Pakikinig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Pakikinig

Posted by Teacher Dan , , Tuesday, January 26,


2010 Tuesday, January 26, 2010
Pakikinig
--Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng pandinig at pag-iisip.
Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na
pag-isipan, tandaan at suriin ang kahulugan at
kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
Ang pakikinig, samakatuwid, ang pag-unawa sa
kahulugan ng mga tunog na napakinggan.
Nangangahulugan ito ng pakikinig nang may
layunin- ang pag-unawa sa kahulugan ng mga
salita at pangungusap na narinig. Inuunawa ang
mga katotohanan at ideya na nakapaloob sa mga
salitang napapakinggan.
Natatamo ang pag-uunawa sa pamamagitan ng
ating isipan. Isang aktibo itong kasanayan
sapagkat may nagaganap sa isipan ng isang tao
habang nakikinig. Ipinoproseso ng kanyang isipan
ang mga bagay na kanyang napapakinggan
hanggang sa maunawaan niya ang kahulugan ng
mga ito.Napakahalaga ng pag-unawa sa proseso
ng pakikinig.

PAGKAKAIBA NG PANDINIG AT PAKIKINIG


Bagama’t magkaugnay, may pagkakaiba ang
pandinig(hearing) at pakikinig(listening).
Sa level ng pisikal na pandinig sapagkat isang
kapasidad ito para matukoy ang tunog na
mabubuo sa isang salita. Tumutukoy ito sa ating
kakayahang marinig ang anumang tunog sa
pamamagitan ng ating mga tainga.
Samantala, isang proseso ng pag-iisip na may
layunin na unawain ang kahulugang nakapaloob sa
mga tunog na pinakikinggan ang pakikinig.
Bagama’t magkaiba ang pandinig at pakikinig,
magkaugnay ang dalawa sapagkat hindi maaaring
mangyari ang tunay na pakikinig kung walang
pandinig. Preliminaryong hakbang sa pakikinig ang
pandinig.

PROSESO NG PAKIKINIG

Sinasabi ni Kline(2006) na ang pakikinig ay isang


kompleks na proseso. Ito ay dumadaan sa tatlong
magkakasunod na hakbangin: PAGDINIG,
ATENSYON, at PAG-UUNAWA.

AND MGA URI NG PAKIKINIG AYON SA LAYUNIN:


1. KASWAL
Pampakondisyon lamang o kaya’y pampalipas oras
na nakagawiang pakikinig.
Halimbawa’y nagiisa’t nakasanayan nang may
naririnig habang may ibang ginagawa
Hindi seryoso ang ganitong pakikinig kaya walang
layunin, tuloy, wala ring matandaan sa
napakinggan.

2. Impormal
Karaniwan na ang ganitong uri ng pakikinig sa mga
estudyante na tipong napilitan lamang dahil may
dapat isagawang rekisito ng isang kurso.
Mangyari pa, may layunin pero pahapyaw lamang
tuparin, basta makakuha ng konting impormasyon
lamang tungkol sa itinakdang gawain.
3. Kritikal
Kaakibat ng uring ito ang pagiging analitikal,
ebalwativ at apresyativ. Masinsin ang level ng
pagsusuri, tinitingnan lahat ng anggulo, ang
pagkakatulad at pagkakaiba, gayundin ang
reaksyon dito’t paghusga, sa gayon, mabigyan ng
obhektibong pagpapahalaga.
MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG
PAKIKINIG
Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa
upang mapaamo ang matigas na damdamin
Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung
mataimtim na makikinig sa kanya
Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung
ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan
Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o
di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat
nagsasalita
Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan
ng pakikinig
Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo
sa pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa
ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing
pakikinig
Mga paraan ng pakikinig

1. Maging handa sa pakikinig.


2. Kilalanin ang mga pangunahing kaisipan.
3. Huwag punahin ang tagapagsalita.
4. Huwag punahin agad ang mensahe.

MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA


PAKIKINIG
May pitong salik na lubhang nakakaimpluwensya
upang maging epektibo ang pakikinig.

1. Oras o Panahon – may tinatawag na oras de


peligro at mga panahon na malaking hadlang sa
pakikinig. Halimbawa nito ay ang alas dose
hanggang alos dos na syang nakakaantok, kapag
malamig naman ang panahon ay talagaang
nakakaantok, at kapag mainit nama’y hindi ka
komportable at marami pa na syang humahadlang
sa ating pakikinig.
2. Edad – mainiping makinig ang mga bata ngunit
mas mahusay ang kanilang memorya samantalang
sa matatanda nama’y matyagang makinig kaya’t
mas naiintindihan nila ang kanilang pinapakinggan
3. Kasarian – mahaba ang pasensya ng mga babae
sa pakikinig dahil interesado sila sa mga detalye
ng mga ideya. Samanatalang ang mga lalake
nama’y madaling mabagot at ibig nila ang
diretsong pagpapahayag.

