Pagsusuri Sa Akdang Asyano

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagsusuri sa akdang asyano

(Tsino)

“Ang Desisyon”

Bahagi ng Gawain sa Filipino IV

Ipinasa ni :
Danielle Marie J. Sangalang
Titulo: Ang Desisyon (The Choice)

Awtor: Dolly Dy

Tagasalin: Julie T. Wong sa Tagalog

Buod:

Nagigipit sa problemang pinansyal ang pamilya ni Johnny, wala siyang pambayad para sa pagtungo ni Tandang
Lin Sze at ng kanyang extended family sa dito sa Pilipinas. Alam ni Johnny at ng kanyang asawa si Kaye na wala
silang pera bilang pambayad, ngunit alam nila na malaki ang utang ng loob nila sa matanda.

Noong 1939, mahirap ang buhay sa Tsina noon, at si Tandang Lin Sze lamang ang tumulong sa Ama ni Johnny,
ipinahiram niya ito ng pera bilang pangtustos sa pagtungo sa Pilipinas, siya rin mismo ang naglakad sa papeles
niya. Nakapunta ang Tatay ni Johnny sa Pilipinas at doon siya nagkaroon siya ng sariling hardware store, mula
noon pinapadala niya ng pera, regalo at appliances si Tandang Lin Sze sa Tsina bilang kabayaran sa utang niya
sa matanda at utang ng loob. Nagdaaan ang panahon at nagkaroon siya ng sariling pamilya, at ipinanganak si
Johnny, pero nakalipas ng dalawang taon – namatay ang Tatay ni Johnny. Pero bago siya namatay, pinapangako
niya si Johnny na ipagpatuloy ang pagpapadala ng pera kay Tandang Lin Sze at ibigay niya kung anumang hingin
nito; tinupad ni Johnny ang kanyang pangako sa loob ng 16 na taon.

Kamakailan maraming hiling ang matanda, tulad paghihingi ng mahalagang pera at pagpadala ng black and
white tv set – na sinundan pa ng isang colored tv set. Kahit na nagpadala ng liham si Johnny at ipinauwa sa
matanda na hindi siya mayaman, hindi naniwala si Tandang Lin Sze at humingi pa siya ng no – frost refrigerator.
Dumating pa sa punto na napipilitan si Johnny na ipagbili ang kanyang ibang ari- arian at maghiram ng pera sa
mga kaibigan upang mapagbigyan lamang ang hiling ni Tandang Lin Sze.

Nagkabaun-baon sa utang si Johnny at nag –aalala siya ng husto, dahil kung nakapunta man lang dito si
Tandang Lin Sze– siya mismo ang maghahanda sa pangangailangan nila, kahit nag kanilang pagtitirhan at
pagkain. Hindi na niya matutus-tos ang pangangailangan ng sariling niyang pamilya.

Nagmungkahi si Kaye – ang asawa ni Johnny – na gumawa ng desisyon si Johnny at kung anuman iyon
mauunawaan niya at susundin niya ang asawa niya. Paglipas ng ilang minuto, sumulat si Johnny ng isang liham
at inutos niya si Kaye na basahin ito ng malakas.

“ Dear Mr. Chen Lin Sze,

Ikinalulungkot ko na hindi ko kayo madala at ang inyong pamilya dito sa Pilipinas. Wala akong sapat na salapi
upang magawa ang gayon. Lagi akong naging tapat sa inyo tungkol sa kalagayan sa buhay. Hindi ako
mayaman. Ngunit nasa inyo na iyon kung paniniwalaan ninyo ako o hindi. Ikinalulungkot rin na hindi ko na
kayo mapadalhan ng pera at regalo. Kailangan paghandaan ko ang aking pamilya. Nagpapasalamat ako sa
inyo sa tulong na inyong ipinagkaloob sa aking tatay, at hangad ko ang inyong magandang kapalaran. Kalakip
nito ang isang maliit na halagana siyang pinakauli kong regalo sa inyo

Johnny.”

Dito na umabot sa desisyon si Johnny at alam niyang mauunawaan ng tatay niya kung bakit kailangan niyang
sumira sa pangako. Umiyak at yumakap silang dalawa ni Kaye, at nagtatawang parang mga bata.

Pagsusuri:

A. Tauhan:

1.) Johnny – pangunahing tauhan sa kwento


2.) Kaye – asawa ni Johnny
3.) Babaeng anak ni Johnny at Kaye - Siya ang naraytor ng istorya
4.) Tandang Lin Sze – maraming beses siya nabanggit sa flashback at istorya pero hindi siya lumitaw sa
istorya.
5.) Tatay ni Johnny – nabanggit siya mula sa flashback ( patay siya bago nagsimula ang istorya)

B. Gulo:

Nag - aalinlangan si Johnny kung ipagpapatuloy pa niya ang pagpapatupad ng utang ng loob niya kay
Tandang Lin Sze dahil walang siyang pera bilang pangtustos sa mga hiling ng matanda.

C. Solusyon

Nagdesisyon si Johnny na hindi na niya padadalhan ng pera ang matanda para tustosin niya ang pamilya
niya.

Reaksyon:

Awa lamang ang nararamdaman ko para kay Johnny, hindi patas ang pagtrato ni Tandang Lin Sze sa kanya.
Inaabuso niya ang pangako at utang ng loob na ipanagkaloob niya sa Ama ni Johnny. Hanga ako sa ginawang
desisyon ni Johnny, kahit sinira niya ang pangako niya alam niya kailangan gawin ito dahil kulang siya sa pera, at
alam din niya na hindi na kaya pabayaan ang sobrang paghingi ng regalo si Tandang Lin Sze. At kahit sinira niya
ang pangako niya, ipinakita pa rin niya ang respeto at utang ng loob sa matanda – nagbigay pa ng halaga ng
pera para ipakita ang pagsasalamat sa matanda. Overall, nagustuhan ko ang istorya.

You might also like