Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BABY LUCHO NINA JUDY ANN SANTOS AT RYAN AGONCILLO, NABINYAGAN NA!

SA SABADO NA raw ang dating ni Manny

Pacquiao at siyempre inaasahan na ang

mainit na pagtanggap sa kanya ng mga

kababayan natin, at sana matuloy ang

guesting niya sa Startalk para sa amin

ang kauna-unahang live appearance

pagkatapos ng matagumpay niyang laban

kay Antonio Margarito.

Siyempre, bukod sa malaking karangalan

ang maiuuwi nito, mas concern ko ang

malaking datung na dala niya. Sana

maharbatan ko siya niyan!

Bongga nga si Manny dahil buong mundo

ang pumupuri sa kanya at ang kuwento

nga sa Tweetbiz, mga Hollywood

celebrities ang nagpu-post sa Twitter account nila na talagang pinupuri ang ating Pambansang Kamao.

Bibigyan din siya ng parangal ng Malacañang at ng mga kapwa niya kongresista.

Kaya lang nu’ng pagkatapos ng laban niya, na-phone patch interview siya sa Showbiz Central. Parang

napagod na ito sa interview at ang ibang mga tanong ay hindi na niya nasagot.
Nang napanood ko naman ang phone patch niya sa ABS-CBN 2, parang mas masigla siya roon at

accommodating siya sa mga tanong.

Ilang beses pa niyang sinasabing Kapamilya rin siya, kahit alam naman ng lahat na Kapuso siya at

may programa siya sa GMA-7.

Medyo na-upset lang ako du’n bilang kapwa niya Kapuso.

Pero, iniisip ko na rin na kilalang national figure na rin naman si Manny, hindi lang siya dapat ma-

identify lang sa GMA-7 kundi para sa lahat.

Baka pinagbibigyan niya ang mga taga-Dos dahil hanggang phone patch lang naman siya roon. Sa

GMA-7 pa rin naman kasi ang exclusive na live appearance niya.

Sige na nga! Abangan na lang natin ang pagdating niya sa Sabado dahil marami pa siyang isyung

dapat sagutin.

Isa na rito ang sinasabi ng ilang boxing analyst at kahilingan na rin ng Nanay Dionisia niya na sana

last na niyang laban ‘yun.

Parang hindi pa rin kasi titigil si Manny hangga’t hindi pa nito nakakalaban si Floyd Mayweather.

BONGGA TALAGA SINA Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, naitago na naman nila ang pagpapabinyag

sa anak nilang si Baby Lucho.

Noon pa man ay sinasabi na ng mag-dyowa na gusto nilang very private ang pagpapabinyag sa

kanilang anak, at natuloy nga ito nu’ng nakaraang Linggo na ginanap sa Hillsborough Chapel sa

Alabang.

Kuwento ni Mommy Carol, dalawang pares lang daw ang ninong at ninang, pero saka na raw niya ito

ikukuwento sa amin sa Startalk.

Naintindihan naman namin kung gusto munang itago nina Juday dahil sinasabi naman nila noon pa na

kung puwede, ii-enjoy muna nila ang privacy ng kanilang anak.

Kaya hintayin na lang natin kung kailan na sila handang ipakilala ang kanilang anak.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kuwentong iyan dahil susubukan daw ni Joey de Leon na ma-

interview si Ryan at siyempre may tsika rin si Mommy Carol sa atin.

You might also like