Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

304 P. Herrera St.

Tundo, Maynila
Febrero 28, 2010

Ginang Maria Elma Cordero


Puno ng Kagawaran sa Filipino
The National Teachers College,
Quiapo, Maynila

Pinagpipitaganang Ginang Cordero:

Ako si Javin Palacay Sunglao, isang mag-aaral na magtatapos ng


Bachelor in Secondary Education, major in Filipino sa The National
Teachers College ngayong semestre, ay lumiliham sa inyo upang
ipaalam ang aking pagnanais na mag-aplay bilang instruktor sa
Kagawaran ng Filipino.

Noong nasa elementarya pa lamang ako, sa inspirasyon ng aking mga


guro, pinangarap ko na ang magturo sa Filipino. Ngayon, lumiliham
ako sa inyo, nagtatangkang tuparin ang pangarap na ito sa ating
departamento.

Alam ko pong marami pa akong kakulangan, at hindi rin ako kandidato


sa pagka-Laude dahil sa aking mga kakulangan noong aking unang
taon. Handa kong punan ang mga kakulangan na iyan, handa akong
matuto pa. Subalit ito ang ang aking sinisiguro sa inyo—higit sa Laude,
mayroon akong maiiaambag sa ating disiplina sapagkat ako ay may
pagmamalasakit sa Panitikang Filipino. Sakaling tanggapin ninyo ako
sa departamentong ito, tinitiyak kong magiging masigasig ang aking
pagtuturo sa aking mga mag-aaral. Tinitiyak kong mayroon silang
matututunan mula sa akin, at akin itong isasakatuparan sa isang
nakasisiyang paraan. Ako ay may tiwala sa aking sarili na kaya ko
itong gawin.

Mapapatunayan ng kalakip na resume ang tunay kong pagkatao at ang


aking pag-aaral. Ako ay laging handa para sa interbyu sa anumang
oras at kung nais ninyo akong makapanayam, maaari ninyo akong
tawagan sa telepono bilang 247-23-14 o sulatan sa tirahan na
nakatala sa itaas ng liham na ito.

Maraming salamat at malugod na pagbati!

Lubos na gumagalang,

Javin P. Sunglao
Javin P. Sunglao
Javin P. Sunglao

304 P. Herrera St. Tundo, Maynila

09092001313/ 09052675030, Jhayvhine_16@yahoo.com

_____________________________________________________________________________

Layunin:

Maging isa sa mga guro sa Filipino sa The National

Teachers College

Karanasan:

On Campus, Mataas na Paaralang Rajah Soliman

Urbiztondo, Binondo, Maynila

Kasanayan:

Mahusay sa iba’t ibang asignatura, marunong magsulat

ng sanaysay, magaling sa pagtatalumpati, pagsulat slogan at tula.

Edukasyon:

•Isabelo Delos Reyes Elementary School……………………………….……..2005

•Rajah Soliman High School………………………….…………………………..…..2009

•The National Teachers College, BSED, Major in Filipino……….………2013

Mga karangalang natanggap:

•Ikatlong gantimpala sa Pagtatalumpati……………………………….NTC, 2009

•Ikalawang gantimpala sa Amazing Race…………………………....NTC, 2009

•Unang ganimpala sa Pagsulat ng Slogan……………...............NTC, 2009

•Ikatlong gantimpla sa Psychology Quiz bee…………….……......NTC, 2010

•College Scholar………………………….………………………….....…NTC, 2009-2010


•Infantado-Ylagan Awardee………………Rajah Soliman High School, 2009

•Ikatlong gantimpala sa Jingle Contest…………………….………. RSHS, 2009

•Ikatlong gantimpala sa Pagtatalumpati...........................RSHS, 2008

•Ikatlong gamtimpala sa Balagtasan……………………………………RSHS, 2008

•Unang gantimpala sa Pagsulat ng Slogan……………………….…RSHS, 2008

•Unang gantimpala sa Pagsulat ng Slogan……...…………………RSHS, 2007

•Top Eight sa Klase…………………Isabelo Delos Reyes Elem. School, 2005

•Top Two sa Klase…………………........……...Madrid Learning Center, 1999

Opisyal ng mga sumusunod na organisayon:

Sgt. at Arms……………………...……….Rotary Club of Raha Sulayman, 08-09

Assistant Secretary………………………………....…..Citizen Drug Watch, 08-09

Secretary…………………………………………..………………………Debate Club, 08-09

Secretary…………………………………………………......………...English Club, 09-10

Character References:

•Bb. Leona Baluyot, PLM Student, 309 P. Herrera St. Tundo, Maynila

•Ginang Bernadette Pamattian, Guro sa Filipino, Sampaloc, Maynila

•Bb. Imelda dela Cruz, Guro sa Araling Panlipunan, Caloocan, Maynila

You might also like