Professional Documents
Culture Documents
Talumpati Sa Pagtanggap
Talumpati Sa Pagtanggap
Talumpati Sa Pagtanggap
Sa ating kagalang-galang na mga guro, magulang, mga panauhin at sa kapwa kong mag-aaral.
Isang magandang araw sa inyong lahat.
Ngayong taon, malaking kabanata sa buhay ko ang aking binuksan. Isang biglang karangalan ang
bumungad sa akin. Ito ay ang kapangyarihang ginawad sa akin, na pinamumunuan ng kapwa kong mga
estudyante. Oo, sa unang sabi ko, ito ay kay gandang pakinggan. Kapangyarihan kasi ang pinag-uusapan,
dib a? Kung meron kang kapangyarihan ang kabalikat naman nito ay ang poyularidad at maraming
oportunidad. Ngunit, sabi nga nila sa bawat kapangyarihan, may kapalit na mabigat na responsibildad.
Mahirap talaga ang maging isang pinuno, iba’t ibang mata ang lagging nakatingin sa iyo at iba’t
ibang tiwala ang dapat mong makuha. Pero sa halip ng lahat ng ito, tinatanggap ko pa rin ng maluwalhati
ang tungkuling ipinagkakaloob sa aking ng mga mag-aaral kasama na ang mga kaakibat na
responsibilidad na aking pinapangakong tutuparin sa abot ng aking makakaya.
Hindi po matatapos ang talumpating ito kung walang himig na pasasalamat. Buong pasasalamat
ko sa lahat ng mga taong naghirang sa akin. Titiyakin kong maipapatupad ko ang mga plataformang
aking ibinatid sa inyo noong panahon ng eleksyon. Makakaasa kayo sa akin sa hirap man o ginhawa, o
kahit gaano mang kalakas ang unos na darating ay matitiyak ninyo ang aking serbisyo.
Makakaasa kayong nasa tabi niyo lang ako palagi, nakikinig sa inyong mga hinaing at handing
magsilbi sa inyong lahat.
Isang napakalaking karangalan ang mapili bilang isang bagong pangulo sa organisasyong ito.
Tinatanggap ko ito ng buon-buo. Ang pagiging isang president ay hindi lang isang posisyon kundi isang
obligasyon na gawin ang dapat at pawang dapat lamang.
Salamat.