Professional Documents
Culture Documents
Poverty Report
Poverty Report
html
NG MARALITA SA KALAKHANG
MAYNILA (1900-2000)
Ulat Nina
Mga Nilalaman
Pagsusuma at Konklusyon
PANGKALAHATANG PAMBUNGAD
Anakpawis. Mahirap. Dukha. Pobre. Nagdidildil ng asin. Isang kahig, isang tuka. Maralita.
Marami tayong mga salita at kataga para sa kahirapan dahil ito ang reyalidad para sa nakararaming mga Pilipino. Karamihan sa mga maralita
sa Pilipinas ay nasa kanayunan, ngunit ipinapahiwatig ng mga estadistika na ang bilang ng mga maralita lalo na sa Kalakhang Maynila ay mabilis na
lumolobo. Ito ang dahilan kung bakit isinagawa namin ang pananaliksik na ito: upang mabigyan ng tamang pansin ang kalagayan at kasaysayan sa
pakikibaka para sa disenteng pamumuhay at kabuhayan ng maralita sa itinuturing na pangunahing sentro ng urbanisasyon sa Pilipinas. Minarapat din
naming ikawing ang pananaliksik na ito sa nakaraang sandaang taon mula 1898 hanggang 1998 bilang pagkilala sa sentenaryo ng Pilipinas bilang isang
bansa.
Ang aming pananaliksi, na nararapat pang pag-ibayuhin ng mga darating pang pananaliksik ukol sa maralitang tagalunsod (urban poor studies), ay
1. Ang Kasaysayan at Pakikibaka ng Uring Manggagawa sa Kamaynilaan, na itinalaga sa pamamahala ni Dr. Edberto Villegas;
2. Ang Maralitang Tagalunsod sa Kalakhang Maynila: Ang Kanilang Pangkalahatang Kalagayan at Pakikibaka para sa Makataong Pamumuhay, na
3. Ang Kababaihan sa Lansangan: Ang Prostitutsyon at “Sex Trafficking” sa Kalakhang Maynila, na itinalaga naman sa pamamahala ni Prof. Doroteo
Abaya.
Bawat bahagi ay tumatalakay muna sa kalagayan ng partikular na maralita. Bumabalangkas din ito ng kanilang kasaysayan bilang sektor sa Maynila
gayundin ang kanilang mga kasaysayan sa pakikibaka para sa disenteng kabuhayan. Marami sa aming mga pinagsangguni sa pananaliksik ay batay sa
mga panayam sa mga kinauukulang sektor, gayundin sa mga dokumento at mga inilathala ukol sa paksang ito.
Matutunghayan sa mga kalagayan ng mga manggagawa, maralitang tagalunsod at ng mga “kalapating mababa ang lipad” na iisa ang pinagmumulan ng
kanilang mga suliranin: ang kawalan ng katatagan sa hanapbuhay. Ang kalagayang ito ang siyang nagbibigay sa kanila ng di-matiwasay na pamumuhay.
Marami na ring mga pag-aaral at publikasyon ang naglayong ugatin ang dahilan ng kahirapan sa mga sentrong siyudad sa bansa. Ang ilan ay tumukoy sa
malalaking populasyon bilang ugat. Ang iba naman ay kultura ang sinisisi. Ang iba, ang di-mapigilang pagdagsa ng mga tao mula sa kanayunan patungong
siyudad na siya namang dahilan kung bakit kulang na kulang ang serbisyo-publiko. O di kaya ay sinisisi ang kanilang mga bisyo.
Ayon mismo sa datos mula sa National Statistics Office (NSO), mahigit tatlong milyong Pilipino ang walang hanapbuhay sa pagbubukas ng panibagong
milenyo. Ito ay katumbas ng 10.1% ng kabuuang bilang ng lakas paggawa sa bansa. Bukod dito, mayroon ding 5.5 milyong manggagawa ang
underemployed, o mga nagtatrabaho ng wala pang 40 oras bawat linggo. Ibig sabihin, halos siyam na milyong Pilipino ang tagilid ang kabuhayan, at ang
Lalong inaasahan na lalong mababaon sa kanilang pagkalugmok ang mga maralita dahil sa neoliberal na mga patakarang ipinapatupad ng pamahalaan.
Kung tapat ang ating pamahalaan na tuparin ang pagpapaunlad sa kabuhayan ng maraming Pilipino, lalo na ng maralita, dapat na isulong nito ang
makabansa at makataong programang pang-ekonomiya. Dapat na ipatigil ang pribatisasyon ng mga kompanyang pag-aari ng gobyerno at pataasin ang
sahod ng ordinaryong manggagawa at mga empleyado ng gobyerno. At kasabay ng programa sa seguridad sa pagkain, dapat tuparin ng pamahalaan ang
Paunang Salita
Ang bahaging ito ay maglalahad ng kasaysayan at pakikibaka ng Manggagawa bilang bahagi ng mga batayang uri sa Kamaynilaan. Sa seryeng ito,
Mabibilang sa daliri ang pag-aaral na nalathala ng Pamantasan ng Pilipinas at maski ng ibang institusyon tungkol sa uring manggagawa. Ang
karamihan na pag-aaral tungkol sa mga batayang uri ng lipunan ay nakakonsentra sa mga maralitang tagalunsod. Inaasahan na ang akdang ito ay
makakabaling ng atensyon sa ating mga iskolar at istoryador sa kalagayan ng uring manggagawa sa ating lipunan. Isa ding layunin ng pananaliksik na ito
ay ang mabigyan ng perspektibang pangnasyonal ang kasaysayan at pakikibaka ng uring manggagawa sa Kamaynilaan.
Sunod sa mga magsasaka, ang mga manggagawa sa industriya at serbisyo ay bumubuo ng pinakamaraming uri sa Pilipinas at ang bulto nila ay
nasa Kamaynilaan. Sila ang pundasyon ng pinakaabanteng puwersa ng produksyon sa bansa, kaya nararapat lamang na maunawaan ng sambayanan ang
kanilang suliranin at adhikain. Sa layuning ito, isinusulong ng Manila Studies Program sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa mga batayang uri, ang
Panahon ng 1800
Noong pangalawang bahagi ng 1800 naging aktibo ang mga dayuhang Ingles at Amerikano sa Kamaynilaan sa pangangalakal para sa eksport. Mula
noong 1821 nang pinaluwagan ng mga Kastila ang pagpasok ng ibang dayuhan sa pangangalakal sa Pilipinas at dahil sa pagbukas ng Suez Canal noong
1869 na pinaiksi ang ruta mula sa Kanluran tungo sa malayong Silangan, nagtayo ang mga taga-Kanluran, lalo na ang mga Ingles at Amerikano, ng mga
bahay kalakalan (trade houses) sa Maynila. Lalong umigting ang posisyon ng Maynila bilang sentro ng negosyo sa Pilipinas. Umabot sa 2/3 ng mga
manggagawa noong pangalawang bahagi ng 1800 ang nasa Maynila at mga karatig pook nito, kagaya ng Cavite. Sa 2,184 establisimyento ng inulat noong
1902, 876 ay nasa Maynila.1 Ang nangunguhang industriya, kung saan may pinakamaraming manggagawa, ay mga pagawaan ng tabako at sigarilyo, na
ang malaking bahagi ay pang-eksport. Ang isang malaking pagawaan ay ang San Miguel Brewery na itinatag noong 1887 sa Maynila at siyang tanging
Dahil sa kahirapan ng uring manggagawa at dahil pinagbabawal silang humingi ng pagtaas ng sahod ng isang batas ng mga Kastila, ang Artikulo 543
ng Koda Penal, ang mga manggagawa ay nagtayo ng mga tinatawag na gremios, samahang tulong-tulungan para sa mga nagigipit sa kanila sa
kabuhayan. Halimbawa, kung biglang may namatay na kamag-anak ang isang manggagawa ay maaaring lumapit siya sa kanyang gremio upang
humingi ng abuloy. Mula sa mga gremio sa Maynila, nakaorganisa sina Andres Bonifacio at mga kasamahan niya sa Katipunan ng mga bagong kasapi
para sa rebolusyon. Kailangang malaman na si Bonifacio ay galing sa uring manggagawa, isang bodegero sa warehouse ng Fletcher & Co.,
Ang mga balangay na binuo ng Katipunan ay aktibong kumikilos sa mga pagawaan sa Maynila. Ang isang halimbawa nito ay ang balangay
“Mahigante” sa Tundo na lihim na kumikilos sa “Diario de Manila”, isang palimbagan, kung saan lahat ng manggagawa ay kasapi ng balangay na
nabanggit, maliban sa isang katiwala ng Kastilang may-ari ng palimbagan. May dalawang manggagawa sa “Diario de Manila,” sina Aguedo del Rosario at
Apolonio de la Cruz, na nagpupuslit ng mga tipo ng palimbagan para sa dyaryo ng Katipunan, ang Kalayaan.2 Dalawa naman migranteng manggagawa
(mga overseas contract workers ang tawag natin ngayon sa kanila) mula sa Australia ang nag-ambag ng isang imprenta para sa Katipunan. Salaysay ni
“Ang imprenta ng Katipunan ay iniambag ng dalawang Pilipino mula Kalibo, sina Francisco del Castillo at Candido Iban, na parehong
maninisid na nagtrabaho nang ilang taon sa Australia, at sumapi sa Katipunan nang makabalik sa Pilipinas noong 1895, kabilang ang
ilan pang mga kasama na ang mga pangalan ay hindi ko na ngayon matandaan. Bilang mga kasapi ng Katipunan, nang malaman nila
na ang samahan ay nangangailangan ng palimbagan, personal at boluntaryong bumili si del Castillo ng isang imprenta mula kay
Antonio Salazar ng “El Cisno” sa daang Carriedo. Iniambag niya ang imprenta sa Katipunan, at inilipat sa bahay ni Bonifacio sa
daang Zurbaran. Napakadakila marahil ng pagkamakabayan sina del Castillo at Iban na nag-ambag sila ng P400 na pambili ng
imprenta, gayong sila ay mga maninisid lamang at hindi mayayaman, na mayroon lamang, ayon kay Bonifacio, ng kabuuang P1,000
na pinagkunan ng P400. Ang dalawa ay bumalik sa Kalibo sa natirang P600, at bilang mga kasapi ng Katipunan ay nagtrabaho at
Nang sumiklab ang rebolusyon ng 1896, maraming manggagawa sa Maynila ang napasabak sa labanan. Sa katunayan, ang mga unang binaril
ng mga Kastila sa Luneta sa paratang sila’y mga kasapi ng Katipunan ay mga manggagawa mula sa Mandaluyong. Ang Mandaluyong ay ang lugar kung
saan may pinakamaraming balangay ng mga Katipunero. Ang grupong binaril ng mga Kastila sa Luneta ay pinamumunuan ni Sancho Valenzuela, isang
mason.4
Masasabi na noong panahon ng rebolusyon ng 1896, nagpapasimula mabuo sa kamalayan ng mga manggagawa sa Maynila na sila ay isang
pinagsamantalahang uri sa lipunan at kailangan sama-samang kumilos kasabay ng ibang mamamayang api. Si Bonifacio ay isang masugid na mag-aaral
ng kasaysayan ng rebolusyong sa Pransiya noong 1789 at maaaring natunghayan niya ang partisipasyon ng uring manggagawa sa himagsikang ito, ang
pagsalakay ng mga sans cullote (walang kuwelyo) sa Bastille noong ika-14 ng Hulyo 1789 at ang mga itinayong radikal na organisasyon mula sa uring
Ngunit ang kamalayang anak-pawis na dala nina Bonifacio at Emilio Jacinto ay mula sa teorya ng karapatan ng mga tao na hubog ng mga
peti-burgis na manunulat bago at pagkatapos sumapit ang rebolusyong Pranses, mga teorya nina Jean Jacques Rousseau at Jean Paul Marat. Ang
karapatang ipinaglalaban ng mga uring peti-burgis at burgis ay mga karapatang pulitikal at kultural sa pagpapalakad ng pamahalaan at paghubog ng
Napasanib ang uring manggagawa sa mga ganitong adhikain sa akala nilang mapapahusay din ang kanilang kalagayang pangkabuhayan.
Ngunit nang matapos ang rebolusyong Pranses, ang mga burgis at peti-burgis ang bagong namuno sa pulitika at ang pangakong inaasahan hinggil sa
karapatang pulitikal at ekonomikal ng uring manggagawa at ibang batayang uri ay di natupad. Dahil di pa gaanong nasusuri ng mga istoryador ang mga
ganitong kinasapitan ng rebolusyon Pranses sa kapanahunan ni Bonifacio, ang napulot ng Supremo ng Katipunan at ni Jacinto (ang itinuring na “utak ng
Kaya, madaling nagtiwala si Bonifacio sa mga peti-burgis na humantong sa kanyang kamatayan noong ika-10 ng Mayo 1897 sa kamay na
Nang masupil ang rebolusyong Pilipino ng mga puwersang Amerikano dala ng katangahan ni Aguinaldo na nagtiwala sa mga imperyalistang dayuhan
na nangako na tutulungan at di kukubkubin ang Pilipinas, agad siniil ng kolonyalistang pamahalaan na itinatag ng bagong mananakop ang sumisibol na
kilusang manggagawa sa Maynila. Hindi pinawalang-bisa ng mga Amerikano ang batas ng mga Kastila na nagbabawal sa paghingi ng taas ng sahod ng
uring manggagawa. Si Isabelo de los Reyes at Dominador Gomez ay binilanggo noong 1902 at 1903, magkasunod, dahil namuno sila ng mga welga sa
Maynila at humihingi ng dagdag na sahod. Ang pinamunuan ng dalawang lider-obrero na ito ay ang Union Obrero Democratico Filipinas (UOD) na binuo
ng mga unyon mula sa pabrika ng sigarilyo at tabako ng Maynila. Ang UOD, pagkatapos supilin ng pamahalaang Amerikano, ay inorganisa muli sa Union
Obrero Democratico de Filipinas (UODF). May 150 unyon, mga dating gremios, ang sumanib sa UODF at nakamobilisa ito ng 100,000 sa isang
Ang Kalagayan ng Uring Manggagawa sa Maynila sa Ilalim ng Kolonyalistang Pamahalaan ng mga Amerikano
Sapagkat walang batas sa haba ng oras paggawa, ang panahon ng pagtratrabaho ay umaabot mula 9 hanggang 12 na oras bawat araw sa mga
pagawaan sa Maynila. Ang gastos para mabuhay sa isang araw ang karaniwang manggagawa noong 1905 ay tumaas nang husto dahil sa digmaang
Pilipino-Amerikano na nagdulot ng pagbaba ng halaga ng pilak na ginagamit bilang pera sa Pilipinas. Ang isang lider manggagawa noong panahon na iyun
ay nagsabing:
“Noong panahon ng mga Kastila nang ang mga manggagawa ay tumatanggap ng 20 sentimos bawat araw, ang bigas ay naghahalaga ng 12
sentimos bawat ganta; ngayon na may bigas, kailangan gumastos ka ng 40 sentimos para sa isang ganta. Dati ang karaniwang isda ay
naghahalaga ng 2 para sa isang sentimo lamang, ngayon kailangan bilhin mo ito ng 4 sentimos bawat isa. Dati-rati’y maaari kang makabili ng
pang itaas at pantalon sa halagang 30 o 40 sentimos, ngayon ang pinakamurang Amerikana ay $2.50 hanggang $8; kailangan ngayon gumastos
ang mga manggagawa ng $50 hanggang $70 buwan-buwan at sa halip na tumira sa sariling bahay sila ay nagsasamahan na sa isang bahay.”6
Para maunawaan kung gaano kakapos ang mga manggagawa sa Maynila, kailangang ihambing ang gastos para mabuhay sa isang araw ang nabanggit ng
lider-obrero sa itaas ng karaniwang pang-araw-araw na sahod noong 1902, sa ilang piling trabaho sa Maynila:
Haba ng Sahod sa US $
Trabaho
(Oras) Pinakamababa Pinakamataas
Trabaho
Blacksmith 9½ $0.53 $1.47
Boiler Maker 9½ 0.88 1.47
Carpenter 9½ 0.84 1.58
Laborer 9½ 0.35 0.42
Pinagkuhanan ng Datos: Clark, Victor Selden. Labor Conditions in the Philippines. Bulletin of the Bureau of Labor, Washington Government Printing
Ang karaniwang manggagawa sa Maynila ay nakatira sa slum areas na ang kapaligiran ay nakakasira ng kalusugan. Pagkatapos ng isang survey sa slum
areas sa Kamaynilaan noong 1940, sinabi ng ispiker ng National Assembly na si Yulo, isang malaking hasendero, na:
“Ang mga taong nakita ko na nakatira sa slum areas ay nabubuhay nang mas masahol pa sa mga hayop. Ang hinihinga nilang hangin ay
napakabaho, at anumang ispasyo na itinuturing nilang parke ay ginagamit din dumihan nila kung saan naglalaro ang mga bata dahil walang
ibang playground.”7
Sa isang sarbey namang ginawa sa 3,600 pamilya sa Tundo, kung saan pinakamaraming manggagawa sa Maynila ang nakatira, natuklasan na higit pa sa
kalahati ang “nakatira sa masisikip na bahay at maruming kapaligiran” at “may 34% ng mga bata ay namamatay bago pa makarating ng gulang upang
mag-aral.”8
Noong ika-5 ng Mayo 1929, ang Katipunan ng mga Anak Pawis (KAP) ay natatag sa Maynila. Ang mga nagpasimula nito ay galing sa pederasyon ng
Congreso Obrero de Filipinas (COF) na binuo noong ika-1 ng Mayo 1913, pagkabuwag ng UODF. Dahil nais ng liderato ng COF na makipagsabwatan sa
pamahalaan kolonyal ng mga Amerikano at umalis sa pakikipag-alyansa sa mga itinuturing nilang mga kaliwang organisasyon, nag-walkout ang ilang
delegado sa pamumuno ni Crisanto Evangelista sa kombensyon ng COF noong Mayo 1929. Mula sa mga nag-walkout na ito, naghubog ang KAP na siya
naman ang nagtuklas sa pagbubuo ng Partido Komunista ng Pilipinas noong 1930 sa Tundo, Maynila.
Bagaman may naitatag na Partido Obrero noong 1922 na nagbabandila ng partisipasyon ng uring manggagawa sa pulitika at ang mabigyan ng ganap na
kalayaan ang Pilipinas, di malinaw ang kaibahan ng ideolohiya nito tungkol sa pagbabago ng lipunan sa ideolohiya na dinadala ng mga partido ng mga
peti-burgis.9 Ito ang dahilan kaya itinatag ang Partido Komunista ng Pilipinas upang isulong ang prinsipyong tunggalian ng mga uri at ng sosyalismo.
Ang KAP ay nagpalabas ng mga publikasyon--ang Tinig Manggagawa, Bisig at Lagablab--at nakipag-ugnayan sa Kalipunang Pambansa ng mga
Magbubukid sa Pilipinas. Ang programa ng KAP ay makibaka para sa ganap na kalayaan ng Pilipinas, agawin ang pamumuno tungkol dito sa kamay ng
mga partido ng mga burgis at peti-burgis, mag-organisa ng di-organisadong mga manggagawa at hikayatin ang mga organisadong manggagawa mula sa
kontrol ng mga kanang liderato. Nang dumating ang ika-1 ng Mayo 1930, umabot na ang kasapian ng KAP sa 45,000.
Ang ilang unyon na sumapi sa KAP ay mula sa Philippine Long Distance Telephone Co., ang International Harvester McCormick Co. (isang kumpanyang
nagbebenta ng mga makina para sa sakahan), ang Manila Rope Co., ang Franklin Baker Co. (isang kumpanya ng langis mula sa niyog na nakabase sa
San Pablo, Laguna) at ang Union de Obreros Estivadores de Filipinas (UOEF), ang unyon ng mga kargadores at bodegeros sa mga daungan ng mga
barko.10
Ang lumalalang kahirapan ng uring manggagawa sa Maynila noong dekada 1930 ay sumiklab sa malaking welgang nilunsad ng mga manggagawa
ng tabako sa pamumuno ng KAP noong 1934. Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagbaba ng produksyon ng mga sigarilyo na siyang
naging pangunahing negosyo sa Maynila, ang kalagayan ng mga manggagawa sa mga pabrika ng tabako at sigarilyo ay sumama nang sumama. Ang
pagbaba ng produksyon ng mga sigarilyo sa Maynila ay dala ng lumalaking importasyon ng mga sigarilyo mula sa Amerika. Ang tunay na halaga ng
sahod na di tumataas ay patuloy na bumababa pa. Ang mas masama ay ang mga may-ari ng mga pabrika ng tabako at sigarilyo, mga Amerikano, Kastila
Ang malaking welga ng mga manggagawa sa tabako sa Maynila ay nag-umpisa noong kalagitnaan ng Agosto 1934 sa Alhambra Cigar Factory sa
Tundo at kumalat na parang apoy sa apat na malalaking pabrika. Di nagtagal, 11,500 manggagawa sa pabrika ng mga tabako ang sumali sa welga at
napasara nila ang 19 na kumpanya ng tabako at sigarilyo (29 na pabrika) sa loob ng anim na linggo. Ang mga welgista ay nagmartsa sa iba’t-ibang
pabrika at naghihikayat sa kapwa manggagawa na makisama sa welga. Karamihan ng pagkilos na naganap ay ispontanyo dahil mabilis ang takbo ng mga
Ang publiko ng Maynila dahil sa kahirapan ng buhay dulot ng Great Depression ng kapitalismo noong 1929 ay nakisimpatiya sa welga at maraming mga
rali ang naganap sa Botanical Garden sa Intramuros at iba’t-ibang plaza sa Maynila sa loob ng isang buwan. Malawak ang suportang ipinakita sa
pamamagitan ng mga donasyon at mga talumpati ng mga grupo mula sa mga magsasaka, mga marino, kargadores at iba pang sektor. Ngunit ang welga
ay di humantong sa welgang bayan. Nasupil ang welga sa ika-pitong linggo nito nang pagbawalan ang mga manggagawa sa La Minerva, isang pabrika ng
Ang malaking welga ng mga manggagawa ng tabako at sigarilyo sa Maynila noong 1934 ay nagpakita ng lumalawak na kamalayang maka-uri dahil
marami sa hinihiling nila sa kanilang mga manipesto ay ang tuluyang pagbabago ng buong lipunan upang magkaroon ng makatarungang pamamahagi ng
kayamanan ang bayan. Ang pag-usbong nitong proleteryadong kamalayan ay dahil sa mga gawaing organisasyon ng mga unyon sa Maynila na
naimpluwensahan ng sosyalistang ideolohiya na dinadala ng mga miyembro ng Partido Komunista ng Pilipinas sa mga manggagawa sa loob ng mga
pabrika. Bagaman ang Partido Komunista ng Pilipinas ay ipinagbawal ng kolonyalistang pamahalaan ng mga Amerikano noong 1931 at inaresto ang mga
lider nito, ang pagkakaisa ng uring manggagawa upang labanan ang pagsasamantala ng mga kapitalista ay nagsimulang magkaugat nang malalim sa mga
manggagawa sa Maynila.
