine na magpasangayon ay nasa pangangalaga at kustodiya
ng Senado.

Ang mga mamamayan ng Antipolo ay patuloy na napapailalim sa estado ng pagdududa at


naghihintay ng hustisya kung ano ang magiging kasagutan sa aming ipinaglalaban.
Nananawagan po kami sa inyo, na pahalagahan ang naging resulta ng pinagsanib na
pagsisiyasat ng “Joint Forensic Report” na ibinigay ng Technical Group ng Joint Committee
sa Kongreso.

Nakikiusap po kaming mahigit na DALAWAMPU’T ANIM NA LIBONG (more than 26,000)


mamamayan ng Antipolo na kung maaari ay tuluyan ng buksan at suriin ng isang
ahensyang patas at mapagkakatiwalaan, tulad ng Philippine Computer Society (PCS), ang
mga natitirang 27 PCOS machines na nasa inyong pangangalaga upang sa gayon ay
matuldukan na ang usaping iregularidad na nagdudulot ng pagdududa sa integredad ng
resulta noong nakaraang halalan sa aming Lungsod ng Antipolo.

Bunsod nito, nanawagan po kami sa lahat ng Senador na kami po ay tulungan at


suportahan sa kabila ng inyong napakaraming gawain pambansa.

Matatagpuan po ninyo sa susunod na mga pahina ang mga lagda ng mga mamamayan ng
lungsod ng Antipolo, tanda ng aming kusang loob na pagsasagawa ng kahilingan ito, na
walang pumilit o tumakot sa amin.

Hanggang dito na lamang po, nawa ay magsilbi po kayong instrumento sa pagbibigay ng


katarungan sa aming mga Taga-Antipolo na nagnanais ng hustisya at kaliwanagan hinggil
sa nakaraang malawakang dayaan na naganap sa kasaysayan ng Lokal na Halalan.

Pagpalain po Kayo ng Maykapal! Mabuhay po kayo!

Lubos na umaasa at gumagalang,

Pinagkaisang Lakas at Ugnayan ng Mamamayan ng Antipolo (PLUMA)

You might also like