Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bersus kolum – Abril 26, Lunes

ANGAT DAM

SA gitna ng krisis sa tubig at enerhiya sanhi ng


pagbabago sa klima at El Nino, tila wala nang
makapipigil sa gobyerno sa pagbebenta ng Angat
Dam Hydro-Electric Power Plant (HEPP) sa
Norzagaray, Bulacan. Siguro’y abala tayong lahat
sa darating na halalan.
Umugong ang usaping ito sa pagsisimula pa
lamang ng kasalukuyang taon pero nasapawan ng
ingay ng kampanya ng mga politiko. Hindi natin
namamalayan, sa ika-28 ng Abril na pala ang
huling araw ng pagsusumite ng bid ng mga
interesadong korporasyon.

Marami ang tumututol sa pagbenta ng dam,


kabilang dito ang Commission on Human Rights,
ang mga lokal na pamahalaan ng Quezon City,
Manila, Taguig, Makati, Pasig, at ilang bayan sa
Rizal. Maging ang ilang civil society group tulad ng
Freedom from Debt Coalition at ilang people’s
organization ay nagpahayag na rin ng kanilang
pagtutol.

Alinsunod sa Republic Act 9136 o Electric Power


Industry Reform Act (EPIRA), ang lahat ng
generation plants (kasama rito ang Angat Dam) na
pag-aari ng National Power Corporation (Napocor)
ay isasapribado o ibebenta ng gobyerno.
Binuksan ang Angat Dam noong 1967. Ito ay
unang idinisenyo bilang isang HEPP pero hindi
nagtagal ay mas napakinabangan bilang
napakahalagang pinagkukunan ng suplay ng tubig.
Dito nagmumula ang 97% ng suplay ng tubig para
sa 12 milyong residente ng Kamaynilaan. Nagsisilbi
rin itong irigasyon sa halos 31,000 ektaryang
palayan sa 20 munisipalidad at lugar ng Bulacan at
Pampanga.

Ang pagbenta ng Angat HEPP ay paglabag sa


karapatang pantao sa tubig. Ayon sa CHR,
ang karapatan sa tubig ay mas pundamental at
pangunahin kaysa pangangailangan sa kuryente.
Dahil dito, nararapat lang na ang lahat ng aksiyong
makaaapekto sa karapatang ito ay dapat umaayon
at paborable para rito. Kung maisasapribado ang
Angat Dam, ang tubig na dating nagsisilbi para sa
pangangailangan ng Kamaynilaan, Bulacan, at
Pampanga ay magiging isa nang commodity o
kalakal na ang pangunahin ang pagkakamal ng
tubo. Sa ganitong sitwasyon, ang pribadong may-
ari na ang may kapangyarihan sa kung paano at
para saan nito gagamitin ang tubig na nagmumula
sa Angat Dam.

Malalagay rin sa alanganin ang produksiyon ng


pagkain kung maiisapribado ito. Libo-libong
ektarya ng palayan sa Bulacan at Pampanga ang
nanganganib na hindi mapagkalooban ng
kinakailangang tubig-irigasyon dahil mas uunahin
ang patubig para sa HEPP.
Bilang isang flood controller, malalagay sa peligro
ang seguridad ng mamamayan na nakapaligid sa
dam sakaling muli tayong daanan ng mga bagyong
tulad ng Ondoy at Pepeng. Nasaksihan natin ang
masamang epekto ng mataas na tubig na inimbak
ng operator ng San Roque Dam noong kasagsagan
ng bagyong Pepeng: Inilubog nito ang buong
lalawigan ng Pangasinan.

Bukod dito, tataas na naman ang presyo ng


kuryente na karaniwang nangyayari kapag may
ibinebentang power plant ang gobyerno. Paano
nga naman babawiin ng pribadong korporasyon
ang kanilang investment kundi sa pagtataas ng
presyo ng kuryente?

Bukod dito, malalagay din sa peligro ang job


security ng mga empleyado ng Napocor na naka-
assign sa Angat HEPP. Karaniwan nang tinatanggal
sa serbisyo ang mga lumang empleyado kapalit ng
mga bago na mura lamang ang sweldo.

Dahil sa mga nabanggit, sana lamang ay


pakinggan ng gobyerno, lalo ng Power Sector
Assets and Liabilities Management Corporation
(PSALM) na isyang naatasang magbenta nito, na
hindi matuloy ang pagbenta ng napakahalagang
dam na ito.

You might also like