Pagkatapos ng Pangalawang Digmaan Pandaigdigan kung saan maraming manggagawa ang sumanib sa puwersang gerilya ng Hukbong
Pagpapalaya sa Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP o HUK), binuo ang Congress of Labor Organizations (CLO) sa Maynila ng ilang unyon noong
Hulyo 1945. Ang pagtatag ng CLO ay pinaghandaan ng Committee of Workers’ Organization na sumibol noong Abril-Mayo 1945 nang hindi pa
Pagkatapos ng gera, ang kalagayan ng mga manggagawa ay lalong sumama. Ang mga presyo ng bilihin noong 1951 ay naging tatlong beses ng kanilang
halaga bago magdigmaan. Dahil sa kahirapan ng mga manggagawa, nakamobilisa ang CLO sa mga welgang nilunsad ng libo-libong sumali para sa
pagtaas ng sahod, istriktong pagsunod sa walong oras ng pagtratrabaho sa isang araw at iba pang karapatan ng mga manggagawa. Mula Hulyo 1945
hanggang 1946, ang CLO ay namuno ng 49 na welga na sinalihan ng 40,000 manggagawa. Marami sa mga welgang ito ay nagtagumpay. Dahil sa welga
ng 5,000 manggagawa ng Manila Railroad noong Enero 1946, isang Collective Bargaining Agreement (CBA) ang nakuha nila. Sa pamamagitan ng CBA na
ito, itinaas ang suweldo ng mga obrero 100%. Ang bilang ng miyembro ng mga unyon na sumanib sa CLO ay lumaki sa unang 10 buwan ng pagkatatag
Ang CLO ay sumanib sa Democratic Alliance (DA), isang pambansang partidong pulitikal na nag-aadhika ng kalayaan at industrialisasyon ng
bayan. Ang DA ay nagpatakbo ng pitong kandidato bilang kongresista; lahat ay nanalo noong eleksyon ng 1946. Ngunit ang mga nanalong kandidatong ito
ay pinatalsik sa kanilang panunungkulan sa sulso ng mga Amerikano sa pamahalaan ni Presidente Roxas. Pinagbintangan sila ng pandaraya sa eleksyon
subalit ang totoong dahilan ay ang kanilang pagtutol sa mga panukalang batas na Parity Rights at Military Bases Agreement na ibinibigay sa mga
Amerikano sa 1946 na konstitusyon. Hindi makuha ang ¾ na boto ng mga kongresita na kailangan para maaprubahan ang mga batas na nabanggit dahil sa
Sa pagtalsik ng pitong kongresita ng DA, ang mga puwersang makabayan ay nawalan ng pag-asa sa bagong kakatatag na pamahalaang Roxas na
inisponsor ng mga Amerikano. Sumiklab ang himagsikan sa kanayunan sa pamumuno ng HUK. Bilang sagot ng pamahalaan ni Elpidio Quirino na pumalit
kay Roxas (na namatay sa loob ng US Clark Air Base) ay ang malawakang pag-aaresto ng mga pinaghihinalaang subersibo sa Maynila at sa probinsya.
Noong Abril 1951, binansagan ang CLO bilang isang subersibong organisasyon at kinansela ang rehistrasyon nito. Ang bilang ng mga unyong pinayagan
Sa paglansag ng CLO, namayani ang mga tinatawag na dilawan na unyon at pederasyon sa Maynila. Itinakda ang Republic Act 875 na nagpapatampok sa
CBA at Compulsory Arbitration, pagrerehistro ng unyon at panunumpa ng mga opisyales nito na sila ay hindi kasapi at hindi sasapi sa “mga subersibong
organisasyon”. Naitayo ang mga dilawang unyon na suportado ng mga Amerikano, kagaya ng Philippine Trade Union Council at ang Free Federation of
Ngunit sa gitna ng opensiba ng pamahalaan upang supilin ang progresibong unyonismo, naitatag noong 1959 ang Katipunan ng Manggagawa Pilipino
(KMP) sa pamumuno nina Cipriano Cid, Bert Olalia, Ignacio Lacsina at iba pang manggagawa na ang karamihan ay galing sa binuwag na CLO. Binuo sa
Maynila ang Lapiang Manggagawa (LM) noong 1962 na nagsisikap na palahukin ang uring manggagawa sa pulitika.
Sa pag-upo ni Ferdinand Marcos bilang presidente ng Pilipinas noong 1966, masigasig na ipinatupad niya ang mga patakarang pabor sa mga
kapitalista, sa partikular sa mga Amerikano, kagaya ng Investment Act of 1967 at Export Incentive Act of 1970 at iba pang batas na binuksan ng lubusan
ang ekonomiya ng Pilipinas sa pagpasok ng dayuhang negosyo. Sa pagsasamantala ng mga kapitalistang korporasyon, dumarami ang mga welgang
nilulunsad ng mga manggagawa lalo na sa Maynila. Mula 527 noong 1965, umabot ang bilang ng mga welga sa 1043 noong 1972 bago ideklara ang batas
militar ni Marcos.15
Lumalaki rin ang mga rali at mga martsa ng bayan sa Maynila na nagbigay ng pagkabahala sa mga dayuhang kapitalista. Kaya noong ika-21 ng
Setyembre 1972, idineklara ni Marcos ang batas militar sa buong Pilipinas at pinalitan niya ang konstitusyon para manatili siya sa kapangyarihan
Bagaman nabulabog ang kilusang manggagawa sa pagdeklara ng batas militar at pagbabawal ng welga sa pamamagitan ng batas General
Order No.5, daliang nakabangon muli ito sa pansamantalang pakagapi. Noong 1975, naglunsad ang mga manggagawa sa La Tondeña, isang pabrika ng
alak sa Maynila, ng isang malaking welga na kumalat sa 30 pagawaan sa kalunsuran na may 40,000 manggagawa. Nang sumapit ang Hunyo 1976,
nadagdagan pa ito ng 15,000 manggagawa. Nang ginanap ang huwad na halalan ni Marcos noong 1978, sumiklab uli ang mga welga sa 12 na kumpanya
sa Maynila na sinalihan ng 16,000 na manggagawa at nagpasarado sa maraming otel, pagawaan ng damit, transportasyon at industriya ng kuryente.16
Aktibong namuno sa mga welgang ito ang itinatag na Bukluran ng Manggagawa Pilipino (BMP). Agad idineklara na subersibo ang BMP ng pamahalaang
Hindi natinag ang uring manggagawa sa hagupit ng kaaway at noong ika-1 ng Mayo 1980, itinatag ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Maynila.
Samantala, upang palabasin na siya ay maka-manggagawa rin, inisponsor ni Marcos ang pagbuo ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa
pamumuno ni Democrito Mendoza at Ernesto Herrera. Ang dilawang unyon na ito ay itinapat sa KMU. Noong ika-13 ng Agosto 1982, pagkatapos ng
paglunsad ng malaking welga ng KMU sa Bataan Export Processing Zone (BEPZ) sa Mariveles, Bataan, kung saan may 20,000 manggagawa ang
nagpartisipa, sinalakay ng militar sa Maynila ang mga opisina ng KMU, NAFLU at PANALO. Ang huling dalawang organisasyon ay mga kaalyadong
pederasyon ng KMU at ibinilanggo ang mga lider nito. Si Felixberto Olalia, pinuno ng KMU, ay namatay bunga ng pagkasakit na tinamo nang siya’y nasa
bilangguan.18
Lalong umigting ang welga sa Kamaynilaan dahil sa matinding krisis na bumalot sa Pilipinas sa pagtigil ng pautang ng mga Amerikano sa rehimen
ni Marcos pagkatapos ng pagpaslang kay dating senador Benigno Aquino Jr. noong ika-21 ng Agosto 1983. Ang halaga ng piso ay bumagsak mula 63
Sa garapalang pandaraya ni Marcos sa eleksyon noong Pebrero 1986, nagbalak ang KMU na maglunsad ng welgang bayan noong ika-25 ng
Pebrero 1986, ngunit naunahan sila ng coup d’etat nina Secretary of Defense Juan Ponce Enrile at Gen. Fidel Ramos na naging diklap na pinagsimulan na
tinatawag na pag-aalsa ng taong bayan sa EDSA. Nagbitiw sa panunungkulan si Marcos sa presyur ng mga Amerikano na ginamit ang pangyayari sa
EDSA bilang daan upang tuluyang makontrol ang bagong pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino.
Sa rehimen ni Aquino ay pinatuloy ang mga patakaran ng napatalsik na diktador, kasama na ang mga mapaniil na batas sa paggawa, kagaya ng
pagbabawal sa welga kung ito ay itinuturing na laban sa pambansang interes. Sa Kamaynilaan, pinaslang ng militar noong Nobyembre ng 1986 ang
bagong pangulo ng KMU na si Rolando Olalia. Sa susunod na taon, Enero 1987, minasaker ang 13 magsasaka at manggagawa sa isang demonstrasyon
sa harap ng Malacañang. Ang demonstrasyon ay para hilingin sa bagong pamahalaan ang paglunsad ng isang tunay na reporma sa lupa. Ang
pangkalahatang kalihim naman ng BAYAN na si Leandro Alejandro ay napatay noong Setyembre 1987.
Lumilinaw sa uring manggagawa na ang mga programa para sa masa ni Aquino ay kasing peke ng kay Marcos. Dahil sa pahirap na idinulot ng
pamahalaang Aquino, lalo na sa pahihintulot sa mga dayuhang korposasyon na pataasin ang presyo ng langis, nanawagan ang KMU at mga militanteng
grupo ng pangkalahatang welgang pang-industriya. Nagsimulang gumulong sa Kamaynilaan ang panawagang welgang bayan noon Oktubre 1990.
Umabot sa 790 empresa at 500,000 mamamayan ang aktibong lumahok sa welgang pumarilisa ng maraming lungsod sa bansa. Ngunit di naparalisa ang
lungsod ng Maynila, sapagkat natakot ang publiko na makisama sa welgang bayan dahil may ilang grupo, tulad ng Alex Buncayao Brigade, ang nanunog ng
mga bus sa lungsod. Nagdulot ang bus-burning ng malaking sagwil sa pagsulong ng militanteng kilusan ng manggagawa at sambayanan. Nagbunga ito ng
pagkakahiwalay ng kilusan ng masa at pagkatabon ng lehitimong isyu at kahilingan ng sambayanan. Nagkaroon ng lamat ang mga alyansa.
Nakilahok din ang mga manggagawa sa Maynila sa mga malalaking rali na nilunsad sa ekstensyon ng tratado sa base militar na hinihiling ng mga
Amerikano sa Pilipinas pagkatapos ng ika-21 ng Setyembre 1991. Samutsaring aktibidad ang inihanda ng KMU kaugnay sa isyu. Nanawagan ito ng
sustenido at malawakang kampanya upang itakwil ang bagong kasunduan sa base militar.20 Ang ekstensyon ng tratado ay di binigay ng Senado ng
Sa kapanahunan ni Ramos, lalong nadadagan ang mga batas na nakakapinsala sa kabuhayan ng uring manggagawa kagaya ng Herrera Law at Oil
Deregulation Law. Pinawalang-bisa ng una ang National Minimum Wage at ipinaubaya ang pagtatakda ng minimum na sahod sa mga tinatawag na
regional wage boards sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Ang huling batas naman ay ibinigay sa mga kumpanya ng langis na pag-aari ng mga dayuhan ng
karapatang itaas ang presyo ng kanilang mga produkto nang walang kontrol ang pamahalaan. Sa naganap na sunud-sunod na pagtaas ng presyo na langis
pagkatapos maapruba ang Oil Deregulation Law, nagtaasan din ang presyo ng maraming karaniwang bilihin na nagpalala sa kahirapan ng uring
Dahil din sa patakarang kontraktuwalisasyon at downsizing na inilunsad ng malalaking korporasyon, sa partikular mga pag-aari ng mga dayuhan,
isang patakaran na kinunsenti ng pamahalaang Ramos, libu-libong manggagawa ang nawalan ng trabaho o naging kaswal. Maraming welga ang naganap
dahil sa kontraktuwalisasyon, kung saan ang pinakamalaki ay sa Nestle at Philippine Refining Company. Nang pumasok ang pamahalaan ng populistang
Joseph Estrada noong Hunyo 1998, lalong pinalawak ang mga pribilehiyo ng mga dayuhang kapitalista sa Pilipinas.
Sa datos ng National Statistics Office (NSO, Oktubre 1996), naitalaga na may 6.3 milyung may edad na 15 taon-gulang pataas ang nasa
Kamaynilaan, kung saan halos 4 na milyun lamang ang nasa puwersa sa paggawa. Hindi pa kasama sa bilang na ito ang may 1.7 milyong kababaihang
nagtatrabaho sa National Capital Region. Bagaman 13% ng kabuuang may trabaho sa bansa ay nasa Kamaynilaan, narito rin ang may 21% sa kabuuang
Sa bilang ng sahuran at suwelduhang manggagawa na 13,565,000 sa buong Pilipinas noong Oktubre 1997, ang 2,690,000 o 19.8% ay nasa
Kamaynilaan.22 Noong 1995, ang pinakamalaking bulto nito ay nakakonsentra sa Makati kung saan may 335,333 manggagawa, sinusundan ng Quezon
City, 331,025; Manila, 189,529; Pasay, 127,229; at ang natitirang bilang ay pinaghahatian ng mga lunsod at munisipalidad kagaya ng Pasig, Mandaluyong,
May 15% ng kabuuang bilang ng mga establisimyento sa NCR ang nasa manupaktura. Ang karamihan ng mga ito ay umuupa lamang ng isa
hanggang apat na manggagawa. May 2.7% lamang ng mga empresa ang umuupa ng 200 manggagawa pataas. Sa mga establisimyentong nasa
industriya, may 95% ang nasa manupaktura. Ngunit ang bulto nito ay mga maliit na establisiyento (8,939) at nag-eempleyo ng isa hanggang apat na
manggagawa (8,774). May 5.5% lamang ang malalaki at katamtamang laki na empresa.24
Ang karamihan sa mga empresa ay nakatuon sa mga gamit na pangkonsumo at hindi pa paggawa ng mga makinarya. Ang higit na marami ay
ang grupo na nagmamanupaktura ng kasuotan, mga produktong gawa sa katad (leather), sapatos at tela. Sumusunod ang grupo sa pagproseso ng
pagkain. Pangatlo lamang ang grupo sa pagkukumpuni ng makina, pang-apat ang mga pagawaan ng papel at mga produkto mula rito, at panglima ang
grupo sa manupaktura ng plastik, goma, kemikal at produkto mula sa langis. Noong 1990, nilathala ng NSO na may 99,556 o 25.5% sa 390,001 na
establisimyento sa buong Pilipinas ang nasa NCR. At ito ay dumami sa 126,285 pagdating ng 1995.25
Talaan 2. Bilang ng mga manggagawa sa NCR sa mga pagawaang may 1- 4 manggagawa hanggang 2,000 lampas (sa Agrikultura,
Mining/Quarrying, Manupaktura, Electricity, Gas & Water, Construction, Wholesale/Retail, Transportation at Finance)*
Dahil napakababa ng sahod ng mga manggagawa sa Kamaynilaan (P198 bawat araw batay sa minimum wage law noong 1998) kung
ikukumpara sa P431 na kailangan araw-araw ng isang pamilyang Pilipino na may anim ang bilang upang mabuhay,26 karamihan sa kanila ay naninirahan
sa mga slum at squatter area.27 Ang mga lugar na ito ay kulang o walang pasilidad para sa mga batayang pangangailangan ng tao kagaya ng tubig,
kuryente, mga klinik at playground para sa mga bata. Marumi ang kapaligiran at ang masisikip na komunidad na ito ay nagiging pugad ng mga kriminal at
drug addict. Nagsisiksikan sa mga komunidad na ito ang mga manggagawa sa pabrika, serbisyo, kawani sa gobyerno, pati na ang mga
mala-manggagawa kagaya ng mga dyipni drayber at weyter. Sa may 8 milyung populasyon sa Kamaynilaan, 3,487,909 ang mga maralitang tagalunsod
kung saan 1,987,066 ay mga iskwater. Pinakamaraming maralitang komunidad ang nasa Quezon City, susunod ay Manila at pangatlo ang Las Piñas.
Halaw sa Ang Maralitang Tagalunsod sa Kalakhang Maynila ni Roland G. Simbulan, Manila Studies Program Occasional Paper #7, Talaan 2, p.4.
Sa halip na pagandahin ang mga maralitang komunidad at tulungan ang mga tao dito para magkatrabaho, ang kadalasa’y ginagawa ng pamahalaan ay
idimolis ang mga squatter areas at itapon ang mga taong nakatira dito sa mga malalayong lugar, kagaya ng sa Cavite, kung saan napapalayo ang mga
itinapon sa kanilang pinagtatrabahuhan. Ang malimit na dahilan sa pagpapaalis sa mga mahihirap ng mga taga-NCR sa kanilang mga tinitirahan ay upang
pagandahin daw ang kalunsuran na pagtatayuan ng mga malls at gusali para sa mga kapitalista. Parang basura na winawalis ang mga manggagawa at
Sa hanay ng uring manggagawa, may mga organisasyon na naniniwala na ang kaligtasan sa pagsasamantala ng mga kapitalista sa uri nila ay nasa
kanilang sariling pagkilos at may mga umaasa naman sa pamahalaan upang pahusayin ang kanilang kalagayan. Mayroon din nag-aasta na sila ay nasa
gitna ng mga radikal na organisasyon ng manggagawa at mga konserbatibo. Malaki ang impluwensiya ng mga reliyoso, sa partikular ang mga Jesuwita,
sa huling tendensiyang nabanggit, kaya ang mga lider ng pangatlong pangkat na ito ay naniniwala rin sa mga reporma ng batas ng estado.
Ang unang tendensiya na ninirepresenta ng KMU ay may 200,000 kasapi sa buong kapuluan ay tinatangkilik ang ideolohiya ng sosyalismo na
ipapalit sa kapitalismo, kung saan ang lipunan na itatatag ay pamumunuan ng uring manggagawa na kaalyado ang ibang uring pinagsasamantalaan sa
kasalukuyan. Ang pangalawang tendensiya at pinakamalaking organisasyon (500,000 ang kasapi) ay ang TUCP na sumasang-ayon sa pakikipagtulungan
sa mga kapitalista upang ayusin ang kahirapan ng uring manggagawa.28 Tinatangkilik nito ang tinatawag na “social accord” sa manedsment upang
tulungan ang pamahalaang magkaroon ng “industrial peace” para sa malalaking negosyante sa Pilipinas, partikular sa mga dayuhan.
Ang pangatlong tendensiya na nirerepresenta ng FFW (may 40,000 kasapi) ay tinatawag ang sarili bilang mga “moderate” dahil iniiwasan nila
ang pagamit ng welga para ipaglaban ang mga karapatan ng uring manggagawa. Ngunit sa katunayan, ang estratehiya at taktika nila upang isulong ang
kanilang kahilingan ay di naiiba sa TUCP, sapagkat sumasali din sila sa mga “social accord pact” ng Employers’ Confederation of the Philippines, ang
Sabi nga ni Karl Marx, sa loob ng lipunan ay palaging magkakaroon ng kontradiksyon tungo sa pagbabago ng umiiral na sistemang pulitikal at
ekonomikal. May tumatangkilik sa mga repormistang paraan at may lumalaban para baguhin ang istruktura ng lipunan. Ito ay batas ng kasaysayan. Ang
kontradisyong ito ay makikita din sa loob ng isang organisasyon. Halimbawa, noong 1994, may isang paksyon ng KMU-NCR ang humiwalay sa
KMU-National at sumali sa social accord pact sa gobyerno, kasama ng TUCP at FFW. Ngunit, may mga unyon din naman sa ilalim ng TUCP at FFW
na sumasali sa mga pakikibaka ng KMU upang itakwil ang mga batas ng pamahalaan kagaya ng Herrera Law na nagtatakda ng mga regional wage board
Sa kabilang banda, may mga sobrang-kaliwa sa kilusang manggagawa na ibig agad maglunsad ng heneral na insureksyon sa Kamaynilaan na
isasabay, ayun sa kanila, sa welgang bayan. Masasabi na ang ganitong estratehiya ay hilaw pa dahil ang kamalayang pulitikal ng uring manggagawa sa
NCR ay mababa pa. Ang kanilang pakikibaka ay kalimitan hanggang kanin at isda lamang o ang tinatawag na “ekonomismo”. Ang tanging pulitikal na
kahilingan na tuwi-tuwina’y ibinabandila ng KMU sa madla ay ang pagsasabansa ng mga dayuhang kumpanya ng langis upang matigil ang tuluy-tuloy na
pagtaas ng presyo ng langis na nakakapinsala sa kabuhayan ng mga manggagawa at ang pag-alis ng Pilipinas sa ilalim ng programa ng IMF-World Bank,
na kontrolado ng US. Nang inilabas ang islogang “Rebolusyon Hindi Eleksyon” ng KMU noong ika-1 ng Mayo 1993, sa isang malawakang mobilisasyon
sa NCR, agad itong napuna pagkatapos nakitang matamlay ang pagtanggap ng mga manggagawa mismo sa loob ng KMU.
Bukod sa konserbatibong katangian sa heneral ng mga organisasyon ng mga manggagawa sa Kamaynilaan na napakahirap pakilusin sa
welgang bayan kahit tuloy-tuloy ang pagsasamantala sa kanila ng monopolyo kapital kagaya ng dayuhang kumpanya ng langis at Nestle, ang edukasyon
tungkol sa alternatibong ideolohiya ng sosyalismo sa loob mismo ng mga radikal na unyon ay bahagya ding nasasagawa. Noon lamang 1997, nagsimula
ang mas pursigidong pagtatalakay sa sosyalismo at binigyan diin ang pakikibaka tungo sa pambansang demokrasya sa loob ng KMU. Ang kalimitang
pinag-aaralan lamang tungkol sa pulitikal na ekonomiya ay kung paano pinagsasamantalahan ang uring manggagawa sa pamamagitan ng paghuthot ng
sobrang halaga mula sa kanilang gawa. Inuugnay din ang pagsasamantala sa kanila sa kalagayan ng ibang uri at sektor na api sa lipunan. Ngunit, halos
walang pagtalakay kung anong itsura ng pamahalaan sa pamumuno ng uring manggagawa at ng mga ka-alyado nito ang papalit sa kasalukuyang
dispensasyon. Walang pagtalakay sa pulitikal na istruktura ng mga konseho ng mga manggagawa at ang pag-aaral ay nakakonsentra sa mga paraan ng
Kailangan malaman na ang isang unyon ay binuo primarya sa pakikibaka para sa kanin at isda, para pabutihin ang ekonomikal na kalagayan
ng uring manggagawa. Sa katunayan, ang mga unyon ay unang ginawang ligal na pakikipagtawaran para sa mga benepisyo pangkabuhayan ng
parlyamentong kontrolado ng burgesiya sa Inglatera noong 1854. Ginawa ito upang pahupain ang madugong pakikibaka ng mga Chartist, ang samahan ng
mga manggagawang Ingles, na humantong sa heneral na welga upang pabagsakin ang pamahalaan. Ang mga burgis ay sanay sa taktika at laging
inuutakan ang kalaban nitong uring manggagawa. Pagkatapos nilang mawasak ang kilusang Chartist, pinayagan ito mismo ng parlyamentong Ingles na
magtayo ng partido pulitikal, ang Labor Party, ang partidong manggagawa sa bansa nila noong 1900, siyempre sa patnubay ng uring burgesiya. Di
nagtagal, ang mga naging pinuno ng Labor Party ay nagmula mismo sa uring peti-burgis at burgesiya, na tinawag ni Lenin na mga aristokratang
manggagawa. Kaya higit sa lahat, ang alternatibong ideolohiya at sistema pulitikal na ipapalit sa sistema ng mga burgis ay kailangan maging independente
Ang kilusang Social Demoncracy (Soc Dem) sa hanay na uring manggagawa sa Europa ay isa ring nahawakan ng burgesiya upang iligaw
ang mga radikal na organisasyon ng mga manggagawa na nagdadala ng siyentipikong sosyalismo o Marksismo noong mga unang dekada ng siglong ito.
