Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

TANAGA

KILIG

Sa tuwing nagagalak
SANGOL

Larawan mo ang hawak Sakdaltamis nang ngiti

Parang panang sumaksak Sa pagod ko’y pamawi

Hakbang mong pakandirit


Sa puso'y nakatatak.

O, Anghel ka ngang paslit.


 
MANGHUHULA

Kay galling humula

Nang sa ibang palad

Ngunit di Makita

Ang sariling bukas

KARANASAN KAWAYAN

Ang klase pag marunong Ng sumilang ay labong

Matututo ang guro Katawan ay bumilog

Kung wala naming balong Umosbong ng umosbong

Mag-iisip ang puso Kaytaas at kay tayog


Haiku

PAG-IBIG

Pag-nagmamahal LAMOK

Nakakapaghintay Dugo ng iba

makakatiis Ay nag-papakabusog

Sakit ang dulot

TAGUMPAY

Minsang bumagssak

Bumangon at nag-sikap

Ngayo’y nilasap

KASAWIAN DASAL

Mukang kay lungkot Anumang hiling

Matang puno ng luha Lubos na panalangin

puso'y may pasa At tutuparin

KARANIWANG TULA
ANG BUHAY NG TAO Tao palibhasa’y saw ala nag-mula
Kaya’t nag-babalik sa simulang wala
Datapwat ang tao’y di tulad sa bula ANG KAIBIGANG TUNAY
Na kapag napawi ay napawi na nga;
Kaibigang tunay ay laging matapat,
Tao’y namamatay upang mag-simula ang tulong ay laan sa lahat ng oras.
Ang buhay na ganap sa puso ng madla
Ang walang ginagawa kundi kasamaan Siya ay mabait at saka marangal
May kasaysayan ngay imbing kasay sa lahat ng saglit ay maaasahan.
sayan;
Sa pangangailangan, siya'y laging
Ang nagging dakila bago sumakay handa
Ang istorya’y ginto’t ginto ang nang ang kaibiga'y hindi mapahiya.
pangalan
Ang taong masama; buhay nama’y Siya'y nakalaan kahit na magtiis
patay… upang mapagbigyan, katotong
Ang mabuting tao; patay man ay matalik.
buhay…
Kaibigang lubos, kaibigang tapat
ay kayamanan din ang nakakatulad.

MAGANDANG PRINSESA

LIHIM NA MGA TITIG


Ipahintulot mo, dalagang mayumi,
Na ilarawan ko ang ganda mong ari,
Ipahintulot mong awitin kong lagi Ibig kong hulaan sa silong ng̃ Lang̃it
Ang kagandahan mong makahibang- ang lihim na saklaw niyang mg̃a titig,
pari. isang suliraning nagpapahiwatig,
ng̃ maraming bagay, ng̃ luha't pag-
ibig.
Bulaan ang madlang balitang Prinsesa
Kung sa ganda mo ng̃a'y makahihigit
pa, Ako'y manghuhula sa bagay na iyan,
At para sa akin, ikaw'y siyang Reyna pagka't nababasa, sa hugis, sa galaw
Ng mga kapwa mong masamyong ng̃ mga titig mong halik ng̃ kundiman
sampaga. ang ibig sabihin at pita ng̃ buhay.

Ang kaharian mo'y iyang kagandahan, Ikaw'y nagtatapon nang minsa'y


Ang mg̃a buhok mo't matang pagsuyo,
mapupung̃ay, minsa'y pang-aaba't minsa'y
Ang paa't pisng̃i mo ay siya mong panibugho,
yaman. minsa'y paanyaya sa tibok ng̃ puso
nang upang sumamba't sa iyo'y
sumamo.

PAG-IBIG-(16 pantig)

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!


Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,
tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;


pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . . naglalaho,
layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,


parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiiman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,
at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,


tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan
iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina,


umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa.
Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha
at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”


Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.
KAY AMA-(18 pantig)

Nagising nga akong tila nangangarap na isang anino


sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao;
sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring natuto
nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kanyang talino.

Siya’y naparuol walang abug-abog sa rugtong ng tali,


ang kinahinatnan ay signos ng ulap ng panunubali;
kanyang kaluluwang nakitalamitam sa dilim na tangi
ay nakipanaghoy sa luha ng anghel habang nagmumuni.

Kay lungkot isipin ang gayong kasaklap na pagkakalayo


na kung gunitain pati hininga ko ay halos mapugto;
at pati ang langit ng bagong umaga’y waring nagdurugo
at ang dapithapon kung pagmamasdan ko ay naghihingalo.

Haplos ng pag-ibig ang naiwan niya sa supling ng puso,


kanyang inulila’y may bakat ng luhang sa pisngi dumapo;
kay Ina ang buhay ay ibayong saklap sa pagkasiphayo
at may nakalaang tiising pasanin sa kanya’y titimo.

Ngayon kung babalik sa pinag-iwanang lubid na putol,


dadamhi’y pangako sa luksang pangarap na tinatalunton;
tataas ang mukha’t lalong kikisig pa sa taglay na suot
at damdaming ama’y hahanga ngang lubos sa sariling hinlog!

DAHIL SA PAG-IBIG-(12 pantig)


KAHAPON...
Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo’y lason.

NGAYON...
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa’t makita,
pati ng libingang malayo’t ulila
wari’y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala’y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo’y
nagwagi ang layon.

BUKAS...
Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa’y
mahirap mataya...
MAPAG-LARONG KAHAPON
(maikling kwento)

ISANG ARAW, may isang lalaking nakakita ng isang magandang babae. At tumibok

ang kanyang puso. Akala niya'y tumigil ang oras at nawalan ng saysay ang lahat ng

bagay sa lupa. Maliban sa isa. Maliban sa kanya.

Pero, chebers lang itong si bebot. Baka raw kasi magalit si Jesus. O ang nanay niya.

Eniwei, chebers lang talaga siya. Wala siyang pakialam.

At naging magkaibigan rin naman sila. Korni naman kung hindi, di ba? Tapusin

na natin ang kwento kung hindi. Eniwei, nagkikita rin naman sila minsan.

Kwentuhan. Texting. Yung mga ganoong ka-kornihan. Magkaibigan. Parang ganoon

pero para ring hindi. At lumipas ang ilang taon...

Ilusyunado pa rin si lalaki, wala namang paki si babae. At natapos din ang lahat.

Dahil may katapusan naman talaga ang lahat. Hindi naka-porma si lalaki kay babae.

Gusto niyang mag-mongha. Pero hindi, parang ganoon lang. Baka raw kasi magalit

si Jesus. O ang nanay niya. At dahil hindi siya nanonood ng sine, nakaipon siya ng

sapat na pera para bumili ng bagong celfone. At hindi niya pinaalam kay lalaki para

hindi na siya makapag-text sa kanya. Oks lang naman kay lalaki. Putangina niya,

sabi ni lalaki, habang nakatingin kay babaeng may ka-holding hands sa esem. Oha.

Ayaw lang pala talaga sa kanya, kung ano-ano pa ang ginawang dahilan. Tangina,

ang korni ng dalawang ito, sa isip-isip niya. Pero sa totoo, inggit lang siya. O naiinis.

Pero ok lang. Tama nang sa ilang sandali ng kanyang buhay ay naramdaman niya

ang pag-ibig. Parang ganoon pero hindi. Pakshet, sa isip-isip niya.

You might also like