Shalani Soledad

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SHALANI SOLEDAD, ASIWA SA LANTARANG PANLILIGAW NI WILLIE REVILLAME!

MAINIT ANG PAGTANGGAP sa ating

People’s Champ na si Manny Pacquiao na

dumating na nu’ng nakaraang Sabado.

Magmula nang dumating ito hanggang

kahapon, dineklara nang Manny Pacquiao

Day, kaya masaya ang lahat, kung saan

nakiisa na rin ang halos lahat na mga

Kapuso stars sa pag-celebrate sa

Pacquiao Day ng GMA-7.

Na-interview nga namin si Manny sa

Startalk at hindi pa rin sinagot ang gusto

kong malaman kung magkano ang kinita

niya sa nakaraang laban niya kay Antonio

Margarito.

Sulit na sulit naman ang lahat ng bugbog sa katawan niya, dahil ang tantiya, mahigit isang bilyong

piso raw ang kinita nito. Bongga, ‘di ba? Pero hindi ko pa rin siya naharbatan, huh!

Sinabi na rin ni Manny na kaya pa rin daw niyang lumaban at siyempre, dapat mas malakas na ito na

iisa lang naman ang inaasahan ng lahat, si Floyd Mayweather, Jr.


Nagpa-survey nga kami kung sino ang gusto nilang makalaban ni Manny sa susunod nitong laban, ang

laki ng lamang ni Mayweather kaysa kay Shane Mosley na isa rin sa pinag-uusapang posibleng

makalabaan nito.

Kung sakaling matuloy ito, siguro ito na ang huling laban niya at dapat na siyang magretiro at mag-

concentrate sa kanyang responsibilidad bilang representative ng Saranggani.

TINANGGAP KO NA ngang ako ang mag-manage kay Shalani Soledad kaya sa mga nagtatanong kung

bakit nasa Willing-Willie ako nu’ng nakaraang Biyernes, nagkausap lang kami roon para ayusin at pag-

usapan ang career plan niya.

Isa pa sa gusto kong obserbahan, kung talagang seryoso ba itong si Willie sa panliligaw niya kay

Shalani.

Kasi naman, hindi na itinatago ni Willie. Hayagan na ang panliligaw nito kay Shalani at hindi naman

kumportable rito ang dalaga.

Kaya pinababantayan na sa akin. Abangan na lang natin kung magiging pursigido ba si Willie sa

panliligaw niya.

Wala namang balak si Shalani na mag-artista. Okay na sa kanya ang hosting at mas gusto niya ang

public service program dahil may kinalaman naman ito sa kanyang political career.

Mabuti nga at maraming malalapit itong kaibigan na willing tumulong sa kanya, kaya hindi naman

gaanong nahirapan si Shalani.

Maraming nagtatanong sa akin kung bakit tinanggap ko ang pagma-manage kay Shalani. Sagot ko na

lang sa kanila, para inisin ko na lang si Kris Aquino, ha-ha-ha!

CONGRATULATIONS PALA SA alaga kong si Gladys Reyes dahil nagsilang na ito ng baby boy nila ni

Christopher Roxas nu’ng nakaraang Sabado ng umaga via caesarian operation.

May timbang na 6.8 lbs at 50 cms ang haba. Kuwento ni Gladys, kamukhang-kamukha raw ni

Christopher, kaya ang guwapo siyempre.

Siguro last na muna ‘yun sabi ni Gladys dahil nakatatlo na sila. Mabuti na ‘yung maalagaan daw nila

nang mabuti.

Isa sa unang dumalaw kay Gladys ay ang bestfriend niyang si Judy Ann Santos na halos kasabay nga

nitong nagbuntis.

You might also like