Pinayagan ng mga kapitalista sa Hilagang Europa, kagaya ng sa Netherlands, Sweden, Finland at Norway, na magtayo ang mga pamahalaan sa mga
bayang ito na kontrolado nila ng mga tinatawag na welfare state sa pamumuno ng mga Soc Dem. Ngunit, sa mga krisis ng kapitalismo, kagaya ng sa
kasalukuyan, binabawi din ng mga gobyernong ito ang mga benepisyo na naibigay sa mga mamamayan sa ilalim ng welfare state, kagaya ng alawans
para sa walang trabaho, pensyon para sa mga matatanda, libreng edukasyon at iba pa. Ito ay dahil makakatipid daw ang mga gobyerno nila upang
makatawid sa krisis ng kapitalismo sa kasalukuyan. Ang mga malalaking empresa ng mga kapitalista ay malawakang nagbabawas ng mga empleyado at
naglulunsad ng kontraktuwalisasyon at ito’y pinapayagan at sinusuportahan pa ng mga burgis na pamahalaan, dahil ang mga ito ay malalaki ang utang sa
Sa kasalukuyan, milyun-milyung manggagawa ang nawalan ng trabaho. Umaabot ito sa 11% ng buong lakas paggawa sa Silangan at Hilagang
Europa. Nagmamartsa muli ang libu-libong mga manggagawa sa kalye ng Europa, kasama ang ibang uri at sektor ng mga mamamayan, mga
magsasaka, guro, empleyado ng gobyerno at estudyante upang batikusin ang pagbawi ng mga tinatawag na “welfare benefits”. Ngunit ang hinihiling sa
heneral ay mga reporma lamang sa batas at hindi ang pagbabago ng istruktura ng lipunan, bagaman bumabangon muli sa hanay ang kilusang siyentipiko
sosyalismo, kung saan ang layunin ay magtayo ng isang lipunan sa pamumuno o diktadura ng uring proletaryado.
Dito sa Pilipinas, sa partikular sa Kamaynilaan na sentro ng pakikibaka ng uring manggagawa, ang takbo ng pulitika ay malaking pagkakaiba sa
Europa. Dito hindi pinapahintulutan ng gobyernong kontrolado ng dayuhang monopolyo kapital, komprador na burgesiya at panginoong maylupa, na
lumakas ang uring manggagawa sa isang partido pultikal. Kahit ang itayo lamang ay isang partido na ang porma ay alyansa ng mga batayang uri at ibang
sektor kagaya ng Partido ng Bayan na itinatag noong 1986, agad napapaslang ang mga lider nito ng mga death squad ng militar ng pamahalaan. Ito ang
nangyari kay Lando Olalia, tagapangulo ng KMU at ng Partido ng Bayan noong 1986, at kay Lean Alejandro, pangkalahatang kalihim ng Partido ng Bayan
noong 1987.
Ang leksyon ng kasaysayan hinggil sa pagtatayo ng partido pulitikal na may radikal na orientasyon sa Pilipinas ay malagim. Tandaan din natin ang
nangyari sa Democratic Alliance sa ilalim ng gobyerno ni Roxas noong 1946 na tinalakay natin sa itaas. Ang makukuha nating aral sa kasaysayan ng
Pilipinas ay ito: ang lumahok sa pulitika ng mga naghaharing uri ay isang ideyalistang paraan. Kailangang palalimin ang pag-unawa ng uring manggagawa
sa alternatibong sistemang papalit sa kasalukuyang lipunang umiiral sa Pilipinas at huwag umasa sa mga reporma na magmumula sa uring
mapagsamantala.
Ngunit, ang pagpapalawak ng kamalayang pulitikal at pagpakilos sa uring manggagawa tungo sa radikal na pagbabago ng lipunang Pilipino ay
kailangang di maging pabugso-bugso at piliting gawaing madalian kagaya ng hinahangad ng mga adbenturistang peti-burgis sa loob ng kilusang uring
manggagawa. Ang pagsasagawa ng tuluyang pagbabago ng lipunan ay kailangan ibatay sa masinop at mapasensiyang pakikisalumuha sa batayang uri, sa
uring manggagawa at uring magsasaka. Ang pagbabago ng kamalayan at aktitud ng mga batayang uri, na nadadala sa mga ugaling pyudal at peti-burgis,
ay di madaling gawain at maaaring maging matagalan. Kailangang isaalang-alang natin ang leksyon ng dating USSR, kung saan minadali ang proseso, na
Kaugnay nito, maaaring itransporma ang mga kasalukuyang unyon hawak ng KMU sa mga konseho ng mga manggagawa na ang pangunahing
pag-aaralan ay tungkol sa pulitika, tungkol sa sosyalismo at pakikibakang demokrasya at pangalawa lamang ang gawin pag-uunyon. Ang pakikibaka ng
uring manggagawa sa pag-uunyon lamang ay ang nilaan ng uring burgesiya tungo sa reporma sa ilalim na kanilang sistemang tinatangkilik. Kailangang
maabot ng mga organisador sa hanay ng uring manggagawa ang mga kauri nilang di pa kasali sa mga unyon. Ito’y dahil ang mga miyembro ng mga unyon
sa Pilipinas ay kakaunti lamang, 29% o 3,055,091 ng buong paggawa sa Pilipinas (NSO, 1990). Sa Kamaynilaan, bagamat marami ang miyembro ng mga
unyon, 66.3% sa kabuuang lakas paggawa na 4,162,000 noong Oktubre 1997 (NSO), pinakamarami naman kung ikukumpara sa ibang rehiyon sa Pilipinas
ang walang trabaho (14.4%) ng buong lakas paggawa sa NCR.29 Taun-taon, libu-libo pang manggagawa ang nawawalan at nakukulangan ng trabaho sa
patakarang “downsizing” at pagsarado ng mga maliliit na pagawaan. Nagtutumpukan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho sa mga publikong
lugar kagaya ng parke, sa harap ng mga munisipyo, sa mga employment agency at iba pa. Kailangang mag-organisa ang libu-libong mga manggagawang
ito dahil sila ang nakaranas ng mas matinding dagok ng sistemang monopolyo kapital sa Pilipinas, kagaya ng patakarang kontraktuwalisasyon na
malawak na ipinapatupad sa suporta ng estado ng Pilipinas. Ang mga manggagawang walang trabaho ay mas madaling makagagap ng kahulugan ng
Sa mga konserbatibo at dilawang unyon, marami ang karaniwang miyembro na naaasiwa sa pakikipagsabwatan ng kanilang lider sa mga
kapitalista. Ito ang nangyari sa welga ng PALEA, ang unyon ng Philippine Airlines, noong Agosto 1998, kung saan ang mga lider ay ibinenta ang kanilang
unyon sa kapitalistang si Lucio Tan na may-ari ng korporasyon. Nag-alsa ang mga ordinaryong miyembro at binatikos ang kanilang mga lider. Ang
leksyong ipinapakita dito ay maaaring maorganisa ang mga manggagawa sa ideolohiya ng sosyalismo sa loob mismo ng mga konserbatibong unyon sa
Konklusyon
Kailangang ipaunawa sa uring manggagawa na ang pakikibaka nila ay dapat lumampas sa kanin at isda. Ang pakikibaka ay magagawa sa
pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng kanilang uri at ng ibang uri at sektor na pinagsasamantalaan sa Pilipinas. Kaya nilang palitan ang
kasalukuyang lipunan kung saan iilan lamang ang maginhawa ang buhay samantalang kakaunti naman ang kontribusyon sa produktibidad ng bayan.
Ang pakikibaka para sa kanin at isda ang siyang laging nakikita ng mga kapitalista na kahinaan ng uring manggagawa at sinisikap nilang ipako ang
tunggalian ng mga uri sa usaping ito. Sa pamamagitan lamang ng pakikipaglaban para sa alternatibong sistemang pulitikal kung saan ang uring
manggagawa ang siyang magiging pangunahing pwersa, tuluyang nawawakas ang pagsasamantala ng mga imperyalista at kanilang mga galamay sa
BIBLIOGRAPIYA
Clark, Victor Seldan “Labor Conditions in the Philippines”, Bulletin of the Bureau of Labor, Washington, Government Printing Office, US, 1905.
Compilation of Effective Labor Legislation in the Philippines, Revised 1960, a joint project of the International Cooperation Administration and Philippine
nd
Department of Labor, 2 Printing, 1960.
Communism in the Philippines, Book 1, Historical Commission, Partido Komunista ng Pilipinas, 1996.
Cruz, Hermigildo, The Activities of the Bureau of Labor, Bureau of Printing, Manila, 1930.
De Zuñiga-Maritinez, Joaquin Fr. OSA. Status of the Philippine Is., 1800, Filipiniana Book Guild, 1973.
Datos, Bolyum XII, Ecumenical Institute for Labor Education and Research.
Fernandez, Perfecto & Quianson, Camilo P. Labor and Social Legislations in the Philippines, Central Book supply, Manila, 1st edition, 1963.
Gonzalo, Jurado M. The Political Economy of Labor-Capital Relations and The Role of the State Institute of Economic Development and Research,
King, Amelita, State and Labor Organizations in Philippine Labor Relations, Institute of Social Studies, The Hague, Netherlands, 1982.
Morabe, Emiliano, The Minimum Wage Law: A Study of its Significance and Implications. M. Colcol and Co., 1st edition, 1954.
Simbulan, Roland, Ang Maralitang Tagalunsod sa Kalakhang Maynila, Manila Studies Program Occasional Paper # 7, October 1998.
Philippine Labor Case Law: A Compilation of Decisions of Philippine Supreme Court Affecting Labor, Labor Statistics Division, DOLE, Manila, 1956.
Report of the Activity of the World Federation of Trade Unions to the Second Congress of Trade Unions, Paris, 1949.
APENDIKS
Talaan 1. Bilang ng mga Mangagawa sa NCR sa mga pagawaan mula 1-4 manggagawa hanggang 2,000 lampas (sa Agriculture, Mining Quarrying,
Manufacturing Electricity, Gas and Water, Construction, Wholesale/Retail, Transportation and Finance) NSO, 1995)
Talaan 2: Naiulat ng mga kasapi ng mga kasalukuyan at narehistrong unyon ng manggagawa batay sa mga taon 1980 –1990.
Note: Ang datos na ginamit sa pasahod at suwelduhang manggagawa para sa taong 1980-1986 ay average na kinuha sa isang survey na ginawa noong
1
Hindi sinama ang mga manggagawa sa bukid na kasapi sa National Congress for Farmers Oranization na nagrehistro sa taong 1982. Sa simula ng taong
a
Walang datos.
Pinagkuhanan ng Datos: Bureau of Labor Relations, Statistical and Performance Reporting System (DOLE Regional Offices), National Statistics Office.
(NCR 1995)
Talaan 4: Bilang at Dami ng mga Kasapi ng Kasalukuyang mga Organisasyong Paggawa batay sa Rehiyon at Uri ng Organisasyon, sa Pilipinas: 1990
Ilocos
Region
Region II 36 4,918 31 4,543 - - 5 375
Cagayan
Valley
Region III 293 129,671 277 59,827 3 67,612 13 2,232
Central
Luzon
Region IV 396 77,254 382 67,037 2 8,547 12 1,670
Sourther
Tagalog
Region V 140 10,737 133 9,899 - - 7 838
Bicol
Region
Region VI 208 215,005 187 25,043 14 187,471 7 2,491
Western
Visayas
Region VII 158 71,606 145 17,651 9 53,301 4 654
Central
Visayas
Region VIII 72 17,407 62 10,661 2 5,638 8 1,108
Eastern
Visayas
Region IX 49 10,080 47 15,538 1 482 1 60
Western
Mindanao
Region X 173 41,227 169 35,639 1 5,114 3 474
Northern
Mindanao
Southern
Mindanao
Region XII 114 14,977 105 13,205 1 587 8 1,185
Central
Mindanao
B
Kasama sa pitong Trade Union Centers
c
Hindi kasama ang mga kasapi ng pitong Trade Union Centers
1
Ang pagrehistro ng public sector union ay nagsimula lamang noong September 1987.
Pinagkuhanan ng Datos: Bureau of Labor Relations, Statistical and Performance Reporting System, (DOLE Regional Offices).
sa Maynila (1905)
Haba ng
Trabaho Sahod sa US$
Trabaho (Oras)
Pinakamababa Pinakamataas
Blacksmith 9 1/2 $0.53 $1.47
Boiler 9 1/2 0.88 1.47
Maker
Carpenter 9 1/2 0.84 1.58
Laborer 9 1/2 0.35 0.42
Machinist 9 1/2 0.50 1.37
Molder 9 1/2 0.64 1.68
Pattern 9 1/2 0.95 1.05
Maker
Pinagkuhanan ng Datos: Clark, Victor Selden, Labor Conditions in the Philippines, Bulletin of the Bureau of Labor, Washington, Government Printing
p. 820.
Talaan 2. Bilang ng mga mangagawa sa NCR sa mga pagawaan mula 1-4 manggagawa hanggang 2,000 lampas (sa Agriculture, Mining Quarrying,
Manufacturing Electricity, Gas & Water, Construction, Wholesale/Retail, Transportation and Finance. NSO, 1995)
Note: Ang datos na ginamit sa pasahod at suwelduhang manggagawa para sa taong 1980-1986 ay average na kinuha sa isang sarvey na ginawa noong
1
Hindi sinama ang mga manggagawa sa bukid na kasapi sa National Congress for Farmers Oranization na nagrehistro sa taong 1982.
a
Walang datos.
Pinagkuhanan ng datos: Bureau of Labor Relations, Statistical and Performance Reporting System (DOLE Regional Offices), National Statistics Office.
(NCR 1995)
Talaan 6: Bilang at dami ng mga kasapi ng kasalukuyang mga organisasyong paggawa batay sa rehiyon at uri ng organisasyon, sa Pilipinas: 1990
B
Kasama sa pitong Trade Union Centers
c
Hindi kasama ang mga kasapi ng pitong Trade Union Centers
1
Ang pagrehistro ng public sector union ay nagsimula lamang noong September 1987.
Pinagkuhanan ng Datos: Bureau of Labor Relations, Statistical and Performance Reporting System (DOLE Regional Offices).
B Ang Korporasyon B sa rehiyong III ay nag-ulat ng kanilang personnal complement sa central offices ng NCR.
Pambungad
Noong 1996, ipinagdiwang ang Himagsikan na pinamununuan ni Andres Bonifacio at ng kanyang itinatag na Kataas-taasan, Kagalang-galang
Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan. Isinilang ang rebolusyonaryong kilusang ito sa sinapupunan ng mga komunidad-maralita ng Maynila. Ngunit,
natugunan na ba ang ipinaglaban ng Katipunan mahigit sandaang taon na ang nakalipas? Ano na ang kalagayan ng maralitang anakpawis ngayon?
Sa buong bansa umaabot sa 15 milyon ang kabuuang bilang ng mga maralitaang tagalungsod (Presidential Commission on Urban Poor, Research and
Technical Division Report, 1995), 9.75 milyon nito ay mga “iskwater” at halos 4 milyon ay sa Kamaynilaan. Taun-taon, nadaragdagan pa ito nang
nadaragdagan. Sila ang mga mamamayang naninirahan sa mga kalunsuran na nasa mababang antas ng pamumuhay at dumaranas ng matinding
kahirapan. Sila ang mga mamamayang wala o di-sapat ang kakayahang bumili ng kanilang mga batayang pangangailangan tulad ng lupa at bahay, mga
Sa Metro Manila, na pinaka-sentro ng bansa, may isa sa apat na mamamayan ang maihahanay sa maralitang taga-lunsod. Sila ay pawang
nakatira sa mga komunidad-maralita na bumubuo ng halos apatnapung porsiyento (40%) ng buong Metro Manila.
Matatagpuan sila sa mahigit 387 komunidad-maralita sa buong Metro Manila na itinuturing ng pamahalaan bilang mga “slum and blighted
squatter communities” at 1,417 “depressed areas.” Ang mga komunidad na ito’y salat sa mga batayang serbisyo, mga pasilidad at ang mga mamamayan
ay pawang nagdarahop. Karaniwan, ang mga komunidad na ito ay malapit sa mga pabrika, tabing-ilog, mga estero, tabing-riles, mga lupaing pribado o
di-kaya’y lupaing pag-aari ng pamahalaan na matagal ng panahong nakatiwangwang. Pinakamalaki pa ring konsentrasyon ng maralitang komunidad ang
Tuwina, laging kaulayaw ng mga maralita sa mga komunidad na ito ang banta ng pagpapalayas sa mga lupaing tinitirikan ng kanilang mga
barung-barong.Ito’y bunga ng mga proyektong imprastruktura ng pamahalaan at sa pagpapalayas mismo ng mga pribadong nagmamay-ari ng mga
lupaing ito.
% NG
TANTIYANG POPULASYONG POPULAS-
REHIYON BILANG NG MARALITANG ISKWATER YON
MGA POOK TAGALUNSOD
Ang mga komunidad-maralita ay karaniwang nangangahulugan, sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ng mabaho, marumi, masikip at mahirap na
kapaligiran. Ito ay isang kalagayang panlipunan na resulta ng pag-iral ng matinding kahirapan. Batay sa datos ng pamahalaan para 1995, tinatantiyang
Total 1,417
Hulyo 1993
Sa ilalim ng sistemang panlipunan, may naglalakihang mga bahay na malalawak ang lupain, may mga may bahay-pahingahan (rest houses) pa
nga na walang naman nakatira, samantalang kay rami ang nagsisiksikan sa mga gula-gulanit na barung-barong sa maralitang komunidad. Bakit ito
nangyayari?
Alam ng marami ang pahapyaw na sagot, pero nakatago ang tunay na mga dahilan. Sa ilalim ng kasalukuyang lipunan, kung wala kang pera, wala
kang bahay na masasabing disente. Sa lipunang ito, lahat ng bagay na ginagamit ng tao ay itinuturing na kalakal. Ang lahat ng kalakal, bago magamit ng
(1992)
Pateros 3
Taguig 8
IKATLONG DISTRICT
Makati 10
San Juan 2
IKA-APAT NA DISTRITO
Las Piñas 6
Muntinlupa 14
Parañaque 7
Total 276
Mga Pinaghalawan: Regional Profile, NCR Development Plan,
MMA, 1992
Ang bahay, bagamat pangangailangan ng tao ay itinuturing na kalakal at kailangang bilhin bago magamit ng tao. Ang lupa na kailangan para
pagpatayuan ng bahay ay isang kalakal din na kailangan munang bilhin bago magamit ng tao para sa paninirahan.(Alburo, 1979)
INPRASTRAK-TURA PANGANIB NA
APDS PRIBADONG NG PAMAHALAAN SONA
ARI-ARIAN (DANGER
ZONE)
Ang mga batayang serbisyo, tulad ng pagpapagamot, ilaw, tubig, at iba pa, bagama’t pangangailangan ng tao ay kailangan munang mabili bago
magamit o pakinabangan ng tao. Kung wala kang pambili sa pribadong pag-aari ng iba, sa lipunang ito, wala ka na ring pagkatakataon para mabuhay
bilang tao. Sabi nga ng isang maybahay na naninirahan sa maralitang-komunidad, “Sino ba talaga ang gustong tumira dito? Marumi, mabaho at maraming
nagkakasakit. Pero wala kaming magagawa. Napakaliit ng sahod ng asawa ko na isang security guard.”
Ang mga maralitang komunidad ay balon ng produktibong pwersa ng lipunan. Matatagpuan dito ang malalaking bilang ng mga mamamayang ibinibenta
ang kanilang lakas-paggawa at mapanlikha ng mga kaparaanan para lumikha ng kabuhayan.(Lopez and Hollsteiner, 1975)
Matatagpuan sa mga maralitang komunidad ang malalaking konsentrasyon ng mga manggagawa. Sila ang grupo at sektor ng mamamayan na
tuwirang lumalahok sa produksyon sa paggawa ng anumang bagay na kailangan ng tao, mga kalakal na ipinagbibili sa pamilihan subalit patuloy na
nakakagapos sa tanikala ng pagkaalipin sa mga kapitalista -– sa mapagsamantalang sistema ng paggawa at murang pasahod.(Decaesstecker, 1975) Ang
manggagawa sa Pilipinas ay binubuo ng mga sahurang manggagawa sa industriya, transportasyon at komunikasyon at sa komersyo at kalunsuran.
Karamihan sa mga manggagawa sa mga komunidad ng Maynila ay walang pag-aaring kagamitan sa produksyon at nabubuhay sa pagbebenta ng sariling
lakas-paggawa. Liban sa mababa ang sahod, sila’y pinagkakaitan ng mga karapatan tulad ng pag-uunyon, pagwewelga, katiyakan sa trabaho at mga
benepisyo sa paggawa.
Talaan 5
Tala: Real wage based on IBON computations. The 1998 computation was based on January data from NSO
Talaan 6
PANG-ARAW-ARAW NA GASTOS
NG PAMILYANG PANG-ANIMAN (6)
PEBRERO 1995, 1996, 1997, AND 1998 (IN PESOS)
1995 1996 1997 1998
Boung Pilipinas
266.03 297.49 310.63 33.73
NCR 323.76 360.04 383.82 416.03
PANG-ARAW-ARAW NA GASTOS
NG PAMILYANG PANG-ANIMAN (6)
PEBRERO 1995, 1996, 1997, AT 1998 (IN PESOS)
1995 1996 1997 1998
Labas ng NCR
Agriculture 260.31 291.57 302.21 323.63
Non-agriculture
245.15 274.58 284.61 304.77
Pinaghalawan: Ibon based on NSO and NEDA data.