4. Tsanel – ang tsanel ay ang daluyan ng


komyunikasyon. Sa pamamagitan nito, ang
mensahe mula sa enkowder ay naipapadala sa
decoder. Sa kaso ng pakikinig, ang hangin ang
daanan ng mensahe.
5. Lugar o Kapaligiran – isang lugar na malinis,
tahimik, maliwanag, at malamig ang kailangang
kapaligiran upang efektibong makapakinig ang
isang indibidwal. Malaki ang magagawa na
kapaligiran at sitwasyong kinaroroonan ng
tagapakinig sa paraan ng kanyang pakikinig.
6. Kultura – may sagabal sa pag- uunawa ng mga
konseptong naririnig kung iba ang kultura ng
nakikinig. Maaaring asahan na higit na mahusay na
tagapakinig ang taong naturuan ng tamang asal
tulad ng paggalang sa kapwa at may sariling
disiplina.
7. Konsepto sa sarili – maaaring ang taing may
malawak na kaalaman ay magkaroon ng sagabal
sa pakikinig sapagkat mataas ang pananaw sa
sarili, at dahil dito, ang ilang maririnig ay maaaring
hindi paniwalaan o maunawaan dahilan sa taglay
na konsepto sa sarili.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang


nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita
dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang
makinig kaysa sa magsalita.
Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.
Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at
kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa
kanila.
45% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% sa pagsulat
Anuman ang mga tanong na ipasasagot sa atin ay
tiyakang matutugon natin kung maayos, malinaw
at wasto ang ginagawa nating pakikinig. Magiging
malawak ang kaalaman natin dahil sa pakikinig.

Anim na Kahalagahan ng Pakikinig :


Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan
ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang
pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat
isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting
palagayan.
Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong
konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o
paggunita sa narinig.
Nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng
tao ang pakikinig.
Ang pakikinig sa sinasabi ng kausap ay maaaring
makatulong upang maunawaan ang damdamin,
kaisipan at maunawaan ang kanyang kinikilos,
gawi at paniniwala. lumilikha rin ito ng pagkakaisa
sa anumang uri ng grupo sa loob ng isang pamilya,
pamayanan, paaralan o pamamalakad man ng
isang uri ng pamahalaan.
Ang hindi pakikinig ng isang miyembro sa sinasabi
ng kanyang pinuno ay maaaring magdulot ng ‘di
pagkakaunawaan at pag-aalitan.

Iba Pang Kahadlangan sa Mabisang Pakikinig:


1. Lugar o Kapaligiran
Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang
nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng
konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang
panayam.
Ang mainit, maliit at magulong lugar ay
nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang
makinig ng mga tagapakinig.
2. Oras
Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o
sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig
niya sa oras na gising na gising na ang kanyang
kamalayan.
May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag,
ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa
oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga
tagapakinig.
Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay
mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante
panghapon.
3. Mga Kagamitan at Tsanel
Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng
mensahe ay malaking tulong upang
magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono,
mikropono, radyo atbp.
Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng
mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa
sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na
masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang
emosyon
4. Distansya
Pag malayo ang kausap, anumang sigaw di
maririnig, marinig ma ay bahagya’t di pa
maintindihan. Pag naman sobrang lapit
nagkakailangan. Yuon lamang tamang distansya
5. Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at
babae
Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng
tagapagsalita dahil maligoy masyado sa
pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag
na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi
pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay
ang paksang may pansarili silang interes.
Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking
tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa
pagbibigay ng paliwanag.
Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa
pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang
mainip

6. Edad o gulang
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang
mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang
kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan
sa pang-unawa.
Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay
hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi
dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga
nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanila
katandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at
ang kahinaan na ng kanilang pandinig

7. Timbre Ng Boses

Mga Kasanayan Sa Pakikinig:


Pakikinig para sa kagandahan, kaaliwan at gamit
ng musika
Pakikinig para sa pagtukoy ng pamaksang diwa,
aral at pagpapahalaga na napapaloob sa isang
pahayag o kwentong napakinggan
Pakikinig para makasunod sa tagubilin at panuto
kaugnay sa sadyang gawain
Pakikinig para sa paghinuha ng natatanging
impormasyon

You might also like