Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Maria Corazon Aquino

Marami siyang ginawa dito sa atin:


Siya ay naging pangulo, Siya ay nanguna sa people power revolution, Siya ang
nagpatalsik kay pangulong Marcos at higit sa lahat,Siya ang nagpago sa Pilipinas
noong panahon pa ni Pangulong Marcos. Nilabanan niya ang diktatorya ni Marcos
ang pinakita nyang tapang ay kahanga-hanga. Siya lang ang naglakas ng loob para
lumaban kay Marcos. Naging inspirasyon cia ng people power sa ibat-ibang bansa.
Naging tapat siya sa kanyang panunungkulan at higit sa lahat mapagmahal siyang
ina, tita, lola at presidente......
naging ehemplo siya ng isang matibay na paniniwala sa DIYOS hanggang sa
huling sandali ng kanyang buhay! PANALANGIN ANG MABISANG KALASAG
SA ORAS NG PAGSUBOK SA BUHAY!!!

Si María Corazón Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón


Sumulong Cojuangco) (Enero 25, 1933—Agosto 1, 2009[2]) na lalong mas kilala
sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at
kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30,
1992).At tinaguriang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa
pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose
Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at
nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno
Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni
dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang
mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at
ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at
ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Noynoy Aquino. Pumanaw siya
noong ika-1 ng Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto.
Hilaria Del Rosario Aguinaldo

Si Hilaria del Rosario Aguinaldo (1877-March 6, 1921) ay ang unang asawa ni


Heneral Emilio Aguinaldo. Siya ang tinaguriang pinakaunang "First Lady" ng
Pilipinas at ang unang "Honorary President" ng Philippine Red Cross. Noong
taong 1899, itinatag nya ang "Hijas dela Revolucion" na kinalaunan ay nakilala sa
pangalang "Asociacion de la Cruz Roja" na naging Philippine Red Cross.
Sinoportahan nya ang rebolusyong laban sa mga Amerikano sa pamamagitan ng
pag-aalaga sa mga sugatang sundalo at pangangalap ng mga gamot at mga
kagamitan na ginamit ng mga sundalong Pilipino. Siya ay nadakip ng puwersang
Amerikano noong 1900.
Adriana Sangalang

Si Adriana Sangalang (8 Setyembre 1868 – 12 Disyembre 1942) ay isang


babaeng bayaning Filipino. Asawa siya ni Don Tiburcio Hilario, na isang
rebolusyonaryo.

Napatunayan ni Sangalang ang kaniyang katapatan at pagmamahal sa bayan, nang


iutos niyang sunugin ang mga dokumento ng rebolusyonaryong samahan, na
nakatago sa kanilang bahay, upang hindi makita ng mga Amerikanong sundalo, na
noon ay hinahaluglog ang kanilang bahay. Ang mag-asawang Sangalang at ang
ilang kamag-anak, ang siyang gumagamot at nagpapakain sa mga rebolusyonaryo
sa lalawigan ng Tarlac at Pampanga. Nang matuklasan ng mga Amerikano ang
kanilang mga aktibidad, iniutos ng mga Amerikano na sila ay dakipin kasama ng
kanilang mga kamag-anak na may kinalaman sa pagtulong sa mga rebolusyonaryo.
At habang si Sangalang at kaniyang asawa ay hinahabol ng mga Amerikano, si
Don Tiburcio Hilario ay nahuli, at sapilitang pinanumpa ng kaniyang katapatan sa
pamahalaang Amerikano.