Malaki rin ang bilang ng mga mala-manggagawa sa mga komunidad-maralita. Sila ang grupo ng mga mamamayan na walang regular na
pinagkakakitaan. Pangunahin nilang pinagkukunan ng kabuhayan ay ang pagtratrabaho bilang mga manggagawa sa konstruksyon, kargador, pintor,
karpintero, at paglalabada. Katulad ng mga manggagawa, sila ay nakatali rin sa sistema ng pagbenta sa kanilang lakas-paggawa at serbisyo. Ang
kaibahan lamang ay wala silang regular na employer, pinapasukang pabrika o pagawaan. Ang mga mala-manggagawang walang regular o walang sapat
na hanapbuhay ay halos umaabot na sa 50% ng kabuuang lakas-paggawa ng Pilipinas. Ang mga mala-manggagawa ay pinahihirapan ng kawalan ng
pag-aari, kababaan ng kita, hindi regular at hindi sapat na sahod at kawalan ng seguridad sa trabaho. Kabilang sa kanila, ang maliliit na artisano,
karpintero at mason, mga kargador sa piyer, katulong sa tindahan, tsuper, aprentis sa mga talyer, atbp.
Matatagpuan din at naninirahan sa mga komunidad-maralita ang mga maliliit na kawani sa mga pampubliko at pribadong tanggapan, mga
suwelduhang propesyunal at mga mamamayang nakapagnenegosyo nang maliitan. Kabilang sila sa grupo ng mga mamamayang nahahanay sa
nakababang antas ng propesyonal at empleyado. Bilang pinakamababa at pinakamalaking saray ng katutubong maliliit na propesyonal at empleyado, ito ay
kinabibilangan ng mga guro, kabataan at estudyante, propesyonal na mababa ang sahod, kawani sa upisina at mababang upisyal ng pamahalaan – ang higit
Pangunahing pinagmumulan ng kabuhayan ng mga maliliit na propesyonal at emleyado ang pagkakaroon ng natatanging kasanayan o
kakayahan o kaya’y pagkakaroon ng kaunting kasangkapan sa produksyon. Malaking bahagi nito ay bumabagsak ang kabuhayan dahil mas malaki ang
gastos nila kaysa kita. Karamihan sa kanila ay tumatanggap ng napakaliit na pirmihang suweldo. Binabatbat sila ng iba pang suliraning pangkabuhayan na
karaniwan sa katayuan nila gaya ng kawalan ng seguridad sa trabaho, kakulangan ng empleyado, mataas na presyo ng mga bilihin, mataas na matrikula
habang pinagkakaitan ng mga demokratikong karapatan tulad ng pag-uunyon, pagtatatag ng konseho, malayang pamamahayag.
Ang tatlong pangunahing grupo na ito ng lipunan ang siyang bumubuo sa maralitang tagalunsod. Batay sa laki ng kani-kanilang bilang at/o
konsentrasyon sa mga komunidad, maikakategorya ang iba’t-ibang tipo ng mga komunidad: komunidad ng mga manggagawa; mala-manggagawa; at ang
maliliit na propesyonal at empleyado. At naka-paloob na sa tatlong pangunahing grupo at sektor na ito ang mga partikular na sektor ng kabataan at
kababaihan sa komunidad.
Ang maralitang tagalunsod ay kalipunan ng iba’t ibang uri at sektor ng lipunang Pilipino. Pangunahin itong binubuo ng mga manggagawa,
mala-manggagawa, at nakabababang antas ng propesyonal. Kabilang din dito ang mga kabataan at kababaihan.
Ang iba’t ibang uri at sektor na ito na matatagpuan sa mga komunidad maralita ay may magkakaibang katayuan sa lipunan batay sa kanilang
paglahok at relasyon sa produksyon, at sa gayon, may partikular na pagsasamantalang dinaranas na natatangi sa isa’t isa.
Sa siyentipikong paggamit at tunay na pakahulugan na salitang sektor, ito ay nakabatay sa partikular na grupo ng mga tao na iisa ang katayuan
sa makauring balangkas ng lipunan at dumaranas ng partikular na katangian ng pagsasamantala na natatangi sa kanya – halimbawa’y manggagawa sa
Kung sa partikular na usaping pabahay at pagiging iskwater, ang mga ito ay usaping hindi maaring maging partikular at natatangi sa isang
depenidong grupo ng mga tao sa ilalim ng makauring balangkas ng lipunan. Nag-uugat ang pagturing sa maralitang tagalunsod bilang isang sektor sa
pagtingin na ang usaping pabahay at karalitaan ay manipestasyon na lamang ng pagkakahati ng lipunan sa pagitan ng mahirap at mayaman. Hindi nito
itinuturo ang makauring balangkas ng lipunan at ang kalikasan ng maralitang tagalunsod sa ilalim ng kaayusang ito.
1. Paninirahan
Ang paninirahan sa mga maralitang komunidad ay tunay na hindi makatao. Karaniwang tanawin sa mga komunidad na ito ang pulu-pulutong,
Sa mga datos mismo ng ahensya ng pamahalaan, makikita ang patuloy na lumalaking suliranin sa pabahay. Noon pa mang 1990, itinala na ng mga
ahensya ng pamahalaan ang pangangailan ng 800,000 bahay sa mga walang sariling lupa at bahay. Mula pa noong 1987 hanggang 1992, lumilitaw ang
pangangailangan ng 200,000 bilang ng bahay taun-taon, subalit ang aktwal na natutugunan lamang ay 80,000 bawat taon.
Isa sa suliranin bukod sa kakulangan ng bahay ay ang napakataas na halaga ng pagpapagawa nito. Maging ang mga proyektong pabahay ng
pribadong sektor ay lubhang hindi makayanan ng isang empleyado o kawani ng pamahalaan o pribadong kumpanya na miyembro ng SSS at GSIS.
Noong 1993, ang pamahalaan ay naglaan ng P12.7 bilyon para sa konstraksyon ng 121,314 bahay na tinagurian nitong “socialized housing”. Sa
napakaliit na halaga o badyet ng pamahalaan, iniaasa nito sa pribadong sektor ang napakalaking kakulangan sa pabahay na hindi rin naman
matugunan dahil lubhang nakatali ang mga ito sa mga ispekulasyon ng real estate at interes ng pagnenegosyo.
Ang kawalan ng seryosong programang-pamahalaan para sa pabahay at ang patuloy na pagtaas ng halaga ng lupa at mga kagamitang kailangan
sa pagtatayo ng bahay, gayundin, ang napakataas na halaga ng pagpapaunlad ang siyang pangunahing balakid sa pagkakaroon ng pabahay para sa
mga maralita.
2. Hanapbuhay
Ang mga komunidad-maralita ang pangunahing konsentrasyon at kanlungan ng malaking bilang ng lakas-paggawa sa mga kalunsuran laluna sa Metro
Manila. Dito naninirahan ang mga manggagawa, mala-manggagawa, propesyunal at mga kawani ng pampubliko at pribadong tanggapan.
Sa datos mismo ng pamahalaan, makikita ang napakalaking suliranin sa kawalan ng hanapbuhay ng mga mamamayan. Sa kabuuang 27.5 milyon bilang
lakas-paggawa ng Pilipinas, 3.6 milyon ang walang hanapbuhay, at 8 milyon naman ang walang permanenteng trabaho. Sa kabilang banda, ang 15.9
milyon na itinuturing na may regular na trabaho ay hindi rin sumasahod nang sapat batay sa minimum wage na itinakda ng batas.
Sa patuloy ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa, nagbubunga ito ng malawakang pagkatanggal sa trabaho ng mga manggagawa mula sa mga
nagsasarang pabrika at mga tanggapan. Laluna sa Metro Manila, ang mga komunidad ng maralita rin ang nagsisilbing kanlungan ng mga mamamayang
nagsisilikas mula sa mga kanayunan bunga ng matinding kahirapan, pagsasamantala ng mga panginoong maylupa at militarisasyon. Sa katunayan,
marami sa mga maralitang tagalunsod ay mga dating magsasakang nawalan ng lupa o hanapbuhay sa kanayunan. Lumikas sila sa siyudad para
magbakasakaling magkaroon ng mas mainam-inam na pamumuhay. Ang mataas na upa sa lupa, usura, pang-aalila, mababang pasahod, di-makataong
kundisyon sa bukid, mataas na gastos sa produksyon, pandaraya sa kwenta ng gastos sa pagsasaka, kasama na rin ang kawalan ng sariling lupa bilang
pangunahing problema at ang matinding humahagupit sa kabuhayan ng magsasaka ang nagtulak sa kanila na “makipagsapalaran” sa Maynila. Mga dating
magsasaka ay nauuwi sa pagiging mga labandera, tsuper, trabahador sa konstruksyon o mga kaswal na manggagawa sa mga pabrika. Ang mga iba
nama’y, dahil sa kagipitan ay nauuwi sa mga gawaing anti-sosyal tulad ng pagnanakaw at pagpuputa.
3. Serbisyong Panlipunan
Sa gitna ng kahirapang dinaranas ng mga mamamayan sa kawalan ng regular na pagkakakitaan at katiyakan sa paninirahan, higit pa itong
pinala ng matinding kakulungan sa mga serbisyong dapat ipagkaloob ng pamahalaan. Kung mayroon mang serbisyong naipagkakaloob sa mga
maralitang tagalunsod, kalimitang ito ay nalilimitahan lamang sa pangkalusugan, edukasyon at mga pasilidad.
Kung mayroon mang health center sa mga barangay at komunidad-maralita, karaniwan namang walang kagamitan, gamot at doktor
na nakatalaga rito. Hindi lubusang nasasagot ng health center ang pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan sa mga
komunidad. Tulad na lang ng mga emergency cases, napipilitang dalhin sa pribadong ospital ang pasyente dahil sa mga pagkukulang ng
Ang pagkakapabaya ng pamahalaan sa maralitang komunidad ay higit na makikita sa kakulangan at depektibong pasilidad at
serbisyo para sa mga naninirahan dito. Kalimitan ay salat at walang dumadaloy na maayos at regular na serbisyo ng kuryente at tubig sa
mga komunidad-maralita.
Kulang din ang mga palikuran, walang maayos na sistema ng drainage at sewer lines. Malaking sulirahin din ang basura at
k.) Paaralan
Ayon sa pamahalaan, libre na raw ang pag-aaral sa high school. Maganda sana, kaya lang kulang naman ang paaralan. Kung
mayroon mang paaralan, kulang naman ng silid-aralan, kulang ang mga guro, at kulang ang mga aklat. Marami pang ibang kulang sa
Ang demolisyon ay isang marahas na paraan ng pagsira sa mga tahanan ng mga mamamayan upang sapilitang lisanin nila ang
Karaniwan itong ginagawa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang bigyang daan ang anumang proyektong imprastruktura ng
pamahalaan o di-kaya’y upang protektahan ang interes ng mga pribadong may-ari ng mga lupaing ito.
Ang demolisyon ay lantarang pagyurak sa dignidad ng mamamayan at pagkait sa kanilang karapatan sa paninirahan. Bagamat ang
ating bansa ay lumagda sa mga pandaigdigang kasunduan na nagdedeklarang di-makatao ang anumang uri ng demolisyon, patuloy pa rin
itong nagaganap sa mga komunidad-maralita – isang realidad na lagi nang kakambal ng pagiging maralita.
Talaan 7. Inulat na mga Pangyayaring Marahas na Demolisyon (Displacement) (Enero – Disyembre 1997)
(NCR)
Binondo, ECDFC-FFM
January 13-15, Manila 1 600 Demolis-yon Jan. 21, 1997
1997 (Sta. Elena St., ng mga bahay
Brgy. 293)
Quezon City
April 2, 1997 (New York, ECDFC-FFM
Denver, Chicago 1 200 Demolis-yon Jan. 21, 1997
Sts, Brgy. ng mga bahay
Pinagkaisa-han
Baesa, Quezon Marahas na
July 11, 1997 City (Sitio Mendez demolisyon ng KPML/TFD-NCR
Sts., Brgy. Bahay 1 2000 mga bahay July 18,1997
Toro)
Marahas na ECDFC-FFM
Nov. 24, 1997 Quezon City 1 2500 demolisyon ng Nov. 24, 1997
(Brgy. Tatalon) mga bahay
Marahas na
November 24, Quezon City 1 1700 demolisyon ng
1997 mga bahay TFDF-NCR
Pinaghalawan: Ecumenical Commission for Displaced Families and Communities (ECDFC)
Lantarang epekto ng demolisyon ang pagkakait sa karapatang pantao ng mga mamamayan sa komunidad na magkaroon ng disenteng
paninirahan. Maliban sa aktwal na pagkasira ng mga tahanan, kalimitang ang paglilipatang lugar sa kanila ay malayo sa trabaho, walang pagkakakitaan at
Sa implementasyon ng demolisyon, winawasak ang pagkakaisa ng mamamayan sa komunidad. Nagsisilbi itong instrumento upang supilin ang
karapatan ng mga mamamayan na ipagtanggol ang kanilang mga tahanan at komunidad at ihanap ng kalutasan ang mga suliraning bunga ng kahirapan at
kaapihan.
Sa takbo ng kasalukuyang lipunan, tila kakambal ng mga maralita ang usaping demolisyon at relokasyon bilang pangunahing programa at
patakaran ng pamahalaan.
Sa esensya at katangian, and demolisyon ay marahas at di-makatarungan. Itinatakda ito ng kalikasan mismo ng estado at mga batas sa
lipunan na kumakatawan at nagbibigay proteksyon sa interes ng iilang nagmamay-ari sa kayamanan ng bansa – kabilang ang lupa at bahay bilang mga
Ang maralitang tagalunsod bilang kalipunan ng mga uri’t sektor sa lipunan na patuloy na pinagkakaitan ng sariling lupa at bahay, itinuturing na
mga “iskwater” ay kalimitang nabibigkis ng mga pakikibakang komunidad laban sa demolisyon – na kalimitan ang porma at nilalaman ay depinsibo. Sa
harap ng marahas ng pagwasak ng kanilang mga tahanan at pagtataboy patungo sa malalayong relokasyon, ang mga maralita ay sama-samang
Ang sama-samang pagtatanggol ng mga karapatan ng mga apektadong mamamayan sa komunidad, maging ito man ay ispontanyo o sa
organisadong kaparaanan, ang nagsisilbing susing kawing ng pakikibakang komunidad na multi-sektoral ang katangian. Subalit nabibigkis ng iisang isyu at
Bagamat sa kasaysayan ng mga pakikibakang komunidad ay mayroong komon na isyung nagsisilbing susing kawing sa pagkilos ng iba’t-ibang uri at
sektor na naapektuhan, sa esensya ng mga isyu at pakikibakang ito ay nakatuon lamang sa kagyat na interes at kahilingin ng mga sektor na bumubuo sa
maralitang komunidad. Ang pakikibakang ito ay makitid laluna kung hindi maiugnay at matuturol ang estratehiko at pangmatagalang interes ng mga uri’t
sektor na bumubuo sa maralitang tagalunsod. Lubos itong makitid kung pagbabatayan ang mga partikular na interes ng mga uri at sektor ng lipunan. Liban
pa na kung susuriing maigi ang epekto ng suliraning pabahay at karalitaan, ito ay may mga partikular na bigat ng epekto sa iba’t-ibang uri at sektor na ito.
Malinaw na ang usaping karalitaan, pagiging “iskwater” at ang kawalan ng kasiguruhan sa paninirahan ay mga usaping iniluluwal ng sistemang
umiiral sa lipunan. Ang pagiging maralita ay malinaw na nangangahulugan ng walang hanapbuhay. Ang sanhi ng kawalan ng hanapbuhay ay resulta ng
atrasadong sistemang pang-ekonomiya ng bansa na lubhang nakatali sa pag-e-eksport ng produktong agrikultura at pag-aangkat ng yaring produkto. Sa
sistemang ito, hindi makasulong ang bansa sa ganap na industriyalisasyon na lilikha ng maraming trabaho at magtataas ng kakayahang bumili
Hindi ang pagpapagawa ng maramihang bahay ang solusyon sa suliranin ng mga maralita.(Medel, 1980) Magkaroon man ng maraming bahay
pero nananatiling walang hanapbuhay at sapat na sahod para tugunan ang pangangailangan ng mga maralita, iikot lamang nang iikot ang suliranin sa
Dapat tinuturol kung gayon ng pakikibakang komunidad ang kalikasan ng pagiging maralita, and sistemang pinag-uugatan ng karalitaan ng
mamamayan, at ang pag-uugnay ng pakikibakang ito sa mga pangmatagalan at estratehikong interes ng mga manggagawa at iba pang aping uri’t sektor ng
lipunan.
Malinaw na ang suliranin ng mga mamamayan sa maralitang komunidad kawalan ng katiyakan sa paninirahan at ang dinaranas na karalitaan
Dahil sa pag-aari lamang ng iilang panginoong maylupa ang mga sakahan, ang mga magbubukid ay nakatali na lamang sa pangungupahan sa
kanila o di kaya’y magpaupa ng kanilang lakas-paggawa. Walumpung porsiyento (80%) ng mga maralitang tagalunsod ay tinatayang mga migrante galing
sa kanayunan.
Dahil sa nagiging kaayusan ng lipunan natin, na nagbubunga ng malalang diperensya ng lunsod at kanayunan, ng industriya’t agrikultura,
patuloy na lumilikas ang mga taga-kanayunan patungong lungsod. Pagkarating naman sa lungsod, wala ring sapat na pagkakakitaan. Nasesentro na tuloy
sa Metro Manila at iba pang sentrong bayan ang pakaka-ipon ng mga maralita. At dahil pawang biktima sa pagpapahirap ng pribadong pag-aari, nagiging
(Out-migration)
Ang pagiging iskwater ay may kahulugan lamang sa ilalim ng umiiral na sistema ngayon ng lipunan. Nangangahulugan nito ay pumapasok ka
sa pag-aari ng iba. Ang lupang kinatitirikan ng iyong bahay ay pribadong pag-aari ng iba. At kung hindi ikaw ang may-ari nito at ginamit mo pa rin, agad
kang ituturing na iskwater na lumalabag sa batas. Ibig sabihin, lumalabag ka sa sistema ng lipunang umiiral.
Talaan 10.
Ito ang mapait na katotohanan na dinaranas ngayon ng masang Pilipino, hindi lamang ng mga maralitang tagalunsod, kundi ng mahigit
siyamnapung porsiyento (90%) ng mga mamamayang bumubuo sa ating lipunan. Mayaman ang Pilipinas subalit naghihirap ang nakararaming mga
Pilipino.
Ang mga naging programa at patakaran ng pamahalaan na nakakaapekto sa mga mamamayan sa komunidad, lalung-laluna sa pabahay, lupa,
batayang serbisyo at kabuhayan ay kailangang suriin--kung ano ang naging pakinabang dito ng mga mamamayan.
Tingnan na lamang natin ang maikling kasaysayan sa paglutas ng mga nasa kapangyarihan sa problema ng mga mamamayan sa komunidad.
Noong sakupin tayo ng mga Amerikano mula sa mga Kastila, buhay na buhay pa ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga kolonyalistang
Español. Ano ang ginawa ng mga sundalong Amerikano? Sinunog ang mga kubo ng mga Pilipino at ipinatayo ang kanilang mga “sanitary barrios”.
Simula sa ika-19 na siglo (1900s pataas) ay malawakang ipinatupad ang sistema ng pagkakaroon ng titulo sa mga lupain. Sa panahon ng Commonwealth,
kinuha nga ang mga lupain ng mga prayle pero ano ang ginawa rito? Mga subdibisyon pa rin ang inasikaso. Ang mga maralitang pamilya ay inilapit sa
Sa panahon ng 1950s nagsimula ang sigla ng komersyo at pagtatayo ng industriya sa mga sentrong lungsod. Lumaganap ang kalakalan at
pagtatayo ng establisimiyento. Nagsilbi itong malaking hatak sa paglikas ng mga mamamayan mula sa kanayunan. Sa mga panahong ito rin, naitala ang
Sa panahon ni Magsaysay, binuo ang Presidential Commission for Urban Development (PCUD) na ginamit ding bahagi ng pagsisikap para sa
kontra-insureksyong tulad ng proyektong “homestead” sa kanayunan. Pabahay ito para sawatain ang pag-aalsa ng mga mamamayan. Habang sa lungsod
naman, tuluy-tuloy ang paglilipat sa mga maralita sa iba’t-ibang pook-relokasyon tulad ng Camarin, San Gabriel Estate at Sapang Palay.
Malaking demolisyon ang naganap noong panahon ng panunungkulan ni Mayor Antonio “YEBA” Villegas ng Maynila. Noong Disyembre 1963, sinugod ng
demolition team at mga militar ang Intramuros at 4,000 ang sapilitang pinaalis. Kagyat na sumunod ang pagpapaalis sa mahigit 11,000 na pamilya sa
Tondo, North Harbor at Malate. Sa buong bilang ng naapektuhan, 4,500 pamilya ang nailipat sa Sapang Palay, Novaliches – isang relokasyon na walang
nakahandang pasilidad at apatnapung (40) kilometro ang layo sa Maynila, sa lugar na kanilang pinagtratrabahuhan!
Noong 1962, ang pamahalaan ay nagpatupad ng mga proyektong “tenement housing” tulad ng mga sumusunod.
Ang mga proyektong ito ay bunga ng sama-samang paggigiit ng mga manggagawa sa pamahalaan, sapagkat ng mga panahong ito ang naturang mga lugar
ay siya nang kinalalagyan ng mga pagawaan kung saan namamasukan ang mga manggagawa.
Ang mga tenement housing na ito ay karaniwang umaabot ng pitong palapag na gusaling pinauupahan sa mga maralitang pamilya. Noon pa
man, malaking suliranin na ang napakataas na halaga ng upa sa bawat kuwarto nito.
Karaniwang nakinabang sa proyektong pabahay ng pamahalaan ay yaong nahahanay sa panggitnang pwersa ng lipunan, yaong may kakayahang
makapagbayad ng halagang katumbas ng naturang mga proyekto. Samantala, ang mga maralitang tagalunsod na siyang inaasahang maging benepisyaryo
Noong Agosto 20, 1975, dahil sa paulit-ulit na demolisyon at pagdadala sa mga relokasyon at paulit-ulit na pagbabalik sa lungsod ng mga
maralita, inilabas ng Rehimeng Marcos ang PD 772 na nagturing sa pagiging iskwater bilang isang pagkakasalang kriminal.
