Tinalakay ang ortograpi2 ng Tagalog at Filpino. Ipinakita ang kalinawan
(‚transparency‛) ng ortograpi ng Tagalog, at ang paglabo ng ortograpi ng Filipino nang dagdagan ng ilang letrang banyaga. (Malaking tulong sabilis ng pagtutong bumasa at sumulat ang malinaw na ortograpi.) Sinuriang pangngangatwiran sa pagdagdag ng mga letra sa Filipino, atpinagdudahan na may pakinabang ang nasabing hakbang. Sa bandanghuli, tinangkang sinupin sa ilang tuntunin ang pagbaybay ng mga salitasa Filipino. Abstract The orthographies of Tagalog and Filipino are discussed. The papershows the remarkable transparency of the orthography of Tagalog, andthe opacity of the orthography of Filipino with the addition of foreignletters.(A transparent ortography is a major factor in learning readingand writing.) The argument for the addition of foreign letters and soundsto the orthography of Filipino was examined, and found to be lacking inmerit. Finally, an attempt was made to capture into a few generalstatements the rules for spelling Filipino words. Isang pundamentong tanong tungkol sa ortograpi ng isang wika angkung ano ang element ng wika na dapat itala ng ortograpi, at kung paanoito itatala (tingnan ang pagtalakay sa Sproat 2000). Sapagkat ang 1 Papel na babasahin sa 1st Philippine Conference-Workshop on Mother Tongue- Based MLE. Cagayan de Oro City, Philippines, Pebrero 18-20, 2010. 2 Sa papel na ito, ang baybay ng mga hiram na salitaay batay sa bigkas sa English, hindi sa Spanish (hal., ortograpi, hindiorto grap iy a). Palaon nang palaon,ang mga konsep na isasalin ay kuha sa mga talastasan sa English, at angmagsasalin at babasa ay matatatas sa English, hindi sa Spanish. Ang papel na itoay magbibigay ng pagkakataong suriin ang kalalabasan ng ganitong pagbaybayng mga hiram na salita. Sa pagsusuri, bigyan ng pataan ang bagay na ang anomang hindi nakasanayan ay may lahid ng pagkakabanyagan. Malalim angmagiging ipekto nito sa bokabularyo. Halimbawa, angbokabulari ay magigingpangunahing baybay, at angbokabulary o ay ‘lumang’ baybay. May hinuha angmay-akda na may mga ‘lumang’ baybay na magtatagal ang gamit, halimbawa,mga salita na nagtatapos sa -ibo/-ib (komprehensibo vs.kom preh ensib),-sado/-ays(modernisadovs.modernay s). 2 pangunahing layon ng ortograpi ay para makatulong sa ipisyentengpagbasa at pagsulat, kung gayon, makatwirang ang yunit ng wika napagtutuunan ng ortograpi ay iyong may pinakamalaking tulong sapagbasa at pagsulat. Isang gabay sa paghusga sa kahusayan ng isang ortograpi ang kalalimanng ortograpi (‚ortographic depth‛). Sa mga ortograpi na ang iskript ayalpabetik, tulad ng Filipino, ang lalim ng ortograpi ay sinusukat ayon sakatapatan ng tambalan ng grapem at tunog. Kung ang tambalan aysumusunod sa tuntuning ‚Isang tunog isang marka, at isang marka isang tunog‛ (tatawagin natin ang tuntuning ito nai sa-s a- isa), ang ortograpi ay mababaw (‚shallow orthography‛)3 o ortograping malinaw (‚transparent ortography‛). Ang kabilang-dako ay ortograping malalim (‚deep orthography‛) o ortograping malabo (‚opaque orthography‛), at dito, hindi regular ang tumbasan ng grapem at tunog, kayat hindimakakasiguro sa tamang bigkas kung ang titingnan lang ay ang mgaletra at lalapatan ng simpleng tuntuning letra-sa-tunog. Tinatanggap naang mababaw na ortograpi ay nakapagpapadali sa pagbasa at pagsulat.4 Isa sa pinakamalalim na ortograpi ang English5. Maraming tunog saEnglish ang may mahigit sa isang baybay, halimbawa, ang tunog na [k]ay may 12ng baybay. 2 pangunahing layon ng ortograpi ay para makatulong sa ipisyentengpagbasa at pagsulat, kung gayon, makatwirang ang yunit ng wika napagtutuunan ng ortograpi ay iyong may pinakamalaking tulong sapagbasa at pagsulat. Isang gabay sa paghusga sa kahusayan ng isang ortograpi ang kalalimanng ortograpi (‚ortographic depth‛). Sa mga ortograpi na ang iskript ayalpabetik, tulad ng Filipino, ang lalim ng ortograpi ay sinusukat ayon sakatapatan ng tambalan ng grapem at tunog. Kung ang tambalan aysumusunod sa tuntuning ‚Isang tunog isang marka, at isang marka isang tunog‛ (tatawagin natin ang tuntuning ito nai sa-s a- isa), ang ortograpi ay mababaw (‚shallow orthography‛)3 o ortograping malinaw (‚transparent ortography‛). Ang kabilang-dako ay ortograping malalim (‚deep orthography‛) o ortograping malabo (‚opaque orthography‛), at dito, hindi regular ang tumbasan ng grapem at tunog, kayat hindimakakasiguro sa tamang bigkas kung ang titingnan lang ay ang mgaletra at lalapatan ng simpleng tuntuning letra-sa-tunog. Tinatanggap naang mababaw na ortograpi ay nakapagpapadali sa pagbasa at pagsulat.4 Isa sa pinakamalalim na ortograpi ang English5. Maraming tunog saEnglish ang may mahigit sa isang baybay, halimbawa, ang tunog na [k]ay may 12ng baybay.