Agueda Esteban

Si Agueda Esteban (9 Pebrero 1868 – 1944) ay isang babaeng katipunero, na siyang tagabili ng
bala at pulbura sa Maynila. Dinadala niya ito sa kaniyang asawa na noon ay nasa Cavite.
Nang sumiklab ang aklasan laban sa mga Espanyol, sumali si Mariano na asawa ni Estaban sa
Katipunan. Kilala si Mariano bilang tungkod, na responsable sa mga pag-atake sa mga kuta ng
Espanyol sa San Juan del Monte, Montalban at Marikina. At nang inilipat si Mariano sa Tangos,
Cavite, isinama niya ang kaniyang pamilya. Bilang asawa ng isang Katipunero, si Esteban ay
naging katuwang sa mga aktibidad ng kaniyang asawa. Sila ay bumabiyahe patungong Maynila,
upang bumili ng mga materyales at mga bala na ginagamit ng mga Katipunero. Si Esteban ang
siyang nagdadala ng mga gamit na ito, at kinailangan pa niyang umakyat at maglakbay ng
malayo upang masiguro na makarating ang mga gamit sa mga Katipunero.Nang magsimula ang
pananakop ng mga Amerikano, si Esteban ang tagadala ng liham para kay Hen. Artemio Ricarte,
na nagmula sa kaniyang asawa. Siya ang pinagkatiwalaang magdala ng mahahalagang
dokumento at ng mga planong pag-atake sa mga instilasyon ng Espanyol. Ang kaniyang mga
aktibidad ay hindi man lamang pinagsuspetsiyahan ng mga Espanyol dahil siya ay isang babae.
Lingid sa kaalaman ni Esteban, siya ay pinaghinalaan na ng mga Espanyol na nakikikutsaba sa
mga Katipunero, kaya lihim na pinasusubaybayan ng mga awtoridad. Isang gabi, nagtungo ang
mga kawal ng Espanyol sa bahay ni Esteban, at doon natuklasang may mga itinatagong granada
sa loob ng bahay ni Esteban na kalimitan niyang dala sa kaniyang mga lakad. Masuwerteng wala
noon sa kaniyang bahay si Esteban. At noong 1 Hulyo 1900, magkakasamang naaresto sina
Esteban, Barroga at Ricarte sa Calle Anda. At Noong 16 Pebrero 1901, ang kaniyang asawa at
iba pang rebolusyonaryo ay ipinatapon sa Guam. Si Estaban ay nanatili sa Maynila kasama ng
kaniyang tatlong anak. Napilitang ipaampon sa Hospiscio de San Jose ang kaniyang mga anak
dahil nahihirapan na siyang buhayin ang mga ito. Naiwan sa kaniya ang kaniyang anak na si
Salud, at nagtinda na lamang ng alahas hanggang makabalik ang asawa. Nobyembre 1902 nang
mamatay ang esposo niyang si Barroga, at nakapag-iwan pa ito ng isa pang anak na lalaki, na
pinangalanang Artemio, bilang pagkilala kay Hen. Artemio Ricarte. Noong 1910, nagtungo si
Esteban sa Hong Kong upang dalawin si Heneral Ricarte, na noon ay nadestiyero sa ikalawang
pagkakataon, matapos tumangging lumagda ng kasunduan sa mga Amerikano. At Mayo 1911, si
Esteban at Heneral Ricarte ay nagpakasal at nanirahan sa isang isla ng Lemah. At nang
magsimulang paalisin ng pamahalaang Briton ang mga pinatapong Filipinon sa Hong Kong,
noong magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Si Esteban at ang kaniyang pamilya ay
ipinadala sa Shanghai, bago nagtungo sa Japan. Noong 1921, ang pamilya ni Esteban ay lumipat
sa Tokyo, at doon nagturo ng wikang Espanyol. At noong Abril 1923, muling lumipat sa
Yokohama ang pamilya ni Esteban, at doon nanirahan at nagtayo ng maliit na kainan. Nanatili
sila doon nang 18 taon, kasama ng kanilang anak at mga apo. Bumalik si Esteban sa Filipinas
nang sakupin ito ng mga Hapones, at doon na rin siya namatay.

Gliceria Marcella Villavicencio

Si Gliceria Marella Villavicencio (13 Mayo 1852 – 28 Setyembre 1929) ay


kabilang sa pamosong Filipino, na ibinigay ang kaniyang yaman, oras, talino, at
pagpupunyagi, upang matulungan ang mga rebolusyonaryo noong Rebolusyon sa
Filipinas.
sinilang si Gliceria sa Taal, Batangas, kabilang ang kaniyang pamilya sa kanilang
bayan, na asawa ni Eulalio Villavicencio na isang katipunero. Si Gliceria at ang
kaniyang asawa ang nagpondo sa kilos propaganda laban sa mga mananakop,
kasama siyang namamahagi ng mag pulyeto at mga sipi ng La Solidaridad. Nang
madakip ang kaniyang asawa ng mga mananakop, hindi niya ibinigay sa mga ito
ang mga mahahalagang dokumento at kaniyang mga nalalaman sa Katipunan. At
nang mamatay ang kaniyan asawa, ginawa niyang punong himpilan ng mga
rebolusyonaryo ang kaniyang bahay. Ibinigay din niya ang barkong Bulusan, kay
Hen. Emilio Aguinaldo, upang magamit ng kaniyang mga sundalo na magtutungo
sa Bicol at Visayas. At nang sumiklab ang Digmaang Filipino-Amerikano, si
Gliceria at ang kaniyang pamilya ay ipinadala sa Maynila, at kinumpiska lahat ng
kaniyang pag-aari ng mga Amerikano. Ang kaniyang bahay na noon ay ginagamit
bilang himpilan ay ginawang hospital ng mga rebolusyonaryo.
Pinangalanan siya si Hen. Emilio Aguinaldo na “Pinunong Babae- Heneral ng mga
Rebolusyonaryo” (Madina-General de las Fueras Revolicionarios), noong 12
Hunyo 1898, dahil sa kaniyang mga naging ambag sa rebolusyonaryo.

You might also like