Sa panahong ito, ang sinusunod na programa at patakaran ng diktadurang rehimen ni Marcos ay ang Urban Renewal Program – isang
engrandeng programa na naghahangad ng bagong kaayusan para sa Metro Manila – isang kaayusang magiging kaakit-akit na lugar para sa dayuhang
pamumuhunan. Ito ang pinangarap na “City of Man” ng diktadura. Ang programang ito ang siyang sinunod ng rehimen hanggang sa mga huling sandali ng
Kahit marami nang karanasan at mga aral na dapat kinilala sa pagsasagawa ng demolisyon at relokasyon, ang pamahalaan ay patuloy na
naglunsad ng malawakang demolisyon. Halos karamihan sa mga demolisyong ito ay isinagawa sa tatlong kadahilanan:
· Government Centers/Buildings – Batasan, Art Center, PICC, Heart Center, Lung Center, at mga katulad
· Tondo Foreshore Development Project – na naglalaan sa malaking bahagi ng lupain ng Tondo Foreshore para maging “industrial sites”
Dahil sa hindi magandang karanasan sa demolisyon at relokasyon, at bunga na rin ng pagtutol ng mga maralitang pamilya na apektado rito,
napilitan ang pamahalaan na suriin ang kaniyang sagot at patakaran sa suliranin ng iskwating sa mga huling bahagi ng dekada ’70. Ang pagsusuring ito ay
nagbunga ng pagpihit sa mga patakaran mula sa paglilinis at relokasyon ng mga iskwater patungo sa pagsasaayos ng mga siksikang lugar at pagbibigay
Noong Hunyo 11, 1977, sabay na nilikha ang Letter of Instruction No. 555 at 557 na siyang tuwirang deklarasyon ng pagpapatupad ng “Slum
Improvement, Upgrading of Sites and Services, at Zonal Improvement Program” bilang alternatibo ngunit pangunahing estratehiya sa pagharap sa
suliranin ng nagsisiksikan (congested) iskwater at iba pang tipo ng maralitang komunidad. Ito ay naging bahagi ng isang pambansang patakaran na
Ang Tondo Foreshore at Dagat-Dagatan Project ang kauna-unahang pagsisikap ng pamahalaan sa komprehensibong pagsasaayos at
pagbibigay pabahay sa ilalim ng sites & services program ng pamahalaan. Inutang ito sa halagang US $32 milyon sa World Bank na ginagabayan ng
Ang “Slum Improvement Policy” ay ipinatupad ng pamahalaan sa Metro Manila sa pamamagitan ng “Zonal Improvement Program” (ZIP, MMC Executive
Order 6-77) na naglalayong isaayos at paunlarin ang may 415 komunidad-maralita kabilang dito ang tinaguriang “Area of Priority Development” na may
kabuuang 274, 270 maralitang pamilyang apektado at ang 638 ektaryang lupain na nasasakupan ng apat na syudad at 13 munisipalidad ng Metro Manila.
Ang World Bank ay nagpautang ng halagang US $104 milyon para sa proyektong ito ng pamahalaan sa Metro Manila.
Matapos ang isang taon, inilabas ang Urban Land Reform Act sa pamamagitan ng PD 1517 noong Hunyo 11, 1978 na ipinaiilalim ang lahat ng lupaing
urban sa pangangasiwa ng pamahalaan. Sinundan ito ng Proklamasyong 1893 na nagdeklara sa buong Metro Manila bilang “ Urban Land Reform Zone
(ULRZ)”. Noong Setyembre 11, 1979, ipinatupad ang ULRZ sa pamamagitan ng mga “area for priority development” (APD) na pinaplano sa ilalim ng
2. Pagbibigay ng mga “core housing units”, water lines, drainage & sewer lines, toilet facilities, pathways, kalsada at iba pang serbisyong
pangkomunidad;
Sa halip na magkaroon ng magandang resulta, ito ay nagbunga ng maramihang dislokasyon at kawalan ng katiyakan sa pagmamay-ari sa lupa,
pagbabayad ng napakataas na singilin sa pagpapaunlad at buwanang bayad sa amortisasyon, at ng diskwalipikasyon ng mga pamilyang naninirahan nang
walang kontratang pinirmahan at yaong walang sampung taon sa paninirahan simula noong 1978 sa pag-iral ng PD 1517.
Sa panahon ng matinding paghahari ng diktadurang rehimen ni Marcos, ang naunsyaming pagrerebolusyon ng bayan ay muling sumiklab at
nagpanibagong sigla. Natutong mag-organisa, kasama ang iba pang sektor ng lipunan, ang mga mamamayan sa maralitang komunidad.
Panahon ito nang pinag-iibayo ng dayuhan ang kanilang kontrol sa bansa sa pamamagitan ng mga bangko rito. Ano ang dikta ng World Bank sa rehimeng
Marcos? “Nasa kalunsuran ang pinakamataas na antas ng pampulitikang kamalayan ng mamamayan kaya’t dito rin pinakamalaki ang banta ng
kaguluhan!” Ito ang pinakamalalim na dahilan ng malawakang kampanyang demolisyon noong 1982.
Nang mabigo si Marcos sa kaniyang mapanupil na diktadura sa pag-aalsa ng mamamayan noong Pebrero 1986, ano ang nangyari sa pabahay? Ang
rebolusyon na ginawa ng mga mamamayan sa EDSA ay mabilis na ginawang “kontra-rebolusyon” ng gobyernong Aquino.
Sa panahon ng administrasyong Aquino, nagpatuloy ang demolisyon at relokasyon. Kung mayroon man itong matingkad na programa para sa maralitang-
komunidad, ito’y walang iba kundi ang pagkabuo ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) noong huling bahagi ng 1980s. Naging
pangunahing instrumento ang PCUP upang paasahin sa kawalan ang mga maralita. Ang PCUP ay binuo ng Administrative Order No. 82. Ang Housing and
Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ay binuo naman sa Executive Order 90 ng Malacañang.
Bago natapos sa panunungkulan ang administrasyong Aquino noong 1992, naipasa nito ang Batas para sa Panlunsod na Kaunlaran at Pabahay (Urban
Development & Housing Act -- UDHA o RA 7279) noong Marso 1992. Ngunit gayundin, maging ang batas at programang ito ay hindi nakapagharap ng
Sa ilalim ng administrasyon ni Ramos, higit pang pinag-ibayo ang kampanyang pamahalaan sa pagtataboy sa mga maralita at iskwater mula
Nakapaloob ang programang ito sa Medium-Term Philippine Development Plan (MTPDP) ng naglalayon diumanong magdala sa Pilipinas sa
paraiso ng kaginhawahan bilang isang “newly-industrializing country”! Pinakamalapit na halimbawa ng MTPDP para sa maralita ay ang “Urban Renewal
Program” na ipinatupad ng nagdaang diktadura ni Marcos. Ang kaibahan lamang, mas malawak ang sasaklawin ng MTPDP. Hindi katulad ng URP ni
Sa ilalim ng MTPDP, apektado ang lahat ng mga maralita na naninirahan sa mga urban centers sa labas ng Metro Manila na siyang tinukoy
Ang interes ng mga mamamayan na naninirahan sa mga maralitang komunidad ay hindi limitado sa usaping lupa at pabahay lang, kundi sa pangkabuuang
reoryentasyon o pagbabago sa sistemang iilang lang ang nakikinabang kaysa higit na nakararaming maralitang mamamayan.
Ang pakikibaka ng mga maralita ay kinatatampukan ng pagpapaunlad ng kanilang pagkakaisa at kapangyarihan para maimpluwensyahan o
Ang mga taong 1900 hanggang 1920s ay kinatatampukan ng pagkakabuo ng mga “mutual aid societies” sa mga empresa, pabrika ng tabako at
sigarilyo, daungan, imprenta at mga pagawaan ng sapatos. Sa una, mas kagya’t na pagtugon lamang sa kanilang mga kagya’t na mga pangangailangan
Noong mga 1930s ang pakikibaka para sa karapatan sa paninirahan ay naging tuwirang bahagi ng pakikibaka ng mga manggagawa. Ang
malawakang welga noong 1934 ng mga manggagawa sa mga pabrika ng tabako at sigarilyo ay inilunsad ng Kaisahan ng Manggagawa sa Tabako at ng
Idinulot ito ng kalagayang hindi sapat na ikita ng mga manggagawa para matugunan ang kanilang pangangailangan para sa pagkain, bahay,
Ang mga manggagawa noon ay mulat sa kanilang kalagayan sa lipunan bilang isang uri na may misyong wakasan ang pagsasamantala.
Nakibaka ang mga manggagawa hindi lamang bilang mga sahod-alipin sa kamay ng mapagsamantalang mga kapitalista kundi naggigiit din ng mga
demokratikong karapatan at mga lehitimong kahilingan kabilang na ang usaping pabahay. Sa pakikibakang ito, naipagtagumpay ang kauna-unahang mga
Pero ang magandang simulaing ito ay naunsyami sa pagkakalustay ng mga huwad na lideratong pumalit sa mga progresibo at sinserong
pamunuan. Tuluyang nabigo ang pakikibakang nasimulan. Ang paggigiit ng mga demokratikong karapatan, kabilang na ang kahilingan sa pabahay ng mga
Ang masigasig na pagkilos ng Federation of Tondo Foreshoreland Tenants Association at ilan pang mga organisasyon ng maralita noong
1950’s, ay nakakuha ng mga kongkretong tagumpay sa pagpatibay ng batas na nagpapahintulot sa kanilang pagkakamit ng lupa sa Tondo Foreshore (RA
559, RA 907, RA 1597 – Tondo Foreshore Act), kasama na ang lugar ng Manila Abattoir sa Vitas, ang komunidad ng Barrio Fugoso at ang Fisherman
Village sa Bangkusay.
Gayunman, hindi lubos ang tagumpay ng mga mamamayan bunga ng pagkakaagnas ng pederasyon.
Noong 1960s, nagkaroon ng mga kusang paglaban ang mga maralita sa kampanyang demolisyon. Pero ang mga ito’y nananatiling
hiwa-hiwalay kaya’t ang pabugso-bugsong paglabang ito ay agad na binigo ng mas makapangyarihang puwersa, laluna sa armadong lakas ng
pamahalaan. May mga samahang pagkomunidad na nabuo pero ang kalakhan sa mga ito ay nagagamit ng iba’t ibang mga pulitiko lalo na kapag may
eleksyon. Ang nasa isip ng mga lider sa komunidad noon ay kung paano maging “malakas” sa gobyerno at “malapit” sa kapangyarihan!
Samantala, ang samu’t-saring problema sa lipunan ay mistulang bulkan na sasabog na! Ang kilusan sa pagka-makabayan na sinimulan ni
Recto noong mga 1950’s at itinaguyod ng mga negosyanteng Pilipino ay ibayo pang nahinog.
Nabuo at naipalaganap ang pagsusuri sa lipunang Pilipino at ang pangangailangan ng isang radikal na pagbabago. Dumami ang mga aktibistang
pampulitika laluna mula sa hanay ng kabataan. Maraming mga nabuong balangay ng Kabataang Makabayan (KM) sa maralitang komunidad.
Pumutok ang mga pampulitikang demonstrasyon hanggang sa Sigwa ng Unang Kwarter noong 1970. Ang mga aktibistang kabataan ay
nagpunta sa mga komunidad at doo’y masaklaw na ipinaliliwanag ang mga problemang panlipunan. Repleksyon ito ng pag-unawa sa mga kontradiksyon
sa lipunan.
Ang pag-unlad ng kamalayan ng mamamayan ay nakahugis sa pagkilos at organisasyon ng mga maralita sa Tondo nang ang mga nalalabing
kasapi ng Tondo Foreshoreland Tenants Association ay nagbuo ng isang mas malakas at nagkakaisang orgainisasyon – ang Council of Tondo
Foreshoreland Community Organization (CTFCO). Ito ay masigasig na kumilos para sa pagpapatupad ng RA 2439 na sumusog sa RA 1597. Makalipas
lamang ng isang taon, ito ay naging isang malakas na samahang nakapagkilos ng 5,000 maralita upang igiit sa Malacañang ang kanilang kahilingan
Ang CTFCO ay nawasak bunga ng panghahati ng Estado sa pamunuan nito. Isang naging paraan dito ay ang pagbili ng Estado sa mga
mabubuway na lider ng samahan. Ngunit mula sa mga nalalabing sinserong lider, itinayo ang Zone One Tondo Temporary Organization (ZOTTO) noong
1970 na mas binigyan ng kahalagahan ang pagsunod at paniniwala sa lakas ng mamamayan (people power) para kamtin ang kanilang kahilingan sa lupa
at pabahay. Dito nagmula ang ZOTO na sumaklaw noon ng walong (8) baryo at may 113 aktibong samahang masang pinamumunuan kaugnay ng
pakikibaka sa lupa at pabahay. Pinamunuan ito ng kanilang lider na si Trinidad (Trining) Herrera.
Ang patuloy na pagsigla ng gawaing pag-oorganisa sa hanay ng mamamayan at pagsulong ng pakikibaka nito ay nagresulta sa pagkakabuo ng
Alyansa ng mga Pangmamamayang Samahan na nagsilbing organisasyong sumasaklaw sa kabuuan ng Tondo Foreshoreland noong Oktubre 7, 1973.
Kasabay nitong nabuo ang Liaison Committee na nakikipag-ugnayan sa mga samahang sibiko at mga ahensya ng pamahalaan na makakatulong sa
Nang ipataw ni Marcos ang Martial Law, ipinagbawal ang maraming organisasyon, mga pagtitipon at pagkilos. Pero nagpursige ang mga
samahang pangkomunidad sa pag-oorganisa. Sumanib dito ang ilang progresibong taong-simbahan at mga aktibistang nagpursige sa hayagang pagkilos
kahit na sa ilalim ng teroristang paghahari ni Marcos. Tampok sa pamamarang ginamit sa pag-oorganisang komunidad ay ang pamamaraang Alinsky,
isang radikal na organisador na humalaw ng mga aral mula sa karanasan ng pag-oorganisa ng mga maralitang komunidad.
Makalipas ang isang taon ay itinatag ang Ugnayan ng mga Samahan ng Mamamayan ng Buong Tondo Foreshore – Navotas. Ito ang samahang
bumasag sa katahimikang dulot ng Martial Law nang isagawa nito ang Alay-Lakad noon Nobyembre 1974. Ang pagkilos na ito na nilahukan ng 5,000 tao
ay bilang pagtutol sa plano ng Malacañang na pagbalewa sa RA 2439, ang nagtatadhana ng pakikinabang ng mamamayan sa Tondo Foreshoreland.
Nagresulta ang pagkilos na ito sa pagtigil ng demolisyon at relokasyon at sa pagtitiyak ng partisipasyon ng maralita sa pagpaplano at
pagpapatupad ng proyektong makakaapekto sa kanila. Ang tagumpay na ito ay nabalewala nang pakawalan ng Estado ang kaniyang dahas sa
Hinuli ang mga lider ng maralita at binasag ang mga samahan kasabay ng mabangis na demolisyon at paglilipat sa mamamayan sa
malalayong relokasyon. Ang mga proyektong bunga ng sabwatan ng Malacañang at World Bank ay inilako upang diumano’y siyang katuparan ng mga
Ang organisasyon ng Maralitang Lungsod ay umabot sa mas malawakang saklaw nang mabuo ang Alyansa ng Maynila at Karatig Pook Laban
sa Demolisyon at Presidential Decree 814 (ang dekretong nagtatadhana ng mekanismo ng leasehold sa Tondo).
Ibinandila nito ang “People’s Program” na naglalaman pangunahin, ng on-site development, in-city relocation at partisipasyon ng mga maralita
sa pagpapasya sa mga plano at proyektong makakaapekto sa mga maralitang-lungsod sa pamamagitan ng isang espesyal na komisyon na may
Sa panahon ding ito, ibinandila naman ng Zone One Tondo Organization (ZOTO)--Ugnayan ang “People’s Decree” na kanilang inilahad sa
United Nations Habitat Conference sa Vancouver, Canada. Nilalaman ng people’s decree na ito ang konsepto ng sosyalisadong lupa at pabahay bilang
pag-iiba sa pribadong pag-aari kung saan ang lupa at pabahay ay pawang mga kalakal. Itinayo rin sa panahong ito ang Ugnayan ng Maralitang Tagalunsod
Sa simula, maganda ang ibinunga ng mga pagsisikap na ito. Natutong mag-organisa ang mga maralitang nasa komunidad. Pero ang
pag-oorganisang ito ay nalulong na lamang sa paggigiit ng mga maliliit na isyu. Mula sa isang maliit na isyu tungo sa ibang pang maliliit na isyu!
Nagbunga ito ng mga kagyat na pakinabang sa mga komunidad, kabilang na ang paggigiit ng “in-city relocation” gaya ng Dagat-Dagatan. Pero ang mga
pakikibakang ito ay humantong na lamang doon – sa mga kagyat na reporma. Sa pagtanaw nito sa maliliit na isyu, ang mas masaklaw na isyu at ang
Gayunman, kapansin-pansing mula sa pakikibaka na limitado sa usaping pabahay at paninirahan ng mga mamamayan sa mga partikular na
lugar o teritoryo. Ang pagkakabuo ng People’s Program at People’s Decree ay sumalamin sa pag-unlad ng kamulatan at pagiging masaklaw ng
pakikibakang komunidad mula sa mga teritoryal na interes patungo sa interes at pakikibaka ng sambayanang Pilipino. Dito humugis at nabuo ang isang
malinaw na kilusan ng mamamayang nakabase sa komunidad na di nakatali sa mga kagya’t at maliitang usapin at pinapaksa na ang pagbabago ng umiiral
Habang nahumaling ang ibang samahang pang-komunidad sa mga pira-pirasong reporma ng gobyerno, ang iba naman ay namulat sa
pangangailangang baguhin mismo ang panlipunang sistema. Naniniwala ito na ang pakikibakang komunidad ay kailangang iugnay sa kabuuang
pambansa-demokratikong pakikibaka ng sambayanan; nakaugnay laluna sa pakikibaka ng mga manggagawa’t magsasaka! Nakikibaka ito para sa
reporma, hindi sa pabalat-bunga na reporma, kundi itinuturing nito na ang pakikibaka para sa kagalingan ay bahagi ng kabuuang pakikipaglaban para
maitayo ang isang tunay na gobyerno ng bayan, isang gobyernong magpapatupad ng mga saligang pagbabago sa lipunan! Ilan sa mga naging tanyag na
lider ng organisadong pwersa ng maralitang tagalunsod ay sina Trinidad Herrera, Mariano Canonigo at Oca Francisco na nagsimula bilang mga
Nagpatuloy ang mga pagsisikap na ito sa kabila ng mga kahirapang dulot ng Martial Law. Hindi lamang ang mga lokal na samahang
pang-komunidad na nagtatanggol ng kanilang paninirahan ang nabuo kundi pati na ang mga Alyansa’t Pederasyon na nakaugnay sa mas malawak na
kilusan! Isa ito sa malaking dahilan sa pagkakahiwalay at pagbagsak ni Marcos at ng kaniyang diktadura.
Ang naging sagot ng maralitang lunsod sa “Last Campaign” ng demolisyon noong 1982 ay ang pagkakabuo ng Alyansa ng mga Maralita Laban
sa Demolisyon (ALMA), na binubuo ng 7 malalaking organisasyon sa Metro-Manila. Sa pamumuno ng ALMA, muling napasigla ang nananamlay na
pakikibaka ng mga maralita at nakabig ang pakikiisa at tuwirang paglahok ng iba’t ibang institusyon, personahe at mga taong-simbahan. Nabuo rito ang
isang pananaw na ang pakikibaka ng mga maralita ay di dapat lamang manatili sa pakikibaka kaugnay ng demolisyon, pabahay at kapaligiran, kundi
Pero nagkaroon din ng malaking pagkukulang sa pagkilos sa mga maralitang komunidad. Tumingkad ito matapos ang bulwak ng kilusang masa
noon 1983. Sa harap ng masisiglang pampulitikang pagkilos noon, ang naasikaso lamang sa mga komunidad ay ang mga pampulitikang pormasyon at
organisasyon. Nakaligtaan at napabayaan ang mga tradisyunal na mga samahang pangkomunidad! Halos puro rali at demonstrasyon na ang naaasikaso.
Nakaligtaan ang mga pakikibakang pang-komunidad na may malaking tulong din sana sa pag-oorganisa, lalung-lalo na sa mga mamamayan sa
komunidad.
Paghalili ni Aquino kay Marcos, naging aktibo ang iba’t ibang pampulitikang pwersa at grupo na matatagpuan na rin ngayon sa mga komunidad.
Ang iba’t ibang organisasyon ng maralitang lungsod kasama ang iba’t ibang institusyong nakikiisa sa kanila ay kagyat na naglahad ng mga kahilingan sa
bagong administrasyon.
Ang ZOTO, CUPAP at PAMANA ay nagbikis para buuin ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lungsod (KPML). Inihain nito sa
Malacañang ang “People’s Proposal”, kung saan tampok na kahilingan dito ang pagpapatigil sa demolisyon at paniningil ng mga bayarin, laluna ang “cost
of development” sa mga relokasyon, at ang pagbubuo ng isang espesyal na ahensyang pampanguluhan na may kinatawan ang mga maralita at
magsisilbing mekanismo sa pagsasabuhay ng partisipasyon ng maralitang lungsod sa paglikha ng mga patakaran at programa.
Noong Hunyo 1986, ang KPML at ang Lakas ng Maralita ng Lunsod ay nagbigkis at binuo ang National Congress of Urban Poor Organizations
(NACUPO) na may iisang proposal. Ang NACUPO ay pinamunuan ni Fred Repuno. Ito ay naglalaman ng pagsusuri sa mga suliranin ng mga maralita
(demolisyon, ebiksyon, mga bayarin, atbp.), mga suliranin at kahinaan ng umiiral na low-cost housing program at nagmungkahi ng mga kongkretong mga
Sa harap ng kawalan ng kongkretong pagbabago sa kalagayan ng mga maralitang lungsod, nahati ang NACUPO – may mga tumahak sa landas
ng kolaborasyon (tuwiran man o di-tuwiran) sa gobyerno at mas binigyang halaga muna ang pagreresolba sa mga kagyat na usapin at mga problema sa
kanilang mga lokalidad, at sa kabilang banda naman ay may tumahak sa landas ng pagreresolba sa mga umiiral na tunggalian sa lipunang Pilipino na
siyang mas malalim na dahilan ng pag-iral ng mga pakikibaka sa antas komunidad. Sumunod na itinatag ang Urban Poor Forum na bagamat malawak ay
Marami rin ang nagpapalaganap ng mga haka-haka at maling pag-asa. Kabilang dito ang ilang mga institusyong na sa halip na makapagbilis sa
proseso ng pagkakamit ng mga kahilingan ng mg mamamayan at sa ibayo pang pagsulong ng kanilang kilusan ay nagdudulot pa ng mga kalituhan at mga
balakid.
Hindi rin maikakaila na nitong bandang huli, ang KPML sa pamumuno ni Roger Borromeo bilang progresibong sentro sa hanay ng mga maralita
ay nakalikha ng mga malalaking kahinaan sa mismong pagdadala ng mga kahilingan at interes ng mga maralita. Ang pagdadala nito ng mga
pampulitikang aksyon at panawagan na lagpas sa kakayahan at kahandaan ng mga maralita ay nagdulot at nagresulta hindi sa higit pang ikatatag ng mga
organisasyong pangkomunidad, kundi ng pagkakahiwalay nito sa mga mamamayan. May mga kalagayan hindi ito nakapaghaharap ng mga kongkretong
paninindigan sa mga usapin partikular sa maralita. Nagbunga ito sa pananamlay at lantarang paghiwalay ng mga lokal na pederasyon. Ilan din sa nabuo
ay ang Samahan ng Maralita Para Sa Makatao at Makatarungang Paninirahan (SAMA-SAMA) sa inisyatiba ni Chit Lacson at Fr. Joel Tabora, S.J. ng
Ateneo.
Noong 1993, itinatag ang League of Urban Poor for Action (LUPA). Gayunman, ang diwa ng pagkakaisa ay nananatili sa iba’t-ibang porma at
paraan. Ito ay malinaw na batayan na ang pagnanais ng mga maralita ay iisa – ang tunay na pagkawala sa kanilang kahirapan at pagbabago ng kanilang
kalagayan.
Sa harap nito, nananatiling katanungan ng maralita: Hanggang kailan magwawakas ang aming problema sa paninirahan, kabuhayan at
kagalingan?
Konklusyon
Konsentrado ang mga mamamayan ng Metro Manila sa mga komunidad maralita. Naririto ang lakas na maaaring bigkisin at bigyang buhay at
eskspresyon upang magamit ng mamamayan para makamit ang kanilang kagyat at pangmatagalang kahilingan.
Ang pagkakaisa ng malawak na bilang ng mga mamamayan sa mga maralitang komunidad ay susi sa kanilang pagkakamit ng mga kahilingan.
Maipaglalaban at makakamit nila ang kanilang mga kahilingan tulad ng lupa at bahay, serbisyong panlipunan, kabuhayan at demokratikong karapatan, kung
Itinuturo sa atin ng kasaysayan na hindi magkakaroon ng makabuluhang pagbabago sa ating kalagayan kung hindi dahil sa sama-samahang
Itinuturo rin sa atin ng kasaysayan na ang pagbabago ng api at dustang kalagayan ay pangunahing nasa kamay ng mulat, organisado at
kumikilos na mamamayan.
Hindi dapat maghiwalay, kung gayon, ang pagtitiyak ng sustenidong pagsusulong ng pakikibaka at kilusan ng mamamayan at ang
pag-oorganisang komunidad sa pagbubuo ng lakas ng mamamayan para makamit ang pagbabago, ang pagkakamit sa lipunang “walang iskwater sa
sariling bayan”.
Sa gawing komunidad, pangunahing binibigyang diin ang pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa mga manggagawa,
mala-manggagawa at nakabababang antas ng propesyonal at empleyado bilang pinakamaaasahan at pinakamasasaligang uri at sektor ng lipunan na
Itinatakda ito ng kanilang katayuan sa ekonomiya at lipunan na siyang pangunahing dumaranas ng matinding pang-aapi at pagsasamantala at
Ang tatlong pangunahing sektor at grupong ito ng mga mamamayan ang siyang bumubuo ng tinutukoy na maralitang tagalunsod. Ang kanilang
katayuang pang-ekonomiya at panlipunan ang dahilan kung bakit karaniwan nilang isyu at suliranin ang paninirahan at pabahay.
Sa ilalim ng sistemang umiiral sa lipunan, ang lupa at bahay, bagamat kailangan ng mamamayan, ay kailangan munang bilhin at tumbasan ng
halaga bago magamit at pakinabangan. At dahil nga hindi sapat ang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga manggagawa, mala-manggagawa at
nakakababang antas ng propesyonal at empleyado, kalimitan ay “squatting” at pangungupahan ang madalas na paraan ng kanilang paninirahan.
Sa pagtalima sa makauring batayan sa pag-oorganisang komunidad, inaasahang maitayo ang mga organisasyong manggagawa at
mala-manggagawa at nakabababang antas ng propesyonal at empleyado bilang mga magdadala sa kagyat at pangmatagalang interes ng mga
mamamayan sa komunidad.
Ang organisasyon at kilusang manggagawa ang may kakayahang pamunuan at bigyan ng komprehensibong direksyon at nilalaman ang
Itinatakda ito ng kanilang katayuan sa ekomomiya at lipunan na siyang pangunahing dumaranas ng matinding pang-aapi at pagsasamantala, at
Ang mga manggagawa ay ang uri at sektor ng mga mamamayan na tuwirang lumalahok sa produksyon ng lipunan, sa paggawa ng anumang
bagay na kailangan ng tao, mga kalakal na ipinagbibili sa pamilihan, subalit patuloy na nakagapos sa tanikala ng pagkaalipin sa kamay ng kapitalista – sa
Ang organisasyon at kilusang manggagawa ang nagsisilbing bag-as at pinakamatibay na gulugod ng kilusan ng mamamayan na nakabase sa
komunidad.
Ang mga organisasyonng-manggagawa sa komunidad ay iba pa sa mga unyon ng mga manggagawa sa mga pabrika at upisina na kalimitan ay
Sa pagbubuo ng mga samahang manggagawa sa komunidad, nagkakaroon ng mas masaklaw na katangian at nilalaman ang pakikibaka ng
kilusang manggagawa mula sa isyu ng sahod at paggawa tungo sa mas masaklaw na usaping panlipunan kagaya ng paninirahan. Sa pamamagitan nito,
konkretong naisasakatuparan ng uring manggagawa ang kaniyang pangkasaysayang misyon – ang pamumuno sa lahat ng demokratikong pwersa sa
lipunan na biktima ng pang-aapi at pagsasamantala para wakasan ang pananatili ng isang mapagsamantalang sistema sa lipunan at sa pagtatayo ng isang
Sa harap ng patuloy na pagiging inutil ng pamahalaan sa paglutas sa mga suliranin ng mga maralita, walang maaaring asahan ang mga
nagdarahop na mga mamamayan sa komunidad kundi ang pag-asa sa sariling lakas upang igiit at ipaglaban ang pagkakamit ng tunay na pangmasa,
Ang pangmasa, sosyalisado at makataong paninirahan ay isang programang magtitiyak na ang lupa at bahay ay dapat kontrolado at
pinangangasiwaan ng higit na nakararaming nangangailangan at hindi pag-ari, itinuturing na kalakal at pinagpapasasaan ng iilan.
Malinaw na sa ilalim ng umiiral na sistemang panlipunan, malaking balakid sa suliranin sa paninirahan ng mga maralita ang patuloy na kontrol
ng iilan sa lupa at bahay, pagturing dito bilang mga kalakal at pagpasasaan ng malaking tubo.
Ang makatotohanang pagrereporma sa lupa at ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan ang susi para isakatuparan ang
pangmasa, sosyalisado at makataong paninirahan. Hindi ito kailanman magkakaroon nang kaganapan sa ilalim ng umiiral na sistema ng ating lipunan!
Pangmasa ang katangian ng programang pabahay para sa maralita dahil kailangan itong tanglawan ng prinsipyong ang pabahay ay dapat
pangunahing ituring na serbisyo sa mamamayan at marapat lamang na tiyakan ng Estado at pamahalaan na tinatamasa ito ng bawat mamamayang
Pilipino.
Sosyalisado ang katangian ng programang pabahay para sa maralita dahil bilang batayang pangangailangan ng mamamayan, dapat lamang
itong maging pag-aari ng buong sambayanan. Gayundin, ang paglalagay nito sa kontrol ng Estado ay nangangahulugang dapat tiyakin ng Estado ang
pagsasakatuparan ng isang planadong programang pabahay para sa buong proseso ng pag-unlad ng lipunan.
Makataong paninirahan ang nararapat para sa maralita dahil bilang isang batayang pangangailangan ng tao, dapat itong tamasahin ng bawat
Ang pagkakamit ng pangmasa, sosyalisado at makataong paninirahan para sa mga mamamayan sa maralitang komunidad ay mahigpit na
nakaugnay sa pagkakamit ng tunay na repormang agraryo at makabayang industriyalisasyon na isinusulong ng masang magsasaka at manggagawa.
Nangangahulugan ito ng pagpapalit ng isang sistema at kaayusang panlipunan na nagsisilbi sa kapakanan ng higit na nakararaming mamamayan.
Itinatakda ito ng kasalukuyang bulok sa sistemang umiiral sa lipunan na siyang pinag-uugatan ng karalitaan at pagdarahop ng mamamayan, at sa
pangangailangan na itatag ang isang makataong lipunang papawi sa karalitaan ng sambayanan, isang lipunang walang iskwater sa sariling bayan.
3) Anti-Demolition Coalition
sa Antipolo, Rizal
Talaan 14. Pangunahing 20 Syudad/Muninicipalidad na may Pinakamalaking Konsentrasyon ng mga Maralitang Tagalunsod 1990
METRO MANILA
Caloocan 334769
Pasig City 174776
Pasay City 161278
Makati City 199158
Quezon City 733210
Manila 703364
Valenzuela 149588
Marikina 136373
Parañaque 135363
Visayas
Cebu City 427292
Mandaue City 126200
Bacolod City 265779
Iloilo City 227877
Mindanao
Cagayan de Oro City 362466
Davao City 362466
Talaan 15. Pambansang Populasyon ng mga Lunsod at Maralitang-lunsod ayon sa Rehiyon: 1990
POPULASYON NG MARALI-
REHIYON POPULASYON NG MARALI-TANG TANG-LUNSOD
LUNGSOD TAGALUNSOD (%)
NCR 7,928,869 3,487,909 44
CAR 153,995 133,215 86
1 307,094 159,597 52
2 101,313 56,715 56
3 973,322 428,232 44
4 707,524 389,068 55
5 363,705 265,467 73
6 942,121 687,561 73
7 1,129,969 790,980 70
8 214,179 149,776 70
9 320,286 201,653 63
10 619,665 396,456 64
11 984,273 590,368 60
12 323,925 207,150 64
TOTAL 1,507,0240 7,944,147 53
Pinaghalawan: Presidential Commission on Urban Poor
Talaan 17. Datus sa Populasyong Urban, Populasyong Maralitang Tagalunsod, Populasyong Iskwater, at Populasyon ng Pamilya ng mga Maralitang
Populasyong Pamilyang
Populasyon Maralitang Populasyong Maralitang
Total Populasyon Urban Tagalunsod /3 Iskwater Tagalunsod /5
/1 /2 /4
/5 Binaasi sa PCUP-MIS Estimates (on the average of five (5) members per family by NSO)
Bibliograpiya
Mga Aklat:
Alburo, Florian A. An Analysis and Synthesis of Poverty Incidence in the Philippines, Manila, 1979
Cairncross, Sandy, Hardoy, Jorge and Satterwaite, David. The Poor Die Young: Housing and Health in Third World Cities. Earthscan Publication Ltd.,
1990
Keyes, William. Housing the Urban Poor: Non-Conventional Approaches to a National Problem. New York, 1977.
Jacobs, Jane. The Death and Life and Great American Cities. Random House, 1961
Jimenez, Pilar Ramos, et al. The Philippine Urban Situation Analysis. Manila: UNICEF, 1986.
Jocano, F. Landa. Slum as a Way of Life: A Study of Coping Behavior in an Urban Environment. Q.C.: UP Press, 1975.
Lopez, Ma. Elena and Hollnsteiner, Mary R. The Face of Poverty: Implications for Urban Development. Quezon City: Ateneo de Manila Institute of
Medel, Angelita. The Urban Poor and Housing Problem. Manila, 1980.
Naval, Teresita N. Coping and Motivational Patterns of Urban and Rural Children in Poverty Areas. Q.C.: IPC, 1979.
Reforma, Mila. Housing the Urban Poor: The Tondo Experience. Manila, 1978.
Share and Care Apostolate for Poor Settlers (SCAPS). Reseason to Hope: A Study of Five Urban Poor Communities in Metro Manila. Manila: SCAPS,
1983.
Mga Dokumento:
Asian Bureau Australia, Squatters, Planning and Politics in Tondo, Manila, (undated)
Anti-Demolition Task Force, Home Along the Riles: Isang Praymer, 1993.
DSWD. Special Project for Scavenger: Project Implementation Report, 1990-1995, 1996.
Metro Manila Development Authority (MMDA. Towards a Humane World Class Metropolis: A Physical Framework Development Plan for Metro Manila,
1996-2016.
Presidential Commission on the Urban Poor. Urban Poor Development Framework Plan (1992).
st
SCAPS. “1989 Annual Report,” ANAWIN, IV, #1, 1 Quarter, 1990.
SKR Managers and Advisors, Inc. Theoretical Framework fo the Urban Economic District. Management System, 1989.
Urban Research Consortium. “Consequences of Violent Evictions and Distant Relocations on the Urban Poor”. A Research Paper, 1998.
Alonso, Ruperto P. “The Urban Informal Sector in Metro Manila: A Macro Perspective”. Philippine Labor Review, Vol. 12, No. 2, July – Dec. 1988.
Butalid, Fr. Ted, S.J., “The Urban Community Settlers in Focus” ANAWIN, I, #1, Jan.- March 1987.
Butalid, Fr. Ted, S.J., “Urban Poor Participation and Urban Development: Manila Experience”, ANAWIN, I, #4, Oct.- Dec. 1987.
Doherty, John F. The Philippine Urban Poor. Philippine Studies Occasional Paper No. 8, Philippine Studies Program, University of Hawaii, Honolulu,
Dychingco, Melanie, “The Effects of the Social Reform Agenda to the Urban Poor Communities of Barangay Commonwealth and Payatas.” Unpublished
Gregorio-Medel, Angelita, “The Urban Poor and the Housing Problem”, Social Research Series II, Quezon City: Center for Social Policy ad Public Affairs,
1988.
Honculada, Jurgette A., “Case Study: ZOTO and the Twice-Told Story of Philippine Community Organizing”, KASARINLAN, I, #2, 4th Quarter, 1985.
Ibon Foundation. “Poverty in the City”, Ibon Facts and Figures, Vol. 18, NO. 6, March 31, 1995.
Maslang, Edith. “The Rise and Fall of the City of Man: Squattering Phenomenon, Its Implications to Development”, Development Issues Series No. 10,
Meijer, Titus and Van Vooren, Peter. “Landgrabbers and Eyesores – Squatters, State Policy and Level of Urban Services: Factors Influencing the
Organizing Capacity of Squatters in Metro Manila, Philippines” (Two Case Studies). Unpublished paper (no date).
Murphy, Dennis, “Sama-Sama: A People’s Housing Project”, PRISLIHA News, Dec. 1987.
Nolasco, Cynthia D. The Urban Poor of the Philippines: A Situationer. Unpublished Paper Commissioned by the SNU, Quezon City, Jan. 1991.
Pernia, E.M. and Paderanga, C.W., “Urbanization and Spatial Development in the Philippines: A Survey”, 1980.
Ruland, Jurgen. Squatter Relocation in the Philippines: The Case of Metro Manila. University of the Bayreuth, West Germany, Research Papers NO. 5,
1982. Mimeographed.
Sison, Ronald G. “Institutional Linkages for Assistance to Urban Informals”, Philippine Labor Review, Vol. 12, No.2, July – Dec. 1988.
Task Force Marlitang Komunidad Press Statements, Nov. 4, 1993; Nov. 12, 1993.
Interview:
Mr. Joven Aquino. Vice-Chair, League of Urban Poor for Action (LUPA), June 5, 1998 and June 24, 1998.
III. ANG KABABAIHAN SA LANSANGAN: ANG PROSTITUSYON AT “SEX TRAFFICKING” SA KALAKHANG MAYNILA
Ang prostitusyon ay isang reyalidad na kinakaharap ng buong bansa, sama-sama ng mga nanunungkulan sa ating gobyerno na siyang pangunahing
dapat managot sa kapakanan ng mga mamamayan, ng Simbahang Katoliko na “katiwala” sa moral at ispiritwal na buhay ng mga mamamayan, at ng mga
Ang tanging katanungan na maaaring maglaro sa ating mga isipan ay ito: ang prostitusyon ba ay ugat ng mga problema o isang produkto lamang
ng mas malaking kakulangan sa ekonomiya, pulitika, at sosyo-kultural na aspeto ng ating lipunan. Layunin ng bahaging ito na ilarawan ang antas ng
prostitusyon sa Pilipinas. Ang bibigyang focus ay ang Kalakhang Maynila, kung saan makikita ang mas malinaw na anyo ng prostitusyon sa ating bansa.
Ito ay sapagkat nabawasan ang antas ng prostitusyon sa Angeles City, Pampanga at Subic Bay sa Zambales matapos alisin ang mga base militar at ang
Upang mas mabigyan tayo ng malalim na pananaw ukol sa lawak ng prostitusyon sa bansa, ating silipin ang ilang mahahalagang statistics na
· May 150,000 Pilipina ang nagpunta sa bansang Hapon at nagiging mga “prostitutes.”
· 150 Pilipina ang ibinenta upang maging “prostitutes” sa mga nightclub sa Africa, partikular sa bansang Nigeria. Bawat isa ay naibenta sa
halagang US$5,000 ng mga sindikato. Apat sa mga mga kababaihan ang naisalba ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Lagos, Nigeria
· Noong 1991, may mga Pilipina ang ibinenta ng sindikatong Yakuza sa bansang Hapon sa halagang mula US$2,400 hanggang US$18,000 bawat
isa.
· May 400,000 hanggang 500,000 “prostitutes” sa Pilipinas, ayon sa International Labor Organization. Karamihan ay mga babaeng nasa wastong
gulang na, ngunit may ilan ding lalake, bakla at mga batang babae at lalake.
· Dahil sa dami ng “prostitutes” sa Pilipinas, maaari na silang ituring na isang sektor sa lakas paggawa ng bansa ayon kay Rene Ofreneo, dating
· Sa Pilipinas, mayroong 75,000 bata ang napuwersang pumasok sa prostitusyon dahil sa kahirapan.
· Sa bilang na 400,000 Pilipina na sangkot sa prostitusyon noong 1998, hindi pa kasama dito ang bilang ng mga nasa ibang bansa. Ikaapat na
bahagdan ay mga bata, at bawat taon may 3,266 na mga bata ang napupuwersang pumasok sa prostitusyon.
· Ang Pilipinas ay pang-apat sa siyam na bansa kung saan may pinakamaraming kaso ng prostitusyon.
Batay ang mga datos na ito sa International Labor Organization(ILO) at iba pang NGOs na nagmominitor ng prostitusyon sa Pilipinas.
Kung pagbabasehan ang mga nakalap na datos, masasabing napakatalamak na ng prostitusyon sa ating bansa at hindi naligtas dito ang mga bata, lalake
man o babae.
Sanligan
Itinuturing ang prostitusyon bilang pinakamatandang propesyon sa mundo. Dito sa Pilipinas, ang mga unang narekord sa trabahong ito ay noong
panahon ng Kastila.
Mula sa salitang Latin na “prostitutus” na ang kahuluga’y ang pag-display o pampublikong paglalantad o ang pagsasapubliko na may presyo, ang
prostitusyon ay ikinawing sa pampublikong paglalantad o ang paggamit ng sex na kapalit ang salapi. Karaniwa’y babae ang ginagamit. Sa katunayan, di
lamang kababaihan ang ginagamit sa prostitusyon kundi pati ang mga lalaki at ang mga bata. Laganap ito sa mga sentro ng kalakalan at komersyo, lugar
pang-aliwan (recreational areas) at kung saan ang iba’t ibang mga tao, mga lokal na mamamayan o dayuhan ay dumadayo, tulad ng Lungsod ng Maynila o
Ang kalakal ng sex ay itinuturing ng lipunan bilang imoral. Ang sinisisi ay ang mga kababaihang nagbebenta ng laman. Ilegal ang prostitusyon sa
Pilipinas. Ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay nagpasara na ng maraming bar at “pub” o beerhouse na hinihinalang bahagi ng “sex industry.” Marami
na ring mga ahensya ng pamahalaan at mga NGOs na nagpalarga ng “intervention programs” upang mapigil o mabawasan ang bilang ng mga babaeng
mababa ang lipad. Gayunpaman, sa kabila ng mga inisyatibong ito, lumalaganap pa rin ang prostitusyon sa mga kalye at lansangan ng Maynila. Marami
sa mga kababaihan ang nagsasabing ang kahirapan at pagkarukha ang nagtulak sa kanila sa ganitong trabaho. Subalit ang kanilang desisyon na
Bukod sa pagiging isyu ng moralidad, ang prostitusyon ay isang isyung pangkabuhayan (development issue) sapagkat ito ay nakaugat sa kasaysayang
panlipunan, pampulitika at pangkalusugan. Ang patuloy na paglaganap ng prostitusyon ang nagpapatunay na ang mga programa na itinutulak ng
pamahalaan at NGOs ukol sa isyung ito ay hindi ganap na epektibo sa pagbibigay ng mga oportunidad sa mga kababaihan ng lansangan upang sila ay
Ilang tanong ang ating haharapin upang maunawaan kung bakit patuloy na lumalaganap ang prostitusyon sa Kamaynilaan. Bakit pumapasok ang mga
kababaihan, kalalakihan at bata sa prostitusyon? Bakit nila patuloy na inaasahan ang industriyang ito kahit ilegal, bilang trabaho? Paano itinutulak
Kasaysayan
Ang “prostitusyon” – ang pagbibigay ng serbisyong sekswal para sa salapi o materyal na bayad – ay may mahabang kasaysayan sa Pilipinas. Meron
itong mga pangkabuhayang pundasyon at mga batayang panlipunan na kinasasangkutan ng di-pantay na relasyon ng lalake at babae at ng mga magulang at
mga anak.
Napakalawak na ng sakop ng prostitusyon ngayon. Mayroon nang itunuturing na “commercial sex sector” na bahagi ng pangkabuhayan,
panlipunan at pampulitikang buhay ng maraming bansa.1 Dito sa Pilipinas, di malinaw sa mga rekord kung kailan talaga nagsimula ang prostitusyon
bagaman itinuturing ito bilang isa sa mga pinakalumang propesyon. Bago dumating ang mga Kastila sa ating bansa, ang prostitusyon ay hindi maitakda
sapagkat ang mga kababaihan ay may istatus na pantay sa kalalakihan. Noong panahong iyon, “ang babae ay maaring magmana ng lupain, mamahala sa
agrikultura, magkaroon ng kalayaang sekswal, pumili ng kanyang kabiyak (at) magdiborsyo… (Siya ay may) mataas na istatus sa komunidad bilang
Nang dumating ang mga Kastilang mananakop sa ika-16 na siglo at nagpumilit ng Kristiyanismo, ang istatus ng babae ay bumaba. Sa introduksyon ng
agikulturang piyudal, ang prosekusyon ng mga babaylan, ang pagpapalaganap ng kulturang patriarkal kung saan ang kababaihan ay nasa ilalim at
pangangalaga ng tatay, asawa at pari, ang prostitusyon ay itinanim at lumaganap. Kahit sa panahon na ang Puritanismo sa ating bansa kung saan ang
pagkabirhen ng isang babae ay binibigyang-halaga at mataas ang kodang moral sa lipunan para sa mga kilos ng madla, ang pinakamatandang propesyon
ay lumaganap pa rin.
Sa ika-19 na siglo, ang prostitusyon ay naitalang okupasyon sa Maynila.3 Ang laganap na dahilan para maraming kababaihan ay pumasok sa
ganitong hanapbuhay ay dahil sa reyp o panghahalay. Ang laganap na paglapastangan ng mga Kastila sa dangal ng kababaihang Pilipino sa panahong iyon
ay naglikha ng mga kababaihang ginagamit ng mga sundalong Kastila at opisyal, at pati na rin ng mga Prayle.4 Dalawang nobela ni Dr. Jose Rizal, ang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ay malinaw na nagpahiwatig nitong mga eksenang sinira at dinungisan ang dangal ng mga kababaihan. Bilang
okupasyon sa Maynila, ang prostitusyon at pinabayaan at binigyan lamang ng “regulasyon” ng kolonyal na pamahalaan. Ang regulasyon nitong prostitusyon
ay nagbigay basbas sa okupasyong ito sa Maynila, at ang regulasyon ay ginawa dahil sa moral and pangkalusugang dahilan, lalo na ng pangkalusugan.
Tahasang nagkaroon ng ganitong regulasyon bilang pagkilala sa pampublikong sensibilidad sa imoralidad ng propesyong ito, ngunit ang pangunahing
dahilan pa rin ay ang pagkontrol sa paglaganap ng VD(veneral diseases), lalo na ng syphilis, na lumaganap sa kalagitnaan ng 1890s. Ang prostitusyon ay
naging parang anino sa mga tabing ng Maynila. Hindi lantaran ang pagbenta ng laman kaya may regulasyon, at ipinagbawal ang mga bulgarang
Maraming pangalan ang ibinigay sa mga babaeng nasa prostitusyon. Ilan dito ay ang “puta” o “prostituta,” ang “mujer libre” o “mujer publica”
(free or public woman), “dama de noche” (woman of the night) at kalapating mababa ang lipad.6 Marami sa mga kababaihang ito ang galing sa iba’t ibang
trabaho tulad ng pagiging labandera, manggagawa o tindera ng tabako, dressmaker, o kaya ay katulong. Subalit pumasok sila sa prostitusyon dahil sa
hirap sa kabuhayan o di kaya’y makabayad sa utang ng asawa o ama na natalo sa sugal. Anuman ang dahilan, nariyan ang tukso ng mabilis na pagkamit
Nang itatag ang unang Republika ng Pilipinas noong 1898 matapos ang pagbagsak ng kolonyalismong Kastila, ang prostitusyon ay binigyang pansin ng
Board of Health. Iniutos ng tanggapang ito na magpa-check up lingu-linggo ang mga babaeng nagbebenta ng laman. Ang mga nakitang may sakit na VD ay
binigyan ng tulong ng Board. Ang gastos sa pangangalaga sa kanila ay ipinasa sa mga may-ari ng mga establisimyento. Ganito ang naging patakaran ng
Panahon ng Amerikano
Bagamat nagsimula ang prostitusyon sa Pilipinas noong panahon ng Katolikong panunungkulan ng Kastila, ang pagdating ng mga Amerikano sa
kapuluan ang lalong nagpalaganap ng bentahan ng laman. Ang tuminding kahirapan, pagkawasak ng imprastraktura, at dislokasyon ng maraming tao dulot
Ang pagdating ng maraming sundalong Amerikano ang nagbigay ng malaking merkado para sa mga kababaihan ng lansangan. Ayon sa Third
World Movement Against the Exploitation of Women, ang mga istruktura sa panahong iyon ay itinatag “upang maging institusyon ang prostitusyon bilang
bahagi ng ‘rest and recreation’ o R & R.” Ang mga kababaihang nasa prostitusyon ay tinawag na “entertainers, hospitality girls at ago-go dancers.”
Ang pagtatag ng mga permanenteng base militar ng Estados Unidos sa bansa ay nagpalala sa prostitusyon sa Pilipinas. Nang itinatag at pinalawak ang
mga base militar ng Amerika, lalong pang pinarami at pinalawak ang mga pasilidad para sa R & R para sa mga Amerikanong sundalong dumadalaw sa
bansa. Lalo na noong Korean War noong 1950s at Vietnam War mula 1965 hanggang 1975, dumagsa ang mga sundalong Kano sa pamamagitan ng base
Noong Setyembre 1992, nakumpleto ang pagsasara ng mga base batay sa desisyon ng Senado na ibasura ang RP-US Military Bases Agreement. Ang
mga base militar ay ginawang special economic zones para sa mga industriya at komersiyo. Ngunit ang pagsasara ng US bases ay hindi nagpatigil sa
Sex Tourism
Matapos ang kolonyalismo ng Kastila, Amerikano at Hapon, nagkaroon ng bagong anyo ang prostitusyon. Bago pa man naging laganap ang
globalisasyon at ang epekto nito sa kabuhayan ng Pilipinas, marami nang mga administrasyon ang nagpalaganap ng “outward-oriented development
strategy.” Kasama sa estratehiyang ito ang pagbibigay ng prayoridad sa turismo sa pangangalap ng bansa ng “foreign exchange.” Ayon sa pag-aaral ni
Maggie Black para sa International Labor Organization, kasama sa package nitong patakaran sa turismo ang pagbebenta sa mga Pilipino, lalo na ang mga
Noong 1970s, isang bagong anyo ng prostitusyon ang lumitaw: ang sex tourism. Kasama ito sa pinalaganap ng rehimeng martial law ni Marcos mula
1972, at naging indirektang estratehiya ito upang isalba ang ekonomiya ng bansa.9 Dahil sa krisis pangkabuhayan at pagdami ng mga iskwater at
maralitang tagalunsod, marami ang nasilaw sa ganitong hanapbuhay. Maraming package tours, lalo na mula sa Japan, ang tumungo sa Pilipinas na
sinilbihan at sinerbisyuhan ng mga club. Ang prostitusyon, kahit na ipinagbabawal sa batas at itinuturing na kriminal ang babae, ay binigyan ng indirektang
Noong 1980, halimbawa, nasa sukdulan ang dagsaan ng mga turista, at ayon mismo sa datos ng Department of Tourism, 2/3 ng mga ito ay mga
kalalakihan; 12% lamang sa bilang na ito ang pumunta sa Pilipinas para sa negosyo nila.11 Naging pakay ng karamihang turista ang sex. Maraming
kalalakihang Hapon ang dumating sa Maynila upang pagsilbihan ng “hospitality girls” sa mga beerhouse at karaoke bars. Laganap din ito sa tourist
resorts.
Ngunit di lamang ito ang pinagsamantalahan ng rehimeng Marcos. Bukod sa sex industry, ang pamahalaan ni Marcos ay naglunsad ng programang
labor export, para rin sa pangangalap ng foreign exchange.12 Dumami ang mga babaeng “entertainers” na dumagsa sa Japan at ibang bansa.
Matapos tingnan ang pangkasaysayang perspektiba, mahalagang tingnan ang ugat at pinagmumulan ng prostitusyon. Dito natin mauunawaan ang
paglaganap at pag-unlad ng ganitong uri ng trabaho na ngayon ay itinuturing na bilang isang sektor.
Ang pangkabuhayang motibasyon para sa mga kababaihang pumasok sa prostitusyon ay di maipagkakaila. Isang pag-aaral ng Third World Movement
against the Exploitation of Women na pinamagatang “Empirical Data on Filipina Prostitutes as Basis for Programming” (Peb. 8, 1983) ay nagbigay ng
Ang mga ito ay pinapalala ng pagkawala ng lupa, ari-arian at trabaho. Ilan sa naghihila patungong prostitusyon ay ang aktibong rekrutment ng
mga ahente ng prostitusyon o mga bugaw, at ang panlilinlang at pagdukot ng mga alagad ng industriyang ito. Dahil din sa malakas na materyalismo,
maraming Pilipino, lalo na ang mga dumadayo sa Yuropa at Japan, ang nagbebenta ng kanilang katawan. Kasamang dahilan na nanghihila sa kanila ay
ang pagiging drug adik o mga suliranin sa pamilya tulad ng abusong sekswal. Marami sa mga dayuhan na may rasistang pananaw sa ating bansa ay
nakikita ang mga Pinay bilang “little, brown fucking machines” habang ang mga Pilipina naman ay tinuturing ang mga puting kalalakihan bilang mga
tagapagsagip sa kahirapan.14
Mga panloob na pampulitikang mga kalagayan tulad ng militarisasyon at biglaang industriyalisasyon ang nagdudulot ng kawalan ng hanapbuhay
at paglaganap ng prostitusyon.
Ang prostitusyon ay kilala rin ngayon sa tawag na “sex trafficking” na siyang pinakakaraniwang anyo ng pagbebenta ng laman. Ito ay ginagawa sa
pamamagitanng paglipat o pagbiyahe ng tao—karaniwan ay babae at bata--sa loob at labas ng isang teritoryo upang ipagbili at pagsamantalahan.
Ayon sa Women Education Development Productivity Research Organization (WEDPRO), ang mga biktima ng “sex trafficking” ay karaniwang mga
babae at mga bata mula sa mahihirap na pamilya. Karaniwan din ay wala silang natapos na pinag-aralan at may limitadong kasanayan at karunungan.15
Ang mga kababaihan ng sektor sa seks ay nahahati sa mga sumusunod na kategorya: ang nabibili, ang bumibili at ang negosyo.16
Ang nabibili ay ang mga kababaihang nagbibigay ng sekswal na serbisyo kapalit ng salapi o anumang bagay. Ang nabibiling mga kababaihan ay
maaaring ikategorya ayon sa kanilang lokasyon sa trabaho, sa katangian at klase ng kanilang mga kustomer, o ang kanilang integrasyon sa
pangmalawakang industriya sa seks. At dahil sa internet ay “globalized” at may pandaigdigang katangian na rin ang sex trafficking.17 Meron ding mga
lalaking prostitute na nagtatrabaho sa gay bars at mga batang prostitute na nabibiktima ng mga bakla at pedophiles. Ang kategorya ng eksploitasyon ay
maaari ring balangkasin na nagsasarili (self-employed), puwede ring parang empleyado (employed) o inalipin at inexport.18
Ang mga nagsasarili sa ganitong hanapbuhay ay nakakapili ng kanilang mga kliyente at oras ng trabaho. Sila’y mas bata at magara kung magbihis.Ang
kanilang mga kliyente ay mga dayuhang negosyante, mga lokal na pulitiko at mga klas na local businessmen. Samantala, nasa pinakamababang
kategorya naman ang mga babaeng nasa “red light districts” o sa mga ilang pampublikong plaza o gumagala sa mga komersyal na establisimyento. Sila’y
nagsasarili o self-employed. Nilalapitan nila ang mga kliyente sa lansangan o sa mga café sa sidewalk o nakikiusap sa mga kliyenteng nakasakay sa
sasakyan. Ang kanilang mga bugaw ay lumalapit din sa mga potensyal na kustomer, at dito ay kahati nila ang mga ibinebenta nilang mga babae. Ang mga
ganitong transaksiyon ay makikita sa mga pampublikong lugar tulad ng harapan ng Malate Church sa Maynila.
Ang mga empleyadong kategorya ng ganitong mga kababaihan ay iyong nagtatrabaho sa mga disko, “ago-go” nightclub, cocktail lounge, restaurant,
karaoke o videoke, sauna bath o massage parlors. Tawag sa kanila ay “hospitality girls,” o di kaya, GROs (Guest Relations Officer). Ang empleyadong
kategorya ng industriya sa seks ay nagtatrabaho sa mga lugar na merong depinidong lugar, mga manager/employer, iskedyul sa trabaho, atbp. Itong
ganitong employado sa industriya sa seks ay merong depinidong mga lugar sa trabaho, mga depinidong iskedyul sa trabaho, at mga responsibilidad at
trabaho, gayon din ay napapailalim na sila sa mga “house rules” at mga responsibilidad sa kanilang kinalalagyan at mga regulasyon tuwing sila ay may
trabaho.
Ang pinakaaping kategorya ng mga kababaihan sa lansangan ay yung mga babaeng dinukot. Sila ay nasa mga brothel o casa at nagtatrabaho na
kunwa’y waitress o maid. Sila ay tila na rin mga pag-aari ng mga boss nila at ipinatatawag pag kailangan ang kanilang mga serbisyong sekswal. Hindi nila
napipili ang kanilang mga kustomer o ang bilang ng mga ito. Ang masama pa ay wala silang kinikita sapagkat halos lahat ng perang ibinayad ng kostumer
ay napupunta sa may-ari ng casa. Kung bigyan man sila ay kakarampot para di sila makaalis o makatakas. Ang mga babaeng sa ganitong kategorya ay
karaniwa’y mga biktima ng ilegal na rekrutment sa mga probinsya, na kung minsan ay kasapakat pa ang kanilang mga magulang na dapang-dapa sa
kahirapan.19
Maaaring Pilipino o dayuhan ang mga kliyente sa transaksyong sekswal. Subalit tila may kanya-kanyang lugar silang pinupuntahan.
Halimbawa, sa Quiapo at Divisoria, nariyan ang mga Intsik at mga Pilipinong mababa ang sahod tulad ng mga taxi driver at stevedores; sa Binondo, mga
negosyanteng Intsik; sa Makati, mga negosyanteng Pilipino, Arabo, Yuropeo o Hapon; at sa Ermita at Malate ang mga Aleman, Australian, Dutch, Arabo at
Hapones.
Ang prostitusyon ay isang negosyo na pinagkakakitaan nang malaki subalit bihira na ang mga babaeng biktima ang kumikita nito. Ang mga
bugaw, operator/maintainer ng mga bahay o casa, mga tour operator (lokal at dayuhan), mga rekruter at mga korap na opisyal ng pulis at mga pulitiko ang
A. Mga gusali ng negosyo para sa mga turista at upper at middle class na lokals: espesyal na tourist agencies, escort services, hotel room service at
high class na hotel; saunas at health clinics; casas (brothels) at mga class na bar, nightclub at beer garden.
B. Mga gusali ng negosyo para sa mga middle at lower class na Pilipino tulad ng hotel room-service sa mga low-class na hotel; sauna at health clinic;
C. Mga gusali para sa mga espesyal na kostumer tulad ng pedophiles, gays, mga turista at escort services.
Sa kasalukuyan, talamak ang prostitusyon sa Kamaynilaan. Hindi ito limitado sa mga bahay aliwan, massage parlors at bars.21 May mga “hot
spots” din tulad ng malls, hotels, unibersidad, at mga pampublikong lansangan. Ilan dito ang mga sumusunod:22
A. Mga pampublikong lansangan – Blumentritt Extension, España Avenue, Lacson Street, F.Jocson Street, Bustillos Street, Kalayaan Avenue,
Makati Avenue, Rajah Solaiman Park, Barangay Catmon (Malabon), Gil Puyat Avenue corner F.Torres, Maynila, Cainta Junction, Ortigas
B. Bahay aliwan, massage parlors at bars – McBest Talent and Dance Studio (Sampaloc), Alexis Disco Club (Commonwealth Avenue), California
Red KTV Nightclub, Galaxy Karaoke Bar, Kagi Music Lounge, New Formosa Music Lounge (Mabini), Chevalier Karaoke Bar (J. Bocobo
Street), Rolex KTV (Quezon City), Pussy Disco Club (Roxas Boulevard), Boss John Restaurant and Coffee Shop, Top Ten Disco, New Plaza
Café, Grand Bingwit, Cocktail Lounge, Jielac Disco, Metallica, Miss Saigon, Catwalk Disco, Royal Fame, Narcissus Club, Space World KTV,
Ambassador, Dawn of Life Massage Parlor, Maalikaya Health Studio, Imperial Bath, atbp.
C. Commercial centers at malls – Greenbelt, SM Megamall, Manuela Department Store, Ali Mall, SM Harrison Plaza, atbp.
D. Hotel at inn – Malapit sa Shangri-La at Manila Peninsula (Makati), Grand Boulevard Hotel, Manila Hotel, Manila Midtown Hotel, Ramada,
Ang mga lugar na nabanggit ay itinuturing na hot spots ng prostitusyon na nagiging puntahan ng mga kostumer galing sa iba’t ibang antas ng
pamumuhay.
Ating tingnan ang ilan sa mga “first-hand experience” ng mga turista at dayuhan na naging kliyente ng prostitution dens sa bansa. (Mula ito sa
15:73:23-0400 Makati
“Mga 5-8 katao ang nakakalat sa paligid ng Manila Peninsula Hotel. Magkasing dami ang bakla at mga tunay na babae…May isa hanggang
dalawa lang na 9s (tumutukoy sa pagka-klase ng babae, 1-10, kung saan 10 ang pinakamataas para sa pinakamaganda). Yung mga mas magaganda
ay makikita sa mga kanto ng P. Burgos. Ang Dimples ay popular na puntahan. Gayundin ang Papillion. Iwasan ang Mogambo.”
09:09: 17-0700
Makati
“Sa kabila ng napakalakas na lathala ukol sa paglilinis ni Mayor Binay sa Makati, ang prostitusyon dito ay buhay na buhay sa iba’t ibang anyo…
ESCORT (room service)…Ang mga “yellow pages” ay karaniwang may mga numero ng “out-call” services (mga babaeng
puwedeng tawagan upang pumunta sa iyong hotel at doon ka pagseserbisyuhan nang sekswal). May kamahalan, karaniwan ay nasa
WOMEN’S DORMS (mga lugar kung saan may mga nakatirang prostitutes, mas kilala sa tawag na casa). Halos karamihan ng taxi
drivers ay alam ang mga lugar na ito. Karaniwan ay makikita sa mga “middle class” na kabahayan. Pero sa totoo ay bahay ng mga
prostitute. Papasok ka sa isang kuwarto na mayroong 10 hanggang 15 babae, uupo sa tabi mo ang isang bugaw upang tanungin kung sino
BURGOS DISTRICT (pugad ng bars at prostitutes sa Lungsod ng Makati). Matatagpuan dito ang 10 hanggang 12 bahay aliwan.
Lahat ay may bar fines at dapat na umorder ng “minimum” na inumin para makapanatili. Mga babae ang karaniwang nagpapatakbo ng
bars mula sa grado 5s-6s hanggang sa mga edukadang nasa 9s -10s ang postura….Ang gastos sa mga bahay aliwan ay nasa pagitan ng
ROGUES. Ito’y isang maliit na bar kung saan puwede kang uminom at mag-“table” ng babae sa pamamagitan ng isang Mama-san
o bugaw na babae.
PAPILLION. Ito’y isang bar na may mas mataas na presyo at katamtamang laki na entablado kung saan maraming babae ang
nagsasayawan.
Sa taas ng BOTTOMS PUB, ay ang INN Suites kung saan puwede kang magrenta ng kuwarto sa halagang P700 sa loob ng 3 oras.
Ang isang tipikal na bayad sa bar ay sa pagitan ng 8 hanggang 10 inumin na nagkakahalag ng P22. Ang ladies’ drinks ay nagkakahalaga ng
11 July 1997
Quezon City
PEGASUS, isang napakamahal na bahay aliwan, pero lahat ng babae ay nasa kartadang 9s –10s. Mayroon silang “stage shows”
kung saan lahat ng babae ay nakadamit pero puwede mong anyayahan ang kahit sino sa kanila na umupo sa tabi mo. Ang presyo sa
LEXUS, kung saan ang isang model ay nagkakahalaga ng P2,000 kung iyong kakausapin.
12 April 1998
ARRIANA STUDIO. Ang mga babae dito ay edukada at magaganda. Karamihan ay mga modelo na kinakapos sa kanilang
pangangailangan at mga estudyante sa kolehiyo na nangangailangan ng pangtustos sa pag-aaral. Kapag nakuha mo ang numero ng
telepono, tawagan si Arianna (manager ng studio) at sabihin na gusto mong magbigay ng kontribusyon. Maiintindihan na niya ang gusto
mong sabihin. Ang presyo ay nasa pagitan ng US$60 hanggang US$100 para sa tatlong oras, US$40 sa karagdagang mga oras.
Kung susuriin ang mga nabanggit na pahayag ng ilang dayuhan ukol sa karanasan nila sa prostitusyon bilang kostumer, masasabing
lantaran at talagang nagiging paraan na ng pamumuhay para sa marami nating mga kababaihan.
Sa kasalukuyan, may tinatayang 600,000 “prostitutes” sa ating bansa. Ito ay bunsod na rin ng pagtaas sa bahagdan ng walang trabaho na
tinatayang umabot sa 3.9 milyon noong 1999. Sa bilang na ito, 40% ay kababaihan.
May tinatayang 7 hanggang 8 milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa labas ng bansa at 60 hanggang 80% nito ay babae. Isa pang nakakapag-hikayat
ng prostitusyon sa bansa ay ang mga programang panturismo ng pamahalaan, na bagamat nagdudulot na dagdag kita ay lumilikha naman ng oportunidad
Ang Visiting Forces Agreement (VFA) ay sinasabi ring makapagpapalala ng prostitusyon sa bansa dahil sa pagdagsa ng puwersang Amerikano.
Ayon naman sa isang pag-aaral ng Bureau of Women and Minors ng Department of Labor and Employment, ang prostitusyon ay likha at mailalarawan
· Tao na nagpalaki sa bata: (ama at ina; ina lamang; kapatid, ibang kamag-anak, foster care
· Pagkamatay ng magulang
· Abusong pisikal
· Rape
Sinasabi sa pag-aaral na 29.6% ng mga lulong sa prostitusyon sa Kalakhang Maynila (base sa sample) ay nakaranas ng abusong pisikal at 9.9%
naman ang inabuso ng sekswal ng mas nakakatanda. May 25.9% naman sa kanila ang namatayan ng mga magulang at 28.4% ang may mga magulang na
“lasenggo/lasengga.” Ayon din sa pag-aaral, 60.5% ng prostitute sa Maynila ay nasa edad na 8 hanggang 24 taong gulang at 14.8 % naman ang nasa edad
Sanhi ng Prostitusyon
Masasabing ang primerang sanhi ng prostitusyon sa bansa ay ang kahirapan. Ganun pa man, malaking impluwensya din ang dulot ng
pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak, ang kulturang Pilipino at ang impluwensya ng dayuhan dito.
Sa pagbigay natin ng makasaysayang perspektiba, tinitingnan din natin ang ugat at pinanggagalingan ng prostitusyon. Marami nang mga pag-aaral
ang tumumbok sa mga dahilan kung bakit patuloy na lumalaganap ang prostitusyon.
Ang primerang motibo ng kababaihan, ilang lalake at bata sa prostitusyon ay ang kahirapan.24 Sa isang papel ng Third World Movement Against the
Exploitation of Women, pangunahing dahilan ay ang hirap sa kabuhayan na siyang “push-pull factor.”25
Pumapaloob sa kabuhayan sa bar (bar economy) ang maraming mga kababaihan sa prostitusyon ngayon. Marami ay mga ago-go dancer o
nagtatrabaho bilang mga receptionist. Itong mga tinataguriang receptionist ay nakiki-table o nakikipagsayawan sa mga customer ng bar. Ang mga babae
ay pinipili ng mga customer at, sa pamamagitan ng mga “mamasan” o “floor manager,” ay pinaparis sa mga customer para sa “ladies’ drink.”
Ang mga babae naman ay maaaring lumabas ng bar kasama ang customer na nagbabayad ng tinatawag na “bar fine” sa bar o club. Kadalasan,
ang bar fine sa maraming lugar sa Kamaynilaan ay mula P1,500 hanggang P5,000 depende sa klase ng bar. Ang paglalabas ng mga babae sa club o bar
kasama ang customer para makipag-seks ay bahagi na ng trabaho ng mga kababaihan. Sinasabing 5-10% sa bar fine ang pumupunta sa Mamasan. Pag
nabayad na ang bar fine, libre na ang babae para sa gabi na makipag-negosasyon ng kanyang presyo sa customer. Sa maraming bar, ang management
ay pinipilit ang mga babae na sumama sa sinumang lalake na may pambayad ng bar fine. Sa iba naman, ang babae ay pinapayagang magdesisyon kung
Sa ganitong mga transaksyon, ang mga operator ng bar ay naglalabag ng maraming karapatan ng mga manggagawa (tulad ng kawalan ng minimum
wage at vacation leave, imposisyon ng maraming regulatory fines kapag nag-absent o late o kapag nagkaroon ng boyfriend ang babae). Wala ring
th
remittance ng social security contributions, living allowance, 13 month pay, sick at maternity leave, at security of tenure. Wala ring karapatang
Ang pamahalaan, bagaman may mga pagbuwag at pagkilos na ginagawa laban sa prostitusyon, ay nawawalan pa rin ng lubos na pagpapatupad
sapagkat nariyan pa rin ang mga problemang bunga ng mas malalaking patakaran na pinatutupad sa bansa. Nang maging meyor ng Maynila si Alfredo
Lim, naipasara at nasugpo niya ang nightclubs at bars na nagiging dako ng bentahan ng laman. Ganun pa man, hindi maikakaila na maraming mga
prostitute pa rin ang palihim na nagbebenta ng laman at aliw o di kaya’y nagsilipatan sa katabing lungsod ng Pasay. Anupa’t ang nagiging epekto ng kahit
Marami na ngayong mga organisasyon at NGOs ng mga kababaihan ang tumatalakay sa isyu ng prostitusyon at tumutulong na isalba ang mga
kababaihan mula rito. Sila rin ay nag-oorganisa ng mga kababaihan sa lansangan upang ma-empower ang kababaihan sa “sektor” na ito. Ilan dito ang
Third World Movement Against the Exploitation of Women (TWMAE-W) at mga Belen Centers nito sa Maynila, Quezon City, Subic, Batangas, Cebu at
General Santos City; Women’s Crisis Center, Buklod, WEDPRO, Gabriela, etc.
Ang TWMAE-W, Buklod sa Olongapo at Dayang sa Quezon City ay nagtayo ng mga drop-in center para sa mga babae sa prostitusyon upang tulungan
sila sa kanilang rehabilitasyon. Ang centers na ito ay para bigyan ang kababaihan ng counseling, legal services, health courses, consciousness-raising,
skills training at night care para sa mga anak ng mga babaeng nagtatrabaho sa bars o club. Ang ginagawa ng TWMAE-W, na itinatag noong Dec. 10, 1980,
ay isang modelo sa gawain para sa mga kababaihan sa prostitusyon. Ang organisasyon ay may ilang mga outreach programs sa mga kababaihan sa
lansangan dahil ang layunin nito ay bigyan ng pag-asa at bagong pagkakataon ang mga nabiktimang babae. Itinayo ng TWMAEW ang ilang Belen Centers
bilang drop-in center sa mga nabiktimang babae sa Ermita at Quezon City, at upang tulungan ang kababaihan na mamulat at bumalik sa normal na buhay.
Ilan din sa mga NGOs na nagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga biktima ng industriyang prostitusyon ay ang mga sumusunod:
1. Ang Remedios Training Center – ito ay para sa edukasyon at training ng mga bata at kababaihan upang sila ay muling bumangon mula sa dati nilang
2. Remedios AIDS Information Center – ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng AIDS at HIV sa bansa. Ilan sa mga programa nila ay ang AIDS Hotline
3. Dayang Women’s Center para sa empowerment ng kababaihan na dating nasa mga bar.
5. Council for Health and Development upang tulungan ang kababaihan sa kanilang kalusugan, lalo na sa mga nais umalis na sa trabaho sa bar o sa
lansangan.
Magpapatuloy sa paglala ang kaso ng prostitusyon sa Maynila. Ang basehan ay ang patuloy na paglala ng kahirapan at kawalan ng disenteng trabaho.
Isama pa rito ang mga patakarang pang-turismo, pang-empleyo at pang-militar na ipinatutupad ng ating gobyerno. Ang hindi katanggap-tanggap ay ang tila
pagsasa-legal ng gobyerno sa prostitusyon bilang isang uri ng kalakal. Isang matibay na batayan dito ay ang pagbibigay ng working and health permits sa
mga tinatawag na “commercial sex workers.” Ito marahil ay isang paraan upang mabigyang luwag ang pamahalaan sa mga problemang pang-ekonomiya
Sa mga darating pang araw, siguradong madaragdagan ang bilang ng mga “commercial sex workers” hindi lamang sa Kamaynilaan kundi pa na rin sa
Bibliographiya
Aklat:
Barry, Kathleen. The Prostitution of Sexuality. New York: New York University Press, 1995.
Black, Maggie. In the Twilight Zone: Child Workers in the Hotel, Tourism and Catering Industry. Geneva: ILO, 1995.
Brock, Rita. Casting Stones: Prostitution and Liberation in Asia and the United States. Minneapolis: Fortress Press, 1996.
Calalang, L.M. Situation of Young Women in Prostitution-related Occupations in the Philippines.Manila: Department of Labor and Employment, Bureau
De la Coste, Frederique, et al. Sex Work: Writings by Women in the Sex Industry. Chicago Press, 1991.
Lim, Lin Lean. The Sex Sector: The Economic and Social Bases of Prostitution in Southeast Asia. Geneva: International Labor Organization, 1998.
Sobritchea, Carolyn. Gender Violence: Its Socio-Cultural Dimensions. UP Center for Women’s Studies, Univesity of the Philippines Press, 1999.
Sturdevant, Saundra. Let the Good Times Roll: Prostitution and the US Military in Asia. The New Press, 1992.
Truong, Thanh-dam. Sex, Money and Morality: Prostitution and Tourism in Southeast Asia. Zed Books Ltd, 1990.
United Nations. Universal Declaration of Human Rights: In Human Rights—A Compilation of International Instruments.UN: 1978.
Mga Artikulo:
Anonuevo, C. “Prostitution in the Philippines,” sa National Council of Churches in the Philippines, Cast the First Stone. Quezon City: NCCP, 1987.
th
Camagay, M.L.T. “Prostitution in 19 Century Manila” Philippine Studies (Manila), Vol. 36, pp. 241-245, 1998.
Coalition Against Trafficking in Women – Asia. “Legitimizing Prostitution as Sex Work: UN Labor Organization Calls for Recognition of the Sex
___________Struggle Against Sexual Exploitation and Prostitution: A Philippine Perspective (mimeographed), Manila, 1991.
De la Cruz, Pennie Azarcon. “Filipinas for Sale: An Alternative Philippine Report on Women and Tourism,” Philippine Women’s Research Collective,
1985.
Dery, L.C. “From Palomar to Gardenia: A History of Prostitution in the Philippines.” Sunday Inquirer Magazine, July 4, 1993.
Gabriela Commission on Violence Against Women. A Situationer, Philosophy and Program of Action, mimeographed, Manila, 1987.
Hoffman, Cecilia. “Questions and Issues on Prostitution: What We Need to Know”. CATW-Asia, Greenhills, Mandaluyong, Philippines, 1994.
Imperial, Reynaldo, et al. “An Ethnography of Male Sex Workers in the Philippines,” UP Manila Journal, vol. 2, no. 4. October - December, 1996. p.4-5.
ISIS International, “Let Our Silenced Voices Be Heard: The Traffic in Asian Women”, Manila, 1995.
Third World Movement Against the Exploitation of Women (TWMAE-W), Empirical Data on Filipina Prostitutes as Basis for Programming”, Feb. 8,
1993 (Typewritten).
____________, “ Third World Movement Against the Exploitation of Women’s Work With Prostitutes,” 1990 (typewritten).
Women’s Education, Development, Productivity and Research Organization (WEDPRO), “WEDPRO Survey Report on Women in the ‘Entertainment’
___________, “From Manila, Angeles and Olongapo to Cebu and Davao: The Continuing Lives of Women in the ‘Entertainment’ Industry”. Quezon City:
Wihtol, R. “Hospitality Girls in the Manila Tourist Belt”, Philippine Journal of Industrial Relations (Manila), vol. 4, Nos. 1-2.
Women’s Legal Bureau.”Against Prostitution, For the Women in Prostitution.” Women’s Legal Bureau, Inc. 1998.
Mga Panayam:
Ms. Raquel Ignacio, Head Organizer, Bukluran ng mga Kababaihan sa Lansangan, July 10, 2002.
PAGSUSUMA AT KONKLUSYON
Ipinapakita ng tatlong bahagi ng pag-aaral na ito kung paano ang mga salat sa buhay na siyang pinakamarami sa Pilipinas ay lalo pang napapahirapan
dahil sa mga patakaran ng pamahalaan. Itinuturing sila ng pamahalaan bilang problema lamang ng lipunan at mga walang pakinabang. Laging binabatikos
ng gobyerno ang uring manggagawa sa Pilipinas na masyadong mababa ang produktibidad at bagkus ay hingi pa nang hingi ng dagdag sa sahod. Ang mga
maralitang tagalunsod naman, lalo na ang mga iskwater, ay tinatrato ng gobyerno bilang mga dumi ng lipunan na dapat itapon sa mga malalayong lugar na
parang mga basura. Ang mas masama ay pinagkikitaan pa ng pamahalaan ang mga maralitang tagalunsod sa pagbebenta sa kanila ng mga bahay na
lampas naman sa kakayahan ng mga mahihirap dahil di naman sila binibigyan ng trabaho. Sa pagtapon sa mga maralita sa malalayong lugar, lalo rin
Ang kalagayan naman ng mga tinatawag ng lipunan na mga babaeng mababa ang lipad ay mas masahol dahil sa araw-araw na pagtitiis nila
habang ginagamit sila bilang mga kasangkapan, ang araw-araw na pagkawala nila ng dignidad bilang tao. At sa halip na tulungan sila ay tinuturing pa sila
ng pamahalaan bilang mga kriminal ng lipunan. Dahil ang mga babaeng nagbebenta ng katawan ay naghahangad din naman na maging mga disenteng tao,
Bagaman ang pokus ng pag-aaral na ito ay sa Kamaynilaan, ang sentro ng pamahalaan ng Pilipinas kung saan makikita ang lahat ng mga punong
himpilan ng mga ahensiya ng gobyerno, masasabi na ang kalagayan ng mga manggagawa, mga maralitang tagalunsod at prostitutes sa labas ng
Kamaynilaan ay di nalalayo, at maaaring mas masahol pa ang kalagayan. Ang kahirapan ng tao sa mga probinsiya sa Pilipinas ay pinapamalas ng
malaking migrasyon mula dito tungo sa mga lungsod, lalo na tungo sa Kamaynilaan. Ang kawalan ng mga programang pangkabuhayan para sa mga
maralitang Pilipino sa mga probinsiya ay siyang nagtutulak sa kanila upang magkipagsapalaran sa Kamaynilaan. Mayroon silang malaking akala na
makakahanap sila ng kaginhawaan sa lungsod, ngunit di magtatagal ay mabibilang din sila sa mga salat sa Kamaynilaan na naging paksa ng ating
pag-aaral.
Ang kawalan ng pagkakataong mabuhay nang maayos sa kanayunan, bukod sa kakulangan sa kita sa maliit na lupang sinasaka dahil sa mga
patakaran ng mga panginoong maylupa doon, ay dulot din ng pagpapalit ng gamit sa lupa (land conversion), na ginagawang patakaran ng pamahalaan. Ang
pagpapalit ng gamit sa lupa o kumbersyon ng lupa, na malawakang inilunsad noong mga unang taon ng 1990s, ay bahagi ng programa ng gobyerno na
buksan ang mga ito sa mga dayuhang imbestor bilang mga industrial estate, subdibisyon o lugar aliwan, kagaya ng mga resort at golf course para sa mga
maykaya.
Ang ugat ng kahirapan ng mayoryang tao sa Kamaynilaan ay kaugnay din ng maling programang pag-unlad ng gobyerno. Nagsisikipan ang mga tao sa
Kamaynilaan dahil sa diskriminsasyon ng pamahalaan sa mga mahihirap sa kanayunan at pagpabor nito sa mga mayayaman, lalo na sa mga dayuhan.
Sa Kamaynilaan, kung saan ang bilang ng mga nabubuhay sa ilalim ng lebel ng kahirapan ay lumaabot na sa 7 milyon o 70% na ng 10 milyung
naninirahan dito, ang mga batas ng pamahalaan ay patuloy pa ring kumikiling sa mga mayayaman. Nandiyan ang tuloy na pagtaas ng presyo ng langis,
ang pagbigay ng kakarampot na sahod (P323/araw) sa mga manggagawa, pagtaas ng mga bilihin, pagkunsinte sa mga pang-aabuso ng mga kapitalista,
pagpaalis sa mga iskwater sa pamamagitan ng marahas na demolisyon at pag-aresto sa mga taong nagbebenta ng katawan.
Di kataka-taka na sa ganitong patakaran, lalong magdudusa ang mga mahihirap, at lalong yayaman ang mga mayayaman. Ito ang kadahilanan
kung bakit lalong ruramarami ang mga walang bahay, mga babae sa sex trade, mga kriminal at mga manggagawang walang trabaho sa Kamaynilaan.
Dahil sa nababatid nilang walang maasahan sa pamahalaan na kaginhawaan, ang mga salat ng Kamaynilaan ay natutong umasa sa sarili upang
makamtan ang kaligtasan. Nag-oorganisa sila sa mga pagawaan, komunidad at iba pang lugar kung saan sila ay nagsasamahan. Masasabi na ang
pinakaabanteng puwersa sa gawaing ito ay ang uring manggagawa, dahil ang pakikibaka nila sa pamamagitan ng organisasyon ay matatahak pa natin
noong panahon ng mga Kastila sa pagbuo nila ng Katipunan. Ngunit, nabigo ang Katipunan dahil sa sumanib ito sa puwersa ng mga burgis, mga
mayayaman, sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo. Ipinagbili ni Aguinaldo ang mga rebolusyonaryo sa mga Kastila sa pamamagitan ng Pakto ng
Biak-na-Bato. Muling trinaydor ang mga rebolusyonaryo nang makipagsabwatan ang mga burgis sa mga Amerkano noong 1898.
Ang leksyon ng kasaysayan ay nagpapahiwatig na upang makaalpas ang mga uring api sa pagsasamantala ng mayayaman, kailangan
makahubog sila ng sariling ideyolohiya. At may ideyolohiya na maaaring gamitin nila upang labanan ang ideyolohiya ng mga burgis na siyang
Ang pakikibaka na may perspektibang sosyalista ay maaaring pagkaisahin ang iba’t ibang uri at sektor ng lipunan na pinagsasamantalahan ng mga
dayuhan at mga kaalyado nito sa ating bayan. Ang mga maralitang tagalungsod, na binubuo ng iba’t ibang uri ng lipunan tulad ng mga manggagawa,
mala-manggagawa at mga maliliit na burgis, ay madaling mahihikayat sa ideolohiyang sosyalismo dahil ang mga programa nito ay tumutuligsa sa
pagkontrol ng mga mayayaman sa kalakal at serbisyo ng lipunan at paglipat nito sa kamay ng mga uring salat sa lipunan.
Bagamat ang pag-oorganisa ng mga maralitang tagalunsod ay naalanta noong dekada 70, lumalakas naman sa kasalukuyan ang kanilang mga
samahan na may layuning pulitikal at hindi lamang pangkabuhayan o pang-ekonomikal. Ang mga babaeng napipilitang maglako ng dangal ay watak-watak
at wala pang organisasyon, kaya napakasidhi ng pang-aapi sa kanila, mula sa pambubugbog at pambababoy ng mga kostumer hanggang sa pag-aabuso
sa kanila ng mga bugaw at pulis. Ngunit, maaaring ipaloob na lamang sila sa mga organisasyon ng mga maralitang taga-lunsod imbes na magtayo pa sila
ng hiwalay na samahan. Ang magtayo ng hiwalay na samahan ay peligro para sa kanila dahil itinuturing silang kabilang sa mga kriminal ng lipunan.
Ang mga mahihirap sa Kamaynilaan ay siyang may pinaka-malawak na mga organisasyon kung ikukumpara sa mga dukha sa labas sa rehiyong ito.
Sa Kamaynilaan ay matatagpuan ang 60% ng uring manggagawa sa Pilipinas at lampas sa 3 milyung mga maralitang tagalungsod. Nandito rin ang
konsentrasyon ng mga taong nagbebenta ng mga dangal, babae at lalaki, kasama na ang mga batang puta sa mga lansangan. Kailangang lalong
pag-ibayuhin ang kilusang tungo sa pagbabago ng lipunan na may perspektibang sosyalista di lamang sa Kamaynilan kundi na rin sa kanayunan na
lumalakas sa kasalukuyan. At sa daluyong na matagal nang itinatagong galit ng namulat na mayorya ng bayan, malilibing ang mga katiwalian at
Bottom of Form
1 Clark, Victor Selden, “Labor Conditions in the Philippines”, Bulletin of the Bureau of Labor, Washington, Government Printing Office, 1905, pp. 82
2 Datos, Bolyum XII, Bldg. 1 EILER, P. 21, halaw mula sa “Memoirs of the KKK and the Philippine Revolution” ni Dr. Pio Valenzuela (makininalyadong
kopya); salin sa Ingles ni Luis Serrano, mula sa aklatan ni Atty. Leno T. Garcia.
3 Ibid.
4 Mula sa pananaliksik ni Dr. Celly Boncan ng Departamento ng Agham at Sining, Kolehiyo ng Agham at Sining, University of the Philippines Manila.
5 “Philippine Labor Newspaper and Periodicals, 1900-1930”, Cultural Research Bulletin, Vol. 1, no. 5, April-May 1978, pp. 4
8 Philippine Islands, Office of the Welfare Commission, Annual Report 1923, pp. 137-183, galing sa Manila, 1900-1941, Daniel F. Doeppers, Ateneo de
9Communisim in the Philippines, Book 1, Historical Commission, Partido Komunista ng Pilipinas, 1996, pp. 75.
10 Ibid., p. 103
12 Report of the Activity of the World Federation of Trade Unions to the Second Congress of Trade Unions’, Paris, 1949, pp. 22.
13 Levinson, G.I., The Workers’ Movement in the Philippines, Moscow, 1957, pp. 57.
14 Gabay sa Tunay na Unyonismo, Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER), 1995, pp. 240
16 Nassa News, a monthly publication of the National Secretariat for Social Action, Justice and Peace, vol. X, no. 4, May 1978, pp.18
21 Datos, Bolyum XIV, Blg. 2, Hulyo-Disyembre 1997, Ecumenical Institute for Labor Education and Statistics Research, p. 29.
23 Ang kabuuang bilang ng mga manggagawa, kasama ang mga sahuran o suwelduhan, sariling empleyo at di binabayarang katulong ng pamilya ay 27.88
25 Ibid.
26 Mas mababa ang sahod ng mga manggagawang nasa labas ng Kamaynilaan: P175 ang pinakamataas at P131 pinakamababa. Ihambing ito sa
pang-araw-araw na gastos para sa isang pamilyang may anim na miyembro sa labas ng Kamaynilaan na P330.543 sa sektor ng agrikultura at P311.29
para sa iba pang sektor (IBON 1998 Midyear Briefing, pp. 21).
29 Ang pagdami ng mga myembro ng mga unyon sa NCR ay kinukukwestyon ng isang pag-aaral ng Ecumenical Institute for Labor Education and
Research (EILER). Ayun sa EILER, “mula noong 1990 hanggang 1995, nadagdagan lamang ng 367 na unyon sa NCR, pero dalawang milyon ang
nadagdag na kasapi. Sa bilang na ito, lalabas na mahigit 5,000 bawat unyon ang karaniwang kasapian--bagay na mahirap matagpuan sa kalakha’y mga
empresa na mababa pa sa 20 manggagawa ang empleyo.” (Datos, Bolyum XIV, Blg. 2 Hulyo – Disyembre 1997, EILER, pp. 32).
1 Kathleen Barry. The Prostitution of Sexuality (New York: New York University Press, 1995), p25.
th
2 M.L.T. Camagay, “Prostitution in 19 Century Manila” Philippine Studies (Manila, 1988), vol. 36, pp. 241-245.
3 L.C. Dery, “From Palomar to Gardenia: A History of Prostitution in the Philippines,” Sunday Inquirer Magazine, July 4, 1993.
4 C. Anonuevo, “Prostitution in the Philippines” sa National Council of Churches in the Philippines, Cast the First Stone (QC: NCCP, 1987), p. 43.
5 Lin Lean Lim, The Sex Sector: The Economic and Social Bases of Prostitution in Southeast Asia, (Geneva: ILO, 1998,) pp. 27-28.
6 Ibid. p. 28.
7 Third World Movement Against the Exploitation of Women. Third World Movement against the Exploitation of Women’s Work With Prostitutes (1990),
typewritten.
8 Third World Movement against the Exploitation of Women. “Philippine Country Report” (1997), typewritten.
9 A.J. De Dios.” Struggle Against Sexual Exploitation and Prostitution: A Philippine Perspective”(mimeographed), 1991, p. 12.
10 Pennie Azarcon de la Cruz. “Filipinas For Sale: An Alternative Philippine Report on Women and Tourism”(Philippine Women’s Research Collective,
11 R. Wihtol, “From Manila, Angeles and Olongapo to Cebu and Davao: The Continuing Lives in the Entertainment Industry” (Quezon City: Wedpro),
1994.
12 Gabriela Commission on Violence Against Women. A Situationer, Philosophy and Program of Action (mimeographed), 1987.
13 Third World Movement against the Exploitation of Women, “Empirical Data on Filipina Prostitutes as Basis for Programming.” Feb. 8, 1993.
14 ISIS International, Let Our Silenced Voices be Heard: The Traffic in Asian Women. Manila, 1995.
15 Cecilia Hoffman. Questions and Issues on Prostitution (CATW-Asia: Greenhills, Manadaluyong, Philippines), 1994.
16 Buklod Center. Hospitality: What Price? (Olongapo City: Arbee Printhouse, 1992), p.10.
17 Carolyn Sobritchea. Gender Violence: Its Socio-Cultural Dimensions(UP Center for Women’s Studies, UP Press, 1999).
18 Saundra Sturtevant. Let the Good Times Roll: Prostitution and the US Military in Asia (The New Press, 1992), p.105.
19 Maggie Black. In the Twilight Zone: Child Workers in the Hotel, Tourism and Catering Industry (Geneva: ILO, 1995), p. 40.
20 Arnel de Guzman. Goddesses of the Lust Triangle: An Excursion into Manila’s Erotic Dance Industry, (Manila: Media Gallery, 1996), p. 42.
21 Panayam kay Raquel Ignacio, Head Organizer, Bukluran ng mga Kababaihan sa Lansangan, July 10, 2002.
23 L.M. Calalang. Situation of Young Women in Prostitution-related Occupations in the Philippines (Manila: DOLE, Bureau of Women and Minors, 1985)
pp. 27-29.
24 Reynaldo Imperial, et al. “An Ethnography of Male Sex Workers in the Philippines,” UP Manila Journal, Vol. 2, No. 4 Oct.–Dec. 1996.
25 Third World Movement Against the Exploitation of Women, Country Report, 1997 (typewritten), p. 3.
27 Panayam kay Raquel Ignacio, head organizer, Bukluran ng mga Kababaihan sa Lansangan, July 10, 2002.
and your IP