3 Sumangguni sa Coulmas (1991) at Sproat (2000) tungkol sa mga saligang
konsepto at mga isyo sa ortograpi. 4‚For easy learning, the relation between letters and speech segments should preferably be systematic and transparent.‛ (Noteboom 2007). Sa eksperimento nina Zaretsky, atbp (2009), ibinalita nila: ‚The results indicate that a transparent orthography (Croatian) increases early decoding and encoding skills and theyshow expected correlations between PA [phonological awareness], vocabulary,and early literacy abilities. English speakers did not show these correlations atthe onset of the kindergarten year. We postulate that the nature of the deeporthography requires some instructional time for English-speaking childrenbefore PA and vocabulary will show predictive validity for reading acquisition‛. 5 Bakit ang baybay ay ‚English‛ at hindi ‚Ingles‛? Ang baybay na ‚English‛ ay sumusunod sa tuntunin na baybayin sa orihinal ang mga pangalang pantangi, samantalang ang ‚Ingles‛ ay batay sa kondisyong ‚matagal nang nakagawian‛. May puwang ng di pagkakasundo sa ‚matagal nang‛ samantalang tiyak ang husga kung ang isang pangalan ay gamit na pantangi o hindi. Pinapaboran sa papel na ito ang tuntunin madali at tiyak na maisasakatuparan 3 Tunog Baybay [k] c cat k key ck tack ch chord cc account qu liquor q Iraq cq acquaint cu biscuit que mosque kk trekker kh khan Ang kabaligtarang gawain– ang pagtatambalng titik sa tunog– aymayroon ding komplikasyon. Maraming letra sa English ang maymahigit sa isang basa, halimbawa, <s> at <ss>. Kahit na kilala ng bata angletra, hindi niya kapag daka malalaman kung ano ang bigkas nito. Atdahil walang konsistensi ang tumbasan, mahirap bumuo ng mabisangistratedyi. Kailangang maisaulo na ang nasabing letra sa isang salita aykabilang sa isa sa mga pangkat na may ganito o gayong basa. Baybay Tunog <s>, <ss> [s] song, ask, message, misled [z] scissors, dessert, dissolve, Islam, [ʃ] sugar, tissue, agression, [ʒ] vision, Ø islet, aisle Madaling makita na ang isang malalim na ortograpi, tulad ng English (atFrench), ay may hatid na karagdagang suliranin sa pagbasa at pagsulatna hindi dala ng mababaw na ortograpi, tulad ngItalian at Spanish.Ngayon, malalim o mababaw ba ang ortograping Filipino? Tungo sapagsagot sa tanong na ito, tingnan natin ang ortograpi ng Tagalog. Ang mga Tunog at Titik ng Tagalog Ang Tagalog ay may 21ng tunog at 20ng titik. Ipinakikita sa ibaba ang tambalan ng mga tunog at titik 4 Tunog a b k d e g h i l m n ŋ ‘ o p r s t u w y a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y Titik Paglabag sa ‚isa-sa-isa‛ Sa itaas, makikita anghalos ulirang tambalan ng tunog at titik saTagalog. May ilang paglabag sa tuntuning ‚isa-sa-isa‛. Una, ang tunog naimpit sa lalamunan [‘ ] ay walang katumbas na titik. Sa halip na letra,tuldik na paiwa [ ` ] sa ibabaw ng sinusundang patinig ang ginagamit: [ pilì ], [ hikà ], [ suyò ]. Dahil dito, ipektibong nadagdagan ng lima ang listahan ng marka:< à, è, ì, ò, ù >. Kailangang malaman ng isang batangnag-aaral na ang kinudlitang [à] at ang walang kudlit na [a], halimbawa,ay magkaiba hindi lang sa pagbasa, kundi sa isang paraangnakapagbabago ng kahulugan. Dito ang impit, na isang tunog nasegmental, na dapat sanang isagisag ng isang markang segmental, ayisinasagisag ng tuldik, na isang markang suprasegmental. Nilalabag ngganitong pagmamarka ang isang pundamentong katangian ngulirangortograpi: panatilihin sa isang lebel ng representasyon ang tambalan ngmarka at tunog (Sproat 2000). Sistemng segmental ang Filipino, kayat angmga tunog na segmental ay dapat lapatan ng segmental na marka. Kung ang tunog na impit ay nabigyan o bibigyan ng sariling titik nasegmental, halimbawa ng markang paiwa [ ` ] (bilang ‘titik’ hindi bilangkudlit), kayat ang mga salitang nagtatapos sa impit na tunog ay isusulatna ganito: <pi li` >,<hi ka` > at <suyo` >, lalo pang bababaw ang ortograping Tagalog. Ang tumbasan ng tunog at titik ay tulad nito: Tunog a b k d e g h i l m n ŋ ‘ o p r s t u w y a b k d e g h i l m n ng` o p r s t u w y Titik Sumusunod sa ‚isa-sa-isa‛ Hindi gaanong ‘makaaabala’ sa mata ang paiwa *`+ bilang letrang impit. Sa dulo ng salita lang ito ipakikita. Ang ikalawang pagtaliwas ng ortograpi ng Tagalog sa ulirang ortograpiay ang gamit ng dalawang titik– < n> at<g>– bilang sagisag ng tunog napailong na pangngalangala (‚velar nasal‛)* ŋ+. Kung lalapatan ng isangtitik ang tunog na /ŋ/– gamitin natin ang titik na <ŋ >– ang tumbasan aytulad nito: